webnovel

PRIDE of Friendship

"Sa pag ibig walang tama o mali, walang kasariang pinipili kapag mahal mo ipaglaban mo. LOVE IS LOVE!"

lyniar · 若者
レビュー数が足りません
94 Chs

Chapter 35: Favoritism

Kinahapunan...

"Okay aasahan ko sa sususnod na biyernes yang project nyo ang walang maipasa wala ding grade. Nakakaintindihan ba tayo?" Sambit ni Sir Pagkalinawan ang Filipino teacher nila Barbie.

"Opo Sir." Anila.

"Sige makakauwi na kayong lahat tandaan umuwi agad sa bahay at wag ng kung saan pa pupunta."

"Opo Sir."

At nag kaniya-kaniya na nga mag ayos ng kani kaniyang mga gamit sila Barbie at nag hahanda para umuwi.

"Bie, hindi na muna kita maihahatid may practice kami ngayon." Ang seryosong sambit ni Thew.

"O— Oo sige sorry hindi pa ko magkaka sama sa pag paparactice eh."

Napatingin naman si Thew sa ankle ni Barbie "no, it's okay understandable naman mahirap na baka lalong lumala."

"Um. Sige."

Tumayo na si Thew na dala ang bag niya at nag paalam na rin kay Barbie at gaya ng dati di niya pinansin si Kenny kahit na magkaka seat mate silang tatlo ni Barbie.

"Ahm... hindi rin kita maihahatid ngayon may... may... pupuntahan pa kasi..."

"Hindi ko kailangan ng company mo kung gusto mong umuwi o hindi wala akong pakialam."

Hindi na nga natapos ni Kenny ang sinasabi nya dahil biglang pinutol ni Barbie dahil naiinis rin ito sa kaniya.

"Sorry."

"Huh!"

Tumayo na si Barbie at sumabay kay Gaile nilapitan naman ni Uno si Kenny na nag ayos ng kaniyang gamit.

"Pre, di mo isasabay si Barbie sayo ngayon?"

"Hindi."

"Bakit parang wala ka ata sa mood kanina ka pa nung bumalik ka galing sa office ni Ms. Elmundo may nangyare ba?"

"Wala. Sige mauna na ko."

Habang nag lalakad naman sila Barbie at Gaile nag uusap ang dalawang ito "ha? Kilala mo yung bagong director natin?" Tanong ni Gaile kay Barbie.

"Um. Kaya gusto ko sana tulungan mo ko."

"Ha?"

Beep... Beep...

Ang lakas bigla ng hangin ng lumagpas sa dalawa si Kenny lulan ng kaniyang big bike.

"What the?! HOY!!! KENNY!!!" Ang galit na galit na sambit ni Gaile dahil hinangin ang kanilang buhok ni Barbie.

"Hayaan mo sya, baliw ang isang yon." Sagot naman ni Barbie habang inaayos ang kaniyang buhok at tinulungan rin naman sya ni Gaile.

"Are you mad at him?"

"Nah, nabubwiset lang ako sure akong nag mamadali na yun kasi dadating na si uncle sa bahay."

"Sa bahay? Wait, totoo na mag kasama kayo sa bahay?"

"Shhh... oo pero wag kang maingay ha?"

"Oo sige, pero hindi talaga kayo mag pinsan tama?"

"Ha? Ah... eh..."

"Don't worry, hindi ako gaya nila Ellaine na inggit sayo. Pero hindi kita pipilitin na sagutin ako."

"Ah... A... Ano kasi..."

Hindi naman na tuloy ni Barbie ang sinasabi nya bigla kasing sumulpot si Jemie lulan ng kaniyang kotseng dilaw "hop in."

"Senior." Ang sambit ni Barbie.

"Sakay na."

"No need." Ang ang iinarteng sambit ni Gaile.

"Bakit? Sinabi ko bang isasabay kita? Si Barbie lang ang tinutukoy ko."

"Huh! Edi wow! Bie, lets go!"

At hinila na nga ni Gaile si Barbie "ah... Ahm... Gaile... sandali lang."

"Bie, wag tayong sumakay dyan mag papasundo ako kay daddy kaya halika na."

Bumaba naman si Jemie sa kotse nya at hinarangan yung dalawa "hep!"

"Ano ba?! Umalis ka nga diyang epal ka!"

"Ano na naman bang problema mo ha Gaile?! Isasabay ko na nga kayo ni Barbie ayaw mo pa?"

"Eh sa ayaw ko nga!"

"Huh! Ano ba?! Don't tell me nag kakaganyan ka dahil sa nangyare kanina ng umaga?"

"Ano?!!!"

"Bakit di ba totoo?!"

"Talagang iniinis mo ko!!!!"

Barbie sighed at iniwan yung dalawa at sumakay sa kotse ni Jemie "come on guys nagugutom na ko." Aniya.

Sabay naman na napatingin sila Gaile at Jemie kay Barbie "eh? Bie!!!."

"Let her be. Kung ayaw mong sumabay hindi kita pipilitin pero mag ingat ka."

Bigla namang parang nag enlighten ang mood ni Gaile kaya inunahan nya pa si Jemie na sumakay sa kotse "oh? Ano pang tinutunganga tunganga mo diyan? Sakay na!"

"O— Oo ere na."

Nasa backseat si Barbie at nasa unahan baman si Gaile at si Jemie ang driver "I think may something sa dalawang ito." Ang pabulong bulong na sambit ni Barbie.

Samanatala sa field kung saan nag papractice ng baseball sila Thew...

"Mathew dodge it!!" Ang sabi ng captain nilang si Marcus pero hindi nakailag si Thew sa bola kaya tumama ito sa ilong nito at natumba.

"Bro!!!" Sambit ni Niro kaya dali-dali syang lumapit kay Thew na dumudugo na ang ilong.

Pinag ka guluhan naman si Thew ng mga kasamahan niya kaya nagalit yung captain nila "magsi tabi kayo!!!"

Pandalas naman ng tayo yung mga kalalakihang curious kung ano ang nangyari kay Thew kaya lumapit na si Marcus "sabi ng tamabi kayo! Bigyan n'yo s'ya ng hangin!"

Nagkaroon naman ng malay si Thew ng mapaamoy s'ya ni Niro ng isang mint na inhaller na parati nitong dala.

"Bro! Anong nararamdaman mo? Nag dudugo ang ilong mo."

Pinunasan lang ni Thew ang ilong nya at tumayo pero na out of balance sya kaya naman inalalyan sya nila Niro.

"Mabuti pa dalhin nyo na ang isang yan sa clinic." Ang sambit ni Marcus.

"Sige po Captain." Anila.

"Hindi na captain ayos lang ako mauupo lang muna ako sa bench."

Tinanggal naman ni Thew ang mga kamay nila Niro sa kaniya at nag punta sa bench para mag pahinga.

"Mathew..."

"Ako na pong bahala captain." Sabi ni Niro.

"Sige... oh kayo, bumalik na kayo sa practice."

"Yes Captain."

Pinuntahan nga ni Niro si Thew at binigyan nya ito ng malamig na tubig na nasa bote.

"Oh, uminom ka muna at itaas mo yang ulo mo wag kang tumungo lalong dudugo yang ilong mo." Sambit ni Niro at ininom naman ni Thew ang bigay nyang tubig at inilagay ang bote sa noo nya.

"Bro, crush mo ba ko?"

Naibuga ni Niro ang tubig na iniinum nya sa gulat sa sinabi sa kaniya ni Thew.

"Ba— Baliw ka ba? Straight ako gago!"

"Try lang."

"Sira ulo!"

"Sa tingin mo mahirap ba akong magustuhan?"

"Ha? Ano bang pinagsasabi mo? Parang wala ka sa wisyo lasing ka ba?"

"Bakit kasi lagi nalang si Kenny? Andito naman ako! Parating sya nalang."

Niro sighed "so... tungkol na naman pala ito kay Barbie?"

"Tinamaan talaga ko Bro."

Binato ni Niro ng boteng walang lamang tubig si Thew "hoy!"

"Chill bro, nababaliw ka na kasi para magising ka sa katotohanan di ka naman ganyan dati ah. Ikaw ang hinahabol ng mga babae at hindi ikaw ang nag hahabol."

"Hindi ko na nga rin alam kung bakit ako nagkakaganito."

"Bakit di mo subukang iwasan muna si Barbie? Pa hard to get ka pre."

"Sa tingin mo eepekto yon? Pano kung maunahan naman ako ni Kenny?"

"Bakit sa tingin mo ba aamin ang isang Kenny?"

"Hindi mo pa sya kilala pero may point ka ni minsan di pa umamin ang isang yon."

"Nga pala, di ba noong elementary tayo naging sila ni Samantha?"

Binato naman ni Thew ng bote nya si Niro kaso nga lang may laman pa na tubig yung bote "aray!!!"

"Hindi naging sila pero..."

Napahinto si Thew at napansin ni Niro na biglang nalungkot ito "pero gusto ni Samantha si Kenny... tapos hindi gusto ni Kenny si Samantha pero ikaw gusto mo so Samantha. Haysss... ang kumplikado nyo talagang dalawa ni Kenny tapos ngayon isang babae na naman ang pinag aagawan nyo. Pambihira!"

Ang sama ng tingin Thew kay Niro "baka hindi ka na sikatan ng araw kapag hindi ka pa tumigil kaka putak diyan."

"So— Sorry Bro ang akin lang naman kasi..."

"Ni...Ro!!!!!!"

Pandalas naman ng tayo si Niro at nag tatakbo na papalayo kay Thew.

"So— Sorry na Bro!!!"

Sa mag kaparehong oras naman kung nasan si Kenny...

"Ano?! Bakit di mo pa isinabay si Barbie? Hindi ba ang kabilin bilin ko sayo alagaan mo si Barbie! Bakit mo s'ya iniwan sa School?!" Ang nagagalit na sambit naman ni Bruce habang nasa terace silang mag ni Kenny na kararating rating lang rin ng kanilang bahay.

"So— Sorry dad, baka kasi kailanganin n'yo ko dito bilang kararating n'yo lang po ngayong araw."

"Pambihira ka! Bakit ako ang iniintindi mo? Ang sabi ko si Barbie! Hindi ako!"

"Pero dad... malaki na po si Barbie tsaka kasama niya naman si Gaile kilala n'yo naman yun di ba? Kaya hindi mapapano si Barbie baka pauwi na rin yun."

Binatukan naman s'ya ng daddy n'ya "ilang beses ko bang sasabihin sayo? Kailangan nating alagaan si Barbie habang wala ang mommy niya!"

"Opo andun na nga po ako pero dad, hindi po kasi kami talaga mag ka sundo ng babaeng yon."

"Her name is Barbie! Anong babaeng yon?! Ikaw Kenny talagang namumuro ka na sakin. Hala sige! Bumalik ka ng School at sunduin mo si Barbie!"

"Po? Ayoko!"

"Susunod ka o gusto mong dito matulog sa labas buong mag damag?!"

Kinuha naman ni Kenny ang bag n'ya at pumasok na sa loob pero bago iyon huminto muna s'ya sa pintuan at sinabi n'ya sa daddy n'ya "kukuha lang ho ako ng kumot at unan." Then he left his dad alone.

"Kenny!!! Bumalik ka rito!!!"

"."

Mag 7pm na pero wala pa rin si Barbie kaya naman lumabas si Bruce at ginising si Kenny na nag tutulog tulugan doon sa terrace dahil mas pinili nitong matulog nalang sa mag damag sa labas kaysa sunduin si Barbie sa School.

"Ano ba dad?! Natutulog na ho ako maaga pa ko bukas."

"Heh! Mag tigil ka! 7pm palang alam kong natutulog ka madaling araw na kaya wag mo kong paandaran dyan!"

Bumangon naman si Kenny at naupo "bakit ho ba? Ano na namang kailangan n'yo? Kung papasundo nyo sakin si Barbie... sinabi ko na po ayoko!"

Bruce sighed "kung hindi ko lang alam kung nasan si Barbie malilintikan ka saking bata ka eh."

"Kasama si Gaile at si Senior Jemie kaya wag na kayong mag alala may sasakyan naman sila kaya uuwi rin yon."

"Haysss... di ko na talaga alam yang gagawin ko sayo. Masyado kang ma pride!"

"Wag n'yo na kasing ipilit ang ayaw ko. Tsaka ayaw rin naman sakin ni Barbie kaya bakit ko pa pag sisiksikan ang sarili ko sa babaeng yon?"

"Huh! Baka kala mo di ko alam ang nangyayari dine sa bahay habang wala ako."

"H— Ho? May— May sinabi po ba sa inyo si Barbie? Dad, wala po akong ginagawang kung ano maniwala kayo."

"Wag ka ngang paranoid bata-bata mo pa masyado kang mag isip ng kung ano-ano. Nabanggit sakin ni Barbie na habang wala ako naging mabait ka naman daw sa kaniya kaya wag daw akong magagalit sayo."

"Ho? Sinabi n'ya yon?"

"Oo, bakit hindi ba totoo?"

"Sye- Syempre po totoo kilala niyo ko mabait naman talaga ko."

"Oo kapag tulog."

"Daddy naman."

"Anyway, may gusto sana akong sabihin sayo."

"Ano po yon?"

"May bagong Director nag AGA. Kaya gusto ko sanang maging mapagmasid ka pa lalo kay Barbie."

"Ho? At bakit naman po? Tsaka kailan pa nagkaroon ng bagong Director ang AGA?"

"Basta bukas ipapakilala ang bagong Director ng School kaya gusto kong parati mong babantayan si Barbie kahit san man s'ya mag punta."

"Dad hindi ko kayo maintindihan. Bakit ba gustong gusto n'yo si Barbie? Ako yung anak n'yo hindi s'ya!"

"Tigilan mo yan. Ayoko lang na may mangyaring masama kay Barbie alam mo namang inaanak ko s'ya kaya ituring mo syang baby sister mo."

"Huh! Hindi ko po s'ya kapatid kaya wag n'yo kong pilitin na tanggapin ang isang katulad nyang moody."

"Anak, makinig ka... gusto kong malaman mo na ang bagong Director ng School ay ang daddy ni Barbie."

"Ho?!"

"Oo kaya sinasabi ko sayo na bantayan mo si Barbie ng mabuti ayokong kuhanin s'ya satin ng daddy n'ya."

"Sandali lang dad, hindi ko kayo maintindihan."

"Lumaki si Barbie na walang ama, lumaki syang ang mommy n'ya lang ang kasama tapos ngayon babalik ang daddy n'ya? Para san pa? Malaki na si Barbie hindi na n'ya kailangan ng ama! Andito tayo para sa kanilang mommy n'ya."

"Dad, sabihin n'yo... may gusto ba kayo kay tita Amanda?"

"H— Ha? Bakit naman ako mag kakagusto sa tita Amanda mo? Bestfriend ko lang s'ya at napamahal na sakin si Barbie kaya ayokong mawala sila satin."

"Sige po... Sorry dad."

Hindi na nag tanong pa at nanahimik nalang si Kenny sumangayon nalang din s'ya sa mga sinasabi sa kaniya ng daddy n'ya kahit na deep inside may mga katanungan at kung anu anong bagay ang sumasagi sa isip n'ya. Dahil hindi naman n'ya ganoon pa kakilala ang pamilya ni Barbie higit sa lahat iniisip nyang bakit ganun nalang ang daddy n'ya maging overprotective dun sa mag ina. Samantalang... sinabi lang naman nito na kaibigan lang naman ang tingin n'ya sa nanay ni Barbie pero bakit parang higit pa sa isang kaibigan.

Makalipas pa ang ilang minuto...

Napansin ni Kenny na paalis ng bahay ang daddy n'ya.

"Hindi ako mapapakali hangga't wala dito sa bahay ang kina kapatid mo."

"Pero dad, kasama naman niya si Gaile at baka pauwi na rin yon alam ni Barbie. Na ngayon ang uwi n'yo."

"I know, kaya nga susunduin ko na s'ya dahil ayaw mo."

"But dad..."

"Enough, aalis na ko close the door and gate pag alis ko."

Papalabas na si Bruce at sinundan s'ya ni Kenny "dad, wag na kayo umalis pauwi na rin yon."

"Tumigil ka na nga isarado mo nalang ang gate pagka labas ko ng kotse."

Rkkkkkkk...

May biglang nag bukas ng gate at bumungad nga dito ay si Barbie "Tito Bruce!!!"

Sinalubong naman s'ya ni Bruce at niyakap "you okay? Bakit ngayon ka lang?"

"Sorry po medyo nagkatuwaan pa po kasi kami nila Gaile at senior Jemie eh nawili po kami mag laro ng board games."

"Wait, kasama mo si Jemie?" Ang tanong ni Kenny pero hindi s'ya pinansin ni Barbie.

"Sorry po ah kung late na ko nakauwi medyo traffic din po kasi dun po kasi kami isinama ni senior sa condo n'ya."

"What?! Sumama ka sa condo ni Jemie? Why didn't you tell us? Daddy, pagalitan n'yo yan."

"Tito may pasalubong po ba kayo sakin?"

At gaya ng na unag question ni Kenny kay Barbie hindi na naman s'ya nito pinansin at iniba ang usapan kaya naman nako ride on nalang si Bruce at niyakag niya sa loob si Barbie para ibigay ang kaniyang pasalubong dito.

"Haysss... ako ba yung bagong salta sa bahay na ito? Or ako pa rin ba ang anak ni daddy o si Barbie na? Tsk! Favoritism!!!"

At wala na ngang na gawa si Kenny kung hindi pumasok na rin sa loob dahil naging loner sya sa labas bigla "Dad!!! Yung pasalubong ko rin..."

Hi geysh ! Merry Christmas labya’ll ^~^

lyniarcreators' thoughts