webnovel

ROOM 1 C 10: Unexpected Twist

ROOM 1 : Unexpected Twist

Hindi lang isa, dalawa, tatlo o apat ang manunuod sa iyo.

[Vince]

"Meron bang, mamàmatay sa amin?" Tugon 'ko. 

Hindi 'ko maisip na kahit pala naka survive kami sa kakaibang laro na iyon ay meron pa rin palang mamàmatay.

Pero dahil sinabi n'ya na makalalabas. Meron pa rin sa aking puso ng pag asa. Na 'kung sino man ang makalalabas daw sa laro na iyon ay mabubuhay.

Pero sino bang tànga na maniniwala sa isang mascot na nag sa-sabi ng mga katagang iyon.

Hindi nga namin alam 'kung sino ang makalalabas sa laro na ito.

Hindi din namin alam 'kung anong ibig sabihin ng ibig sabihin niyang makalalabas o mag le-let go na iyon.

"So let's start, so first of all. We will have a voting for whose or who will go first. The viewer's will be given 1 point on 1 roomer's. While us the mastciuters will have a 500 point in 3 roomer's. So let's start"

Napatingin kami ng mabuti sa tv.

Nag glitch ulit ito upang kami ay nakakita ng hanay ng pangalan namin sa pinaka huli naman ay voting count.

Hindi na inaasahan.

Biglaan kaming nakarinig ng isang napakalakas na boses mula sa mascot.

"Be the luck be with you"

Biglaan, unti unting lumaki ang vote 'ko kasama ang iba pang roomer.

Kinakabahan na ako sa tagpong ako na ang pinaka mataas pero napaltan ito ng pag kalma ng makita 'ko na nataasan ako ng boto ni lisa. Kakaiba.

Mas lalong bumaba ang vote 'ko at tumaas na ang kay hyzel na pangalawa na at nanguna parin si lisa.

"Lisa, ok ka lang?" Tugon ni vanessa.

"No, ayaw 'ko, please don't vote me" tugon pa nito.

Ayaw na nga nito dahil nakikita sa kanyang ekspresyon ang kaba, pag kagulat at takot sa kanyang mga mata.

Parang hindi s'ya handa.

Para s'yang mangunguna.

Ngayon sa tagpong ito.

Ganito na ang boto.

#26 - Hazel Reyes [ 12,331 ]

#69 - Cyrus Valdez [ 1, 502 ]

#90 - Jake Razon L. Gordon [ 7,081 ]

#13 - Angel S. Samson [ 4,882 ]

#5 - Alexa Rhian O. Samiento [ 6,642 ]

#80 - Vincent Jacob Del Jesus [ 10,831 ]

#72 - Nadine Taniel [ 2,281 ]

#34 - Lea mendoza [ 4,825 ]

#51 - Vanessa liam Orgarya [ 1,008 ]

#10 - Lisa Maricel Vergara [ 15,909 ]

Ibig pangatlo ako pataas. Ngayon, safe na safe ako.

Lahat lahat na naka boto.

At ang nakakaba sa lahat ay ang reaksyon ni lisa.

Parang alam na kasi n'ya ang mang yayari.

Parang, alam na n'ya na ito ang mang ya-yari.