webnovel

Dalawa sila

Heidi's POV

6/10/19

Nakarating na kami sa arcade ng mga 4 pm tsaka nagsimulang maglaro. Ako syempre sa tekken ako didiretso at uupo magdamag kasi yun lang naman ang hilig ko dito pero ang gunggong na Rain na yon ay hinatak ako sa kabilang parte ng shop at inayang mag laro ng darts which i assume is kung saan siya magaling 🙄 "Rain lintek ka gusto ko lang mag tekken ano ka ba?!" medyo gigil na sambit ko sakanya "I'll tell you something about me everytime na mapuputok mo yung lobo na nasa pinakagitna then vice versa interesting right?" pag aalok niya sakin, sige aminin ko na medyo na tetempt ako kasi chismosa ako at para masagot ko naman yung mga katunangan sa isip ko noh! "game first to five matalo manglilibre ng food" panghahamon ko sakanya kahit alam ko na wala akong laban HAHAHA "tapang mo ah sige" pang aasar niya.

Unang umamba si Rain at halata mo naman na marunong talaga siya while ako tsatsamba tsamba lang dito! tuluyan nang hinagis ni Rain yung dart na agad pumutok sa lobo, Patay. "Okay first question" sabay abot sakin nung dart kaya medyo tsinempo ko na talaga at focus na focus ako nang magtanong siya "Gusto mo ba talagang makatuluyan si Josiah?" napaisip ako sa sinasabi niya, oo syempre kasi gusto ko si Josiah eh pero parang kumikirot yung puso ko? tila may sinasabing ibang tao na laman ng damdamin ko? JOKE! ANG JEJE KO NA AH. Syempre I still like Aiden pero na turn off na ako sa ugali niya and di na ako mArUpOkZ "Oo ofcourse gusto ko siya eh" sagot tsaka sinubukang tamaan yung lobo pero waley talaga jusko :// "Sinungaling toh" seryosong sabi niya "my turn" tsaka confident na inamabahan at tinamaan yung lobo ULIT strike 2 na toh ah

:(( "Sino si Aiden" diretsong tanong niya sa akin na ikinagulat ko "pano mo siya nakilala?" nagtatakang tanong ko "secret you first" madiin na sabi niya, gosh hayp to talaga bat ba ako pumayag dito mapapagastos na ako mapapakwento pa ako ng mgakatangahan ko hays.

"Si Aiden, gusto ko siya dati pero hindi na ngayon wala naman akong napala sakanya kundi sakit sa puso" seryosong sabi ko tsaka inambahan yung board sa harap ko "Ah that's why" sabi ni Rain, binato ko na yung dart at sakto naman na tinaman nito yung lobo!NAPASIGAW ako ng malakas ng malakas! yes! putek may points na din ako! "Pano mo nalaman yung kay Aiden?" balik kong tanong sakanya habang umaamba na ulit siya para sa pangatlo niyang tira "This days, I have been seeing distant memories from you" pagsisimula niya "Nakita ko yung memory niyo ni Josiah, yung unang time na nagkakilala kayo, yung time na naging crush mo siya nung grade 8 kayo. Hindi ko alam pero biglang nagflashback yung memory mo noong makita ko si Josiah and then ngayon, habang nagkwekwento ka kanina sa park about sakanya nakita ko naman yung memory na kilig na kilig kang nagkwekwento sa iba about kay Aiden pero blurred at malabo pati yung pagsasalita mo, parang nag fafade na nga ganun" pagpapaliwanag niya. So ibig sabihin may mga bumabalik akong memorya na nakikita niya? pero yung kay Aiden nagfafade? Bakit? dahil sinaktan niya ako?o kaya niloko? "bat hindi mo sinasabi sakin eh personal yan?" giit ko sakanya "kasi hindi ko pa alam yung meaning nila" sabi niya sabay abot nung dart sa akin "sa susunod ah inform mo ako kapag may nakita ka ulit na memory" ibabato ko na sana yung dart nang may nagsalita sa likod namin "Ken? ngayon na lang ulit kita nakita ah" bati nung matandang lalaki sakanya, teka Ken? sino si Ken? "pasensya na po pero mukhang nagkakamali kayo ng tao, hindi po ako si Ken" dirediretsong sabi ni Rain dun sa lalaki na tinignan lang siya tsaka umalis na "may kambal ka ata?" curious na tanong ko "wala halika na next time na lang natin ituloy"

"Heidi dalawa ba puso mo?" tanong ni Rain sakin habang naglalakad kami pauwi "tanga malamang hindi" angal ko naman sakanya "then bakit gusto mo si Josiah at Aiden ngayon, di ka pa nga makapili" seryosong tugon niya. Actually una ko nagustuhan si Aiden talaga, he showed interest in me first which i adored pero hanggang una lang pala yon kaya nadisappoint lang ako :<< si Josiah naman ay parang crush ko pa lang noon kasi humahanga ako sa galing niya at talino tsaka seryoso sa pag aaral kaya hindi ako pinapansin amp "Hindi ko din alam eh, pero hindi dalawa ang puso ko, isa lang talaga ang nagugustuhan ko kumbaga siya yung top 1 sa buhay ko pero madali din nakukuha yung interes ko ng ibang tao, pero hindi ko naman sila nagugustuhan agad katulad nung isa, it takes time" pagpapaliwanag ko sakanya "that's because you're not commited enough" huminto siya sa paglalakad kaya huminto din ako "huh? ano ako playgirl?" asar na tanong ko "maybe? pero tandaan mo isa lang ang taong dapat nagugustuhan mo yung taong nakakakuha ng interes mo, you cant have them both at the same time not now not ever"