webnovel

Practicing His Best Damn Thing

BATA palang ay namulat na si Angel sa kuwento ng kanilang pamilya. Isinumpa daw ang kanilang angkan at lahat ng mga babaeng birhen pa din pag sapit ng ika-25 kaarawan ay mamatay. Ipinagsawalang bahala man, unti-unti ay naniwala si Angel lalo na noong maging lapitin siya ng mga panganib. Habang papalapit ang deadline, kung anu-anong trahedya ang dumating. Until one idea came into her mind. She looked for her long lost best friend-Pilgrim Adrian Lee-tall, hot and gorgeous man that can help to pop her cherry and save her from death.

EvanLee24 · 現実
レビュー数が足りません
11 Chs

-00-

ANG SUMPA

SA ISANG MANSYON nagtatrabaho ang isang dalaga bilang katulong sa angkan ng mga Solidad. Maganda, mabait at maasahan ito kaya naman kinagigiliwan hindi lang ng mga amo kundi pati na rin kapwa katrabaho.

Matagal ng naninilbihan ang pamilya ng dalaga sa mga Solidad. Magmula sa kanyang Lola Trina, Lola Mercedes at nanay niyang si Amelia. Pamilya na ang turing sa kanila ng mga amo kaya naman noong mawala na ang mga nauna ay siya naman ang nanilbihan sa mga ito.

"Sobrang sipag mo naman, Gina." rinig niyang sabi ng mayordomang si Manang Elsie noong lapitan siya nito. Kasalukuyan niya no'ng pinupunasan ang mahaba at antigong piano na nandoon sa may sala.

"Wala na ho kasi akong magawa pa, Manang Elsie." sagot naman ni Gina sa matanda. Butihin itong kaibigan ng kanyang ina kaya naman parang anak na din ang turing nito sa kanya.

"May ipag-uutos po ba kayo?" tanong niya.

Umiling-iling ang matanda. "Wala naman. Naisara ko na ang mga pintuan. Nasa itaas na din sina Don Rodrigo at Donya Kendra. Ikaw nang bahala na mag patay ng mga ilaw dito pagtapos mo diyan, huh?"

Mabilis ang naging pagtango ni Gina. "Opo, Manang Elsie. Tatapusin ko lang ito at magpapahinga na din."

Tuluyan na nga siyang iniwan ng matanda at umalis na ito. Si Gina naman ay ipinagpatuloy lang ang ginagawa at nang matapos ay sinimulan ng patayin ang mga ilaw sa labas ng bahay, kusina at pang huli ay sa sala.

Kahit madilim at malaki ang buong mansyon ay kabisado naman na ito ni Gina. Nagsimula siyang maglakad papunta sa kanyang kuwarto noong mabangga sa isang bulto ng lalaki.

"Gina?" rinig niyang sabi ng isang baritonong tinig. Kung hindi siya nagkakamali ay si Enrico iyon. Ang nag-iisang anak nina Don Rodrigo at Donya Kendra.

"Sir Enrico, bakit po? May kailangan po ba kayo?" dahil malapit ay amoy niyang nakainom ang binata. Tuwing gabi ay umiinom ito sa hindi nila malamang dahilan.

"Huwag mo na akong tawaging na sir. Enrico na lang." hinawakan siya nito nang mahigpit sa kanyang braso. "Ang ganda-ganda mo, Gina. At ang bango-bango mo pa."

"Sir." mahinang sabi ni Gina. Hindi niya magawang makagalaw. Tila nalunok din niya ang sarili dila at hindi nakapagsalita. Kinabahan siya at pinangunahan ng matinding takot sa maaring gawin ng lalaki.

"Pasiyahin mo ako ngayon gabi, Gina." kaagad siya nitong hinila palapit at hinalikan sa kanyang mga labi. Sinubukan niyang pumalag ngunit masyadong malakas si Enrico. Palibhasa ay lalaki at maskulado kaya walang hirap dito na hawakan siya at gawin ang mga gusto.

Naguunahang umalpas ang mga luha sa mga mata ni Gina. Buong lakas niyang tinulak ang lalaki at saka ito mabilis na sinampal sa mukha. Imbes na magalit ay lalo pang na turned on si Enrico. Ngumiti ito na parang isang demonyo!

"Ayan! Ayan ang gusto ko sa babae. 'Yong palaban. Palaban ka din ba sa kama, Gina?" tila isa itong hayok na handang sumunggab.

Sinubukan niyang kumawala mula sa mahigpit nitong pagkakahawak pero hindi na nagawa pa ni Gina noong sikmuraan siya ng lalaki.

Kaagad na nanghina ang dalaga at nawalan ng lakas. Naramdaman niya na lang na binitbit siya ni Enrico na parang isang sako ng bigas. Ipinasan sa balikat papanhik sa itaas kung saan ang kuwarto nito.

Kinabukasan ay nagising si Gina na masakit ang kanyang katawan. Sinubukan niyang bumangon ngunit mabilis ding napahiga noong maramdamang masakit ang kanyang balakang lalo na ang kanyang sikmura at maselang parte.

Sa kanyang tabi ay nakita niya ang kanyang Sir Enrico na mahimbing na natutulog. Katulad niya ay wala din itong saplot sa katawan. Muli ay naiyak na naman si Gina nang maalala lahat-lahat ng nangyari simula kagabi. Pinagsamantalahan siya ni Enrico!

Hindi pa man tuluyang nakakarecover mula sa pangyayari ay biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ni Enrico at iniluwa niyon ang ina ng binata.

"Son, you need to wake up—" nabagsak ni Donya Kendra ang hawak-hawak nitong tray na naglalaman ng tubig at gamot noong makita ang ayos nila.

"Gina? What happened here?" muling sabi pa nito.

"Donya Kendra, tu-tulungan niyo po ako." umiiyak na sabi ni Gina sa ginang. Sinubukan niyang tumayo para lapitan ito.

"Ma! What are you doing here?" gulat na sabi ng kakagising lang na si Enrico. Agad itong tumalima at nagtungo sa puwesto ng ina.

"Anong nangyari dito?" Saad muli ni Donya Kendra.

Nakita ni Gina na nagpalinga-linga ng tingin sa kanilang dalawa si Enrico.

Nahihirapan man ay pinilit pa din ni Gina na makapagsalita. "D-Donya Kendra, si Enrico po."

"That girl, Ma! She... she seduced me!" sumbong ni Enrico sa ina.

"What the hell! Anong ginawa mo, Gina? Isa itong kahihiyan para sa pamilya namin!" galit na galit na sabi ni Donya Kendra. Kaagad siyang nilapitan ng donya at hinila. Hindi nag-abala na makapagbihis siya at tanging kumot lang ang nakatapi sa katawan.

Kinaladkad siya ng donya pababa sa hagdan hanggang sa may sala at makalabas ng bahay. Ang mga tauhan ay nakatingin lang at walang ideya sa mga nangyayari.

"Hindi ko akalain na magagawa mo sa amin ito, Gina. Tinuring ka pa naman namin ng tama. Pero ganito lang ang igaganti mo sa amin? Lumayas ka! Lumayas ka sa masyon ko!" nang maitulak ay bumagsak si Gina sa lapag.

Malandi. Pokpok. Walang disiplina sa sarili.

Labis na sakit ang kanyang nararamdaman noong mga oras na iyon. Ni hindi man lang siya pinakinggan ng donya at sinisisi pa sa nagawang hindi maganda ng sarili nitong anak. Pero bakit nga naman hindi? Sino ba naman siya kumpara kay Enrico? Malamang ay iyon ang paniniwalaan nito at hindi siya. Isa lang naman siyang hamak na katulong!

Iyak nang iyak si Gina. Naawa siya sa para kanyang sarili. Kung anu-ano pang masasakit na salita ang narinig niya kay Donya Kendra. Mga salitang hindi niya na nagustuhan at hindi na kinayang tanggapin ng kanyang kalooban.

"Kinakampihan niyo pa ang hayop niyong anak! Kinampihan niyo pa ang demonyong 'yan!" sigaw ni Gina habang itinuturo ang lalaking nagsamantala sa kanya. Mataman na tinignan niya ang donya.

"Isinusumpa ko. Mula sa henerasyon niyo hanggang sa mga susunod pa, lahat ng birheng babae ay mamatay pagsapit ng ika-beinte singko anyos!"

Kumulog, kumidlat at nag-umpisang bumuhos ang malakas na umulan.