webnovel

Queen and the Nine Tailed Fox

Sa mundo ninyong mga mortal, ako ang iyong tagasunod ngunit dito sa aming mundo... ...ikaw ay alipin ko. -Isagani Simeon Sa pagsikat nang sobra ni Queenzie Ruiz na kinilala nang Queen sa pagkanta, kinain na siya ng kasikatang iyon at sumama ang ugali niya. Biktima naman ng pagbabago niyang iyon ang mga P.A. niya na kaunting mali lang ay sinisisante niya na kaagad. Kasabay ng pagdating sa buhay niya ng bago niyang P.A. na isang misteryosong lalaki ay ang pagkasira ng boses niya dahil sa isang sakit at doon nangyari ang pagbagsak ng career niya. Hanggang isang araw, nagising na lang siya sa isang mundo na bago sa kaniya. Doon, magtatagpo ang landas nila ng misteryoso niyang P.A. at ang mas nakapanglito pa sa kaniya sa mga nangyayari ay sinasabi nito na nasa mundo siya ng mga ito na tinatawag na Sargus at... ...siya na ay alipin na nito.

BonVoyage_Ten · ファンタジー
レビュー数が足りません
26 Chs

Chapter 9

Chapter 9 - His Nine Tails

Namimilog ang mga mata ko dahil sa bigla na lang pag-a-announce ni Gani na mapapangasawa niya ako.

Nanlaki rin ang mga mata n'ong Rio. "A-anong mapapangasawa mo siya?! Ako ang para sa iyo Gani! Sa aking limang mga buntot ay ako sa mga babaeng Gisune ang sumunod na may pinakamaraming buntot kaya ako ang nararapat para sa iyo!"

"Tama na iyan Rio!" saway niya rito. "Sa susunod na malaman ko na sinubukan mong saktan si Queen..." Hindi niya tinapos ang banta niya kaya mas naging nakakatakot 'yon. Nagtayuan din ang mga balahibo sa buntot niya kaya mas lalong lumaki ang mga 'yon kung titingnan at naging sa fox din ang mga mata niya.

Napaurong naman ng tayo 'yung Rio at napatingin ako sa mga Gisune sa paligid. Takot ang mabakakas sa mga mukha nila at agad silang yumuko rito kay Gani.

Ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya. "Anong pinagsasasabi mo na mapapangasawa mo 'ko? Baliw ka ba?" sobrang nalilitong tanong ko.

Pagkatingin niya sa'kin, ngumiti na siya at nawala na rin ang mga buntot niya. Normal na rin ulit ang mga mata niya. "Pinasok mo ang gusot na ito Queen. Ngayon ay panindigan mo."

Nakatitig pa rin ako sa kaniya na hindi makapaniwala at bigla niya naman akong hinipan sa mga mata ko kaya napapikit ako.

Nang magmulat na ako, hinuhubad na niya ang silk robe niya at isinuot niya 'yon sa'kin. Puting layer na lang ng robe ang suot niya at tinakpan niyang mabuti ang dibdib ko dahil napunit nga ro'n ang damit ko. "Umuwi na tayo." nakangiting yaya niya sa'kin at hinawakan ang kamay ko.

"Pero ang sugat mo..." Naaawang nakatingin ako sa kalmot sa braso niya.

"Si Hilva na ang bahala rito kaya 'wag ka nang mag-alala pa."

Naglakad na kami paalis at nilingon ko pa 'yung Rio. Ang sama-sama ng tingin niya sa'kin habang kuyom na kuyom ang mga kamao.

Napangisi ako. "Bleeh!" pang-aasar ko sa kaniya at napatili naman siya sa soobrang pagkainis. Tuwang-tuwa naman ako sa pikon na pikon niyang reaksyon.

Napansin kong napailing-iling si Gani sa'kin dahil sa pagiging isip bata ko. Napangiti naman ako pero napatingin ako sa kalmot niya sa kabilang braso niya. Patuloy ang pagtulo ng dugo mula ro'n at nang tingnan ko naman siya, ni hindi niya 'yon iniinda.

"Hindi ko hahayaan na may makapanakit sa aking mapapangasawa." naalala kong sinabi niya.

Ano?  Ako? Mapapangasawa niya?

Ano ba talagang nangyayari?

* * *

"Binibini, nabalitaan ko na hinawakan mo ang isa sa mga buntot ni Ginoong Gani. Totoo ba iyon?" tanong sa'kin ni Inang Sreimi na bumisita ngayon dito sa kwarto ko.

Nakaupo lang kami at magkaharap na napagigitnaan ng mababang lamesa na may takure at tsaa. Nasa gilid naman namin si Hilva na nakaupo rin at siya ang nagsalin sa dalawang baso namin ni Inang Sreimi ng tsaa.

Nakauwi na kami ni Gani kanina pa at naayusan na ulit ako ng mga servants. Si Gani naman, nagpapahinga na sa kwarto niya at dahil siguradong pagod na pagod siya galing sa pinuntahan niya nitong tatlong araw na makalipas. Nagamot na rin ni Hilva ang kalmot sa kaniya n'ong Rio kaya may benda na naman siya sa braso.

Napakamot ako sa ulo ko kahit hindi 'yon makati. "A-ahh... Opo. Totoo po." Napakalaking bagay ba talaga ang paghawak ko sa buntot ni Gani na binisita pa ako rito sa kwarto ko ng pinakamatandang Gisune rito sa Leibnis? Big deal pa talaga? "Pero nalilito lang po talaga tungkol po sa bagay na 'yon. Simula po kasi nang mangyari 'yon, nagbago na ang trato sa'kin ng mga tagaLeibnis. Naging sobrang magalang na po sila tapos may isa naman na galit na galit sa'kin dahil doon."

Ang hapdi pa rin ng anit ko dahil sa lakas ng sabunot sa'kin ng bruhang Rio na 'yon.

Napatingin naman sa'kin si Hilva at napangiti naman si Inang Sreimi. "Aking ipaliliwanag sa iyo, binibini. Ang buntot naming mga Gisune ang pinakamahinang parte sa amin at pinakamadaling masaktan." winagwag niya ang tatlong buntot niya habang nakaupo. "Kung bigla mo na lamang itong hahawakan ay kusa kaming babangis na hindi namin kontrolado at masasaktan ka kahit gaano ka kahalaga sa amin."

Napatango-tango naman ako. Kaya pala, muntik na rin akong makalmot noon ni Gani at ganoon din ang naging reaksyon ng Rio na 'yon.

"Ang ginawa mo ring paghawak sa buntot ni Ginoong Gani ay may ibang simbolo rito sa aming mga tagaLeibnis."

Abang na abang naman ako sa mga sasabihin niya pa.

"Iyon ay nais mong mapabilang sa pagpipilian niya na mapapangasawa."

Unti-unti namang nanlaki ang mga mata ko. "P-po?!"

Tumango-tango siya. "Kung magagawa niya na hindi ka masaktan, ibig sabihin ay lubusan ang halaga mo sa kaniya na nakontrol niya ang kaniyang bangis, huwag ka lamang masaktan. Simbolo rin iyon na kaniya ka niyang tinatanggap."

Para naman akong natuod sa pagkakaupo ko sa nalaman ko at nagsimula na namang maging abnormal ang pagtibok ng puso ko. Para na ring hinahalong kape ang sikmura ko na binubuhusan ng timba-timbang kaba.

Napatungo lang ako at napaisip. K-kung gano'n... para pala akong nagpropose sa kaniya... at umoo naman siya?!

* * *

"Hilva, totoo ba talaga 'yung sinasabi ni Inang Sreimi?" tanong ko kay Hilva na ngayon ay maingat na nilalagyan ng kung anong herbal ang buhok ko bilang shampoo. Pinapaliguan niya ako ngayon dito sa paliguan ng bahay ni Gani at nakababad ulit ako sa maligamgam na tubig ng wooden tub. Puno 'yon ng petals ng rose at lagi nilang nilalagyan ng gan'on ang pinapababaran nila sa'kin.

"Totoo ang lahat ng iyon binibini." sagot naman niya.

Napikit naman ako at napatakip sa mukha ko sa sobrang pagkahiya.

"Napakalaking gusot ang pinasok mo Queen."

"Pinasok mo ang gusot na ito Queen. Ngayon ay panindigan mo."

OMG! Ibig sabihin, engaged na kami... na hindi ko man lang alam?! At ang matindi pa ro'n, ako ang nag-initiate!

Napasipa-sipa ako habang nakaupo sa tub kaya tumapon ang umapaw na tubig sa sahig.

"Anong problema binibini?" nag-aalala tanong sa'kin ni Hilva kaya napabalik ako sa sarili ko at umayos na ako ng upo sa tub. Tumikhim pa ako sa pagkapahiya ko. "W-wala naman."

Nagpatuloy na siya sa pagshashampoo sa buhok ko at ang tahimik na. Na-a-awkward tuloy ako bigla.

"Hilva, kailan ka pa naninilbihan kay Gani?" paggawa ko ng usapan pero gusto ko rin namang alamin ang tungkol doon.

"Simula paslit pa lamang ako nang maatasan na akong magbantay sa kaniya. Kahit na ganoon pa lamang ang aking edad ay matanda na ang aking pag-iisip kaya ako ang napili ng kaniyang ama na mangalaga sa kaniya."

"Ahh... Magkababata pala kayo." Sa bagay, mukhang medyo mas matanda nga lang siya sa'min ni Gani. Siguro, mga isa hanggang dalawa?

Pero bakit parang may kumirot sa loob ng dibdib ko? Porket magkababata lang sila, magseselos ka na agad Queen?

OMG! Nagseselos ka na Queen?!

"Hindi kami magkababata. Isandaang taong pa lamang ako ngunit siya ay tatlongdaang taong gulang na."

Nangunot ang noo ko saka napalingon na sa kaniya habang nanlalaki ang mga mata. "Hah?!"

Nakangiti naman siyang tumango habang ako, nakanganga pa rin dahil hindi makapaniwala.

"Iba ang buhay namin sa inyong mga tao at lalo na ang kay Ginoong Gani dahil siya ang may pinakamarami at kumpletong buntot sa aming mga Gisune. Ang isang buntot sa amin ay katumbas ng isandaang taong buhay. Ako ay mayroong dalawa kaya dalawang daang taon ang mayroon ako. Tatlungpung gulang naman ako noong magsilbi kay Ginoong Gani."

Hindi ko pa rin madigest ang mga sinasabi niya. "Totoo?" paninigurado ko pa at tumango naman siya.

Waahh... Grabe. Ba't ngayon ko lang nalaman 'yon? "Sa totoo lang, sobra akong nacucurious kay Gani. Ang dami niyang sikreto katulad n'yan. 300 years old na pala siya. Ni hindi halata dahil minsan, ang isip bata niya."

Siya naman ngayon ang nanlaki ang mga mata. "S-si Ginoong Gani? I-isip bata?" parang hindi talaga siya makapaniwala sa tono ng boses niya.

"Hindi mo alam? Ang isip bata niya kaya minsan! No'ng unang punta ko rito sa bahay niya, kung anu-anong mga pinapagawa sa'kin na nagawa na naman ng ibang mga servants tapos malalaman ko, 300 years old na pala siya. Palibhasa, gustong gumanti sa'kin dahil naging utusan ko siya sa mundo namin."

Mas lalong nanlaki ang mga mata niya. "S-sandali binibini, isa ka bang tanyag na mang-aawit sa inyong mundo?"

Napatango naman ako. "Bakit?"

Ilang sandali siyang nakatulala sa'kin kaya ipinihit ko na nang maayos ang katawan ko paharap sa kaniya pero nasa tubig pa rin ang ibaba ng balikat ko. Hindi ko naman inaasahan na makitang may kumawalang luha mula sa mata niya na dumaloy sa pisngi niya kaya napakurap-kurap ako. "Bakit Hilva?! Ba't ka umiiyak?!"

Agad naman niyang pinunasan 'yon ng sleeve niya at ngumiti sa'kin. "Luha lamang ito ng kasiyahan para kay Ginoong Gani. Napakasaya ko na natagpuan na niyang muli ang taong nakapagpapasaya sa kaniya at ikaw iyon binibining Queen."

Natulala naman ako. "A-ako?" Napaturo pa ako sa sarili ko.

"Napakasaya ko rin na nagawa mong mabuksan ang mapaglaro niyang ugali na sa kaniyang ina niya lamang naipapakita noon."

~Tagapagsalaysay~

Dahil sa mahabang buhay na mayroon si Isagani Simeon, mas mabagal ang pagtanda niya kumpara sa ibang Gisune. Tumuntong na siya sa ikadalawang daan taong gulang niya ngunit sa isang binatilyo pa rin ang kaniyang katawan at sa gulang niyang iyon nagsimulang magsilbi sa kaniya ang paslit na si Hilva.

Sa lumipas niyang pagkabata, iginugol niya iyon sa pag-eensayo ng kaniyang puting apoy at pagkilos bilang maharlika katulad ng nais ng kaniyang istriktong ama. Ito ang tumutulong sa kaniya kung paano makontrol ang kaniyang puting apoy na siya lamang ang tanging nagtataglay sa kanilang bayan.

Dahil siya ang pinakamaraming buntot sa kanilang lahi at nagtataglay ng puting apoy, itinuturing siyang maharlika ng mga Gisune pati na ang kanilang pamilya. Sa titulong iyon ay naging mahigpit ang kaniyang ama sa kaniya at hindi siya nagkaroon ng masasayang alaala sa pagiging bata dahil ipinagbawal nito na makipaglaro siya sa mga batang Gisune.

Itinatak nitong mabuti sa kaniya na nararapat siya laging kumilos na nabibilang sa isang maharlika. Na dapat ay laging maganda ang kaniyang mga buntot na siyang nagbibigay kataasan sa kaniya sa lugar na iyon.

Sa kabilang banda, ang kaniyang ina naman ay kabaliktaran ng kaniyang ama. Ito ang nagsasabi sa kaniya na maaari niyang gawin ang kahit anong nais niya katulad ng paglalaro. Takot naman siya sa kaniyang ama kaya hindi niya pa rin magawang makipaglaro sa ibang batang Gisune kaya ang ginawa nito ay ito ang laging nakikipaglaro sa kaniya sa tuwing wala ang kaniyang ama.

Mayroon din itong malamyos na tinig na hindi niya malilimutan at kinakantahan siya nito palagi hanggang sa mahimbing siya sa pagtulog.

Ito ang nakakapagpatawa sa kaniya sa mga pangingiliti nito at sa paghahabulan nila. Napapasaya talaga siya nito nang lubos at dito, hindi niya kailangang umakto na parang isang maharlika. Nagagawa niyang alisin ang hindi nakikitang maskarang pinasuot sa kaniya ng kaniyang ama at ipakita kung sino talaga siya.

Subalit nahuli siya ng kaniyang ama na napakadungis sa paglalaro nila ng kaniyang ina. Sa galit nito ay ikinulong siya nito sa kaniyang silid bilang pagpaparusa sa kaniyang pagsuway at walang nagawa ang kaniyang ina kundi magmakaawa sa asawa nito na huwag gawin iyon sa kaniya.

Naging matigas ang puso nito ngunit hinayaan naman nito na samahan siya ni Hilva sa loob. Pananatili naman sa labas ng kaniyang silid ang nagawa ng kaniyang ina para sa kaniya upang hindi siya malungkot.

Ngunit kasunod naman niyon ang pagdating ng trahedya sa kanilang bayan.

May nakatunton doon na mga masasamang maheya at nais ng mga ito na hulihin ang pinakamalakas na Gisune sa kanila upang ipagbili bilang alipin.

Nagkaroon ng pag-atake roon at nanguna ang kaniyang ama sa pakikipaglaban upang protektahan ang kanilang bayan ngunit may nakalusot ditong ibang maheya na tuluyang nakapasok doon. Ang isa ay narating pa ang kanilang bahay.

Nagulat na lamang sila ni Hilva nang sumigaw ang mga tagapagsilbi sa labas at biglang tumilapon sa nawasak na pinto ng kaniyang silid ang katawan ng kaniyang ina na tila isang malakas na puwersa ang may gawa.

Nagpagulong-gulong ito hanggang sa humandusay ito sa harap nila na duguan na. "I-isagani... T-tumakas na k-kayo..." pinilit nitong masabi kahit nag-aagaw buhay na at doon ay napigtalan na ito ng hininga sa lubha ng tinamo.

Dahil sa nasaksihang pagkawala ng minamahal ay nablangko ang isipan ni Gani. Mahal na mahal niya ito at hindi niya kayang mawala ito sa kaniya ngunit ngayon ay kitang-kita niya ito na wala ng buhay sa harapan niya.

Tuwang-tuwa naman ang maheyang pumaslang sa kaniyang ina dahil nakita nito ang marami niyang buntot at doon kinuha siya nito mula roon. Sinubukan pa siyang iligtas ni Hilva ngunit tinabig ito nang malakas ng maheya kaya sumalpok ito sa pader at nawalan ng malay.

Dinala siya ng maheya na iyon sa mga kasamahan nito at nakita niya ang naging mga biktima ng mga ito na mga Gisune na mga nakahandusay sa paligid.

Doon na tuluyang umalpas ang bangis ng kaniyang pagiging pinakaespesyal na Gisune at pinasabugan niya ang mga ito ng puting apoy niya.

Ang tanging nakaligtas sa pagsabog na 'yon ay ang nakapaslang sa kaniyang ina at pasaksak na sa kaniya ang espadang nilikha nito mula sa mahika nito ngunit may tumulak sa kaniya upang mapaalis siya sa kaniyang kinatatayuan.

Pag tingin niya ay iyon ang kaniyang ama. Saktong-sakto sa puso nito ang pagkakasaksak ng maheya rito at nang tanggalin na ang pagkakasaksak dito ay umagos ang masaganang dugo roon.

Nanlaki ang mga mata niya sa nangyari rito lalo na nang makita itong lumuluha. "P-patawarin mo ako... a-anak ko..." Doon ay bumagsak na ang walang buhay na katawan nito sa lupa.

Sa mga oras na iyon ay sumagi sa isipan niya ang mga alaala kasama ito.

Kahit na istrikto ito sa kaniya ay napapangiti naman ito sa tuwing mabilis niyang natututunan ang itinuturo nito. Hindi niya rin malilimutan ang pagkabakas sa mukha nito na ipinagmamalaki talaga siya nito bilang anak nito.

Doon ay dumilim na ang lahat sa kaniya.

Pagmulat na lamang niya ay nakatayo na siya sa harap ng bangkay ng maheyang pumaslang sa pareho niyang mga magulang. Naliligo na siya ng dugo nito at lasog-lasog na ang sunog na katawan nito.

Isang malakas na pag-alulong ang sunod na ginawa niya.

~Queen~

Pinunasan ko ang mga mata ko sa pagluha dahil sa naging kwento ni Hilva sa'kin tungkol sa nakaraan ni Gani.

Grabe. Hindi ko inakalang may pinagdaanan siyang gan'on katraumatizing eh ang cheerful cheerful niyang kumilos pagdating sa'kin.

"Sa kaniyang ina niya lamang siya nagiging totoo at nang mamatay ito sa trahedyang iyon ay wala nang nakakita ng tunay na siya." pagpapatuloy ni Hilva sa kwento niya. "Noong ilabas niya ang kaniyang mga buntot upang makumbinsi ako na huwag ka nang parusahan, batid mo bang isang napakalaking sakripisyo niyon para sa kaniya?"

Napakurap-kurap naman ako. "Bakit naman?"

"Dahil ang mga buntot niyang iyon ang sumisimbolo at nagmamaskara sa kaniya na isa siyang maharlika sa aming lahi katulad nang dati at sinisisi niya ang kaniyang sarili kung bakit namatay ang kaniyang mga magulang dahil doon. Na dahil sa pagprotekta ng mga ito sa kaniya ay nawala ang mga ito. Ang mga buntot niyang iyon ang nagpapaalala sa kaniya nang lahat tungkol doon kaya lubusang nabigla talaga kami nang ilabas niya  ang mga iyon para sa iyo."

Hindi naman ako nakaimik sa sinabi niya.

* * *

Lumabas ako ng kwarto ko habang lumulutang pa rin ang isip.

"Ang mga buntot niyang iyon ang nagpapaalala sa kaniya nang lahat tungkol doon kaya lubusang nabigla talaga kami nang ilabas niya  ang mga iyon para sa iyo."

Natigilan ako sa naalala kong 'yon na sinabi ni Hilva. Ibig sabihin, ganoon talaga ako kahalaga para kay Gani?

Hindi ko namalayan ang pagpinta ng ngiti sa mga labi ko at nang mapansin ko na 'yon, inalis ko agad 'yon at ipinilig ang ulo ko. 'Wag ka munang assumera Queen. Kailangan mo pa ng mas matibay pang ebidensya para mapatunayan na may gusto nga siya sa'yo, sabi ng overprotective side ng isip ko.

Paano kung totoo nga na may gusto siya sa'yo? kontra naman ng isa pang side doon.

Bigla namang nag-init ang mukha ko ro'n at nakaramdam ng mga lumilipad na kung ano sa loob ng sikmura ko.

OMG Queen! 'Wag mong sabihing may crush ka na talaga sa Gani na 'yon porket in-announce niya ang engagement n'yo sa maraming mga Gisune!

Bigla ko namang napansin sa daliri ko ang singsing ng pagiging Fenea ko.

Tingnan mo nga. Ni hindi pa nga niya tinatanggal 'yan sa'yo tapos sasabihin mo agad na may gusto siya sa'yo.

"Baka nakalimutan niya lang. Pwes ako ang magpapaalala sa kaniya," mahinang sabi ko sa sarili ko at naglakad na papunta sa kwarto ni Gani.

Ang lawak-lawak ng ngiti ko dahil gusto ko na ulit siya makita. Ichecheck ko rin kung maayos na ang sugat niya pero napatigil ako sa paglalakad at unti-unting nawala ang ngiti ko nang lumabas mula sa kwarto niya ang isang babaeng Gisune.

Si Rio.

Bigla-bigla na lang sumikip ang paghinga ko nang makitang nanggaling siya ro'n na wala man lang kasamang servant.

Nang mapansin niya ako ay napatingin siya sa'kin saka napangisi. Naglakad na rin siya palapit sa'kin.

Malamig lang ang tingin ko sa kaniya at handang-handa na ako kung panibagong catfight na naman ang mangyayari sa'min at tumigil siya sa gilid ko.

"Bleeh!" pangbebelat niya sa'kin saka ngumisi ulit at tumatawang nilagpasan na ako.

Pikon na pikon ko naman siyang nilingon pero nakalabas na siya ng bahay.

Anong ibig sabihin ng pang-aasar niyang 'yon sa'kin?

"Ngunit ako ang para sa iyo Gani! Sa aking limang mga buntot ay ako sa mga babaeng Gisune ang sumunod na may pinakamaraming buntot kaya ako ang nararapat para sa iyo!"

Agad akong napatingin sa kwarto ni Gani nang makakutob ako nang hindi maganda. Nagmamadaling tinahak ko na 'yon at malakas na binuksan ang sliding door.

Doon ko nakita ang nagsusuot pa lang ng huling layer ng robe na si Gani at nakatalikod siya sa'kin pero nang marinig ang pagbukas ng pinto ay napalingon kaagad siya sa'kin.

Nanlalaki pa ang mga mata niya nang makita ako at ako naman, nakuyom ko ang mga kamao ko dahil nagsimula na akong magduda na may nangyaring kakaiba sa kanila ni Rio. Hindi ko naman masisisi ang pagdumi ng isip nang ganito lalo na at maaabutan ko pa siya na nagbibihis pa lang.

Nakatingin lang ako nang mapagduda sa kaniya at kahit na gustong-gusto ko nang itanong kung anong ginawa nila ni Rio rito, hindi ko magawa dahil wala naman akong karapatan.

Kahit na sabihin pa na in-announce niya na mapapangasawa niya na ako, alam ko naman sa sarili ko na wala pa akong karapatang magtanong ng mga ganoon sa kaniya.

"Anong problema Queen?" nagtatakang tanong niya at tapos na niyang isuot ang green na robe niya.

Napakagat lang ako sa ilalim ng labi ko sa pagtitimpi ng selos. "Hmph!" pagsusungit ko na lang sa kaniya at lumabas na ng kwarto niya.

Nakakainis siya! I-a-announce niya ang engagement namin tapos magpapahuli siya sa'kin na may lumabas na babae sa kwarto niya!

Bigla siyang humarang sa harapan ko kaya napatigil ako sa paglalakad. Hinawakan niya pa ako sa balikat ko. "Queen bakit? Anong problema?" bakas sa boses niya na gusto niya talagang alamin kung bakit ako nagkakaganito.

"Ewan ko sa'yo!" Tinabig ko ang kamay niya sa balikat ko at bigla naman siyang napadaing dahil sa sugat niya ro'n kaya nanlaki ang mga mata ko saka nagpanic. "S-sorry Gani! Sorry!" Shocks! May sugat nga pala siya sa braso! Ang shunga ko!

Nakangiwi pa rin siya at mariin na nakapikit habang hawak ang braso niyang nasaktan kaya binuklat ko ang sleeve n'on para tingnan kung napadugo ko 'yon pero walang sugat akong nakita. Wala ring bendang nakabalot doon.

"Kishkishkish! Uto-uto. Nandito sa kabilang braso ang aking sugat." Ipinakita niya ang kabilang braso niya na may benda kaya nalukot naman ang mukha ko sa inis.

Sinuntok ko agad siya sa dibdib niya. "Nakakainis ka! Akala mo, magandang joke 'yon?" naiinis na sabi ko saka inirapan siya at padabog na naglakad na paalis. Kaasar! Napakaisip bata!

"Queen!" habol niyang tawag sa'kin.

"Ewan sa'yo!"

"Dali! May ipapakita ako sa iyo!" sabi niya kaya kahit naiinis ako, napalingon ako.

Natigilan naman ako nang makita ang sinasabi niya.

Nakalabas ang siyam na buntot niya sa likuran at marahang wumawagwag 'yon doon. Malawak din ang ngiti niya habang nakatingin sa'kin. "Hindi ba, sabi mo, nais mong alamin kung totoo ang aking mga buntot? Ito, tingnan mo nang mabuti at iyong lapitan." Pumihit pa siya pagilid para maayos na maipakita ang mga 'yon sa'kin.

Napatulala lang ako sa kaniya.

"Ang mga buntot niyang iyon ang nagpapaalala sa kaniya nang lahat tungkol doon kaya lubusang nabigla talaga kami nang ilabas niya  ang mga iyon para sa iyo."

Nagsimula nang gumawa ng maligalig na musika ang puso ko at para bang may mga nagliliparang insekto sa loob ng sikmura ko.

Para sa'kin... ginagawa niya ang isang bagay na makakapagpaalala sa kaniya ng masakit na nakaraan niya.

Para sa'kin.

Naglakad siya palapit sa'kin at may kinuha sa loob ng sleeve niya. Isang silk pouch 'yon at nang itaktak niya sa kamay niya, nahulog sa palad niya ang isang gintong singsing.

Nakatulala pa lang rin ako sa kaniya nang kunin niya ang kamay ko. "Simula ngayong araw na 'to, hindi na kita Fenea Queen." marahang tinanggal niya ro'n ang suot kong jade na singsing.

Natanggal naman 'yon kaagad at katulad noong isinuot niya 'yon noong una, nagliwanag kami pareho pero ang liwanag na 'yon ay pababa na mula sa leeg ko pabalik sa singsing na nasa kamay na niya.

"Ngayon ay malaya ka na sa aking pagiging alipin."

Unti-unti namang nasidlan ng tuwa ang dibdib ko dahil malaya na ako.

"Ngunit ayos lamang ba na palitan ko iyon ng singsing na ito?" ipinakita niya ang gintong singsing sa'kin. "Huwag kang mag-alala dahil walang kakaiba rito. Hindi ka na magiging alipin o kung anupaman." Ngumiti siya at pansin ko ang pamumula ng mga pisngi niya.

Napakurap-kurap lang ako at walang tigil ang pagwawala ng puso ko sa loob ng ribs ko. Kaunti na lang at tatakbo na 'yon palabas doon dahil hindi na niya kayang gampanan ang trabaho niya sa katawan ko.

Para kasi siyang nagpopropose sa'kin!

"O-okay lang." nautal pa ako.

Oh My! Dapat Yes o Oo ang sagot ko katulad ng ibang proposals! Bakit 'okay lang' ang sinabi ko?!

Mas lumawak naman ang ngiti niya at doon ay isinuot niya na sa daliri ko 'yon nang marahan. Sa ring finger ko talaga niya sinuot 'yon na parang official na talaga ang engagement namin.

Ang sumunod naman niyang ginawa ay halikan 'yon sa kamay ko.

Hindi katulad noong una niyang ginawa sa'kin 'to, ngayon, napakaromantic na nang dating sa'kin nito.

 

At ngayon din, hinding-hindi ko na magagawang itanggi pa...

Na in love na ako sa kaniya.

Ipagpapatuloy...