webnovel

Ten

Pinili kong maging habang nagka-klase, pinilit kong maging okay ang lahat even if I am in pain inside. Hindi ko na din nagawang lingunin pa si Liam na alam kong nakatanaw saakin sa likod. Paglabas ko ng school ay bigo kong inilabas ang aking phone upang maaliw sa musika.

Hindi ko rin inalintana ang dami ng estudyanteng nakakakita saakin habang naglalakad. Hindi ko na alam kung saan pa ba ako kumukuha ng lakas ng loob upang ihakbang ang aking mga paa hanggang sa tuluyan ng itong bumigay. Napaupo ako sa daan, naging blur ang paligid ko at mapaklang ngumiti ng makita ko siyang nasa tapat ko.

Tinutulungan akong tumayo… Tinitigan ko siya ng may blankong emosyon sa mukha ko habang patuloy na dumadaloy ang luha saaking mga mata.

Tama nga siya, we are hurting each other.

Tiningnan ko lang ang kamay niyang nakalahad at mag-isang tumayo. "I'm sorry." Huling bigkas niya at wala akong sali-salitang iniwanan siyang mag-isang nakatayo doon.

Sa huling pagkakataon ay sinulyapan ko ito at nakita ko siyang nakatalikod na saakin. Mas lalo akong napaiyak sa nakikita ko at kusa na lamang humakbang ang aking mga paa pabalik sakanya.

Hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang kamay.

"Can we disregard what happen Liam? Pwede bang-" bigla niyang tinanggal ang kamay kong nakahawak sakanya. Natulala ako.

"We can't." Naiwan akong mag-isa, naiwan na naman ako.

Tulala akong pinagmasdan siyang tuluyan ng naglalaho sa paningin ko. If I can just go back the time.

-Flashback-

Ilang beses akong napatulala sa mga sinasabi ng mga kaklase ko about sakanya, ilang beses kong tiniis ang aking sarili para iwasan siya, pero hindi nangyare.

Masigla ko siyang kinalabit sakanyang upuan habang nakayuko parin ito.

"Liam, Liam, Liam." Paulit-ulit na tawag ko ng pangalan niya. Hindi parin niya ako pinapansin.

"Liam, Liam, Liam." Pangungulit ko ulit at tuluyan na akong napangiti ng makita ko siyang inis na inis na tumigin saakin.

"ANO BA! KANINA KA PA, HINDI MO BA NAKIKITANG NATUTULOG YUNG TAO?" Nanlaki ang mata ko sa pagsigaw niya, maging ang aming guro ay nagulat sa inakto niya.

"Kayo…" sabay kaming napalingon sa pagtawag saamin ng aming guro.

"Sa labas, walang babalik ng klase hanggat hindi niyo natatapos kabisaduhin ang 1-1000 habang nakataas ang kamay." Irritable siyang tumingin saakin at galit na umalis sa klase, bigo naman akong sumunod sakanya.

Magkatapat kaming dalawa habang nakataas ang kamay, sabay rin kaming nagbibilang.

"Pst." Tawag ko ng pansin niya.

"Pssst." Tawag ko ulit. Tumigil na siya sa pagbibilang at masama na naman akong tiningnan.

"P-Pwede bang makipag-kaibigan?" alok ko sakanya habang may malawak na ngiti. Tiningnan niya lang ako at nagbilang ulit.

"Pwede ba?"

"Bakit ba ang kulit kulit mo? Ayoko nga, diba? At hindi ka ba natatakot saakin?" Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"Bakit? Ano namang katakot takot sayo?" Natigilan siya sa sinabi ko at napayuko.

"Na mamamatay  tao ang tatay ko." Bigo niyang sambit ko.

"Ano naman?" Kaagad kong nakuha ang mga mata niya na animoy nagtataka siya sa sinabi ko.

"H-Hindi naman ikaw may kasalanan, at ikaw baa ng pumapatay? Ikaw kaya pinaka-gwapo sa klase natin." Ngumiti ako ng malapad sa harap niya.

"And you look like an angel to me, don't worry." Hindi padin niya inaalis saakin ang kanyang tingin kaya hindi rin ako tumigil sa pagngiti.

"Diba sinabi ko na sainyo na magbilang kayong dalawa." Nagtinginan kaming dalawa ni Liam at sabay na napahalakhak habang patuloy kaming pinapagalitan ni Ma'am.

That's when we started getting close, sana natatandaan mo.

-End of Flashback-

Pagod kong sinarado ang pinto ng apartment, wala pa si Lovely. Tinanggal ko ang headset na nakakabit saaking tenga at bigong humiga sa kamang iyon.

Ipinatong ko ang aking braso sa aking noo at pilit na tinakpan ang aking namumugtong mga mata at hanggang ngayon hindi padin tumitigil ang luha ko sa pagtulo.

Tama ba talaga ang ginawa ko? Kaya ko ba talagang makita ka araw-araw kahit pinagtatabuyan mo na ako?

Ipinikit ko ang aking mga mata para kahit papaano ay maisawalang bahala ko ang mga nasa isip ko ngunit kaagad rin akong napabangon ng bigla akong makarinig ng malakas na parang may nabasag.

And I see him, crying in front me habang umaagos ang dugo sa kanyang kamay.

At bigla din itong naglaho sa paningin ko. First I am dreaming and now this, I am seeing him now.

Bigla akong napahagulhol at mahigpit na niyakap ang kakarating lang na si Lovely. Pati siya ay napaiyak na din dahil sa pagiyak ko at wala akong ginawa kundi ang sumama sakanya sa Hospital. She is really worried about me.