webnovel

PRIDE of Friendship

"Sa pag ibig walang tama o mali, walang kasariang pinipili kapag mahal mo ipaglaban mo. LOVE IS LOVE!"

lyniar · 若者
レビュー数が足りません
94 Chs

Chapter 46: Slippery

Nag aayos na ang bawat group ng kani-kanilang mga tent at yung ibang students naman na member ay nangunguha na ng mga kahoy para sa kanilang pag gawa ng apoy at yung iba ay nakuha ng dahon ng saging para sa kanilang magiging plato.

"My gosh, why ba need pa natin kumuha ng wood? Can we just pa deliver nalang ng foods? I'm hungry na kasi." Ang sambit ni Ellaine na nag iinarte dahil nag hahanap sya ng kahoy paran panggatong nila at kasama niya rin sila Gaile at Uno.

"Huh! Ano? Deliver? Dito sa bukid?! Ay siya! Mag intay ka ng delivery dine gang sa pag puti ng uwak!" Ang naiinis na sagot ni Gaile dahil kanina pa sya naririndi sa bunganga ni Ellaine na kanina pa rin nag iinarte.

"Gaile!"

"Bakit ba?! Bakit kasi sya pa ang naging ka group natin mas okay pa si Barbie."

"What? As if naman na gusto ko kayong maging ka group!"

"Huh! Edi wow!" At nilayasan nya si Ellaine

"Hoy!"

Uno made a facepalm "sigh... bakit ba ako ang naririne kasama nila?" Pabulong nyang sambit.

"Uno!" Sigaw ni Gaile.

"Oo andiyan na."

Ellaine smirked "huh! Mag sama kayo mga loser!" Bigla naman syang natipalok at nakita yon nila Gaile at Uno.

"Pfft... hahahaha... sino ngayon ang loser? Tsss!" Sabi ni Gaile pero tinulungan nya na tumayo si Ellaine.

"Tha— Thanks..."

"No worries. Tsss! Uno, kunin mo yung kahoy nya."

"Ha? Para isang lang naman yang dala nya."

"Kunin muna!"

Nung hahakbang na sana si Ellaine biglang sumakit ang ankle nya "awww!!! It's masakit!"

Nagkatinginan naman sila Gaile at Uno then they smirked "ang arte mo kasi! Ayan na sprained yung ankle mo." Ang naiinis na sambit ni Gaile at kinuha naman yung dala ni Uno na kahoy.

"I'm not maarte kaya!"

"Ako na dyan Gaile!"

"No, you carry her."

"Ha? Ba— Bakit ako?"

"Aba alangan naman ako? Ikaw ang lalaki dine."

"Tsk! Oo na."

Sa kabilang grupo naman kung nasan sila Kenny at Thew ang pink group na pinamumunuan ni Manix ang peace officer ng Student Council.

"Nice! Iba talaga kapag isa kang Thew." Bungad ni Quinley kay Thew dahil kumpara kay Kenny mas marami itong dalang kahoy.

Naka assigned sa bawat member ang kanilang mga chores at kasama nga sa pagkuha ng kahoy sila Kenny at Thew.

"Maliit na bagay lang yan kakaunti pa nga yan eh."

Sa isip-isip ni Kenny "umandar na naman yang kayabangan nya."

"Thew." Pag tawag ni Manix.

"Senior."

"Samahan mo si Quinley na kumuha ng malaking bato para sa gawin nating kalan sa pagluluto."

"Sige po Senior."

"Kenny, ikaw naman kumuha ka ng dahon ng saging kulang ang nandito para satin. Isama mo si Con para kumuha."

"Sino po si Con?"

May tumaas ang kamay at nag pakilala ito bilang si Con kay Kenny "oh, grade 7 ka lang? Ang tangakad mo."

"Ah, salamat po."

Bigla namang inakbayan ni Thew si Con "ano bro? Naka pag decide ka na ba na sumali sa varsity?"

"Ahm... hindi ko pa po kasi nasasabi sa parents ko."

"Mag paalam ka na may trial kami next week baka gusto mo sabihan mo lang ako. One call away."

"Ahm... Si— Sige po."

Hinila naman na ni Kenny si Con "alis na po kami Senior Manix."

"Hoy!!! Kinakausap ko pa si Con."

Ang sama naman ng tingin ni Manix kay Thew "Ahem... Qui— Quinley... halika na kumuha na tayo ng bato. Ano pa bang ginagawa mo?"

"Ha? Ikaw itong..."

"Halika na!"

Habang papalayo naman sila Kenny at Con...

"Wag mong pansinin ang kumag na yon. Kung ayaw mong sumali sa varsity wag kang sumali di naman kailangan."

"Kayo po? You have a height rin po varsity ka rin po ba kayo?"

"Ah... Hinde pero I once played basketball sa Academy siguro nung grade 7 rin ako gaya mo."

"Oh? Bakit di nyo po tinuloy tuloy? Sayang naman po extracurricular po yun di ba?"

"Ah, oo pero ayoko na di kasi para sakin ang pag va-varsity tsaka di naman ako magaling lumaro."

"Eh? Sabi nila anak raw po kayo ng principal at mukha rin po kayong matalino kaya sure magaling po kayong mag laro."

"Tsss! Wala yon sa talino kung di mo naman kasi gusto ang ginagawa mo yung tipong di ka naman masaya di ka rin makakapaglaro ng ayos."

"Ohhh... ganun po pala."

"Tama na nga yan at mag hanap na tayo ng dahon ng saging dito. San nyo ba kinuha kanina ang mga dahon ng saging? Kasama ka ba?"

"Ah, opo diretso lang po kayo sa may bandang baba po marami eh."

"Okay tara na."

"."

Makalipas pa ang ilang minuto pabalik na sana sila Kenny at Con sa mga ka group nila ng biglang...

"Ahhhh... alis dyan wala akong preno!!!" Ang sambit ni Barbie na para bang rumaragasang baha. Dahil nga pababa at medyo madulas ang daan sinamahan pa ng di appropriate na shoes ni Barbie kaya di nya macontrol ang sarili sa pagbaba.

"Ba— Barbie?"

"Senior, bilis malapit na po sya dito po kayo." Sabi ni Con.

"No, kailangan ko syang pigilan. Gimme the bolo."

"O— Opo."

At mga ilang segundo pa pinigilan na nga ni Kenny si Barbie at gamit ang bolo itinarak nya ito sa isang puno para hindi sila mag dire-diretso sa baba na sobrang delikado na dahil sobrang tarik na.

"Senior... ayos lang ba kayo?!" Sigaw ni Con at ganoon rin naman si Dana na tinatawag ang name ni Barbie.

"Ayos lang kami humingi kayo ng rope para mahila kami dito ni Barbie." Sigaw na sagot naman ni Kenny.

"Oo sige intayin nyo kami." Sabi ni Dana.

At dali-dali na ngang umalis yung dalawa samantala di naman nagalaw si Kenny at Barbie kung nasan sila dahil konting kibot lang nila maaari silang mag dire-diretso sa baba.

Nakapatong si Barbie kay Kenny at sobrang awkward talaga ng situation nila.

"Ahhhh!!! Ayoko pang mamatay!!!"

"Kumalma ka nga! Hawak kita pero kapag gumalaw ka pa riyan baka di ko na matantsa mahuhulog na talaga tayo."

"A— Anong gagawin natin? Ganito nalang tayo gang sa dumating sila? Nakakadiri ha!"

Dahil nga nakapatong si Barbie kay Kenny hindi nito matagalan ang ganoon situation nila.

"Sige mandiri ka ng parehas tayong mahulog dito. Sino ba kasing engot ang may kagagawan kung bakit tayo nandito?"

"Tsss! Kasalanan ko bang nadulas ako?!"

"Yan na nga na ang sinasabi sayo ni daddy ayaw mong mag palit ng shoes edi ayan na dulas ka pati ako nadamay."

"Huh! Bakit mo ko tinulungan?"

"Ahm... ano... EWAN!!! Tinatanong pa ba yan? Alangan namang pabayaan nalang kita? Paano kung di kita napigilan? Para ka nalang dyang bulok na kahoy na naanod ng baha?!"

Boohoo!!!!

"Mommy!!!"

"Haysss... wag ka ng umiyak makakaalis tayo dito kaya kumalma ka."

"Sniff... Sniff... pero na nganagalay na ko tsaka yung kamay mo nadugo na."

"Don't worry about me okay lang ako."

"Ahhhh!!! Bakit kasi ang tagal nila?!"

Nakakaramdam na ng sobrang pangangalay si Kenny at dahil nga nadugo na rin ang kamay nya sa hawakan ng bolo masakit na ito "tsk... okay let's move pero dahan -dahan lang okay?"

"Pero natatakot ako."

"Don't worry andito ako just hold my hand okay?"

"Um."

Hinawakan ni Kenny ang kamay ni Barbie "bibilang ako ng 1 to 3 you move to the left side okay?"

"Um."

"Pagka move mo make sure wag kang tatayo agad just lay down isipin mo nasa kama ka."

"Um."

"Then you move upward hanggang saa reach mo yung puno kung san naka tarak itong bolo na hawak ko."

"Um."

"Then you go over the tree para against at di ka mahulog."

"Um."

"Okay, after 3 you move na."

"Copy."

"1, 2, 3!!! Go!!!"

Naka move nga sa left side si Barbie pero muntik na syang dumulas buti nalang hawak sya ni Kenny.

"Okay lang yan mag move ka na pa punta sa puno basta gumapang ka lang para hindi mawala ang momentum. Ready?"

"Um."

Nag bilang ulit si Kenny at pag ka 3 unti-unting nagapang pataas si Barbie gang sa na reached nya na yung tree kung san nakatarak yung bolo.

"Okay, dyan ka lang at humawak ka ng mahigpit sa puno."

"Um. Ikaw? Gimme your hand tutulungan kita na makataas dito."

"Hindi na, mabigat ako at di mo ako kaya baka mahulog pa tayong parehas lalo na tayong malilintikan."

"Pero yung kamay mo."

"Don't worry ayos lang ako kaya ko pa naman."

"Barbie!!! Kenny!!! Andito na kami!!! Ayos lang ba kayo?!!!" Sigaw ni Bruce na may kasamang iba pang mga teachers at pati mga rescuers.

"Uncle!!! Andito po kami!!!"

"Wag kayong mag alala, ililigtas namin kayo!!!"

Dumating naman si Director Tang at kinausap agad yung mga rescuers "ano na? Bakit ayaw nyo pang bilisan? Baka mapano na si Barbie sa baba!!!"

"Yes Sir. Gagawin po namin ang makakaya namin pero for the meantime dito na po muna kayo at kumalma."

"Paano ako kakalma??? Bangin na ang nasa baba nyan at baka kung mapano si Barbie!!!"

Lumapit si Drei kay Mr. Tang at bumulong "Director, kumalma kayo, naka tingin na sainyo ang mga teachers lalo na si Principal Bruce. Baka mahalata nya kayo."

Napatingin naman si Mr. Tang kila principal Bruce "nga Sir, please save them."

"Opo wag kayong mag alala." Sagot nung isa sa nag rescuers na handa sa pagbaba.

"Ganyan ba talaga si Director mag alala sa mga students nya?" Ang pabulong na sambit ni Ma' am Gee ang handler ng red group.

"Oo nga'y pero bakit tila si Barbie lang ang inaalala nya? Eh nasa baba rin naman si Kenny." Opinyon naman ni Sir Agustin ang handler ng black group.

"Kayo talaga puro kayo issue andito lang si Principal naririnig nya kayo." Ang sabi naman ni Sir Mariano ang handler naman ng blue group kung san nabibilang si Barbie.

Lumapit naman si Bruce kay Mr. Tang...

"Ako na po ang humihingi ng tawad na may nangyaring ganitong aksidente."

"Huh! Tawad? Mabibigay ba ng pag hingi mo ng tawad kapag may nangyaring masama kay Barbie?!"

"Alam kong hinde pero hindi lang si Barbie ang nasa baba at nanganganib ang buhay andoon rin ang anak kong si Kenny!"

"Ohhh... so, yun pala yon." Hindi nya na napigilan ang sarili sa galit kaya sinapak nya si Bruce at kinagulat iyon ng mga teachers pati na rin ang mga students na nasa kabilang side dahil di sila pinayagan makalapit sa lugar ng pinangyarihan. Para iwas aksidente na rin dahil madulas ang dinaraanan sa bahaging iyon ng bukid.

"Anong nangyayare? Bakit sinapak ng Director si Principal?" Reaction ng ilang mga students.

"Magsitahimik kayo!!! Bumalik na kayo sa kani-kaniya nyong tent kesa mag chismisan kayo dito!!!" Ang pagalit na sambit ni Jemie.

"Pero gusto naming malalaman kung ano na ang nangyare kila Kenny at Barbie." Sabi ni Dana.

"Oo nga!!!" Pag sangayon ng nakararami.

"Quiet!!! All the leaders of each groups pabalikin nyo na ang mga ka grupo nyo sa mga tent!"

"Yes President." Sagot ng mga leaders ng each groups na kapwa mga SC members rin.

Lumapit naman si Gaile kay Thew at nakita yon ni Jemie "hoy! Ano ayos ka lang?"

"Oo nag aalala lang ako kay Barbie."

"Wag kang mag alala may mga rescuers naman na kaya magiging..."

Di naman na naka pag salita si Gaile dahil bigla may sumigaw.

"Si Barbie!!!"