webnovel

Eleven

Eleven

"Ms. Billy Christia Corpuz" kaagad na napatayo sa tabi ko si Lovely at nagtungo sa Doctor, bumalik ito sa pwesto ko at inalalayan niya akong tumayo. Naupo ako sa harap ng Doctor.

Seryoso niyang inilipat lipat ang mga tingin niya saaming dalawa.

"Nakaranas ka ba ng Trauma?" Biglang nanginig ang kamay ko dahil sa sinabi niya. "Do you want to make me a schedule for you? Kailan ka ba pwede?" Bigla akong napakapit sa kamay ni Lovely at kinabahan sa mga sasabihin niya.

"B-Bakit Doc ano po ba ang findings niyo sakanya" naramdaman ko ang pagdiin ng kamay ni Lovely saakin.

Huminga ng malalim ang doctor at seryosong tumingin saakin.

"Ms. Billy, as of now you really need a medication and consultation emotionally, you are suffering from PTSD which is commonly known as Post Traumatic Stress Disorder." Natulala ako sa sinabi niya.

"You should limit yourself from the people and things na nagbibigay ng stress saiyo." Napalunok ako. Sunod na kinausap ni Doc ay si Lovely na hindi ko alam kung ano ang reaksyon.

"Magkasma ba kayo sa bahay?"

"O-opo." Sagot nito

"Just please make sure na hindi siya nag-iisa. May ibibigay akong medication saknya, please monitor na sana palagi niya lang iniinom ito at most especially kapag may nakikitang kakaiba sakanya. Youre friend badly need you right now."

Kahit hindi niya sabihin at kahit na itinago niya, alam kong sa likod ko ay nakatago ang bawat luha niya.

~*~

Tahimik akong nahiga sa aming kama habang naramdaman kong kinukumutan ako ni Lovely.

"Are you sure na okay kana?" Seryosong tanong niya saakin.

Tipid akong ngumiti. "Ou. Dont worry." Tumalikod ako sakanya para magtago.

Maya maya ay tumabi na din ito sa tabi ko at mahigpit akong niyakap.

"No matter what happens, I'm always here for you, open ako for all your problems. Magsabi ka lang." Napangiti ako at humarap sakanya.

"Soon, sasabihin ko din sayo ang lahat." Ngumiti din siya saakin.

"Promise yan ah." Aniya.

Natulog kaming dalawa ng magkayakap and everything turn out well that night. Kahit na alam kong sa paggising ko ay panibagong pighati na naman ang naka-abang saakin.

Kinuha ni Love ang phone ko at tinext ang aking pinagtatrabahuan, na hindi na muna ako makakapasok.

Matapos nun ay bumalik kami sa pagtulog, hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. Sandali akong ngumiti at ipinikit na ulit ang aking mga mata.

Tanghali na kami nagising kinaumagahan, si Love ang naghanda ng aming almusal at ako naman ay naghahanda na sa maagang pagpasok.

"Maaga class mo?" Tanong niya saakin.

"1 pa."

Lumabas na ako ng aming kwarto habang nasa ulo ko pa ang tualya.

"B-bakit ang aga mo?"

"Sa Library ako, aaralin ko mga pinagaralan kahapon. Alam mo naman, we cant let our guard down, for scholarship." Naupo na ako sa harap niya at tinulungan siyang maghain.

Tanging tunog lamang ng kutsalya ang maririnig mo saamin habang kumakain, ako na ang naglinis ng pinagkainan dahil maghahanda na din ito. Maaga ang pasok niya kaysa saakin kaya sasabay na lamang ako sakanya patungong school.

Tuluyan na kaming naghiwalay, mabilis akong nagtungo sa Library na kokonti pa lamang ang tao ng dumating ako, kumuha ako ng mga related na books sa mga subject namin at binasa isa-isa iyon.

Nararamdaman ko na din na habang patagal ng patagal ang oras ay dumadami na din ang mga estudyante. Tahimik akong napasulyap sa malaking orasan na naruon at dahan dahang nagligpit.

Nakaka-ramdam na naman ako ng antok. Tuluyan na akong lumabas sa library at nagtungo sa pinakamalapit na Vending Machine upang bumili ng maiinom.

Naupo ako sa harap nito at mapaklang napangiti ng makita ko ang Tarpaulin niyang nakakabit sa Vending Machine na iyon at hindi ko namalayang nilalamon na naman ako ng oras dahil sa kakatitig sakanya.

"Your future will be yours" Liam Dwayne Perez.

He is smiling brightly here, I wish I could do that too.

Tamad akong umalis sa lugar na iyon at nagtungo na saaming susunod na klase, nakasalubong ko na din si Lovely na may malawak na ngiti sakanyang labi.

"Kamusta pagaaral?" Tanong niya kaagad saakin.

"Uhmm, okay naman." Sagot ko.

Magkatabi kaming umupo sa bandang likuran, at hindi ko pinansin ang alam kong kakapasok lang na si Liam.

Nagkunware akong nagsusulat para hindi ko magawang sulyapan siya, sinubukan ko ang lahat para lamang itong puso ko ay hindi manabik sa mga mata niya.

Nasa kalagitnaan na kami ng discussion ng bigla akong sikuhin ni Love.

"Okay ka lang." Itinaas ko ang aking kilay bilang pagsang ayon.

"Tahimik mo kasi..." itinuro niya pa ang ballpen kong nasa bibig ko na naman.

"Tsaka yung habbit mo na naman." Tipid akong ngumiti sakanya at hindi na ulit nagsalita.

Maya-maya ay bigla kaming natahimik ng may biglang pumasok sa klase, ito ang Dean namin.

"Good Day, 3rd year" bati nito saamin.

"This 3:00 pm, all your schedule subject will be postponed because you will be having a Seminar in our Auditoriom. So please be there, attendance is a must." matapos nun ay umalis na ito.

Biglang nag-ngitian ang aming mga kaklase dahil sa balita ngunit kaagad na akong nagligpit ng mga gamit.

"Saan ka?" Tanong ni Love saakin.

"Papahangin lang." Nagligpit na din siya ng kanyang gamit at sumunod saakin.

"Ako din."

Pareho kaming nahiga sa malawak na grass field sa school habang natatabunan ng puno.

Nagpakawala ako ng malalim na paghinga.

"Did you think Love, tama ang desisyon kong lumipat dito?" Wala sa loob na tanong ko sakanya.

"Why? Bakit mo natanong?" Binigyan ko siya ng blankong ekspresyon at tumingin sa kulay asul na kalangitan.

"Wala lang, napapaisip lang ako."

Sumeryoso ang tingin niya saakin. "Now that you say that, maalala ko dahil nga pala sa isang lalaki kaya ka lumipat dito, hindi ba? Dahil sa paulit-ulit na panaginip na iyon?" Hindi ako nakapag salita.

May kinuha siyang poster sa libro niya at tinitigan iyon.

"Is that Liam? Liam Dwayne Perez?" Nagtama ang mata naming dalawa.

"K-Kaya ba parang ang lungkot lungkot ng mga mata niyo kapag nakikita ko kayo?"

Ibinigay niya saakin ang poster na hawak niya. It's Liam, katulad ito ng poster na nasa Vending Machine.

"What exactly happen between the two of you?"