webnovel

PRIDE of Friendship

"Sa pag ibig walang tama o mali, walang kasariang pinipili kapag mahal mo ipaglaban mo. LOVE IS LOVE!"

lyniar · 若者
レビュー数が足りません
94 Chs

Chapter 53: Going Home

Mag tatanghalian na at napansin ni Dana na wala si Barbie sa tent nila.

"Sam!"

"Hmm?"

"Nasan si Barbs?"

Tumingin naman sa paligid niya itong si Sam.

"Hala! Nasan yon? Lagot ako nito eh. Nawala lang ako ng ilang segundo nawala na s'ya sa paningin ko."

"Ha? Concern masyado? Bf yarn?"

"Ahm... Ano kasi... syempre injured pa siya at ako ang nautusan na tignan sya."

"Weh??? Pinagsasabi mo eh sakin pinababantayan ni Principal si Barbs."

"Edi... tayong dalawa."

Alam kasi ni Sam na hindi nya pwedeng ipagsabi na s'ya ang inatasan ni Director Tang para bantayan si Barbie.

"Tsss! Anyways, dyan ka na hahanapin ko na muna sya."

"Teka sasama ako."

"Sam!!!"

Biglang may tumawag kay Sam.

"Sorry, tawag ka ni Pres. babush."

"Teka lang!!!"

"Sam!!!"

"Opo andiyan na."

At hinanap na nga ni Dana si Barbie at nakita nya ito sa isang puno na nag do-drawing.

"Uy!"

"Oh. Ikaw pala. Halika tignan mo to."

"Ohh... you can draw?"

"Um. Hidden talent char! Minsan lang pag sinisipag. Ayos ba? Gusto kasi dinodrawing mga ulap."

"Ang ganda Beh."

"Talaga? Gusto mo?"

"Bibigay mo?"

"De binebenta ko. Syempre bigay di naman ako pro."

"Pero ang ganda talaga parang ganyan yung nga napapanood ko na video sa fb yung nga ano canvas na kala mo walang patutunguhan ang painting pero in the end ang ganda."

"Kulang nga eh paint dapat yan kaso bibigat ang dala ko kaya color pastle nalang."

"Pero ang ganda na kaya."

"Na inspired kasi ako dun sa nakita ko kahapon di ba muntik na ko matuluyan sa bangin habang andun ako napansin ko na ang ganda ng kalangitan tapos yung nga puno nga green tas sa baba batuhan with falls. Sabi ko nga pede naman siguro ako mahulog talaga dine ang ganda naman sa baba. Hahaha."

"Sira! Pero galing ah. Di ko akalain na marunong ka palang mag drawing. Astig!"

"I user to it lalo na sa mga bago ko lang nakikilala like you."

"So, sa dati mong School nag do-drawing ka rin?"

"Um. May subject kasi kaming arts well meron naman tayo sa AGA pero dun kasi sa dati kong School marami talaga dun mahilig sa arts kaya pag break time at di ka naman kakain o wala kang gagawin makikita mo ang mga students dun sa art room."

"Oh? Galing naman saya nun."

"Oo yung bestfriend ko nga eh mga legend na yung levelan kasi nagbebenta na s'ya ng mga paintings nya."

"Cool!"

"Miss ko na nga yun eh nagalit kasi s'ya sakin di kasi ako nag paalam sa kaniya na lilipat na ako ng School nalaman nya nalang nung di na ko na pasok."

"Ohhh... sorry."

"Heh! Its okay tampurista naman talaga yun pero mabilis mag patawad. Okay na rin na malayo ako sa kaniya para mabilis ko na syang makalimutan."

"Hmm? Bakit naman?"

"Wala. Tara, nagugutom na ko pwede na bang mag lunch?"

"Ay, oo nga pala kaya nga pala ako nag punta dine eh para tawagin kang kakain na. Hahaha... nalimutan ko. Sarehhh."

"Hehe. Sige tara na."

"Sarap ng lunch natin ang dami mo kasing nakuhang cards."

"Maliit na bagay. Char!"

Nag pabalik na yung dalawa sa tent nila biglang lumabas sila Gaile at Uno.

"Narinig mo yon? Nay bff si Barbs sa dati nyang School." Sabi ni Sam.

Gaile bonked him.

"Ungas! Syempre naman! Ano namang tingin mo kay Barbie di pwedeng magkaroon ng kaibigan? Gago!"

"Sorry naman pero sino kaya yon? Bakit gusto nya ng kalimutan?"

"Di ko alam..."

"Pansin ko lang ha, parang ayaw kinukwento ni Barbie ang buhay nya. Tignan mo iniba nya agad yung topic nung tinanong ni Dana kung bakit nya kakalimutan yung bff nya."

"Wag ka ng mangialam! Halika na!"

"Tsss! Nag bibigay lang naman ng opinyon eh."

"Wala akong pakialam sa nararamdaman mo." Then she left.

"Gaile!!! Hintay!!!"

Samantala kausap ni Bruce ang anak niya si Kenny sa may isang gilid malayo sa nakararami.

"Po? Bakit naman? Pauuwiin n'yo na kami ni Barbie?"

"Do it what I said!"

"Pero dad, unfair naman po ata yun sa iba . Tsaka okay naman na po ako ay ganoon rin naman po si Barbie."

"Basta! Uuwi na kayo! Mamaya lang ay andito na si Poy. Kaya ayusin mo na ang gamit mo."

"Pero daddy, hindi papayag si Barbie na umuwi kami. Alam n'yo yon ang kulit."

"Ako ng bahala mag explain sa kaniya basta ikaw ayusin mo na ang nga gamit mo."

"Tsk! Bahala na nga kayo."

At nag walked out na nga si Kenny.

Bruce sighed "pasensya na anak... di ko pa masabi sayo ang katotohanan."

"."

At nagulat na nga ang mga students na uuwi na sila Barbie at Kenny.

"Ano?! At bakit bigla nalang uuwi si Barbie?" Ang sabi ni Director Tang na nasa sarili nitong cottage na busy sa kaniyang laptop.

"Opo Sir. Ang sabi po kasi need mag pahinga nila Kenny at ni Ms. Barbie dahil sa mga natamo nilang mga galos at sugat at hindi sila pwedeng mag participate sa mga susunod na activity."

"Hinde! Nasan si Bruce? Sigurado akong s'ya ang may pakana ng ganitong biglaan."

"Pero Sir, wag po tayong mag padalos dalos. Alalahanin n'yo injured po talaga si Ms. Barbie lalo na si Kenny paano nalang po kung lumala? Kaya n'yo bang makitang nagkakasakit si Ms. Barbie?"

"Tsk! Fine. Ihatid mo sila siguraduhin mong safe silang makakauwi."

"Ahm. Actually Sir, dumating na po ang sundo nila."

"Huh! Iba talaga si Bruce kung gumalaw. Nasan na sila?"

"Papaalis pa lang po Sir. Nag papaalam lang po yung dalawa sa nga ka group nila."

"Lets go and meet them."

"Yes Sir."

At nag papaalam na nga yung dalawa sa mga ka group nila at nanghihinayang ang mga ito dahil aalis na sila Kenny at Barbie ng camp site.

"Captain, parang gusto ko na rin pong umuwi masakit po kasi ang tyan ko." Sabi ni Quinley.

"Gusto mong sikmuraan kita ng matuluyan yang pag iinarte mo?" Sagot ni Manix at nag tawanan naman ang mga students.

"He... He... Joke lang captain kayo naman parang others."

"Heh!"

Nag sama-sama muna ang ibang groups para mag paalam kila Barbie at Kenny.

"Pagaling ha?" Sabi ni Gaile.

"Oo nga mamimiss ka namin. Wala na kong kasama sa tent." Sambit naman ni Dana.

"Edi ako nalang." Sabi naman ni Sam.

"Sapak gusto mo? Tigilan mo nga si Dana." Sabi naman ni Barbie.

"Joke lang. Pagaling ka."

"Tsss! Kala mo naman talaga..."

Bigla namang umakbay si Uno kay Sam.

"Bakit ba parang ang clingy mo kay Barbs nitong mga nakakatawang araw? Crush mo s'ya no?"

"Uyyy... Si Sam pumapagibig na." Pambubuyo ng ilang mga students habang wala naman sa mood yung dalawa ni Kenny at Thew na nakikinig lang sa nakararami.

"Oh? Anong problema? Bakit nanahimik kayo dine?" Sambit ni Gaile na bigla nalang sumulpot. "Hoy Kenne! Baka naman awayin mo si Barbie ha. Lagot ka sakin." Dagdag pa nya.

"Tigilan mo nga ko Gaile. Kilala mo ko di ako mahilig sa basag ulo."

"Sus! Injured ka lang."

"Tsss!" Reaction naman ni Thew.

"Oh, bakit naman ganyan ang pag mumukha mo Mateo!" Panloloko pang sabi ni Gaile.

Tanging si Gaile lang ang natawag kay Kenny na "Kenne" at "Mateo" naman kay Thew bilang Matthew naman talaga ang totoong name nito.

"Shut up Gale!"

"Sampal gusto mo? Gale, Gale ka dyan!"

"Diyan na kayo." Sabi ni Kenny na sasakay na ng kotse sana ng pinigilan s'ya ni Thew.

"Yung usapan."

"Huh!" Reaction ni Kenny at sumakay na ng kotse.

"Anong usapan? Share nyo!" Sabi ni Gaile at iniwan na s'ya ni Thew. "Hoy!!! Mateo!!!"

"Heh!"

Kinatok naman ni Gaile ang bintana ng kotse para kausapin si Kenny pero di s'ya pinagbuksan nito at ni lock pa ang pintuan.

"Hoy!!! Kenne!!! Hindi ko kayo bati ni Thew!!!"

"Gaile?"

Nagulat naman si Gaile ng bigla syang nakita ni Bruce.

"Pri— Principal."

"Anong ginawa mo?"

"Po? Ahm... Wa— Wala po sige po bye..."

At kumaripas na ng takbo si Gaile.

"Kenny, open the door."

Binuksan naman ni Kenny at pumasok ang daddy nya sa kotse andoon rin ang driver na si Poy.

"Dumaan na muna kayo sa Drive Thru bago umuwi para di na kayo mag luto."

At binigyan ni Principal ng pera si Kenny.

"Wag na dad may pera pa naman po ako. Pero wala po ba sa bahay si Ate Chinchay?"

"Di ko kasi s'ya nasabihan na uuwi kayo ni Barbie sa bahay kaya bukas na s'ya papasok."

"Ah. Sige po."

"S'ya sige na kunin mo na to. Tatawagin mo na si Barbie para makauwi na kayo."

"Sige po salamatz. Ahm... Dad."

"Ano yon?"

"Hindi naman po ito dahil kay Director Tang kaya uuwi kami ni Barbie ngayon di ba?"

"Ha? Sye... Syempre hinde bakit naman dahil kay Director kaya kayo uuwi? Iniisip ko lang ang kapakanan n'yong dalawa ni Barbie tsaka ano nalang sasabihin ko kay Amanda pag nalaman nyang naaksidente ang unica ija nya? Alam mo namang kailangan nating pangalagaan si Barbie di ba?"

"Sana nga po talaga dad dahil lang kay tita Amanda."

"O— Oo wag ka ng kung ano pa ang iniisip. Sige na bababa na ko. Poy, ikaw ng bahala sa dalawa ingat kayo."

"Opo Sir." Sagot ni Poy.

Si Poy ang on call driver nila Bruce na nakatira sa tindahan malapit sa bahay nila. Isang tambay kaya madalas kung anong trabaho ang pinapasok dahil hindi s'ya na tagal sa isang trabaho parati syang nag babago ng isip. At pag gano'n madalas syang mag resign kaya isang syang "pabi" sa nanay nya means "pabigat" na anak. Pero mabait naman si Poy at masunurin sa magulang nya kaya pinagkakatiwalaan ni Bruce.

Pagkababa naman ni Bruce ng kotse nakita nyang yakap ni Director Tang si Barbie kaya dali-dali syang lumapit sa mga ito.

"Barbie!"

Barbie break a part from Director immediately "uncle..."

Bruce hold Barbie's hand "aalis na kayo."

"Opo. Sige po Director."

"Um. Take care call me if you need something okay?"

"Opo."

"Barbie let's go." Ang galit na sambit ni Bruce at ang sama ng tingin kay Director Tang.

Nag babye na rin si Barbie sa mga classmate nya.

"Guys, hindi nyo ba na pansin na parang ang close ni Director Tang kay Barbie." Sabi ni Uno.

Sila Gaile, Dana, Quinley, Thew at Sam ang kausap ni Uno.

"Oo napansin ko nga rin yon." Sagot naman ni Quinley.

"Kayo talaga puro kayo chismis. Ano naman kung close? After all injured si Barbie and Mr. Tang is our new Academy Director so? What's bad thing about that?" Opinyon ni Dana.

"Kaya nga itong dalawang ito laging dami napapansin eh. Ikaw Thew? What can you say?" Sabi naman ni Sam.

Hindi naman sumagot si Thew at umalis na.

"Hey!"

Gaile sighed "bumalik na nga tayo dami nyong problema sa buhay." Anya at sumangayon naman sa kanila sila Dana.

Naiwan naman si Sam...

"Sighhhh... buti nalang mga slow ang mga ito." Pabulong na sambit ni Sam.

"Sino slow?" Bungad naman ni assistant Drei.

"Si— Sir."

"Come with me."

"O— Opo."

"."

Natulog na si Barbie habang nasa biyahe at naipatong nya rin ang ulo nya sa balikat ni Kenny.

"Kuya, bago po tayo umuwi dumaan po muna tayo sa Jollibee." Sabi ni Kenny kay Poy

"Sige sabihan mo lang ako kung may pupuntahan pa kayo ni Barbie."

"Nako, wala na bagsak na ang isang to."

"Hehe... mahirap talaga pag may camping eh. Sabi nga pala ni kapitan eh na aksidente kayo? Kamusta pala? Ayos lang ba kayo?"

"Eh... eto nga may benda ang kamay ko pati ang likuran ko muntik na kasi kami ni Barbie mahulog sa bangin."

"Buti nakaligtas kayo. Si Barbie kamusta sya?"

"Nagtamo lang sya ng mga galos pero alam mo naman si Daddy may pag ka OA kaya eto pinauwi kami."

"Ehhh... injured nga kayo mas mabuti makapag pahinga na muna kayo mas okay kasi kung sa bahay mamahinga."

"Yeah. Di rin kasi ako makatulog ng ayos sa camp site. Tsaka itong Manila Girl na ito hindi ito sanay sa mga ganon. Glamorous ang camping na alam nire." He smiled and pat Barbie's head gently.

"Heh! Susyalen ba? Pero bro bagay kayo."

"H— Ha?! Wag kang ano dyan kuya baka marinig ka niya nananapak yan"

"Hahaha... nananapak ba. Pero pwera biro bagay kayo she's cute and mukhang ayos rin naman sya kay kapitan. Bakit di mo ligawan?"

Napa tingin naman si Kenny kay Barbie "kinakapatid ko sya kaya normal lang na gusto sya ni daddy pero hindi ko sya pwedeng ligawan dahil di naman nya ako gusto."

"Eh? Bakit may boyfie na sya?"

"Wala."

"Oh, wala naman pala bakit di mo sya ligawan? Try mo lang."

"Ayoko... di ko ipipilit ang sarili ko sa taong ayaw naman sakin."

"Bakit naman ayaw nya sayo?"

"Hindi ko alam. Pero parati kasing hindi kami nagkakasundo. Baka gang kinakapatid ko nalang talaga sya."

"Ikaw rin baka maunahan ka ng iba."

"Ayos lang magulo naman ang isang to."

"Heh... bakit naman magulo?"

"Basta mahirap ipaliwanag bro."

Ang hindi alam nila Kenny na gising na si Barbie ng mga oras na yon.

Sa isip-isip ni Barbie habang nag tutulog tulugan "Huh! Magulo? Banatan ko kaya ang isang ito?"

***

Kinagabihan sa Camp site...

"Oh? Nyare don? Bakit nakatulala?" Sambit ni Quinley kay Niro.

"Kanino ba?"

Tinuro naman ni Quinley si Thew na nakatulala at di kinakain ang pagkain nito.

"Ah... stress yan. Dapat masanay na kayo."

"Ha?"

"Ganyan si Thew tahimik, nakatulala lang tas kung anu-ano ang ginagawa kapag stress."

"Bakit naman s'ya stress dahil sa camping? Porket ba wala kami nakuha ng cards? O dahil di nanalo ang group namin? At nga pala, ka group ka pala namin?"

"Gunggong! White group ako may inutos lang sakin kaya ako nandito."

"Ah... pero bakit nga s'ya stress?"

"Slow ka rin eh no? Ikaw ba pag di mo nakikita yung crush mo di ka maiistress?"

"Well, syempre naman nakaka lungkot yon. Pero sino ba ang crush ni... Wait! Don't tell me crush nya si Kenny?"

Niro bonked him.

"Sira ulo! Ano namang tingin mo kay Thew? Beki?!"

"Ah... eh... malay ko ba? Baka lang naman ka ko. So sino pala? Sa ibang group ba?"

"Sino pa ba ang umalis bukod kay Kenny?"

"Eh? Si Barbie?"

"Nadale mo! Pero wag kang maingay."

"Oh? Crush nya rin si Barbie?"

"Nya rin? Sino pa?"

"Ahm... si Sam. Lately kasi napapansin namin na parang gusto nyang parating na sunod kay Barbie. Ginagawa ang mga naisin nito tapos ang alaga nya kay Barbie na parang hindi na s'ya yung Sam na kilala naming puro chismis lang ang alam."

"Mukhang may karibal pala si Thew bukod ka Kenny."

"Ha? Anong bukod ka Kenny?"

"Ehhh... di mo ba napapansin parang may pag tingin din si Kenny kay Barbie."

"Pero hindi ba mag pinsan sila?"

"Yun ang sabi pero iba talaga eh parang may something."

"Sabagay yung concern ni Kenny kay Barbie para ngang kakaiba."

"See, mapapansin naman kasi talaga."

"Mapapansin ang ano?" Bungad ni Manix na umakbay pa kay Niro.

"Se— Senior."

"Hindi ba naibigay ko na yung listahan sayo? Eh bakit andito ka pa?"

"E— Eto na nga po aalis na."

Pag alis ni Niro nilapitan ni Manix si Thew.

"Hindi pinaglalarian ang pagkain."

"Ah... Sorry."

Na upo naman sa tabi ni Thew itong si Manix.

"Hindi mo ba gusto ang ulam?"

"Ahm... hindi naman sa ganun captain."

"Itong tuto masarap ito pag mainit kaya kainin mo na yan sige ka kakainin ko yan."

"Gusto nyo?"

"Ha? No, I'm just joking ikaw ang kumain. Magkikita pa naman kayo ni Barbie eh kaya kumain ka."

"A— Anong..."

"Don't me bro. Lalaki rin ako at alam ko yang pinagdaraanan mo."

"Ha?"

"Kumain ka na."

"Pero... ano bang..."

"Wala, kumain ka na at bukas kailangan pa nating manalo. Bilang isang varsity rin kailangan nating manalo. Right Thew?"

"Yes Captain. Nga pala bakit pala umalis kayo sa baseball team? Sabi nila ace player daw kayo noon."

"Hanep sa noon ah. Parang ang tanders ko bigla."

"Sorry Sir."

"Ngayon naman Sir."

"Ay..."

"Dati kasi masaya pa maging varsity pero nung naging Student Council na ko mas nasabi kong mas masaya palang mamuno sa mga students. Hindi dahil Senior niyo ko pero mas masaya ko kapag May mga students akong natutulungan."

"Pero pano naman yung dati nyong ginagawa?"

"Well, varsity pa rin naman ako hindi nga lang main stay reserved lang ako."

"Eh? So, kayo ba yung secret weapon ng baseball team? Yung sinasabi nila Captain na darating kapag kailangan?"

"Um. That's me."

"Woah! Ang angas nun!"

"Heh... maliit na bagay."

"Pero paano ang training nyo?"

"I do it in our house."

"House?"

"Um. We have a large place minsan punta ka andun din si Niro minsan. Mag kapitbahay kasi kami."

"Eh??? Si Niro???"

"Um. Actually, pinsan ko sya."

"Ehhhh???"