webnovel

PRIDE of Friendship

"Sa pag ibig walang tama o mali, walang kasariang pinipili kapag mahal mo ipaglaban mo. LOVE IS LOVE!"

lyniar · 若者
レビュー数が足りません
94 Chs

Chapter 6: One point for Thew

Hapon na at malapit na matapos ang long quiz ng klase ng grade 8 section A pero wala sa klase si Barbie dahil nasa library sya para gumawa ng notes para sa mga klase nyang hindi ipinasok bilang isa syang transferee…

"10minutes more class, tandaan nyo kapag naka perfect kayo sa quiz natin ngayon add ang score nyo sa magiging exam nyo sa third quarter for nextweek kaya dapat nag review talaga kayo." Ang sabi ni Sir Tolentino.

Hindi naman nag salita ang buong klase dahil seryoso sila sa pag sasagot ng long quiz nila ng biglang tumayo naman na si Kenny dahil tapos na saya.

"Very good Kenny, gaya ng inaasahan ko ikaw ang mauunang matapos kaya sana gusto kong ikaw ang mag supervise sa transfer student natin na si Barbie."

Napatingin si Kenny sa kinauupuan ni Barbie at nag iinarte naman si Ellaine "Sir, bakit si Kenny? Pwede naman si Gaile."

"Ako? Yes Sir. Pwede naman po."

"Hindi na, ako na." Ang seryosong sambit ni Kenny.

Nag inarte namang kunwaring na himatay na naman si Ellaine kaya napagalitan sya ng teacher nila "Ms. Ellaine pass your paper finish or not finish."

"Pe—Pero Sir hindi pa…"

"Enough! Tapos na ang 10minutes nyo kaya ipasa lahat ng papel nyo."

Nag paalam naman si Kenny para lumabas na…

"Sige Kenny maaari ka ng lumabas."

"Sir, pwede ba akong sumama?" Ang sabi ni Uno.

"Hindi pwede may kailangan pa akong sabihin sa klase nyo."

"Pero bakit po si Kenny."

"Don't worry hindi ito makaka apekto sa grades nya baka maka apekto pa sa grades mo kaya… UPO!"

"Ye—Yes Sir."

Lumabas naman na si Kenny at nakasalubong nya si Thew.

"Thew…."

"Tantanan mo si Barbie."

"Tantanan? Yung babaeng yon ang ayaw akong tantanan."

Thew hit Kenny's shoulder "wag mong igaya si Barbie sa mga babaeng nag kakandarapa sayo." Then he walks out.

"Sandali lang!" Ang sambit ni Kenny pag lingon nya pero hindi naman sya nilingon ni Thew pero huminto lang ito.

"Gusto mo ba sya?"

Doon lang lumingon si Thew at ang sama ng tinginan nila ni Kenny "wala ka ng pakialam kung gusto ko sya o hindi."

Tapos nag patuloy na sa pag alis si Thew "huh! Baliw na sya…" ang sambit ni Kenny at nag patuloy sa pag lalakad patungo ng library kung nasan si Barbie.

"Sighed…nakakapagod na ang daming notes na kailangan ko pang sulatin nakakainis na maging transfer student." Ang nang hihinang sambit ni Barbie at umubob nalang sya sa lamesa.

Ang hindi nya alam may mga babaeng umaaligid sa kaniya at nung nakakuha sila ng pagkakataon hinawakan nila si Barbie "a—anong…anong gagawin nyo??"

"Wala ka na don." Ang sabi nung isang babaeng student na may kasama pang dalawa babae. "hawakan nyong mabuti yan." Dagdag pa nito at inilabas nya ang gunting.

"Bitawan nyo ko."

"Huh! Bitawan? Asa ka!" Ang sabi nung babaeng may hawak ng gunting at isa, isa nyang pinag gugupit ang botones ng uniform ni Barbie.

"Tama na yan…ano bang ginawa ko sa inyo?" Ang nag pupumiglas na sambit ni Barbie.

Hinawakan naman nung babaeng may hawak ng gunting ang magkabilang pisnge ni Barbie para hindi ito maka pagsalita "malandi ka kaya yan ang nababagay sayo ka bago-bago mo dito pumapapel ka na agad kila Kenny at Thew? Hindi mo kami kaya!"

"Ano ang…GINAGAWA NYO?!" ang sigaw ni Kenny.

At pag lingon nila nakita nila si Kenny na papalapit "Ke—Kenny." Ang sabi nung babaeng may hawak ng gunting.

"Bitawan nyo sya!!!"

"Pero Kenny…"

Tinulak ni Kenny yung mga babae na nambubully kay Barbie "ayos ka lang?" Ang nag aalalang sambit naman niya kay Barbie at nakita nyang kita na ang undies nito kaya hinubad nya yung coat nyang uniform "isuot mo."

Pero hindi tinggap ni Barbie at tinulak nya si Kenny at umalis "BARBIE!!!"

Tinulungan naman nung mga babae si Kenny na tumayo pero tinabig sila nito at hinabol si Barbie…

Habang natakbo naman si Barbie naka banggaan nya si Thew "so---sorry…"

"Barbs?"

Napa tingin si Thew sa uniform ni Barbie "anong nangyare sayo?"

"Nothing…" tatakbo na sana sya ng pinigilan sya ni Thew.

"Sandale, hindi pwedeng ganyan ka lang."

Hinubad nya ang varsity jacket nya at ipinatong sa harapan ni Barbie "sinong may gawa nito sayo?"

Nag simula naman ng umiyak si Barbie kaya niyakap sya ni Thew "wag kang mag alala andito ako."

Habang naiyak "ano bang ginawa ko sa kanila? bakit nila ako ginaganito?"

"Tahan na…"

Nakita ni Kenny sila Barbie at Thew kaya lumingon nalang sya patalikod while clenching his fist.

"."

Uwian na at kinausap ni Gaile si Barbie para sa kaniya nalang ito sumabay pauwi pero naisip ni Barbie na hindi pwede dahil malalaman nito kung saan siya nakatira.

"Sigurado ka? Baka mamaya maligaw ka na naman sabi mo hindi ka masusundo ng Mama mo."

"Hindi ayos lang may notes ako para hindi ako maligaw kaya don't worry. Tsaka kailangan ko pang bumalik sa library eh alam mo na marami pa akong kailangang habulin na class."

"Okay sige…nag mamadali kasi ako may pupuntahan kasi kami nila ate eh."

"Um. Sige ingat ka."

"Okay bukas nalang ingat ka rin ha?"

Nag reready na si Gaile para umalis ng biglang dumating si Thew at lumapit kay Barbie at pinagtinginan ito ng mga kaklase nila lalong lalo na ni Ellaine at ng mag alipores nya na gigil na gigil kay Barbie sa inggit. Nakaagaw rin naman iyon ng atensyon nila Uno at Kenny.

"Bro, si Thew."

"Bulag ba ko para hindi ko sya makita?"

"He…he… ang sakin lang kasi…"

Hindi naman na ituloy ni Uno ang sinasabi nya dahil na gulat sya sa sinabi ni Thew kay Barbie "ihahatid na kita."

Nasamid samid naman si Uno ng marinig nya iyon at lalo namang nanggagalaiti sa galit sila Ellaine at ang mga alipores nya "I need oxygen girls hindi ako makahinga." Anito kaya pinaypayan sya ng mga alipores nya.

Napatingin naman si Barbie kila Ellaine na nag iinarte kaya bumulong sya kay Thew "ayokong sumabay baka pag initan na naman nila ko."

Nanlaki naman ang mata ni Uno kaya tinapik nya si Kenny na busy kuno sa pag babasa ng libro nya pero ang totoo nakikinig sya at pa simpleng natingin dun sa dalawa.

"Don't worry akong bahala sayo." Ang sabi ni Thew na ang lapit ng mukha kay Barbie.

"A…Ano…kasi…"

Hindi naman na natiis ni Kenny kaya tumayo sya at tinabig si Thew at hinawakan ang braso ni Barbie "may klase pa sya kaya hindi pa sya pwedeng umuwi." Hinila nya si Barbie at kinuha nya rin ang bag.

"Ano bang ginagawa mo? Bitawan mo ko."

Nag pupumiglas si Barbie pero hindi sya makawala sa pagkakahawak sa kaniya ni Kenny "ako ang nautusan ng mga teacher na mag supervise sayo kaya wala kang choice."

"Bitawan mo ko! Nasasaktan ako."

Noon lang nakita ni Kenny na may sugat pala si Barbie pero bago pa man nya bitawan si Barbie tinulak sya ni Thew "bitawan mo sya!!!" ang sigaw nito "hindi ba sinabi ko na sayo na tantanan mo si Barbie!" dagdag pa nya.

Hinawakan ni Thew ang kamay ni Barbie at kinuha nya rin ang bag nito na hawak ni Kenny at tinignan nya ito ng masama bago sila umalis ng classroom.

Pinuntahan naman agad ni Ellaine si Kenny para tulungang tumayo pero tinabig sya nito at sinabing "wag mo kong hawakan!"

Gaile smirked "huh! mukhang mauulit na naman ang nakaraan." Ang pabulong bulong nyang sambit at umalis na rin para umuwi.

Habang nag lalakad naman sila Barbie at Thew "aray…nasasaktan ako."

Binitawan naman ni Thew si Barbie "so—sorry hindi ko sinasadya nadala lang ako ng emosyon ko."

"Ayos lang may sugat kasi ako kaya masakit pero wag mong isipin na weaklings ako."

Thew chuckled "no, hindi ko naman iniisip na weak ka." Then he patted Barbie's head.

"Tigilan mo nga yan hindi ako aso pat ka ng pat."

Pinisil naman ni Thew ang pisnge ni Barbie "eiii…ang cute mo."

"Hays… sasapakin kita bitaw."

Bumitaw naman si Thew "ehe… sorry nga pala totoo ba yung sinabi nung bwiset na si Kenny na may klase ka pa? Pero uwian na."

Napahawak naman si Barbie sa shoulder ni Thew "wait, tama ba yung narinig ko?"

"Na?"

"Na, naiinis ka rin sa Kenny na yon."

"Hmm?"

"Kasi bwiset na bwiset ako dun kung pwede lang ibaon ko na sya ng buhay."

Tinanggal naman ni Thew ang kamay ni Barbie sa balikat nya at inakbayan nya ito "kung ganon mag kakasundo tayo sabay tayong mag papabagsak sa isang yon."

"Yeah… hindi tayo mag papatalo sa kanya."

Napangiti naman si Thew habang nakatitig kay Barbie pero tinggal nito ang kamay nya "sige na, umuwi ka na kailangan ko pa kasi pumunta ng library eh may kailangan pa akong tapusin na notes."

"Ha? Pero ihahatid kita."

"Ah… hindi na salamat nalang. Ahm…nga pala ibabalik ko nalang itong varsity jacket mo bukas pahiram muna ko ngayon rentahan ko nalang."

"Hindi ayos lang may extra pa naman ako dun sa locker ko gamitin mo gang gusto mo."

"Hinde, basta ibabalik ko ang ayoko kasi sa lahat ang magkaroon ako ng utang loob sa ibang tao." She pats Thew shoulder "sige alis na ko ingat ka sa pag uwi."

"A…Ahm…" ang reaction ni Thew at habang nakatigin kay Barbie na papalayo sa kaniya nakangiti sya na para bang natutuwa sya dito "kakaiba talaga syang babae."

Naglalakad naman noon sila Kenny at Uno ng makita ni Kenny yung dalawa "aray.,. bro naman bakit ba bigla-bigla ka nalang humihinto?" Ang sabi ni Uno na sumakit ang ilong dahil tumama sa zipper ng bag ni Kenny.

"Mauna ka na."

"Ha? Pero bro sabi mo uuwi ka na?"

"Mauna ka na! May kailngan lang akong gawin."

At iniwan na nga ni Kenny si Uno "bro!!! San ka pupunta?" ang pahabol na sambit ni Uno. "ano na naman ba kasing gagawin nun? Parati nalang syang may ginagawa pag pauwi na. Haysss…bahala na sya na gugutom na ko."

Like it ? Add to library! (>‿◠)

lyniarcreators' thoughts