webnovel

Reason To Stay [MR Series #4] (Taglish)

MysteryRomance#4 Xyria Haimeni Melendes and Veil Ace Gomez are friend's. They are known each other because of the party. Well, then. Veil is a heart broken man and he can't move on to his first love. He's always drunk at night and go home at the middle of the night. Sometimes he's actually want to suicide because of his first love. He got mad at her but he's still loving her. One time. Xyria Haimeni. Are joyful and careless girl found his friend in the bar. Are the two friends are going to a lovers? You'll see it soon.

ItsMeJulie · 歴史
レビュー数が足りません
41 Chs

Chapter 9

Bwisit akong nagising nang dahil sa alarm at pinatay ito. Hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi ni Veil sa akin.

"Just kidding, don't waist your life Xyria." Seryosong sambit nya at umirap na lang ako. Nahihilo na ako kaka irap at gustong panindigan ang sinabi ko.

"Hindi ko sasayangin ang buhay ko, nabuhay ako para dito. Wag kang mangielam sa desisyon ko," Inis na sambit ko at lumabas na nang unit nya.

Napabuntong hininga ako nang maalala ko iyon at bumangon na lang. Bakit naman ako makikinig sa kanya, because I'm his friend? Paano naman yung gusto ko?

Hindi na ako naligo at nag bihis nalang agad nang sports bra at leggings. Pupunta nang gym malapit kina Nicole kaya naman nagbaon na din ako ng can at tubig bago bumaba sa elevator.

Magsasara na sana nang may humarang sa gitna nang pinto at pumasok ito. Hindi ko sya kinibo at alam kong naka tingin sya sa akin at parang gusto ako kausapin.

"Xy-"

"Stop. Hinding hindi mo na ako pwedeng pakielaman ulit sa gusto ko, naiintindihan mo?" Seryosong sambit ko at tiningnan sya. Masama nya akong tiningnan kaya ganoon din ang ginawa ko sa kanya.

Tumagal pa iyon at nang nakababa na kami ng Ground Floor ay bumuntong hininga ito bago ako tingnan saglit.

"Fine." Dumaan ang sakit sa mata nito bago ako iwan mag isa. Inirapan ko na lang ang hangin bago lumabas.

Hindi ko na sya nakita ka agad kaya naman dumeretso na ako sa sasakyan ko para maka alis.

***

Hingal na hingal ako at puno na nang pawis ako katawan ko matapos mag exercise. Kakaunti ang tao at halos kilala ko ang lahat.

"Water?" Tanong ni Ken at inabot ang tubig nya at halatang bago pa.

"Hindi na, may baon ako." Pagtanggi ko matapos ay uminom ng tubig doon at pinunasan ang pawis ko gamit ang bimpo na dala ko.

"Pinapasabay ka nga pala sa akin ni Nicole, sabay na tayo?" Tanong nito at tumabi sa akin kaya naman lumayo ako nang kaunti.

"May sasakyan ako, mauna na ako ha. Ingat na lang din." Nakaka concious dahil naghubad pa sya sa harap ko kaya naman dali dali ko nang kinuha ang gamit ko bago bumalik nang sasakyan.

Chineck ko muna ang bag ko kung may baon akong damit dahil nakalimutan kong magdala ngunit nang wala ay napapadyak nalang ako sa inis.

"Bullsh*t!" Hinihingal pa rin na sabi ko bago mag drive.

***

"Nicole," Pagtawag ko agad sa kanya nang pagbuksan nya ako nang pinto nila.

"Oh Xyria! Buti naman at dumating kana" Tiningnan nya ang suot ko at na concious naman ako doon.

"Wala akong dalang damit, pahiram muna." Tumango naman ito at iniutos na sa mga katulong nila.

"Asan ang iba?" Paghahanap ko.

"Wala pa ang iba, 7 am pa lang naman. Umupo ka at mukhang galing ka sa gym" Tumango ako at umupo sa sofa nilang malambot.

Parang doon ko lang naramdaman ang pagod ko at unti unti na rin sumasakit ang katawan ko. Hinayaan ko na lang na hindi mapasandal ang likod ko sa sofa nila dahil amoy pawis pa ako.

"Salamat po," Nang inabot sa akin. Nagbihis na din ako ka agad at nag ayos para hindi mag mukhang haggard ang itsura ko. Polbo lamang ang naidala ko na gamit kaya naman pinolbohan ko ang katawan at mukha ko matapos lumabas.

"Bagay na bagay sayo ang damit ko noon," Nagtaka akong napatingin sa kanya. "Lumiit na sa akin dahil lumolobo na ang tyan ko," Dagdag nito.

Nanlaki ang mata ko sa gulat nang makita ang baby bump nya. Hindi ko masyado napansin at naka dress ito above the knee na kulay pink at maluwag iyon sa katawan nya.

"Ilang months?" Biglaan na tanong ko sa kanya.

Ngumiti ito bago sinagot ang tanong ko. "Going 5 in May" Sagot nya habang hinahawakan ang tyan nya nang may ngiti sa labi.

Namamangha ko syang tiningnan nang bumaba si Scott sa hagdan at agad nilapitan nang asawa at hinalikan ang tiyan nito.

"Good morning baby, wag kang pasaway dyan ha at wag mong papahirapan si Mommy," Halos mapa irap ako sa ka sweetan nang dalawa habang pinapanood sila.

Naka tayo si Nicole habang nakaluhod naman si Scott dito at kinakausap ang magiging pangalawa nilang anak sa tyan nya.

Nakarinig ako nang mga door bell kaya dali dali ang mga katulong na lumabas.

"They are here," Sambit ko at hindi dinama ang gutom bago ako lumabas ulit.