webnovel

ROYALEIGH ACRES ACADEMY

Alexis Reine was given an opportunity to study in a British-Inspired school. Sa pagkakaalam niya, isang typical private school lang ang paaralang ito like any other private schools in the country. But, there is more of it. Paano nalang kung malalaman niya na hindi lang isang mere oppurtunity ang pagkakapasok niya sa school kundi nakaplano na talaga ang pagpasok niya doon? Anung school ba talaga ang Royaleigh Acres Academy?

RhuruhandTorieWp · ホラー
レビュー数が足りません
20 Chs

RAA : Stupidly Smart

"Boooggssshh!"

Nagulat si Jairus nang halos umalingawngaw sa buong floor ng building ang tunog ng pagkalabog ng pinto ng Devil Smile Royale Club clubroom.

Sumalubong sa kanyang paningin ang tila nagyeyelong awra ni Stefan, ang tinaguriang alpha at siyang presidente ng Raven Eye Royale Club.

Dirediretso ito sa kinaroroonan niya. May iilang kasama siya sa clubroom pero hindi nakaimik ang mga ito at natulala na lamang sa hindi inaasahang pagdating ng lalaki.

Padabog nitong nilapag ang isang kutsilyong duguan. Nilapitan pa siya nito lalo at sa hindi niya inaasahan ay binigwasan siya nito ng suntok sa mukha. Sapol ang kanyang kaliwang pinsgi at sumirit mula doon ang dugo mula sa sugat na dulot ng kamao nito. Tatayo sana siya pero kinwelyuhan siya nito at pilit na pinanatili sa kinauupuan.

"What is your problem?!"

Angil niya dito at hindi man lang alintana ang hapdi at sakit ng pagkakasuntok.

"Ikaw ba ang nag-utos sa mga tauhan mo para abangan si Reine!"

Hindi mataas ang tono ng pagkakasabi nito pero tila nyibe sa lamig ang pagkakadiin ng bawat salita nito na para bang gustong patigilin ang kahit anumang komosyon sa lugar na kinaroroonan nila.

"What are you talking about?"

Nagmamaang-maangang tanong niya na nakangisi pa. Nagniningning ang mga mata niya sa reaksyon na nasaksihan niya mula sa alpha.

Hinigpitan pa lalo ni Stefan ang pagkakahawak niya sa kwelyo ni Jairus kaya lalong napapadiin sa kinauupuan ang huli. Tatayo sana ang mga tauhan ng presidente ng Devil Smile para awatin ang dalawa pero sinenyasan sila ni Jairus na lumabas at huwag silang pakialaman.

Nagdadalawang-isip pa sana ang mga tauhan ng club president pero binigyan sila nito ng malademonyong titig kaya wala silang nagawa at lumabas nalang sa clubroom.

"Huwag ka ng magmamaangmaangan pa. Kilala ko ang mga lalaking humarang sa kanya. Mga miyembro sila ng club mo."

"Oh, anu naman kung hinarang siya?"

Bumunghalit siya ng isang matunog na halakhak.

"Hey, ano naman ngayon kung hinarang siya? Hindi naman bago ang ganyang pangyayari, hindi ba?"

"But not with my club members!"

Napaarko ang kanyang kilay sa narinig.

"Club member? Yung baguhan na iyon myembro ng club mo? Kailan?"

Based on his resources and informations na nakalap, walang school organization or club na sinalihan ang babae. Lalo tuloy siyang nagiging interesado dito at lalo na sa mga pinapakitang kilos ng Alpha.

"Pakialam mo ba kung kailan? Kapag sinabi kong miyembro ko siya, myembro ko na siya. It doesn't matter kung kailan!"

"Well kailangan mo sigurong magpaskil ng announcement sa buong school para ipakilala siyang club member mo. Baka kapag hindi malaman ng iba iyon ay ibang club naman ang magkakainteres sa kanya. Tulad ng mga members ko, malamang kung alam lang nila I'm sure hindi nila iyon gagawin."

"Bakit mo siya inasinta ng kutsilyo? Malas mo lang at sarili mong tauhan ang natamaan dahil kung nagkataon na nagtagumpay ka, ako ang mismo ang papatay sayo. "

Napataas nalang ang kilay niya at sandaling napatitig kay Stefan. Binigyan niya ang lalaki ng nakakalokong tingin. Ngayon ay nakumpirma na niyang hindi nito alam ang totoo.

"Because I'm bored and you were late."

May halong sarkasmo niyang sabi sabay halakhak. Pabigla siyang binitiwan ni Stefan kaya halos mahulog siya sa kinauupuan. Mabuti nalang mabilis siyang nakakapit sa gilid ng mesa.

"Do it again and I'll kill you!"

Walang lingon likod na lumabas si Stefan sa clubroom. Naiwan naman si Jairus na tila natutuwa pa sa nangyari. Kinuha ng lalaki ang cellphone sa bulsa niya at tinawagan ang vice president.

"Magpatawag ka ng emergency meeting after school hours. Tell all the members that I have important things to announce."

Matapos makausap ang bise presidente ay inaayos niya ang pagkakaupo sa posisyong mas komportable siya. Tatlong sunod-sunod na katok ang kumuha ng kanyang atensyon.

"Pasok!"

Isang club member ang pumasok sa loob. Humahangos ito na tila galing pa sa isang marathon.

"Pres, patay na sila Ewel, Martin, at Bruce. Natagpuan ang kanilang mga bangkay sa abandonadong comfort room ng Junior High Building."

Napatigil siya sa kinauupuan. Ang tatlong nabanggit ay siyang mga inutusan niya na abangan si Alexis Reine.

"Kailan lang?"

"Ngayong umaga lang, Pres. Pero mukhang kagabi pa sila pinatay, base sa initial investigation ng Supreme Student Council."

Ang Supreme Student Council ang nangunguna sa pag-iimbestiga ng mga krimen na nangyayari sa paaralan. Ang council ang tumatayong pulisya sa school samantalang ang school admin ang tumatayong Korte Suprema.

"Paano pinatay?"

"Puno ng hiwa ang kanilang katawan. Halos hindi na nga sila nakikilala sa itsura nila. Na-identify lang sila dahil sa mga ID na suot nila."

Napa-isip siya sa sinabi nito at naalala ang nangyari sa engkwentro ng mga ito at ni Stefan. Naalala niya kung paano hiniwa ang mga palad ng mga ito ng Alpha.

"Pres, anung gagawin natin? Wala pa silang leads kung sino ang gumawa. Wala ding witness. Baka------"

Kinumpas niya ang kamay upang patigilin ito sa pagsasalita. Tumigil naman ito at naghintay sa sasabihin niya.

"Tawagin mo ang Frontsquad. Sabihin mong magdala ng mga gamit."

Matigas na sabi niya habang nakatitig sa kutsilyong iniwan ni Stefan sa lamesa niya. Hindi lohikal isipin na si Alexis Reine ang gumawa ng karumaldumal na krimeng ito. Hindi porke't siya ang sumaksak kay Bruce gamit ang kutsilyong nasa harap niya ay siya na ang pumatay sa tatlong club members.

Kinuha niya ang kutsilyo at napaisip. Isa lang ang naiisip niyang makakagawa ng nasabing pagpatay. Si Stefan, ang alpha at wala ng iba. Bukod kay Alexis Reine, siya lang ang kasalukuyang may galit sa tatlo.

Mga ilang minuto ay nagsidatingan ang kanyang mga miyembro na may kanya-kanyang dalang mga armas at gamit sa pakikipaglaban. Mahigit 20 ang dumating. Nakasuot ang mga ito ng itim na maskara na may guhit ng ngiti ng isang demonyo. Mga mata lamang ang makikita sa mga ito. Inihanda na din niya ang kanyang sarili. Isinuot din ang sariling maskara. Wala siyang ibang hinawakang armas kundi ang kutsilyong iniwan ni Stefan.

"Follow me."

Maawtoridad na sabi niya sa mga tauhan. Sumunod lang ang mga ito sa kanya. Alam na ng mga ito kung ano ang pupuntahan nila. Napapatingin ang ibang mga estudyante ng paaralan na nadadaanan nila habang naglalakad sila sa hallway patungo sa clubroom ng Raven Eye Royale Club. Ang iba'y napapatakbo dahil sa takot at ang mga nakakasalubong nila ay nagmamadaling nag-iiba ng daan para umiwas sa kanila.

/Author: Babaha na kaya ng dugo sa Royaleigh Acres Academy?/