webnovel

His unwanted marriage

"Mom, why her? ayoko sa kanya. Siya ang dahilan kong bakit namatay si Grace. Siya ang dahilan kong bakit gabi gabi akong lasing!"

Pagalit na umalis si Kentarou ng bahay matapos nyang malaman na ikakasal siya sa babaeng naging dahilan ng pagkamatay ng kanyang dating kasintahan.

Naiwan sa sala ang kanyang ina at ang pakakasalan nitong si Shamira.

"Tita, patawad po at pati sa iyo nagalit si Kentarou. Kasalanan ko namn po talaga lahat ng nangyari sa nobya nya. Kung naging maingat lang sana ako dati.", maluhang sabi ni Shamira na nakaupo sa sofa.

"Sham, hindi mo kasalanan iyon, aksidenti lang ang lahat. Huwag kang mag alala. Matutuloy parin ang kasal nyo. Tutuparin ko ang napagkasunduan ng mommy at daddy mo.", niyakap nito si Shamira.

"Sana nandito pa sila. Miss na miss ko na sila tita."

"Simula ngayun Mommy na ang itawag mo sa akin. Total dun din naman ang punta nun iha."

"Salamat po. Sa lahat lahat ng tulong niyo sa akin nung mga panahon na mag isa ako.", niyakap nito ng mahigpit si Karen, ang ina ni Kentarou.

[Shamira's house]

Pabagsak na humiga si Shamira sa kama. Excited na siya sa kasal nila ni Kentarou. Pero may bahagi ng puso nya ang malungkot. Alam nya na wlang gusto at puro puot at galit lng ang nararamdaman ng binata para sa kanya.

Simula high school gusto nya na ang binata. Nang nalaman nya na ipinagkasundo siya nito ng kanyang magulang ay tuwang tuwa siya kahit pa may nobya na ito. At alam nya na matututunan siya nitong mahalin pero sa sitwasyon na ito labis ang pagsisisi niya dahil baka habang buhay na siyang kasusuklaman ng lalaking minamahal. Pero kahit ganun ay gusto pa rin nyang makasama ang binata. Gagawin nya ang lahat matanggap at mahalin siya nito. At ang unang solusyon ay ang makasal siya kay Kentarou.