webnovel

PRIDE of Friendship

"Sa pag ibig walang tama o mali, walang kasariang pinipili kapag mahal mo ipaglaban mo. LOVE IS LOVE!"

lyniar · 若者
レビュー数が足りません
94 Chs

Chapter 20: Being Newbie is a Troublesome

Matapos nilang mag sagot ng quiz para sa kanilang math subject lumapit si Gaile kay Barbie "yow, ayos ka lang?"

"Hmm? O—Oo naman."

"Did something happen to your eyes?"

Naki usyoso na rin naman si Uno at nakitanong rin "oo nga at bakit late kayong mag pinsan? Kung hindi namin alam na mag pinsan kayo iisipin namin na nag date pa kayo."

Nagkatinginan naman sila Barbie at Kenny at sabay nilang sinabi "hindi no!"

"Okay, chill guys pero bakit late kayo?"

"Ah… yun ba? nawala kasi ng babaitang yan ang contact lens nya malabo pala ang mata nya. Kaya nag pagawa pa kami ng glasses nya bago kami pumasok"

"Hoy! Dahil yon sayo nag mamadali ako kaya nahulog ko sa sink yung contacts ko."

"Anong dahil sakin? Ano na namang problema mo? Ni hindi ko nga alam na naka contacts ka pala."

Masinsinang nag mamasid lang naman si Gaile at hindi nya na natiis nag tanong na sya na kinagulat nung dalawa "hindi mo alam na malabo ang mata nya? Pero hindi ba pinsan ka ni Bie? At dapat bilang pinsan alam mo ang bagay na yon."

The two both gulped and don't know what to say "ha…ha…ha… ano kasi kami kasi ni Kenny eh… ano…" kinukurot nya ang hita ni Kenny para makuha nya ang atensyon nito at maka isip ng magandang alibi ng biglang dumating si Thew.

"Bie!!!" Ang excited na bungad nito at napatingin naman sa kaniya ang buong klase.

Ang sama naman ng mukha ni Ellaine "ang swerte ni Barbs mantakin nyo pinsan nya na si Kenny tapos close na agad sila ni Thew." Ang sabi ni Dana.

"Shhh…" ang senyas naman sa kaniya ni Hannah dahil hindi na nga maipinta ang mukha ni Ellaine at nag walked out na nga ito.

"Ellaine!!!" Anila at sinundan naman nila ito.

Naaasiwa naman si Barbie dahil inakbayan sya ni Thew na ayaw nyang ginagawa nito "talaga? Pwedeng sumali sa baseball si Barbs?" Ang sabi ni Uno at paulit ulit namang tinatanggal ni Barbie ang braso ni Thew sa balikat nya.

Hindi naman na kibo at nakikisali sa usapan si Kenny at kunwari nag babasa ng kanyang libro habang pa simpleng na silip dun sa dalawa ni Barbie at Thew.

"Oo, kaya Bie kung gusto mo pwede ka ng sumama samin mamaya may practice kami."

"Okay, pero bro marami pa akong kailangang habuling class remember transfer student ako."

"I think mas malaki pa rin naman ang points ng extracurricular kesa sa academics di ba Kenny?" Ang sabi ni Gaile at sumangayon naman sakaniya si Uno.

"Hindi ko alam mag tanong muna kayo sa mga teacher." Tumayo sya at umalis.

"Bro!!!" Ang pahabol na sambit ni Uno at sinundan papalabas si Kenny.

Naupo naman sa tabi ni Barbie si Gaile kung san umalis si Kenny "wag mo ng pansinin yun pero kung ako sayo sasali ako sa baseball."

"Sakin ayos lang naman pero inaalala ko kasi yung academics ko."

"Wag kang mag alala tutulungan ka namin ni Gaile. Di ba Bruh?"

"Yah…syempre naman. Ako ng bahala mamaya mag tanong kay Sir Mariano ngayon pumunta ka nalang muna sa guidance office may kailangan ka pa palang doong i-fill up sabi sakin ni Ms. Minshi para ata sa pag ka transfer mo dito."

"Ay, oo nga pala nabanggit rin sakin yan kahapon ni Quinley sige punta na muna ako."

"Samahan na kita." Ang sabi ni Thew."

"You're not going anywhere dahil hindi ka na naman pumasok sa class ni Ms. Elmundo dito ka lang hanggang matapos mo yang quiz at bilisan mo dahil malapit ng kunin yan ni Quinley."

"Mamaya na yan."

"Hindi pwede! Pati ako madadamay sa katamaran mo sige na gawin mo na yan. Barbs, alam mo naman na yung guidance office di ba?"

"Ah… Oo naman keri ko na sige na mauna nako sainyong dalawa."

"Intayin mo na ko Bie."

"Hindi na bro kailangan mong sagutan yan bago pa madamay ang buong klase sayo. Sige na adios."

At pag kaalis ni Babie pandalas naman ng nag sagot si Thew at napamangha nya si Gaile dahil kahit na nagmamadali ito alam nya talaga ang ginagawa nya dahil tama ang mga sinasagot nya kahit walang computation na ginagawa.

"Ibang klase! Kaya siguro chill na chill ka lang sa math eh no? Kasi nga naman favorite mo yan kaya kahit siguro naka pikit ka kaya mo yang sagutan."

"Tsss…para namang ikaw ay hindi pagdating sa English."

"Aba, at naalala mo parin pala."

"Sino ba namang makakalimot sating tatlo ni Kenny tayo kaya ang parating nasa top at nag aagawan sa rank number 1."

"Tsss… noon yon nung hindi nyo pa kilala si Samantha."

Napahinto naman si Thew sa kaniyang pag susulat "sabihin mo, hindi talaga pinsan ni Kenny si Barbie right?"

Nag patuloy namang muli sa kaniyang pag sasagot si Thew at naiwas sa mga tanong ni Gaile "kanino ko ba ipapasa ang papel ko pagtapos?"

"Yan, ganyan kayo ni Kenny parati nyong iniiba ang usapan kapag ako na ang nag tanong. Bruh, simula kinder mag kakaklase at mag kakilala na tayo nila Kenny ngayon ka pa ba mag lilihim sakin? Oo naiintindihan kong hindi kayang sabihin sakin ni Kenny ang totoo dahil naghihirapan sya sa sitwasyon nila ni Barbs pero ikaw? Bruh, aminin mo nahulog na ba ang loob mo kay Barbie?"

Hindi naman na naka sagot si Thew pero patuloy paring nag sasalita si Gaile "haysss… kainis naman bakit ba lagi nyong pinaiinit ang ulo kong dalawa? Fine, kung ayaw mong sabihin pwede bang do me a favor?"

"Favor?"

"Pwede bang kilalanin mo muna yung tao? After all, kakikilala palang naman natin kay Barbs wag nyo syang saktan ni Kenny dahil lang na nag kukumpentensyahan kayo sa isa't isa."

"Ha?"

"Wag kang tanga! Alam kong alam mo ang sinasabi ko kung ayaw nyong umayos ni Kenny ako talaga makakalaban nyo."

"Wait, don't tell me… crush mo si Bie?"

"Ano naman?"

"Anak ng! Alam na ba yan ni Kenny?"

"Wag ka nga! Alam mo namang sayo ko lang sinabi ang lihim ko na ano ko."

"Yah… I know sorry na pero crush mo nga sya? Luh ka! Baliw ka na paano si Jemie?"

"Ano? Bakit naman yun ang isiningit mo?"

"Hoy, sabi mo nga kilala na natin simula kinder ang isa't isa kaya alam kong gusto mo si Jemie pero ayaw mo kasi nalilito ka sa kasarian mo."

Bineltukan naman sya ni Gaile "ungas! Wala akong gusto don at bakit naman ako mag kakagusto sa kaniya? Di naman straight yun" Nanlaki naman sa gulat ang mga mata nya dahil hindi pa alam ni Thew na may something si Jemie."

"Wha—What did you say?"

"No—Nothing sige na akina yang papel mo ako ng mag papasa nyan."

Pandalas namang kinuha ni Gaile ang papel ni Thew kahit hindi pa ito tapos mag sagot "Gaile!!! Hoy!!! Bumalik ka dito hindi pa tayo tapos!!!"

Samantala,

Medyo naliligaw na ng daan si Barbie at maling ruta ang dinaanan nya papuntang guidance office kaya na papunta sya sa area ng grade 9 kung saan nandoroon si Yveth "bakit nandito yan hindi ba yan yung pinsan daw ni Kenny?" Ang sabi nung isang babaeng estudyante na nasa labas ng classroom.

Ang bawat grade sa AGA ay may 4 na section at saktong napadaan si Barbie sa grade 9 section D kung saan na ipon ang mga makukulit at pasaway na mga estudyante na tamad mag aral.

"Wit wiw… Hi Miss." Ang sabi nung isang lalaki na estudyante sa section D.

Nasa labas ng kanilang classroom ang mga estudyante sa grade 9 at naka tamabay sa may hallway ng dumaan si Barbie.

"Hi Miss pwede bang makipagkilala?" Sabi naman ng isa pang lalaking estudyante kaya iwas naman ng iwas si Barbie at nag mamadaling mag lakad dahil para syang kakainin ng mga ito ng buhay sa kaniyang pakiwari.

May bigla namang sumulpot na isang lalaki na hinarangan sya "e—excuse me makikiraan po."

"Sino ka?"

"A—Ako po?"

"Pre, po raw. Iniinsulto ka ata." Ang pag suhol na sambit naman nung isang kaklase nung lalaki na parang siga sa klase ng section D.

"Umalis ka nga dyan! Naiirita ako sa pag mumukha mo."

"Pare naman… para kang others pero mukhang yan yung sinasabi nilang babaeng transfer student dito sa AGA na nag pakulong kay Sir Baysan at ang pinsan ng matalik mong kaaway na si Kenny."

"Ohh…really…" pinagmasdan nya mula ulo hanggang paa si Barbie at para bang gusto nyang hawakan ang mukha ni Barbie pero hindi iyon nangyare.

"Try to touch me I will break your arms."

"Ohhh…palaban…" Ang sabi ng mga estudyanteng nakakarinig at nakaagaw naman yun ng atensyon ng isang estudyante na galing sa section kung saan naman naroon si Yveth.

"Anong meron? Bakit parang may nag kakagulo na naman sa lower section?" Ang sabi ni Lyra ang estudyanteng kaklase ni Yveth.

"Ahhh… naligaw kasi dito yung transfer student yung pinsan raw ni Kenny? Mukhang napag titripan nila Ronmar." Sagot nung isang babaeng nasa section B na nakiki chismis rin.

"Ohh… bakit raw naligaw dito?"

"Hindi ko alam pero mukhang masaya don tara tignan natin?"

"Ha? Hi—Hindi na hindi naman ako interesado."

"Okay, ikaw bahala. Girl tara tignan natin."

Pag alis naman nung pinag tanungan ni Lyra umalis na rin sya at bumalik sa classroom nila at nilapitan si Yveth "girl, may news ako sayo."

"Hmmm?"

"You know the cousin of Kenny? Yung babaeng newbie dito sa AGA."

"Si Barbie?"

"So, you really know her pala?"

"Ah…yeah… but I don't like her."

"She's andun kasi sa section D."

"Ha? Bakit? Anong ginagawa nya dito sa area ng grade 9?"

"Sabi nung naka usap ko baka raw naliligaw kasi di ba she is newbie here."

"Ohhh…anong nangyayare? May ginawa na naman ba sila Ronmar?"

"Ano pa sa tingin mo? Alam mo naman ang mga yon napaka bully lalo na kapag nalaman nyang pinsan nung newbie na yon si Kenny."

Napatayo naman sa kinauupuan nya si Yveth "it can't be magagalit na naman sakin si Thew kapag may nangyareng masama sa newbie na yon."

"Ha? Wh—Why?"

"Let's go samahan mo ko."

"No, I don't like baka mamaya madamay pa ko dun."

Hinawakan na ni Yveth ang kamay ni Lyra "whether you like it or not you will make sama to me. Kaya halika na!"

"Pero Yveth!!!"

Hinila naman na sya ni Yveth papalabas ng kanilang classroom kaya wala na syang na gawa kung hindi ang sumama "be gentle naman girl it's my braso kaya not doorknob."

Kung kayo ang tatanungin anong gagawin n’yo kapag isa kayong transfer student? Magiging shy ba or ROCK N’ ROLL! Bugbugan na char! Hahaha... pero ano naman kayang binabalak nireng si Yveth? Hmmm... ( ´_ゝ`)

lyniarcreators' thoughts