webnovel

Episode 3

Sa wakas natapos na ang shift ko , lagpas na ng alas diyes ng gabi, sa wakas makakauwi na ko at makakatulog na ko, kasi kailangan ko magising bukas ng umaga dahil kailangan ko pa magreview , maypagusulit kami bkas sa dalawang subject namin, kailangan ko pa naman emaintain ang aking mga marka, baka mawalan ako ng skolar.

Ng nasa labas na ako ng coffee shop, may biglang nagsalita salikod ko kaya, biglang tingin ko dito

" bakit ang tagal mo naman lumbas sa trabaho mo, kanina pa akong als nuwebe dito sa labas"sabi ni eros, hmmmm sino ba nagsabi dito na hintayin ako, at bakit niya ako hinihintay, kanina ko lang nga nakita ito, ayaw ko lang maging bastos kasi customer namin ito at baka isumbong akong mga kasama ko sa trabaho kay boss na nagbastos ako ng customer baka tangalin pa ako sa trbaho, kailangan ko pa nman ito dahil kailangan ko tustusan ang aking pag aaral.

" bakit nyo po ako hinhintay sir" tanong ko dito habang wlang emosyon ang aking mukha

" ihahatid kita sa pag uwi, ayun ang sasakyan ko " sabi nito sa akin sabay ngiti sa akin

" psyensya na po sir, hindi ako nagpapahatid sa customer po namin, at naglalakad lang po ako sa pag-uwi dahil malapit lang aking apartment dito" tangi ko sa pag-anyaya niya sa akin, habang wala pa rin emosyon ang aking mukha

" tutal kanina pa ako naghihintay dito, bakit hindi ka nalang magpahatid, para naman hindi sayang ang paghihintay ko dito, nilamok na nga ako dito sa labas, sa kakaantay sayo" sabi ni eros na may paawa efefct pa itong nalalaman.

Sumingit bigla si laura" elena na para makapagpahinga na tayong pare preho, pahatid ka na kay sir, ano po kasi pangalan nyo" sabi nito at sabay baling kay eros dahil sa tanong nito

"eros" sagot ni eros kay laura

" o sya sir eros , ikaw na bahala kay elena, mauuna na kami ni allan, tara na alan" sabi ni laura

At ginaya na niya ako papunta sa kanyang sasakyan, at tinuru ko sa kanya , kung saan ang bahay ko, habang nasa sasakyan kami, ang dami nito sinasabi, hindi ko na ito pinansin o sinagot mga tanong nito, dahil ayaw kong sumagot sa mga tanong nito at hindi ako interesado kay eros.

Ng makarating sa apartment ko, hinihatid niya ako hanggang sa pinto ng aking apartment ko. Hindi na ko nagpasalamat tutal siya naman makulit magsakay sa akin, hindi ko naman sinabing ihatid niya ako, ito ang makulit maghatid sa akin, kaya bandang huli , ito ang nagpasalamat sa akin, sabay sabi niya" salamat elena" alam kong nag-aasar lang ito kasi nga hindi ako nagpasalamat.