webnovel

Queen and the Nine Tailed Fox

Sa mundo ninyong mga mortal, ako ang iyong tagasunod ngunit dito sa aming mundo... ...ikaw ay alipin ko. -Isagani Simeon Sa pagsikat nang sobra ni Queenzie Ruiz na kinilala nang Queen sa pagkanta, kinain na siya ng kasikatang iyon at sumama ang ugali niya. Biktima naman ng pagbabago niyang iyon ang mga P.A. niya na kaunting mali lang ay sinisisante niya na kaagad. Kasabay ng pagdating sa buhay niya ng bago niyang P.A. na isang misteryosong lalaki ay ang pagkasira ng boses niya dahil sa isang sakit at doon nangyari ang pagbagsak ng career niya. Hanggang isang araw, nagising na lang siya sa isang mundo na bago sa kaniya. Doon, magtatagpo ang landas nila ng misteryoso niyang P.A. at ang mas nakapanglito pa sa kaniya sa mga nangyayari ay sinasabi nito na nasa mundo siya ng mga ito na tinatawag na Sargus at... ...siya na ay alipin na nito.

BonVoyage_Ten · ファンタジー
レビュー数が足りません
26 Chs

Chapter 8

Chapter 8 - Zarione Cygnus

Nasa may Veranda si Gani at nakatingin lang sa malayo. Tanghali pa lang at kitang-kita rito ang napakagandang mga bulaklak sa likurang garden.

Naglalakad na ako palapit sa kaniya at habang paunti nang paunti ang distansya namin, palakas naman nang palakas ang tibok ng puso ko kaya napahawak ako sa dibdib ko at napahigpit ang hawak ko sa damit ko ro'n... lalo na nang napatingin na siya sa'kin.

Napatigil ako sa paglalakad dahil naliligaligan na ako sa puso ko na mahaheart attack na yata.

Ngumiti siya nang malawak at sumenyas na lumapit na ako sa kaniya. Iniiwas ko na lang ang tingin ko saka naglakad na ulit palapit sa kaniya at tinabihan siya. "B-bakit mo ako pinatawag?" Kainis Queen! 'Wag ka namang masyadong obvious na kinakabahan ka!

"Maaari mo ba akong kantahan Queen?"

Unti-unti namang nangunot ang noo ko at nagawa ko nang matingnan siya habang takang-taka ako sa out of the blue niyang request na 'yon. Binasa ko sa mga mata niya kung nagjojoke time ba siya pero mukhang seryoso naman siya sa hinihingi niya. "Nang-iinsulto ka ba?" seryoso kong tanong sa kaniya. Ano ka ba Queen?! Ilang beses ka na niyang inililigtas!

"Hindi naman. Nais ko lamang na marinig kang kumanta. Iyon lamang talaga. Kung hindi mo nais ay hindi naman kita pipilitin."

Naguilty naman ako. Hindi pa nga ako nakakapagthank you sa kaniya.

"Tss. Maghihum na lang ako." suggestion ko dahil baka maturn off lang siya kapag kumanta ako.

"Sige." Inilapit niya ang mukha niya sa pag-aabang na kumanta ako.

Napaurong naman ako at itinulak nang mahina ang mukha niya palayo.

Shocks. Kinabahan ako do'n ah.

"Kishkishkish." pagtawa lang niya.

Nagsimula na akong maghum at isang ballad song ang napili kong gamitin pero napatigil ako dahil sumasakit ang vocal chords ko kaya napahawak ako ro'n.

"Masakit na ba ang iyong lalamunan?" nag-aalala niyang tanong at nahihiyang tumango naman ako. Kainis naman 'tong vocal chords ko. Parang hum lang, 'di pa makisama.

"Nagsisigaw kasi ako kanina kay Hilva kaya masakit lalamunan ko pero 'wag ka nang magagalit sa kanila. Nagsorry na rin naman sila sa'kin."

Nakatitig lang siya sa'kin at napahinga siya nang malalim saka tumingin na muli sa malayo. "Huwag kang mag-alala dahil maganda na ang magiging trato nila sa iyo. Bukas din ay kailangan ko muling umalis ng Leibnis."

Ito na naman ang uncomfortable feeling na naramdaman ko noong una siyang magpaalam na aalis siya pero ngayon, mas lumala 'yon. "Saan ka na naman pupunta? Saka kailan ka babalik?"

"Sikreto pa rin ang bagay na iyon at sa aking pagbabalik, sa aking tingin ay aabutin ako ng hanggang tatlong araw."

Namilog naman nang sobra ang mga mata ko. "Ano?! Bakit ang tagal?!" Maisip ko pa lang na hindi ko siya makikita nang ganoon katagal dito sa bahay, lumalala na ang uncomfortable emotion na namumugad sa dibdib ko.

"Kishkishkish. Halatang-halata na hindi mo ako nais umalis." Ginulo niya pa ang buhok ko kaya narealize ko naman na halata nga na desperate ako kaya napaiwas ako ng tingin. "May mahalaga kasing bagay akong inaasikaso sa labas ng bayan ng Leibnis at kahit naisin ko na manatili rito, kailangan kong gawin iyon."

Hindi na ako nakaimik.

"Ika'y magpahinga na sa iyong silid dahil nabatid ko na ilang gabi kang hindi nakatulog nang maayos sa pag-aalaga sa'kin at ako'y magpapahinga na rin muli."

Nag-init naman ang mukha ko sa pagkahiya dahil may nagsabi pala sa kaniya ng bagay na 'yon.

Naglalakad na siya paalis...

"Salamat Gani!" habol kong sabi sa kaniya.

Napatigil naman siya.

"Salamat sa mga pagliligtas mo sa'kin at sorry rin kung hinawakan ko 'yung buntot mo kanina." Hindi na ako sanay magthank you at magsorry pero deserve niya na marinig ang mga 'yon mula sa'kin.

"A-ayos lamang." nautal na sabi niya at hindi ko makita ang mukha niya dahil hindi niya ako nililingon at doon ay nagmamadaling naglakad na ulit siya paalis.

Naiwan naman ako rito na mag-isa na lang.

Tatlong araw siyang mawawala?

Ang tagal-tagal naman n'on.

* * *

Tatlong araw ang makalipas...

Naglalakad ako papunta entrance ngayon ng Leibnis dahil gusto kong salubungin doon si Gani. Ngayon na kasi ang araw ng pag-uwi nya.

Umaga pa lang ngayon pero papunta na ako ro'n. Balak ko na kasi siyang hintayin doon.

Excited ba 'ko masyado?

Hindi ko itatanggi. Excited na talaga ako na makita siya ulit.

Kung maaalala ko lang kung anong nangyari sa'kin nitong nakaraang mga araw na wala siya, grabe. Sobrang bagal ng oras at ang boring! Nasa bahay lang ako at laging nakatulala sa veranda.

Ayoko kasing maggala sa plaza dahil naaalala ko na napahiya ako doon no'ng pakantahin nila ako. Pero ngayon, lumabas na ako ng bahay dahil gusto ko ngang salubungin si Gani.

Naaabnormal na nga siguro ako dahil namimiss ko 'yung mga araw na inaasar niya ako nang inaasar habang inuutus-utusan. Sobrang namiss ko 'yon nitong nakaraang mga araw na wala siya sa bahay.

Masaya lang akong naglalakad papunta ng entrance ng Leibnis pero napansin ko na yumuyuko sa'kin ang mga Gisune na nasasalubong ko. Ngiting-ngiti rin sila sa'kin at ang bait-bait ng mga tingin kaya sobra akong nagtataka.

Kung umakto sila, para silang si Hilva pati ibang servants sa bahay.

Nga pala. Ibang-iba na talaga ang trato sa'kin ng mga servants sa bahay.

Dati, pakitang-tao sila kay Gani at kapag wala ito, binubully nila ako pero ngayon, kahit tatlong araw na nawala ang amo nila, ang bait-bait at ang galang-galang nila sa'kin na feeling ko, amo na rin ang turing nila sa'kin.

Siguro, ginagaya nila si Hilva na leader nila dahil sobrang galang nito sa'kin. Ewan pero maganda na nga 'yon. Parang hindi na ako alipin sa bahay.

Naglalakad lang ako at may mga bumabati sa'kin na mga Gisune na nasasalubong ko kaya bumabati rin ako pabalik sa kanila kahit na nagtataka pa rin ako.

May kakaiba talaga. Hindi ko lang talaga alam kung ano 'yun.

Dahil sa kalilinga ko, hindi ko napansin na may makakasalubong na ako at nabangga ko kung sinuman 'yon.

Napaurong ako sa lakas ng pagkakabangga ko sa tao—Gisune na 'yon. "Sorry—" Isang malakas na sampal ang biglaang dumapo sa pisngi ko at napapaling pa ang ulo ko.

Narinig ko pa ang pagsinghap ng mga Gisune sa paligid dahil nakita nila ang nangyari. Nanlalaki naman ang mga mata ko na nasapo ko ang pisngi ko at tiningnan ang Gisune na sumampal sa'kin.

Isang babae 'yon na may mahaba at nakalugay na puting buhok. Marami ang buntot niya sa likuran katulad kay Gani pero hindi ko alam kung parehas sila ng dami n'on.

"Ang lakas din naman ng loob isang mababang uring tulad mo na banggain ako." nangmamaliit na sabi ng babaeng Gisuneng sumampal sa'kin.

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya pero napamilyaran ko ang mukha niya. Siya 'yung babaeng tumawag sa mga kawal noon para ipahuli ako!

Hindi pa man ako nakakabawi nang sampalin na naman niya ako sa kabila ko namang pisngi kaya napapaling naman ako sa kabila. "At ang lakas din ng iyong loob upang hawakan ang isa sa mga buntot ni Gani!"

Napabuka ang bibig ko sa hindi pagkapaniwala sa nangyayari sa'kin ngayon at sobra talagang nabasag ang ego ko dahil nahayaan ko lang siya na masampal-sampal ako nang ganito nang walang laban pero nang marinig ko ang tungkol sa paghawak ko sa buntot ni Gani, napikon na ako nang sobra.

Pasampal na naman siya sa'kin pero nahawakan ko agad ang kamay niyang 'yon nang mahigpit at pinukol siya ng napakatalim na tingin. "KUNG MAY GUSTO KANG SABIHIN, 'WAG KANG NANANAMPAL!" Sinampiga ko siya nang isa bilang pagganti.

"Aahh!" daing niya naman sa lakas n'on at bumawi pa ako ng isa pang sampal sa kaniya na malakas din para quits na kami.

Hindi pa ako ro'n nakuntento at agad kong sinabunutan ang puting-puting buhok niya. "Sino ka para sampal-sampalin ako nang gano'n ha!" Gusto ko na siyang kalbuhin! Hindi ako pinalaki ng mommy ko para sampalin niya lang!

"Aray! Bitiwan mo ako!" reklamo niya pero sumabunot na rin siya sa'kin kaya nagsasabunutan na kami ngayon.

Tilian pa kami nang tilian habang pareho naming sinasaktan ang isa't isa.

Agad namang may umawat sa'ming mga Gisune sa paligid at sinusubukan na pinaghiwalay kami pero pilit kaming pumapalag para mahablot pa rin ang buhok ng isa't isa. Wala naman silang nagawa at nakapagsabunutan ulit kami.

Nahablot niya nga rin ang damit ko kaya napilas 'yon sa may bandang dibdib ko sa haba ng kuko niya. Labas na tuloy ang cleavage ko kaya mas lalo akong nasilaban ng apoy sa galit at mas tumindi ang catfight namin. Kasing gulo na namin ngayon ang buhok namin pareho.

"QUEEN! RIO! TUMIGIL KAYONG DALAWA!" alingawngaw ng isang malakas na sigaw kaya biglang napatigil ang katawan ko. Sa isang tao lang naman kusang sumusunod ang katawan ko pero tuloy sa pagsabunot sa'kin 'tong walanghiyang babaeng 'to!

Agad naman na may naglayo sa kaniya mula sa'kin at si Gani 'yon.

"Bakit kayo nag-aaway na dalawa?!" galit na galit na sigaw niya. "Gumalaw ka na Queen at ipaliwanag mo kung anong nangyayari!" Agad niya akong niyakap dahil pasugod na naman ako sa letseng kaaway ko nang makagalaw na ako. Hindi ako papayag na hindi 'yon mabawian sa ginawa n'on sa'kin no'ng tumigil ang katawan ko.

"'Yan kasing babaeng 'yan! Bigla-bigla na lang nananampal!" sumbong ko sa kaniya habang pilit na inaabot ulit 'yung buhok n'ong witch na 'yon.

"Anong ako?! Ikaw ang nauna! Binunggo mo ako!" pangtitwist ng babaeng 'yon sa kwento at may mga nakahawak din sa kaniya kaya hindi siya makalapit sa'kin.

"Hindi ko naman sinadya 'yon! Dapat ka ba kaagad manampal?! HA?!" Kung pwede lang humaba ang kamay ko, maabot ko lang ulit ang buhok niya. Uubusin ko talaga 'yon.

"Hinawakan mo lamang naman ang isa buntot ni Gani kaya hindi lamang sampal ang nararapat ipatikim sa iyo!"

Napanting naman ang tenga ko pero hindi ako makasugod dahil inaawat ako nito ni Gani. "Bitiwan mo 'ko Gani!" pilit kong kawala sa kaniya.

"Hindi—"

"ISA! BITAW!" sigaw ko at napabitaw naman siya sa takot sa'kin lalo na at sobra na talagang lumalaki ang dark aura sa paligid ko.

Naglakad na ako palapit sa babaeng 'yon na kapareho kong gulo-gulo ang buhok. Tiningnan ko siya nang mapang-inis. "Eh ano naman kung hawakan ko 'yung buntot niya? Bakit? Naiinggit ka?! Kung gusto mo, hawakan ko rin 'yang buntot mo!" Hinablot ko ang isa sa buntot niya.

"'Wag!" kasabay n'on ang pagpigil sa'kin ni Gani pero nahablot ko na 'yon.

Biglang naging sa fox ang mga mata ng babaeng 'to at nagawang mapatalsik ang mga nakaawat sa kaniya.

Napabitaw na rin ako sa buntot niya at pakalmot na siya sa'kin habang naangil kaya nanlaki ang mga mata ko pero biglang humarang sa harapan ko si Gani kaya ito ang nakalmot niya.

"Ginoong Gani!" sigawan ng mga Gisuneng nakasaksi sa nangyari.

Natigilan siya at napasinghap nang sobra dahil sa nagawa niya kay Gani.

Nang nakita ko ang dugo na nagtutulo sa lupa, mas nanlaki ang mga mata ko. "Gani!" Pumunta ako sa harapan ni Gani at doon ko nakita ang mahabang kalmot sa braso niya.

"G-gani..." Napatakip pa ng bibig ang babaeng 'yon sa sobrang pagkaguilty sa pagkakalmot nito sa kaniya.

Kalmado lang naman siya at inangat ang sleeve ng braso niya kung saan siya nakalmot. Ang haba at ang lalim ng mga kalmot niya ro'n. Saganang dugo rin ang kumakawala sugat niya pero dinilaan niya lang 'yon na parang pusa.

"Bakit mo hinarang?! Siya dapat ang kakalmutin ko!" sigaw sa kaniya nitong babaeng Gisune.

Tumigil naman siya sa pagdila sa sugat niya at seryoso itong tiningnan. Hinawakan niya rin ang kamay ko at hinila ako palapit sa kaniya. "Hinding-hindi ko hahayaan na magawa mo iyon kay Queen, Rio." Lumabas na naman ang siyam niyang mga buntot. "Hindi ko hahayaan na may makapanakit sa aking mapapangasawa."

Agad naman akong napatingin sa kaniya.

Ano raw?!

Ipagpapatuloy...