webnovel

Chapter 1:TENSYON NA PAGKIKITA

Humahangos na papasok si Mildred kase tatlong minuto na lang ang natitira at malalate na siya sa opening shift... "Oop's!!! Miss sandali,, kelangan ko macheck ang bag mo,".. sita sa kanya ng guwardiya na babae. Hindi siya pinansin ni Mildred at sa halip tuloy-tuloy siya sa kanyang locker sabay hagis ng bag na nakalimutan na niya ilock at dali-dali na siya dumeretso sa chronolog para magpunch-in. "Shit!!! Nakakainis talaga traffic na yan,, muntik na naman ako malate.." wika ni Mildred sa sarili.

Limang hakbang bago makarating sa chronolog may mabibigat na hakbang ang paparating na animoy nagmamadali sabay may mataas na boses ang nagpintig sa tenga ni Mildred. Boses na may galit at waring gigil na gigil at hanggang sa tinawag na nga siya ng boses na iyon. "Miss!!! bumalik ka dito.. bastos ka ah?? Nilampasan mo lang ako sa frisking area. Dire-diretso ka na hindi ka nagpapacheck ng bag mo. Alam mo ba na bawal un at asa rules na kelangan ifrisking ang empleyado bago pumasok sa selling area???!!!!!....Gagawan mo pa ako ng problema".. inis na wika ng gwardiya na babae.

Dahan-dahan lumingon si Mildred na aminado sa sarili na mali ang ginawa niya. "Sorry po".. wika ni Mildred na habang nagsasalita ay itinatali niya ang kanyang buhok na hindi na niya nagawang suklayin sa pagmamadali. Matapos nya itali ang buhok niya ay dumeretso siya ng tingin sa gwardiya na babae...