webnovel

Kabanata 6

Pag-gising ni Samuel sa umaga, kaagad siyang lumabas sa kweba. Naghugas ng mukha sa malamig na ilog at nagmumug. Gusto niyang linisan ang kaniyang bunganga pero walang tutpeyst at sipilyo. Ang ginagamit ng mga tao panlinis sa kanilang bunganga sa lugar na 'to ay kamy, o kaya'y tela, na ipapahid sa kanilang ngipin. Magtitiis muna siya sa ngayon, dadating din ang araw na makakagawa sila ng gamit panlinis sa katawan.

Pagtayo niya, nakita niya ang mga sundalong tumatakbo kabilang banda ng ilog, na pinapangunahan ni Ardes. Pawis na pawis sila ang ilan ay parang matutumba na dahil sa matinding pagod.

Napangiti siya, hindi niya na kailangan sabihan ang heneral kung saan at kailan uumpisahan ang pagsasanay. Nagkusa ito kasi kailangan, ganitong mga tao ang kailangan niya. Kikilos kahit hindi niya sinasabihan. Nakita siya ng mga sundalo, may pagkalito sa kanilang mukha.

Huminto si Ardes, gano'n din ang mga lalaki sa likod nito.

"Magandang umaga Prinsepi Samuel." Pagbati nila sabay-sabay.

"Magandang umaga rin, ipagpatuloy niyo lang ang ginagawa niyo. Ako nang bahala sa kakainin niyo mamaya."

May pagtutol sa mukha ng mga kawal, ngayon lang nila narinig na pagsilbihan sila isang maharlika.

"Prinsepi Samuel, 'wag niyo na kaming alalahanin, manghuhuli kami ng isda mamaya." ani Ardes. Sinangayunan kaagad 'yon ng ibang kawal.

"Nanginginig na nga 'yang mga tuhod niyo. 'Wag kayong mag alala, magpapatulong naman ako sa mga kababaihan. Ano pang tinatayo tayo niyo diyan! Mag sanay na kayo!" Pagtaboy niya sa mga kawal, nararamdaman niya kasing aangal sila sa kaniyang gagawin.

Pumunta siya sa mga babaeng kasalukuyang nagluluto sa gilid ng ilog. Nagsusugba ng isda ang tamang deskripsiyon. Nang makita nila siya, dali-dali silang yumuko. Hindi niya 'yon nagustuhan, nakakailang.

"Magandang umaga Prinsepi Samuel." Pagbati nila.

"Magandang umaga rin sa inyong lahat.

Magpapatulong sana ako sa inyo, kung ayos lang."

Dahan-dahang napalingon si Maribel sa prinsepi. Ang bait ng tuno nito, hindi kagaya sa mga maharlikang nakilala niya sa lungsod. Mga mababagsik at walang awa sa mga oripun na kagaya niya.

Lumayas siya sa syudad at iniwan ang kaniyang mga magulang do'n dahil hindi niya kayang makita ang mga kauri niyang pinapatay na parang hayop. Ang tingin niya sa mga maharlika ay halimaw. Iba ang tingin niya sa prinsepi kahit maharlika ito, hindi niya inaasahang nakiusap ito sa kanila ng magalang.

Tapus na siyang mag sugba ng isdang nahuli ng asawa niya. Gusto niyang tumulong, wala na naman siyang gagawin.

"A-Anong maipaglilingkod ko sa inyo Prinsepi Samuel?"

"Anong pangalan mo?

'Wag na kayong yumuko, ipagpatuloy niyo ang inyong ginagawa baka masunog pa 'yang isda sayang."

Sinuri ni Samuel ang mga babae, lahat sila ay morena. Ibang-iba sa balat niyang maputi, bilad kasi sila palagi sa araw. Ang morenong balat ay sumisimbolo sa oripun. Puti naman ay sa maharlika, ang kayumanggi ay sa mga negosyante.

Ngumiti siya kay Maribel, muntik itong matumba dahil sa ginawa niya. Nang una ay hindi niya naintindihan kung bakit, kaagad niya ring napagtanto na hindi nginingitian ng mga maharlika ang oripun. Nagulat siguro.

Tradisyon 'yon, pero wala siyang pakialam. At ayaw niyang sundin ang mga 'yon, kikilos siya ayon sa gusto niya.

May dala siyang kawayan na may lamang tubig dagat. "Gagawa tayo ng asin."

Napatingin ang mga babae sa kaniya, nakakunot ang kanilang noo. Alam nilang sobrang mahal ng sangkap na 'yon. Isang oripun tutulong sa paggawa ng asin? Wala pa silang narinig na gano'n. Kaya ba nila? Kinakabahan si Maribel.

"'Wag kang mag alala sobrang dali lang gumawa ng asin, ituturo sa 'yo."

Nanikip ang kanilang dibdib. Parang ayaw nilang paniwalaan ang sinabi ng prinsepi, ituturo. Mga maharlika lang ang dapat makaalam kung paano 'yon gawin, wala silang karapatan. Kung matuto nga sila no'n, parang binigyan sila ng isang mahalagang kayamanan na pwedeng magpabago sa buhay nila.

May problema ba sa ng prinsepi? Bakit ituturo sa kanila na parang wala lang ang isang mamahaling kayamanan?

Napabuntonghininga si Samuel, hindi niya man alam ang nasa isip nila. Alam niyang gulo-gulo ang mga ito, halata naman sa mukha. Kung alam lang siguro nilang sa mundo niya mabibili lang ang sampung piso ang asin, sasabihan sigurong siyang sinungaling. Ang halaga kasi ng asin dito ay isang ginto. Sa mundo niya ang katumbas no'n ay mga sampung libo.

Hindi pa alam ng mga tao sa lugar na 'to kung paano gawin ang asin, kulang sa kaalaman ang dahilan. Kinukuha nila ang asin sa mga butas ng bato sa gilid sa dagat, pinaniniwalaang biyaya raw 'yon na galing sa diyos ng tubig na si Hado.

Kasinungalingan, kapag naipon ang tubig ng dagat sa isang butas ng bato at pag nainitan 'yon ng tama, magiging asin talaga ang dating tubig.

Gulong-gulo man sumunod si Maribel sa utos ng prinsedpi. Ang apoy na ginamit niya kanina ay pinalibutan ng tatlong malalaking bato.

"Prinsepi Samuel, kami nang gagawa niyan, ituro niya lang kung paano gagawin."

Palagay tuloy nila ay hindi maharlika ang binatang nasa tabi nila. Nakakailang at hindi sila komportable na tignan ito. Nagpupukpok ito ng bato sa malaking bato, ginagawan ng butas ang malapad na bato.

Nang matapos si Samuel sa ginagawa. Nilinisan niya ang malaking butas sa bato. Para itong kalan, pero hindi. Hindi siya komportable na magluto sa bato, ngayon niya lang 'to ginawa.

Pinasan niya ang bato at ipinatong sa tatlong bato sa gilid ng apoy. Pinainit niya muna ang bato bago nilagyan ng kaunting tubig na galing sa dagat.

Mangha-mangha ang mga babae nang makitang unti-unting bumubula ang tubig, ngayon pa lang sila nakakita ng gano'n. Hindi nila maialis ang tingin nila roon.

"Ang ganda naman."

"Ano kayang tawag diyan?"

"'Yong niluluto mo Teresa nasusunog na!"

"Hala! Salamat!"

Paglipas ng ilang minuto, natuyo na ang tubig. Kinuskos ni Samuel ang asin gamit kawayan hugis kutsara pero parisukat ang ulo nito.

"'Di ba madali lang, may asin na tayo. Hindi na matabang ang ulam."

Tinignan ng mga babae ang puting krystal na nakapatong sa kawayan. Mangha-mangha sila sa nangyari.

"Ganito pala ang itsura ng asin?"

"Hindi ko alam, pero ayon sa mga narinig ko kakulay daw ng ulap ang asin. Pino daw ito."

"Pwede niyong tikman." Nagulat sila sa sinabi ng Prinsepi. Wala silang pera. Umiling sila, nilabanan nila ang temtasiyon.

"Ayaw niyo?

Ginang Maribel nakuha mo naman siguro kong paano ang proseso. Lagyan niyo lang ng kaunting tubig dagat 'tong bato, pag pumuti na kuskusin niyo ang asin tapus ilagay sa lagayan."

"Oo Prinsepi Samuel."

"Ikaw ng bahala, may pupuntahan pa kasi ako."

Dali-dali siyang umalis at pumunta sa gubat. Plano niyang mangaso ng kakainin nila mamaya kahit may pagkain na naman sila na nakahanda para sa agahan. 'Yong mga sinugbang isda kanina. Gusto niyang kumain ng karne ng ibang hayop, nagsasawa na siya sa isda.

"Sammy anong hayop ba ang may masarap ang karne na parang baboy o manok?"

May pinakitang imahe ng kayumangging baboy na may sungay sa gilid ng bibig sa utak niya.

"Sa'n pwedeng makita 'yan, delikado ba kung hahanapin ko ang hayop na 'yan?"

"Hindi naman, ang baboy ramo ang isa sa pinakamahinang hayop sa gubat. Pagkain sila ng mga mutant na hayop.

[Sinusuri ang paligid]

Diretso lang sa harap, may makikita kang malaking puno. Sa likod may isang baboy ramo na natutulog."

Napangiti siya, swerte. Mabilis siyang tumakbo, naririnig niya ang huni ng iba't-ibang insekto sa paligid. Ang ganda ng paligid, pakiramdam niya konektado siya rito. Nakikita niya ang mga maliliit na insektong lumilipad, ang ilan sa kanila ay may lason.

Naging maingat siya, mahirap na. Sinigurado niyang malayo siya mga may lason na insekto. Na ngayon niya lang nakita, magaganda ang kakaakit ang kanilang kulay. May bughaw, lila, muave, pula at itim.

Pagkarating niya sa punong sinabi ni Sammy. Kaagad siyang pumunta sa likod noon at nakita ang baboy ramong tahimik na natutulog sa putikan. Gamit ang dala niyang bato, malakas niya 'yong ibinato sa baboy. Malakas ata ang pandama ng baboy, naiwasan nito ang atake niya o sumablay talaga siya? Dali-daling tumakbo ang hayop.

Nanlumo siya bigla, nawala kaagad ang kompyansa niya sa kaniyang sarili kanina. Ang puno kasi ang tinamaan. Bumaon ang bato roon. Kanina pakiramdam niya ay kayang-kaya niyang patayin sa isang bato lang ang baboy, kaya nga, pero hindi niya inisip na, asintado ba siya kung tumira? Hindi!

"Hoy! Bumalik ka rito!"

"Samuel sana ayos ka lang?" Walang emosyon man ang pagkakasabi, pero ramdam niyang pinagtatawanan siya ni Sammy.

"Ang sama mo!"

"Habulin mo na ang baboy ramo Samuel bago pa makalayo 'yon."

Tumango siya, kinuha niya ang bato sa katawan ng puno. Tumakbo siya na parang wala ng bukas. Nang isang hakbang na lang ang distansiya niya sa baboy, hindi na siya nagdalawang isip na ibato ng malakas ang hawak niya.

Napasigaw ang hayop, napahiga ito at galaw ng galaw. Bumaon sa tiyan ang bato, sinakal niya ang hayop sa leeg hanggang sa tuluyan itong namatay.

"Salamat naman!" Sobrang saya niya, may masarap na pagkain na sila mamaya.

Walang hirap niyang pinasan ang baboy ramo, nagpasalamat siya't nakainom siya ng gamot kahapon. Ang laki ng itinaas ng pwersa niya.

Lumabas siya sa gubat, bumalik siya sa ilog.

Gulat na gulat ang mga tao nang makita ang dala niya. Nilapitan kaagad siya ng mga kalalakihan, sila na raw ang magbubuhat ng baboy ramo. Hindi siya pumayag, kaya niya naman. Mangha-mangha ang eskpresiyon sa itsura nila, paano niya raw napatay ang hayop gayoong siya lang mag-isa. Ngumiti lang siya, mahirap ipaliwananag.

Tinipon niya ang mga kalalakihan at tinuruan sila kung paano ang tamang pag-ihaw sa dala niya.