webnovel

RION aka Jaguar (Complete)

Dollar Viscos, a pyromaniac college student, has a huge crush on Rion Flaviegjo, the SSC President of their University. While she was doing everything to make her presence known to him, Rion was also doing everything to avoid her for many reasons including his traumatic past and secret night job...

Royal_Esbree · 若者
レビュー数が足りません
67 Chs

Sneaky Rion

Dollar's POV

Naki-usyoso 'ko sa mga naglalaro sa Billiards wing, dalawang araw na kasi akong hindi pumapasok sa school dahil sa sugat at pantal ko, wala tuloy akong ibang magawa.

"O taya ko, isangdaan, tangna mo Guste galingan mo!" sigaw ng lalakeng mukhang takas.

Nagkakapustahan na, magsisimula na kasi ang bagong laro. Tiningnan ko ang grupo ni Guste at ang makakalaban niyang si Lito.

Hmn... Mini-mini-mini-mo-si-nong-ma-na-na-lo? Ibalik-ibalik-sa-dating-an...yo? Tss! Nahilo 'ko dun ah. Okay, kay Lito ako, mas mukha siyang madaya eh, malamang siya manalo.

"Kuya Baste, pupusta 'ko!" sigaw ko.

Nagtinginan sa'kin ang mga lalakeng sari-sari na.

"Kanino?"

"Kay Lito, kaso wala 'kong pera eh."

Napailing naman siya, nagtawanan lang ang mga miron.

"Doon ka na tisay, mapapagalitan ako ni Boss Al pag dumating siya." pakamut-kamot na sabi ni Kuya Baste.

"Itataya ko na lang ang titulo ng lupa ng bahay ni Zilv, okay na ba yun?"

Mas lalo namang lumakas ang tawa ng mga lalake. Seryoso ako!

"Sige,sige" sabi na lang niya and gave me his bahala-na-nga-look.

Tiningnan ko si Lito na unang tumira, break shot pa lang may pumasok na sa kaliwang paket. Malaki ang kumpyansa ko na siya ang mananalo, bukod sa totoong magaling, magaling din talagang mandaya ang tropa niya.

At kung matatalo man ako, ba't ko naman ibibigay ang titulo ng lupa ng walang kamalay-malay na may-aring si Zilv? Takot na lang nila kay tatay Zilv, tiklop sila lahat doon.

Sumandal ako sa billiard table na nasa likod at nag-cross arms. Lanjo, Tumatagilid si Lito ah.

Lumingon-lingon ako sa paligid ng bilyaran nang maramdaman kong parang may nakatingin sa'kin. Hmn.... La naman.

Binalik ko ang tingin sa mga naglalaro at nakigulo sa kanila nang manalo si Lito. Ha! Sabi na! Sinahod ko ang kamay ko kay Kuya Baste at binigyan niya 'ko ng... beinte pesos? Hmp! Ayos na din to. Saling-pusa eh.

Lilipat na sana 'ko ng kabilang mesa kung saan may mga nagpupustahan din nang mapatunganga ako nang umikot ako... "Rion?!"

Nakasandal siya sa kaninang sinasandalan ko. Dressed in his jeans and white T-shirt. At naka-bull cap pa. Dang! Sa tangkad at dating niya, mukha siyang modelo. Tama lang ang laki ng T-shirt, hindi fitted pero kung gagalaw siya, mahahalata din ang mga muscles niya. At sa dami ng mga lalakeng nandito, presensya lang ni Rion ang pinakamalakas, para sa'kin. At kahit hindi ako sanay na makita siya sa ganitong lugar na magulo at maingay, okay din siyang ihilera sa ka-angasan ng mga lalake dito. Tsk! Tsk! Adjustable talaga ang kagwapuhan niya kahit saan!

"Rion!!!! Salamat nga pala sa mga regalo mo ha!? Ang gaganda, lage ko ngang----"

"What's in your face?"

Hanla! Panget nga pala 'ko ngayon dahil namumula ang mata ko gawa ng na-irritate, may pantal din ako sa ibaba ng mata! Tinakluban ko ng kamay ko ang kalahati ng mukha ko. Pero nalipat naman ang tingin niya sa sugat sa siko ko.

He has now that questioning look in his handsome face.

"Ah...s i... ano kasi..." Ano nga bang sasabihin ko?

Nadulas ako sa banyo at tumama sa batong buhay na panghilod ang mukha ko? O sa bowl kaya? Nahulog ako sa puno, nauna ang mukha? Hmm...

"Are they because of Vaughn?"

"N-Not really, nakagat kasi kami ng bubuyog..." bulong ko. "Pero bakit mo alam?"

He didn't answer.

"I know you told me to stay away from him, pero sinundan niya kasi ako sa paglalakad, promise hindi ako nagtataksil sa'yo, Rion, at sak-----"

Marahan niyang tinanggal ang kamay kong nakatakip sa mukha ko. Napatungo na lang ako. Ampanget ko! He lifted my face through his one hand and examined the damage. Sa sahig na lang ako tumingin.

"Nagpa-check-up ka na ba?"

"Yup."

Binaba niya ang kamay niya at namulsa.

"Hmm... Bakit ka nga pala nandito?"

He scanned the room first then stared back at me. Teka! Ngayon ko lang siya nakitang pumunta dito ah! Pwera na lang sa basement. Well, hindi ko nga pala siya nakita dati, madilim kasi...

"Tinatanong ni Lolo kung bakit hindi ka pumunta sa bahay kahapon, and obviously, that's why." Hindi siya tumingin sa 'kin nang sinabi niya yun.

Hmn... Bakit naman tatanungin pa ni Lolo eh magka-text lang kami kanina at nasabi ko na din kung bakit. Hindi kaya... Tiningnan ko ulit si Rion, and I sensed a bit uneasiness from him...

"Hahahahaha!"

Napalingon siya sa'kin pati na din ang ilang lalake sa bilyaran.

Hehe! Si Unsmiling Prince talaga, para-paraan! Una, nagdahilan siyang may bagyo, ngayon naman si Lolo ang ginawang dahilan para pumunta dito. Pero di ko muna ipapaalam sa kanya na alam ko na, tingnan natin kung anong sunod na palusot niya. Hehehehe!

"Are you sure okay?" he asked with a frown.

"Oo. Hahaha!" Nakisandal ako sa tabi niya habang ngumingisi pa din. Tiningala ko siya mayamaya. "Gusto mo bang kumain, Rion? Tara order tayo, sagot ko lahat!" Pinakita ko sa kanya ang beinte pesos na hawak ko.

He just chuckled in amusement.

"No, thanks, I'm still full."

"Sigurado ka? Minsan lang akong manlibre."

"Yeah."

"Tara." yaya ko ulit sa kanya.

"No."

"Dahil ba panget ako ngayon?"

Napalingon naman siya sa kadramahan ng kaartehan ko. And I saw him watching me intently, his gaze fell from my eyes to my lips then back again to look to my eyes.

At anong nakita kong kumislap sa mata niya?He cleared his throat at binalik ang tingin sa mga naglalaro. "Nothing's changed."

"Kung ganon, may sugat o wala, normal o hindi, panget talaga 'ko?"

"Silly, of course you're not." He said under his breath.

"You're saying..?" binitin ko ang sinabi ko.

Yeah, I'm fishing for compliment. Pampalubag loob lang ba sa sinapit ko, pampawala ng boredom at pampaganda ng gabi ko. Yeah, say it baby, c'mon. Say that I'm the most beautiful in your eyes!

"That your face still looks... well."

Hanu daw? I pout. Hindi man lang sinabi na maganda pa din ako, hanu ba yun!

"So bakit ka nga ba talaga nandito? Pumunta ka lang yata dito para makita ako eh, uuuuy!" I teased.

"No."

"Weh? No, no, lage na lang no, pero gusto rin naman akow!" kanta ko habang marahang pinipitik-pitik ang matigas niyang braso. FC lang ba.

At ibabaling ko na sana ang paniningin ko sa pinto nang makita ko siyang ngumiti? Pero sandali lang iyon, na-imagine ko lang yata, kaya di ko na pinansin.

"So, kung hindi ako ang dahilan, eh ano? Sino? Sila Moi at Zilv ba? Pupunta ka ba sa basement? Tara hatid na kita." bulong ko sa kanya.

"No."

"Hmp! Puro ka na lang no, kala mo ba hindi ko pa din kayo pinagdududahang tatlo? Sa ngayon, tinigil ko muna, ayos nga na kilala mo na sila. At saka...wala naman siguro kayong ginagawang masama, right?"

Hindi siya sumagot, para ngang may dumaang emosyon sa blankong ekspresyon niya. Hmn... may nasabi ba 'kong masama?

"I'm going, pagaling ka." He gave me one last look then went away.

Nasa pinto na siya nang bilyaran nang abutan ko siya.

"Galit ka ba?"

"No."

No na naman!

"Okay, so mahal mo 'ko?"

Napatigil siya sa paglalakad.

"Yes."

.....

"Hahahaha! Joker ka na talaga, tine-testing ko lang naman kung mababago ang 'No syndrome' mo. J-ino-joke mo na naman ako. Sige, ingat ka ha."

He became still for a while then just nodded.

Nakita ko mula sa salamin ng restaurant na sumakay na siya ng kotse niya. I waved him goodbye and flew him kisses...

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Please vote if you think it's deserving. Lots of love!

Royal_Esbreecreators' thoughts