webnovel

RANDOM STORIES

Real_Story_4626 · 現実
レビュー数が足りません
38 Chs

Inggitero/a

Nakakalungkot isipin na ang daming nahuhulog sa bangin ng inggit. Hindi naman ako tanga para sabihin na hindi ako naiinggit. Inaamin ko din naman sa sarili ko na naiinggit din ako! Na may nasasabing di maganda sa kapwa o sama ng loob. Pero nako control ko ang sarili ko sa mga ganung bagay kasi nakikita ko na mali ang asal ko sa iba.

Maraming nagsasabi na tao na masaya sila pero ang totoo ay tinatago lang nila iyon. Lalo na ang iba dyan feeling concern pero ang totoo sila mismo ang hihila sa inyo pababa, gusto nila sila ang bida kaya kahit anong angat ang gawin mo sila ang pipigil nito.

Bakit ba kasi may inggit? Kasi kinukumpara natin ang sarili natin na kung anong meron sa kanila at wala sa atin. Iwasan natin ang paguugaling ganyan dahil mas pinatutunayan mo na wala kang kakayanan kumpara sa kanila.

Nakakalungkot lang na ang ibang tao ay masaya dahil natatapakan nila ang ibang tao. Tandaan mo hindi mo kailangan manira o mang apak ng ibang tao para lang maging masaya ka. Maging masaya ka para sa kanila kung ano ang meron sila, yun matatawag mong ugaling  makatotoo.

Huwag natin hayaan na lamunin tayo ng inggit dahil hindi mo kayang hanapin sa tao o sa bagay ang kukumpleto sayo.