webnovel

PRIDE of Friendship

"Sa pag ibig walang tama o mali, walang kasariang pinipili kapag mahal mo ipaglaban mo. LOVE IS LOVE!"

lyniar · 若者
レビュー数が足りません
94 Chs

Chapter 34: Something’s Strange

Naka 45minutes na ang nakalilipas kaya nakakaramdam na ng pangangalay yung tatlo pero mas nararamdaman iyon ni Barbie dahil masakit ang ankle nya.

"You okay? Maupo ka na kaya. Masakit ang ankle mo eh." Ang worried na sambit ni Kenny.

"I'm fine, a kaya ko." Sagot naman ni Barbie na poker face pa rin kahit na sumasakit na talaga ang ankle nya.

Hinila ni Thew si Barbie para dumantay sa kaniya para hindi ito mahirapang tumayo "a— anong..."

"Don't move ilang minutes nalang naman matapos na ang klase ni Ms. Elmundo."

"Pe— Pero..."

"Kapag naka dantay ka sakin hindi mo masyadong ilalagay ang weights mo sa paa mo."

"Pero ayos lang talaga ako."

"Enough of this matter. Isa kang varsity player kaya importante ang paa para satin kapag gumaling yang ankle mo kailangan mong mag practice para hindi ka na maging lampa."

"Si— Sinong lampa? Hindi ako lampa!"

Habang nag uusap naman yung dalawa tahimik lang na nakatungo si Kenny at hindi na nakisali pa sa usapan nung dalawa.

"Wow, ang sweet naman." Sambit ng isang lalaki na may kasama ring dalawa pa nitong kaibigang lalaki rin na napadaan doon sa harapan nung tatlo.

"Bagay kayo." Sambit naman nung isa.

Nagkatinginan naman sila Barbie at Thew kaya naman tinulak ni Barbie si Thew pero na out of balance sya pero na salo naman syang agad ni Kenny "ayos ka lang?"

"O— Oo..."

"Ohhh... love triangle pala." Sambit nung mga lalaki kanina.

"Layas!!!" Ang pagalit na sambit naman ni Thew.

Tatakbo naman na yung mga lalaki habang inalalayan naman ni Kenny si Barbie ng biglang lumabas si Ms. Elmundo.

"Come to my office Ms. Barbie."

"Ye— Yes Ma'am."

"Ma'am!!!" Ang sabay na sambit nila Kenny at Thew.

"I don't need you guys."

"Pero Ma'am kami naman po talaga ni Thew ang maingay at hindi si Barbie." Ang sabi naman ni Kenny.

"Opo Ma'am kaya kami po dapat ang maparusahan. Ang totoo nga po nyan namamaga po ang ankle ni Barbie."

Napatingin naman si Ms. Elmundo sa ankle ni Barbie at nakita nyang namamaga at namumula nga ang ankle nito "Ms. Gaile come here for a sec."

Dali- dali namang lumabas si Gaile "ano po yun Ma'am?"

"Help your friend pumunta kayo sa clinic."

"Yes Ma'am."

"Kami nalang po ang sasam kay Barbie, Ma'am." Ang sabay sambit nung dalawa.

"Tahimik! Sumama kayo sakin sa office."

Nagkatinginan naman sila Kenny at Thew at sabay sinabing "bakit po?"

"Follow me!"

"Ma'am yes Ma'am."

At sumunod na nga yung dalawa kay Ms. Elmundo pero bago sila umalis may sinabi muna si Kenny kay Barbie "don't worry it will be fine." Then he winked and left.

Hindi naman naka kibo si Barbie at na tulala nalang "Bie!!!"

"Gaile?"

"Ayos ka lang ba?"

"O— Oo sorry."

"Halika na sasamahan kita sa clinic."

"Si— Sige."

Pag alis naman nung dalawa syang labas naman nung tropa ni Ellaine "ahhh... ang saya naman maging pinsan ni Kenny. Ang sweet n'ya kay Barbie nakita n'yo yun? Nag wink s'ya kay Barbie." Ang sambit ni Dana na para bang kinikilig.

"Shut up!" Ang naiinis na sambit naman ni Ellaine.

"Kung iisipin kay Barbie lang sweet si Kenny sa mga babaeng nalapit sa kaniya parati nalang syang bad mood pero pag kasama n'ya si Barbie ibang iba ang awra n'ya tapos lagi rin syang naka smile." Ang opinyon naman ni Hannah.

"Yes true yan girl what if maging close na tayo kay Barbie para maging nice na rin satin si Kenny. What do you think Ellaine?" Sambit naman ni Sheilla.

"Oo nga! Kapag close na tayo kay Barbie baka maging close na rin satin si Kenny kasi syempre nice na tayo sa pinsan n'ya." Ang opinyon naman ni Dana.

"Fine! We will be nice na to that newbie after all she's not pangit naman kaya payag na ko na maging nice tayo sa kaniya."

"Yes Ma'am!!!" Masayang sagot naman nung tatlo kay Ellaine.

Samantala habang naglalakad naman sila Gaile at Barbie papunta sa clinic naka salubong nila si Jemie "oh? Bie, what happened?"

"Hello senior, medyo maga po kasi ang ankle ko kaya pupunta kami ni Gaile sa clinic."

Nagkatinginan naman sila Gaile at Jemie pero umiwas naman agad si Gaile na para bang galit kay Jemie "ohhh... kawawa naman ang babygirl ko yan ba yung kahapon?"

"Huh! Babygirl? Kadiri!" Ang pabulong bulong na sambit naman ni Gaile.

"May sinasabi ka Gaile?" Tanong ni Jemie na para bang nang aasar.

"Can you just get lost? Para maka punta na kami ni Bie sa clinic! Kainis!"

"Kakainis? Sino ako? Aba't!"

"Ano?! Papansin ka na naman dyan."

"Sino ha? Ikaw parati ka nalang mainit ang ulo."

Barbie made a facepalm while the two still talking "sighhh... bakit ba parati nalang akong naiipit sa mga taong nag aaway? Sighhhhh..."

Habang nag aaway yung dalawa may nakita si Barbie na isang lalaki na parang matagal na nyang kakilala "daddy???"

Narinig naman nila Gaile at Jemie yung sinabi ni Barbie "ano yon Bie? Sinong daddy? Andito ba yung daddy mo?" Ang tanong ni Gaile.

At napansin ni Jemie na nakatingin si Barbie dun sa mga taong kausap ni Sir Ramirez "kilala mo ba sila Bie?" Ang tanong ni Jemie.

"Hindi ko sure pero parang nakita ko na yung isang lalaki na naka white na shirt na may shades."

"Talaga? S'ya yung bago nating director si Mr. Jeron Tang."

"Ehhh??? Napalitan na si Mr. Alvarez?" Ang gulat na gulat namang sambit ni Gaile.

"Oo, sa pagkakaalam ko sila Mr. Tang na rin ang may ari nitong AGA."

"Wow! Ang yaman naman."

"Sa pagkakaalam ko rin laking Manila yang si Mr. Jeron Tang kaya siguro namumukhaan mo s'ya Bie."

Nanahimik lang si Barbie na hindi namamalayang na luha na pala s'ya "B— Bie??? Ayos ka lang?" Ang nag aalalang sambit ni Jemie.

"Bakit ka naiyak?" Ang nag aalala rin namang tanong ni Gaile.

Hindi naman nagsasalita si Barbie kaya nag pasya yung dalawa na dalhin na agad ito sa clinic binuhat na nga siya ni Jemie para mapabilis at napalingon sa kanila si Jeron Tang "Director Tang? May problema po ba?" Ang tanong naman ni Sir Ramirez.

"No— Nothing. I just saw someone."

"Kilala n'ya po?"

"Lets not talk about that thing lets just proceed to our discussion."

"Ah. Yes Director halina po kayo at doon po tayo sa principal's office dumating na po s'ya."

"Ohhh... I see. Nasan ang office ni Bruce?"

Nag taka naman si Sir Ramirez dahil sa tono ni Jeron parang kilalang kilala niya si Bruce samantalang kanina pa naman sila nag uusap at hindi nito tinatanong kung sino ang principal ng AGA "sorry to bother you director but did you know our principal already?"

"Ha? O— Of course! I know everything here in AGA. Right Ems?"

"Ha... Ha... Yes Director." Ang awkward na sagot ni Emma o Ems kung tawagin ng lahat ang sekretarya ni Jeron na loyal na loyal sa amo n'ya. Dahil si Jeron ang ninong ng anim nitong anak.

"Oh... si—sige po sumunod po kayo sakin ihahatid ko po kayo sa principal's office."

Pero sa isip- isip ni Sir Ramirez "he knows everything raw sa AGA pero nalimutan n'ya na agad kung sino ako samantalang nagkita lang kami kaninang umaga sa district 5."

Sa magkaparehong oras naman sa office ni Ms. Elmundo "hoy, bakit may sariling office si Ms. Elmundo? Bakit wala s'ya sa teacher's office?" Ang pabulong na tanong ni Thew kay Kenny habang si Ms. Elmundo naman ay nag cr lang saglit.

"Palibhasa puro bola ang alam."

"Hoy!!!"

"As you can see nasa guidance office tayo at siguro naman alam mo kung sinong nararapat sa office na ito."

"Ang guidance teacher?"

"Ahhh... hindi naman pala puro bola ang alam mo."

"Ikaw!!!"

Click... Clack...

Pandalas naman ng ayos ng upo yung dalawa dahil narinig nila yung pag sarado ng pinto at alam nilang ang kasunod non ay ang pag labas na ni Ms. Elmundo.

"Sorry for the delay but I wanna know if you two are into her."

"P— Po?" Ang reaction nung dalawa sa sinabi ni Ms. Elmundo.

"Based of my experience of being a teacher hindi mapagkakailang maaaring mahulog ang gaya nyo sa isang babaeng maganda, matalino higit sa lahat mabait. Kaya sabihin nyo may gusto ba kayo kay Ms. Zamora?"

"H— Ho?" Ang nauutal na sambit ni Kenny.

"Opo!" Ang direktahang sagot naman ni Thew.

"Thew! Ano ba yang sinasabi mo?"

"Bakit Kenny? Hindi naman siguro nakakagulat ang sinabi ko at sa tingin ko alam mo na kung ano talaga ang isasagot ko."

"Pero Thew... hindi mo pa naman ganoon kakilala si Barbie para masabi mong gusto mo sya."

"Huh! Bakit hindi mo yan itanong sa sarili mo?"

Natahimik lang naman si Kenny at di na nagawang sumagot pa kay Thew.

"Ms. Elmundo excuse me po. Pero mamaya nalang po ako babalik dito."

At umalis na nga si Thew kahit di pa na sagot sa kaniya si Ms. Elmundo "hey, Mr. Solomon comeback here!!!"

"Ma'am..."

"What is it Mr. Zapanta?"

"Pwede po bang wag nyo nalang mabanggit kay Barbie ang mga napagusapan dito?"

"Sure, actually gusto ko lang naman kayong payuhan dahil mga bata pa kayo tsaka sa tingin ko wala pa rin naman sa isip ni Barbie ang pumasok sa isang relasyon."

"Ma'am, paano ba malalaman kung gusto nyo na ang isang tao?"

"Ha? Ba— Bakit ako?"

Tumayo naman si Kenny at nag paalam na kay Ms. Elmundo "sorry rin po sa inasal namin ni Thew."

"Wait, Mr. Zapanta."

"Ma'am?"

"Malalaman mo lang kung mahal mo na ang isang tao kung parati kang nag aalala sa kaniya at kung higit pa sa kaibigan ang tingin mo sa taong yon."

Ngumiti naman si Kenny at nag pa salamat then he left "ang sarap maging teenager muli..." Ang sambit ni Ms. Elmundo pag alis ni Kenny at napa ngiti sya sa unang pagkakataon simula ng makabalik sya sa AGA.

***

Panahong high school student palang si Ms. Elmundo at sa AGA rin sya pumasok noon...

Nasa canteen ng AGA si Ms. Elmundo kasama ang kaniyang kasintahan...

"Bakit kailangan mo pang umalis? Sabi mo sabay tayong magtatapos dito sa AGA at sabay rin tayong mag kokolehiyo sa gusto nating unibersidad." Ang sambit ni Ms. Elmundo sa boyfriend nya.

"Patawarin mo ko mahal ko pero wala akong magagawa kailangan ni Itay mag punta sa Manila dun sya makikipag sapalaran at kailangan kasama kami."

"Pero bakit hindi nalang dito mag hanap ng trabaho si tiyo? Bakit sa Manila pa?"

"Dun kasi sya pinapupunta ng tiyuhin ko ipapasok nya si Itay sa kumpanyang pinagtatrababuhan nya. Kaya wala kaming pagpipilian mas malaki ang sweldo sa Manila kumpara dito satin alam mo namang may nakababata pa akong mga kapatid na kailangang pakainin at pag aralin."

"Pero paano tayo?"

"Susulat naman ako sayo linggo-linggo kaya wag kang mag alala."

"Pero..."

"Wag kang mag alala dahil mahal kita at hindi kita ipagpapalit kahit nasa Manila ako."

"Hindi naman yun ang iniisip ko ang akin lang hindi na tayo magkikita."

"Hayaan mo kapag okay na kami sa Manila uuwi ako dito kahit isang beses sa isang linggo."

"."

Matapos ang araw ng paglisan ng kasintahan ni Ms. Elmundo unang linggo palang may sulat na syang natanggap at masayang masaya sya ng mabasa niyang ayos naman sa Manila ang kaniyang iniirog pero lumipas ang ilan pang mga linggo wala na syang natanggap na sulat. Hanggang sa lumipas na rin ang ilang buwan hindi na nag pakita sa kaniya ang kaniyang kasintahan.

"Oh? Andito ka na naman sa post office?" Ang sambit ni Bruce kay Ms. Elmundo.

"Bruce?"

"Ayos ka lang ba? Bakit parang ang putla mo?"

At nahimatay na nga si Ms. Elmundo kaya naman nag panic si Bruce.

"Tulong po! Tulungan nyo po kami nahimatay po ang kaibigan ko."

Si Bruce ang tatay ni Kenny ang madalas nakakasalamuha ni Ms. Elmundo noon bukod kasi sa mag kaklase sila simula elementary hanggang high school naging malapit na silang mag kaibigan dahil parating nasa postal office si Ms. Elmundo kung saan may tahian naman sa may di kalayuan ang pamilya nila Bruce. Kaya halos linggo-linggo nagkikita sila kahit di na sila mag kaklase sa kolehiyo.

"Salamat Bruce sa paghatid mo sa batang yan ilang araw na kasi yang matamlay at wala ng ka gana ganang kumain kaya siguro nahimatay." Ang sambit ng nanay ni Ms. Elmundo na kinukumuntan ito.

"Ah, wala po iyon nagkataon po kasing nakita ko sya buti nga po at andun ako kanina nung nahimatay sya."

"Oo nga eh salamat talaga sayo. Sandali lang ha, ikukuha kita ng mamimirienda mo dito ka muna sa kwarto nya."

"Ho? Nako, hindi na po busog pa naman ako."

"Sige na may niluto akong cassava cake mag uwi ka rin sa nanay at tatay mo. Sandali at kukuha muna ako." Then she left.

"Tita wag na po!!!"

"Wag ka ng umangal hindi ka pakikinggan ni nanay gusto n'ya kasing may titikim ng mga niluluto n'ya."

"Kamusta ka?"

"Maupo ka muna."

"Ah. Oo sige."

Nang makaupo si Bruce na pansin nyang ang simple lang ng kwarto ni Ms Elmundo walang masyadong nakalagay at sobrang linis "ikaw ang naglilinis ng kwarto mo?"

"Hinde, tamad ako si nanay ang madalas mag linis dito."

"Ohhh..."

"Nga pala, wag mong sasabihin kay nanay kung bakit ako nasa postal office ha?"

"Tsss... bakit kasi inaantay mo pa ang sulat sayo ng mokong na yon eh kinalimutan ka na nga n'ya?!"

"Hindi ako naniniwala. Baka busy lang s'ya."

"Tigilan mo na nga yang ilusyon mo sinabi na nga n'ya sayo nung nagkita kayo magkakaroon na s'ya ng anak kaya bakit ka pa aasa?"

Ms. Elmundo sit up abruptly and she said "hinde! Nag sisinungaling lang s'ya para hindi ako masaktan kasi hindi kami parati nagkikita."

"Huh! Parati? Eh simula nung umalis nga yon isang beses lang kayo nagkita. College na tayo at hindi pa tayo graduate ng high school ng umalis s'ya tapos ganyan ka parin?"

Naluha naman si Ms. Elmundo ng hindi n'ya na napigilan kaya nilapitan naman s'ya ni Bruce at pinunasan ang mga luha nito "sorry, hindi ko sinasadyang masaktan ka. Pero kasi kaibigan mo ko ayokong umasa ka para na rin matauhan ka sa kahibangan mo na di na babalik sayo ang mokong na yon."

"Bruce..."

Niyakap naman s'ya ni Bruce at sinabing "tahan na, hindi ka na nga maganda iiyak ka pa?"

"WAHHHHHH...."

"So— Sorry joke lang."

Sa kasalukuyan...

"Mukhang mas mauunang mainlove ang anak mo Bruce kaysa sayo." Sambit ni Ms. Elmundo matapos nyang alalahanin ang mga nakaraang pangyayari ng nabigo s'ya sa pag ibig at tanging si Bruce ang nakakaalam ng mga totoo nyang pinagdaanan.