webnovel

Revenge To My Ex Lover (Tagalog)

"Revenge" Ayan ang nasa puso at isip ni Aaron matapos ang ilang taon na pamamalagi sa ibang bansa. Bumalik sya para sa babaeng kinamumuhian nya at minahal nya ng higit pa sa buhay nya, ang kanyang ex-girlfriend na si Valerie Fuentebella. Ang unica hija ni Don Carlos Fuentebella na siyang pumatay sa kanyang mahal na ina at sa pagbabalik ni Aaron ay tila ba bumaliktad ang mundo nila. Yung dating mayaman at makapangyarihang pamilya, ngayon ay lubog na sa pagkakautang. Lingid sa kaalaman ng pamilya na si Aaron ang kanilang taga pautang. Gamit ang pagkakautang na iyon ng pamilya ay ang hiningi nitong kabayaran ay ang pinaka kayamanan ng mga Fuentebella na si Valerie. Pakakasalan niya ito para tuluyang maangkin at pagbayarin sa lahat ng mga kasalanan ng pamilya nito. Love is very dangerous. When you fall in love , you will endup hurting yourself in the end. Ano ang mas matimbang sa huli, ang paghihiganti o ang pagmamahal nya para kay Valerie? Na pilit na pinagtatakpan ng matinding galit nito sa dalaga at sa pamilya nito.

midnightlover88 · 都市
レビュー数が足りません
20 Chs

Chapter 10: Finally you are mine

Nakalapit na pala ito sa kanya ng hindi niya namalayan.

Hinawakan nito ang kanyang mga kamay. Ibinigay nito sa kanya ang dala nito na flower bouquet.

"Mrs. Anderson, are you hungry?

Dahil ako kaninang kanina pang gutom na gutom dahil sa'yo!"

Ngumisi ito na tila bang may ibang kahulugan iyon.

"Why are you so beautiful tonight? Huh!" Wika nito habang nakahawak ang mga kamay sa bewang niya at nakaharap naman siya rito.

Napalunok siya ng wala pa rin lumalabas na kahit anong salita' mula sa sarili niyang bibig.

"Good evening, Mr. & Mrs. Anderson.

Your dinner is now ready. Enjoy!"

Binitawan siya nito at itinaas ang kanang kamay sa dalawang waiter na naroroon. Hudyat na maayos na ang lahat at makakalabas na ang mga iyon.

"Thank You!" Nagpasalamat at ngumiti siya sa mga iyon. Yun pa lang ang tanging salitang lumabas sa bibig niya simula ng dumating ito.

"Mabuti pa sila, pinasalamatan at nginitian mo?" Madilim ang mukha nitong sinabe iyon.

"Halika na at kumain na tayo!" Aya niya rito.

Akmang lalagyan niya ng pagkain ang plato nito.

Bigla na lang hinablot nito ang kanyang kamay at isinandal siya nito malapit sa rooftop. Walang pakundangang siniil siya nito ng mga halik na parang gutom na gutom iyon.

Amoy na amoy pa rin niya ang gamit nitong pabango na kahit maghapon na itong nasa opisina. Tila ba hindi nauubos ang mabangong amoy nito. "Aaron!" Hinihingal siya habang binabanggit ang pangalan nito.

"Alam kung gutom kana' kaya kumain na tayo."

"Babe, ang gutom kaya kong tiisin pero ang pagkagutom ko dahil sa'yo ay hindi ko kayang pigilan. Pwede ba ikaw na lang ang kainin ko?" Pilyong nginitian siya nito dahilan para mamula ang kanyang dalawang pisnge.

"Ano bang kalokohan ito? Aaron, huh!"

Halo-halo ang emosyon' na nararamdaman niya' dahil hindi niya alam' kung ano ang tunay na tumatakbo sa puso at isip nito.

"Valerie! I did all of this just for you. But you don't even appreciate it!"

Natutuwa naman siya sa ginawa nitong effort pero natatakot siyang ipakita ito dahil alam niya kung ano ang tunay na motibo nito sa kanya.

Nagtagis ang mga bagang nito at biglang nagbago ang aura sa isang iglap. Hinawakan nito ang kanyang panga at pagkatapos ay pinaliyad siya nito sa rooftop. "Aaron, let me go!"

Baka mahulog ako sa ginagawa mo!" Abot abot ang kaba na namumuo sa dibdib niya habang nasa ganon pa rin siyang senaryo.

"Babe! Don't worry! Kung mahuhulog ka' sisiguradohin kung sa akin parin ang bagsak mo."

Pagkatapos sabihin iyon ay kaagad siya nito hinila pataas. Madilim pa rin ang mukha nitong binitawan siya. Nanginginig ang mga tuhod niya at bumuhos ang mga luha niya dahil sa takot. Sa taas nitong rooftop ay sigurado hindi na siya mabubuhay pa kung mahulog siya roon.

"Papatayin mo ba ako?", Wika niya at nanginginig parin sa takot.

"Hindi pa sa ngayon!" Madiin nitong sinabe.

Kumuha ito ng red wine at isinalin sa dalawang baso. Ang isa ibinigay nito sa kanya.

" Let's celebrate our wedding day now!

Cheers! Finally, you are mine now."

Lumagok siya ng bahagya sa binigay nito na red wine. Pero wala parin siya maapuhap na kahit anong salita. Dahil ang pakiramdam niya ay balot parin siya ng takot mula sa nangyare kanina. Nilapitan niya ito' at hinawakan ang kanyang pisnge. "You know what Valerie!

Pag tinitingnan kita ay namamangha ako. Hindi lang dahil sa kagandahan mo, kundi natupad ko na ang matagal ko nang pangarap. You are everything that I have ever dreamed of." Buong puso nitong sinabe iyon at naramdaman niya habang hawak nito ang kanyang pisnge.

Sa pagkakataong iyon ay muling bumuhos ang kanyang mga luha. Hinawakan rin niya ang pisnge nito.

"Aaron, I'm really sorry! Dahil sa akin kaya ka nagdurusa at nahihirapan ng ganito. Dahil sa pangarap mo na iyon."

Hindi ito sumagot. Kinuha nito ang kamay niya. Hinalikan iyon hanggang ang mga halik nito ay napunta na sa kanyang mga labi. Namalayan niya na lang na sumasagot na pala siya sa mga halik nito. Sa pagkakataong iyon ay nalasahan nilang pareho ang red wine na ininom nila.