webnovel

PRETEND TO BE A NERD

MIYU BINEZ The girl who pretends to be a nerd But being a NERD is only her front, It's like a book by its cover, it is just her cover. But a story that's inside the book is the real her. Because she is a Gangster Princess, The POWERFULL PRINCESS, She's the leader of Aurturia's Unicorn. While being a nerd, she realized that when People is not aware of who you really are You'll be Disliked, Bullied and a lot more. But there was a boy who help her like a shining armor and the boy who saves her from the bullies, Is a gangster and he is the prince of their gangster. Coincidence? Maybe.. Her (miyu) name in her gang is Aurturia, Known as the deadliest shooter, also a fighter.. JAZZ VINCE SANDOVAL The boy known as the Devil Monster, his identity is Secured. But then he met the girl who changed him, a nerd that changed him. He is a Prince on their gang known as Jaradia's Prince. He always do what he wants, gets what he wants, play with girls, anything.. Not until she met Miyu.. They are in the same boat, He feels pity not noticing he fell, fell hard to the point that he have to risk everything, even his own innocence. Maecel_DC 2020

Maecel_DC · 若者
レビュー数が足りません
81 Chs

4-Bullies

Miyu's pov

Maaga akong nagising kasi hindi ko naman ito bahay oh kaya naman tutulong nalang ako, ano naman kaya maitutulong ko, maghugas ng pinggan eh hindi naman ako gaano marunong, magwalis pwede pa pagwawalis lang ang daling gawain nun.

Pero nakauniform na ako, Dapat pala Naisip ko na 'to bago ako naligo nakakahiya naman sakanila aish andami kasing bumabagabag sa isipan ko.

Nung makalabas kasabay kong lumabas ung dalawang magkapatid,"oh vince goodmorning!", bati ko sakanya.

"Good Morning din mhie" vince sabay halik sa pisngi ko kaya agad akong namula, sana hindi niya napansin yon hindi pa ako sanay.

"Oy pre bat nakatayo ka pa diyan may pasok pa tayo, umaandar ang oras." Aniya ni vince sa step brother niya.

"Dito ka ba natulog miyu?." Nagtatakang tanong ni Ivan halatang naguguluhan pa. Ano bang pakke niya tch.

"Oo ehh." sagot ko nalang, hindi naman pwedeng bastusin ko dahil maayos siyang nagtatanong.

"Hindii kita nakita, vince alam ba ni Dad ito?" tanong ni Ivan at bumaling kay vince.

"Hindi pa. kailangan bang lahat ay alam niya? At isa pa ano bang pake niya?." maangas na sagot ni vince, napalunok naman ako.

Bahagya ko siyang siniko, Para umayos medyo napakalas ata.. "Aray!, Mhie bakit nanaman?." Napakamot pa siya sa Sintido niya habang nakatingin saakin. Namumuro kakamhie korni.

'Yaan niyo feel na feel eh'

"Dhie kasi naman, hindi mo ayusin kinakausap ka ng maayos ang angas mo sumagot." Sabi ko , Best actress na ba? pero feel ko naman hahahahahaha.

"Sineswerte ka sa Girlfriend mo pre, Pasalamat ka rin pag-aari mo at matino siya. Dahil kung hinde baka kanina nasa kama ko na yan." Nakangising sabi ni Ivan, nangunot ang noo ko nagsalubong naman ang kilay ni Vince.

"Ulul, Mangarap ka nalang dahil paplanuhin mo palang Naghihingalo ka na." Halatang naiinis si vince pero pinakalma niya ang sarili para hindi matuwa ang mukha ng nang-aasar.

Natatawa nalang na napailing si Ivan at bumaba na. "Gagawin namin sa kama niya? Papaano ako mapupunta don?." Tanong ko, Kinakain ako ng isip ko bumagal ang Function kaya tinanong ko na.

"Liligawan ka niya, gagamitin. Sa lahat ng nagiging Girlfriend ko Flings lang kase lahat sila nakukuha ni Ivan aakitin lang wala na saakin. babalik nalang pag tapos na sila kay Ivan hindi naman ako tanga para balikan sila." Mahabang kwento ni Vince, ganon?.

"Sino first kiss mo?" seryoso kong tanong saka nag-cross arms.

"Wow hotseat ba ito? Syempre secret muna!" aniya niya naman napairap ako.

"Tsk madaya ka!" Angal ko sakanya.

"Ehh ikaw sino? First kiss mo", balik tanong niya kaya oras ko na para Ngumisi.

"Secret ahh!" aniya ko nang-aasar din.

"Tsh tara baba na tayo baka andun na si dad at si tita"-vince

"Tita rin pala tawag mo sa Step mother mo, Parehas tayo kaya lang saakin tito hahahaha ayoko kasing palitan si Dad sa buhay namin." Nakangiwi kong sabi.

Nung makababa kami nakatingin lahat saamin "Goodmorning po.." bati ko ng may kaunting ngiti.

"Goodmorning Hija... Vince ngayon ko lamang nalaman na may bisita ka pala maari mo bang ipakilala?." tanong ng papa ni vince kaya naman napalunok ako.

"Hindi ko alam na Interisado ka pa pala pagdating sa Ganito pa, kagabi lang siya dumating, Girlfriend ko dad." asik ni vince at tahimik na naupo.

"Son.. May request ang kapatid mo saakin ngunit huwag ka sanang mabigla. Ninanais ng iyong kapatid na mapasakanya ang iyong nobya.. Kung kaya naman ay habang maaga palang ay iwan mo na ang babaeng yan at iwan sa kapatid mo.." nabigla ako sa sinabi ng ama niya.. No way..

"No dad.. And please stop controlling my life, stop and just let me be Happy.. I love her so much." asik ni vince, seryoso ito.

ngumisi ng nakakaasar si Ivan sa harap namin at napansin kong nakatingin siya sa kapatid niya at saakin.. Napukaw ng atensyon ko ang kamay ni vince na nakayukom at gustong gusto ng manapak sa sobrang pagkainis.

Tinignan ko ulit si Ivan he smiled at me pero i just rolled my eyes "Tsh dad We need to go, i lost my appetite."-sabi ni vince pero di pa ako nakakasubo kahit isang kutsara aalis na gutom ako at seryoso yun huhuhu.

Nung makalabas kami ng gate pero nakasakay na kami sa sasakyan niya ahh i think porsche itong car niya black ito ang ganda. Parang kumikislap sa mata ang kinang sobra.

*BLAG!*

Nagmamadali akong lumapit sakanya at inawat ang kamay niyang sinuntok ang manibela. "As expected! Palagi nalang! Fvck!." bulyaw niya, kung naawa ako sa sarili ko mas nakikita ko ang awa sakanya ngayon.

Kesa pansinin pa ay naisipan kong kamustahin na lamang siya. "Okay ka Lang? Wag mong saktan ang sarili mo vince." aniya ko na para bang mapapagaan nito ang nararamdaman niya.

"Don't mind me, Let's go." malamig na tugon niya at Pinainit lang sandali ang makina at Mabilis niya nang pinatakbo ito dahilan para mapahawak ako sa Kung saan.

~~~~~~~~~~ School ~~~~~~~~~~~

Imbes na bubuksan ko na yung pinto iba ang nagbukas si vince hay hindi ako nasasanay "Thanks", pagpapasalamat ko.

Tapos naglakad na kami pero naramdaman kong hinawakan niya yung kamay ko so napatingin ako sa kanya siya naman wala man lang emosyon ganito ba talaga kahirap basahin ng utak nya. Kung kayo man ay makita ang mata niya o mukha mahahalata mong seryoso o di kaya ah paiba iba.

Pero agad rin kaming natigilan sa paglalakad nang hinarang kami ni Stella. "Oh thanks for leaving the house my Dear Step sister, I can sleep well at night. I can have the whole attention." pagmamayabang niya saakin.

"Hanapin mo.." sambit ko.

"W-what are you talking about Nerd?" tanong niya kaya naman Ngumisi ako.

"Yung paki ko, Pahanap." napamaang siya sa sinabi ko, pero nang lumapit siya sa tenga ko ay nakagat ko ang labi.

"Ugh i hate you, pero sinasabi ko sayo, Vince is a player aasahan ko na mapapasaakin rin siya." napamaang ako nang ngisian niya ako at kindatan.

"Mm interesting.." nang aasar ko lang na sagot.

"Oh let's see!" halatang siya ang napikon tapos nang talikuran niya ako ay May paflip pa siya nang mahaba niyang buhok.

"Bagay sila nang Step brother mo." aniya ko nalang.

"Why?"

"Mang-aagaw." sagot ko pa, Tumawa naman si Vince.

Tapos Tumango lang siya at dumiretso na kami sa classroom habang wala pang bell, tch nakakainis kasi si Vince *pouts* gutom ako tumutunog tyan ko..

Naupo na kami sa upuan namin pero laking gulat ko nung makita ko si Ivan na nakaupo sa tabi ng chair ko ehh hindi naman siya katabi ko kahapon ahh si Bea kaya.

"What are you up to?" tanong ko sakanya.

"Well i want to be with you, Babe.." nasamid ako nang sabihin niya yon dahilan para lingunin ko si Vince.

"V-vince.."

"Let him, It's okay." sagot niya tapos ay naupo na kaya naman wala akong choice kundi maupo nalang rin.

|vince|me|Ivan|

Tapos napansin ko si Ivan na nilalagay niya yung kamay niya sa likod ng chair ko kaya agad ko siyang tinignan ng masama.

"Ano?" taka niyang tanong.

"Yung kamay mo po, Wag mo ilagay diyan." sita ko sakanya.

"What's wrong with this?" taka oa niyang sabi.

"You're making her uncomfortable, Stop it Ivan." mahinang sabi ni Vince sa Step Brother niya.

Ngunit napalunok ako nang maramdaman ang kamay ni Vince sa braso ko tapos halos mahigit ko ang hininga ko nang Bigla niya akong hablutin papalapit sakanya na aora bang isang Bag lang!

"Grabe ka naman." bulong ko sakanya.

Nilingon ko naman si Ivan, nagpigil tawa ako nang makitang lukot ang mukha nito ano bang kagusto gusto saakin? Una sa lahat nerd ako hindi kaaya aya ang itsura tapos sabagay baka ginagawa niya lang to para kay vince.

"Miyu! Anong kalandian tong ginagawa mo sa Classroom!" napamaang ako kay stella, Scene maker.

"Ako malandi? Boyfriend ko naman siya at least hindi ako nang aahas." sumbat ko sakanya.

"What a Nerdy Bitch." sambit niya galit na galit.

"Sa tingin mo may laban ka saakin ha!?" hindi niya naman kailangang isampal saakin na Nerd ako ibig sabihin non wala na akong magagawa, Isinasabay ko lang sa Plano ang lahat.

Nang akmang sasampalin niya na ako ay sinangga ko ang kamay niya tapos itinulak yon. "Kung gangster ka, Keep it you don't need to expose it." mariing sabi ko pa tapos huminga nang malalim.

"Kung gangster ka, Sana alam mong depensahan ang sarili mo sa nerd na tulad ko." masama ko siyang tinignan tapos nilapitan na si Vince na prente pa rin ang pagkakaupo.

"Where not yet done!" sigaw niya kaya naman ngumisi ako.

"So gangster ang Sister mo ah, That's interesting."  nginiwian kk lang si Vince.

"There are things that you can expose, and you can't." aniya ko nalang.

"You know what, You're really something. I like how you dodge your Step sister." ngumiti nalang ako sa sinabi ni Vince. I'm really something you don't expect Vince.

"By the way Ivan, Ayaw mo kay stella? Parehas kayo eh." nang aasar na sabi ni Vince kay Ivan.

"Shut the fuck up, Vince. Aware ka namang gangster ako so don't mess with me." aniya ni Ivan, Napipikon.

"Wag ka kasi panay salita, try to mess with me and you'll know me." agad akong napalunok sa sinabi ko.

"I was actually joking guys, don't take it seriously." mabilis kong sabi sakanila dahil pati classmates ko tinignan ako.

"Alam ko namang hindi mo kayang gawin saakin yun eh hehehehe." sininghalan ko nalang si Ivan at saka Inirapan.

"Wag mo na siyang kausapin Mine." napalunok ako sa sinabi ni Vince, Hehehehe pa-iba iba ang endearment eh.

"Okay mine, Bibili lang ako mang food. Gutom na ako e." paalam ko pa ginawa ang pagtawag niya saakin.

"I'll go with you mine, Let's go." kaya naman huminga ako nang malalim.

Kaya naman ay sabay na kaming lumabas ni Vince nang Classroom upang bumili nang makakain. "Feel na feel mo mine." natatawag asar niya saakin.

"Asa ka naman, ikaw nga pakiss kiss ka pa sa pisngi ko." asar ko ein pabalik.

"Kinilig ka naman, Namumula ka nga non." napipikon ko siyang nilingon.

"Hindi ah! Asa ka naman vince hindi ako mabilis kiligi—"

"Mm talaga, let me test." halos manlaki ang mata ko nang basta basta niya nalang akong halikan sa pisngi nang may nakakakita dahilan para mag init ang mukha ko.

"Ah hindi pala ah." nahihiya ko siyang sinamaan nang tingin nang suriin pa niya ang mukha ko.

"H-hindi naman talaga. May tao lang kaya ako nahiya noh.." sambit ko pa sakanya.

"Oo na, Sige na kunyare ay naniwala nalang ako sayo." natatawang sabi niya tapos naglakad na at saka kami umorder.

Nung nakuha na namin yung order naupo kami sa chair sa cafeteria take-out lang naman kasi kami ehh at sabi nya mag-ccr lang daw sya kaya tubig muna ang ininom ko.

Habang nag aantay ay may humarang sa harapan ko dahilan para tingalain ko siya. "Do you miss me Nerd?" iniiwas ko ang tingin sakanya. Kasama niya ang alipores niya.

"Oh am i talking to myself here Nerd?!" agad kong binawi ang kamay ko nang hiklatin niya ang Braso ko kaya naman sinamaan ko siya nang tingin.

"Hindi! Tinatamad kasi akong magsalita non-sense lang din naman yang sasabihin mo!" Pagtataray ko ano siya porket nerd ako kaya-kayanin niya na ako.

"Nonsense?! How dare you say tha—"

"Whatever.."

"How could you interrupt me!" sigaw pa niya tapos ay sumama anh tingin saakin.

"You deserve this!" halos napapikit ako nang Ibuhos niya saakin ang tubig.

"Ay basang sisiw." napamaang ako nang sabihin yon nang mga kasama niya.

Pagkapunas nang mukha ay hinila na nila ako nang pwersahan habang pinanonood lang kami nang iba. "Saan niyo ba ako dadalhin!" sigaw ko pa sakanila.

Ngunit nang madala nila ako sa Pinakalikod ay basta basta nila akong tinapon na parang basura.

"Patitikimin kalang namin para matuto ka na! Tulad nang sinabi ko sayo gangster ako! Gangster ako at nerd ka lang!" aniya ni Stella tapos ay nginisian ako.

"L-lalaban ako!" sigaw ko.

"Edi papatikman na kita!" agad akong sinalubong nang mga paa nilang lahat kaya naman sinasangga sangga ko lang yon pero malalakas silang manipa.

"Ano lalaban ka pa?"-stella

"Oo!" sagot ko, sabay tayo na ikinagulat nila, baril pa nga tumama sa paa ko nakatayo pa ako ehh una kong sinuntok sa muka yung isa kaya tumba sya.

Dahil sa pagkapikon ay Hinablot ko ang Kwelyo nang isa at saka Sinikmuraan, tapos ang isang pumalag saakin ay siniko ko sa mukha ngunit the rest ay tumakas na.

Bununtong hininga ako at pinagpag ang suot ko, Magbibihis nalang muna ako.. Pero naalala ko wala akong damit.

Pagkapasok ko sa Classroom ay nahihiya akong Yumuko sa Propesor na nagtuturo ngayon. "I'm sorry sir, I attended the class late.." Aniya ko basang basa ako at halatang halata ang mga sugat ko na batid ng nagtutulisang heels nila masakit yun.

Agad akong sumalampak sa upuan ko anytime mahihimatay ako nito ehh sobrang pagod pagod na pagod.

"Basa ka miyu, Okay ka lang ba? May extra shirts ka ba diyan?." batid ang pag-aalala sa mukha ni Vince pero pilit akong ngumiti.

"Wala e." Tinignan niya ang kabuuan ko at gumuhit doon ang pagtataka.

"Dalhin na kita sa clinic Miyu, Then tell me kung sinong may gawa nito sayo." Seryoso niyang sabi saakin.

Tapos tatayo na sana ako kaso biglang kumirot yung paa ko, nagmamanhid na rin ito at parang unti unti ay nanghihina buti na lang naalalayan ako ni vince pati nga si ivan napatayo.

"Huwag mo siyang hawakan Ivan." Aniya ni Vince at Mas inilapit ako sakanya pero yung sunod na ginawa niya ay sobrang namula ako.

Tapos binuhat niya ako yung pangkasal na buhat yung mga classmate ko kilig na kilig "vince nakakahiya"-pabulong kung sabi.

"You don't have to be shy, As long as you're my girl you don't need to worry." aniya ni vince tapos ngumiti at naglakad na.