webnovel

PRIDE of Friendship

"Sa pag ibig walang tama o mali, walang kasariang pinipili kapag mahal mo ipaglaban mo. LOVE IS LOVE!"

lyniar · 若者
レビュー数が足りません
94 Chs

Chapter 24: Overreaction

Hindi na bago sa SK ang parating nagkakaroon ng activity at kasama na nga roon ang feeding program sa mga batang kalye at sa mga batang kulang na rin sa pangkain nila.

Isa sa plataporma ni Kelly ang parating tutulong sa mga kabataan kaya naman kahit hindi nila ka baranggay ay natulong parin sila. Naghahanap sila ng sponsor para magkaroon sila ng sapat na budget para sa kanilang programa at marami namang natulong para sakanilang adhikain.

"Psst… pwedeng mag tanong?" Ang sabi ni Unice kay Barbie na namimigay ng mga drinks para sa mga bata dahil iyon ang naka assign sa kanila.

"Hindi ka pa ba nag tatanong?"

"Ha?"

"Just kidding. Hehe… ano ba yon?"

"Pfft… para ka palang si Thew ano?"

"Si Thew?"

"Um. Medyo may pagaka pilosopo kasi yon."

"Ah… hehe… nahawa na siguro ako."

"Narinig ko nga na close kayo eh. Nanliligaw ba sya sayo?"

"Ha? Hindi ah! Hindi kami talo."

"Hmm?"

"Wala…"

"Ahm… eh si Kenny? Nanliligaw ba sya sayo?"

"Bakit? Selos ka ba?"

"Hoy! Hindi ah… kaibigan lang ang tingin ko sa kaniya. Tsaka… may iba akong gusto." Napatingin naman sya kay Juni.

"Yiieee… si Juni?"

"Shhh… wag ka nga! Baka kung ano pa isipin ng lukong yun."

"Okay, okay chill lang."

"Pero wag kang maingay sa lukong yun ah nako… baka mag feeling na naman yon."

"Hehe… Sige. Sige."

"Anyways, totoo bang kila Kenny ka nga nakatira?"

"Um. Wala kasi akong choice ibinilin ako sa kanila ni Mommy."

"Eh?"

"Inaanak kasi ako ni tito Bruce at mag bff sila ni Mommy kaya ayun mahabang kwento at ayoko nalang balikan."

"Ehe… sige wag na. Ahm… mamaya gusto mong sumama samin?"

"San? Kasama rin ba si Kenny?"

"Nako, hindi naman yun na sama sure didiretso na yun umuwi pagka galing dine."

"Bakit san ba tayo pupunta?"

"Mall!!!"

"Mall?"

"."

Nag punta nga ng mall ang tropa at sumama rin si Barbie dahil pinilit sya ni Unice at wala rin namang nagawa si Kenny kung hindi ang sumama dahil kasama si Barbie at alam nyang hindi nya ito pwedeng pabayaan dahil mapapagalitan sya ng daddy nya.

"Grabe na busog ako salamat sa pagkain Thew." Ang sabi ni Juni.

"Welcome bro."

Unice smirked "pag libre talaga masarap."

"Hoy! Anong ibigsabihin mo dun ha?"

"Oh, bakit tama naman talaga yung sinabi ko ah."

"Hep, ayan na naman kayo tigilan nyo na yan."Ang sabi ni Lloyd.

"Si Juni lang naman talaga epal."

"Ano?!"

"Bakit talaga naman ah."

"Tigilan nyo na yan." Ang pagalit na sambit naman ni Kenny at nanahimik naman yung dalawa at nag pa tuloy naman sa pag uusap yung iba at sa pagkain sa mga hindi pa nakakatapos.

Bumulong naman si Barbie kay Thew na mag katabi sa upuan "bro, ang dami naming kinain kaya mo ba talaga kaming ilibre?"

Napangiti naman si Thew sa sinabing iyon ni Barbie sa kaniya "sa tingin mo ba hindi ko kayang mag bayad sa mamahaling restaurant na ito?"

"A… Ano kasi hindi naman sa…"

Nag wave naman si Thew at tinawag yung waiter na lalaki para sabihin dito yung kanilang bill "bro, 500 lang ang dala ko ayokong mag ligpit ha?"

Thew patted Barbie's head and smiled "silly, don't underestimate me bruh."

Napansin naman nila Kenny yung ginawang pag pat ni Thew kay Barbie "Chairman, mukhang close na close sila Thew at yung kinakapatid nyo ah."Ang sabi naman ni Juni na hindi masyadong malakas ang boses habang sinabi nya iyon kay Kenny.

"Oo nga Chairman may relasyon ba sila?" Ang showbiz na tanong naman ni Lloyd.

Ang sama naman ng tingin ni Kenny doon sa dalawa "ha…ha…ha… ako naman eh nag jo—joke lang di ba noh Juni?"

"Bahala ka diyan para ka kasing si Unice mahilig sa intriga."

"Ano na naman yang sinasabi mo Juni?!" Ang pa galit na sambit naman ni Unice na ang sama rin ng tingin kay Juni.

"Wag ka ngang feeling dyan pagkakarinig mo naman diyan."

"Baka ikaw!"

"ANO? 4, 499?" Ang pagulat na sambit ni Barbie ng mabasa nya yung bill nila kaya naman napatingin sa kaniya ang lahat.

"Don't worry akong bahala." Ang sabi naman ni Thew pero nakisingit si Kenny at nag labas ng cash.

"Cash na po?" Ang sabi nung waiter.

"No! Here, just swipe it." Ang na iinis namang sambit ni Thew na ang sama ng tingin kay Kenny.

"No, I insist ako ng bahala bilang ako naman ang SK Chairman."

"Huh! Eh ano naman kung ikaw? Ako ang may sabing manlilibre ako kaya ako ang mag babayad!"

"Hey you, kunin mo na ito and keep the change." Lumapit sya dun sa waiter at ibinigay yung pera at hinila si Barbie.

"Wai—Wait lang san ba tayo pupunta?"

"Were going home!"

"Ha? Pero…"

Pinigilan naman ni Thew si Kenny at hinawakan rin ang kamay ni Barbie "hindi sya aalis kung gusto mong umuwi. Ikaw nalang."

"Let her go. Uuwi kami dahil uuwi na ko."

"Huh! May kakapalan ka ring taglay eh no?"

"Anong sabi mo?!"

Barbie sighed "tumigil na nga kayo! Nakakahiya! Thew, sige na bukas nalang tayo magkita." at paglingon naman nya kay Kenny ang sama ng tingin nya dito "and for you! Halika na!"

At sya na ang humila kay Kenny papalabas ng restaurant "B—Bie…"

"Ah… Si--Sir, yung bayad po ba itong cash na o yung credit card nyo po?" Ang kinakabahang sambit naman nung waiter.

"Bahala ka pero kapag yang cash na yan ang kinuha mo malilintikan ka sakin."

"P---Po?"

Umakbay naman si Unice kay Thew "sige na kunin mo na yang cash na yan ako ng bahala sa isang ito."

"Si—Sige po Ma'am." At pandalas na sya ng takbo papalayo sakanila.

"Hoy!!!"

"Hayaan mo na sya waiter lang sya dito. Baliw ka?"

"Hayyysss… bwiset!!!" at umalis na rin naman sya ng restaurant at naiwan yung ibang SK member na nakatulala lang.

"Oh? Ano na? Tulalangey kayo diyan. Tapos na ang action pack up na!" Ang sabi Unice.

"."

Mga 6pm na naka uwi sila Kenny at Barbie na nakasakay sa tricycle…

"Bie!!!" Ang pahabol na sambit ni Kenny "sandali lang." dagdag nya pa at nag abot muna sya ng bayad sa tricycle.

"Sir, may sukli pa po kayo."

"Hindi na keep the change." At pandalas na syang sumunod kay Barbie at nakita nya itong naka tigil sa pinto. "hmm? May ibang tao dito?" dagdag pa nya.

"Ikaw ba si Barbie?" Sabi nung isang lalaking nasa loob ng bahay nila.

"Si—Sino ka?"

Nanlaki naman ang mata ni Kenny ng nakita nya yung lalaki "ku—kuya Jerlon?"

"Bro!!!" Ang bungad nung lalaking sinasabi ni Kenny na si Jerlon.

"Mag ka—kilala kayo?" Ang sambit ni Barbie.

"Ah…O—Oo pinsan ko sya kapatid ni daddy ang mama nya."

"Yes, my name is Jerlon…" kinuha nya ang kanang kamay ni Barbie at hinalikan.

"Kuya!!!" Ang pa galit na sambit ni Kenny at hinarangan nya ito para hindi na makalapit kay Barbie.

"What?"

"Haysss… tigilan mo nga yan!"

"Ano bang problema mo? Nag pakilala lang ako sa kaniya tsaka taga Manila sya right Bie?" Sumilip pa sya kay Barbie.

"Ah… O—Oo."

"Dun ka nga!!! Anong Bie ka dyan? Hindi kayo close!"

"Haysss… ikaw bata ka! Halika nga dito!!!" hinila nya si Kenny at kinutusan nya ito.

"Bitawan mo ko!!!"

"Heh!"

Barbie smirked " I gotta go… by the way it's nice to meet you tol."

"To—Tol?" Anila.

At umalis na nga si Barbie at umakyat papunta sa kanyang kwarto "I like her…"

"Ano?!" At binatukan nya si Jerlon.

"Ikaw!!!"

"So—Sorry… Ba—Bakit ba kasi nandito ka?"

"Hindi mo alam?"

"Tatanong ko ba kung alam ko?"

"Anyways, dito muna ako for 3 consecutive days."

"Ano? Ba—Bakit?"

"Mag aasikaso ako ng mga credentials ko sa school at iba ko pang mga papeles para sa pag aabroad ko."

"Tapos dito ka titira? Bakit hindi sa inyo?"

Piningot naman ni Jerlon ang tenga ni Kenny "aba't hindi ako pwedeng tumira dito? Baka nakakalimutan mong sabay na tayong lumaki sa bahay na ito."

"Aw…aw… bitaw ang sakit kuya…"

"Tsss… tapos maka kuya ka!"

"Sorry na."

Binitawan naman sya ni Jerlon "yung Barbie na yon may relasyon kayo?"

"Ano? Wala no!"

"Ohhh… so pwede ko syang ligawan?"

"No way!"

"Sus… bakit selos ka?"

"Haysss… tumigil ka wag mong isama sa girls collection mo si Barbie kung ayaw mong magalit ako sayo."

Jerlon smirked "talaga lang ha."

"AHHHHH…"

Na gulat naman yung dalawa ng may biglang sumigaw "si Barbie?" ang sabi ni Kenny.

"Ah… eh… yung kwarto nya ba yung kanan, katabi ng kwarto mo?"

"A—Ano? Wait… don't tell me dun ka nag lagay ng mga kagamitan mo?"

"O—Oo. Hindi ko naman kasi alam na kay Barbie na pala yung dati kong kwarto."

"Anak ng!!!"

"Bakit naman kasi hindi mo sinabi?! Baka nakita nya dun si Flora."

"S—Si Flora?"

"O—Oo bro kasama ko kasi sya eh."

"AHHHHHH… Tulong!!!"Ang sigaw namang muli ni Barbie kaya naman nag madali na yung dalawa papunta sa kwarto nito.

"Pambihira bakit naman sinama mo dito si Flora?"

"Alangan naman mahal ko ata yon."

"Hayssss!!! Baliw ka na!"

Sa mag kaparehong oras…

Hindi alam nila Kenny na nasa labas ng bahay nila itong si Thew at narinig nyang sumigaw si Barbie kaya naman nag alala sya at dali-dali syang pumasok ng gate dahil nakita nyang bukas ito.

"Bie, intayin mo ko ililigtas kita." Pumasok na rin sya sa loob dahil na iwan nila Kenny na bukas ang pinto. "Humanda ka sakin Kenny kapag sinaktan mo si Barbie…" Dagdag pa nya.