webnovel

Unrequited feelings

"Will you marry me??"

Kitang kita ko sa mukha nya yung shock sa mga nanyayari. Hindi ko alama kung saan sya hindi makapaniwala. Doon ba sa dahil ako yung nag propose? O dahil first time palang ulit naming magkita, nag propose na kaagad ako?

Siguro either?

Uminom nalang ulit sya ng juice. Pinagpapawisan sya ng sobra, parang kinakabahan. Kaya naisip ko rin na baka hindi sya yung hinahanap ko.

Tumayo na ako.

"Joke lang, alam ko namang ako lang may gusto sayo eversince"

Tumawa sya. Pero yung pilit lang.

Actually, pang tatlo na sya sa listahan ng mga lalaking nag propose ako ng kasal. Pero until today, lahat rejected. Ewan ko, pangit ba 'ko? Bakit ayaw nilang magpakasal sakin?

*Ehemm*

Bago yan. Balik muna tayo sa time nung matino pa 'ko.

-3 years ago-

Hello. I'm Karina DeLuna. Female. 5'5" ang height, 55 kg. and a proud BSAgriculture graduate major in animal science. Bakit may proud? Kasi dinadown nila ang course ko. So what? Passion ko yon. So ayon, mahilig ako sa hayop.

Nagtatrabaho ako as a university professor. Ilang years din akong tengga at nagpapakabulok mag-aral during my masters. Actually, eversince na 'kong nagpapaka bulok mag-aral. All I care about is having the best grades and maging mabait na tao. Para narin puriin ako at ma appreciate ng ibang tao.

"I resign"

Inabot ko na sakanya yung letter ko. Hindi na 'ko nag sugarcoat pa ng words. Basta sinabi ko na hindi na ko masaya sa ginagawa ko and insisted na kailangan ko nang magresign.

Nagalit man sya sakin, pero sumigaw parin ako ng 'I'm Free' paglabas ng university.

Tumawag sakin si mama, nagtatanong kung anong balak ko sa buhay. Sinabi ko lang na 'I need space', na disappoint sya, pero okay lang. I hold responsibility naman sa decision at buhay ko.

Nagopen ako ng laptop then nag Fb. Nakakita lang ako ng mga post about sa preparation nila for Christmas vacation. Yung magbabati ng merry Christmas pero mukha nila na naka swimsuit at may hawak na wine ang nakapost, mema nalang yung quote para kunwari may sense.

Then to my shock. Nakita ko yung crush ko during my elementary days. Nakatapat yung both hands nila with the girl at may matching ring.

Engage na sila?

WHAT?! – syempre sigaw ko sabay lapit ng mukha sa screen.

Binuksan ko account nya then nang stalk ng pictures, then nilait lait ko lang yung fiancé nya while skimming through the photos. Sumaya naman ako sa ginawa ko.

Bigla nalang pumasok sa utak ko. What if?

Sinabi ko sa kanya na gusto ko sya that time? Nung elementary pa 'ko? May communication pa kaya kami hanggang ngayon?

Wait! What if? Sinabi ko sa mga naging crush ko na gusto ko sila dati? Naging boyfriend ko kaya sila?

I really hate my old self. Sya kasi yung tipong walang panahon sa mga ganon. Ngayon ko lang naisip. Ano kaya ako ngayon if, iba yung mga decision na ginawa ko noon?

Kung hindi ako puro aral?

Kung hindi ako puro reaching for my dreams? Or aiming for the top?

Honestly. I had thoughts of doing some things out of character dati. Like, mag cutting class, mag bagsak ng exam, makipag away sa school, maging involve sa mga nakawan or drug dealings sa school dati, and of course, makipag boyfriend.

May mahiwagang kubo pa naman dati doon sa highschool namin, kung saan maraming milagro ang nangyayari. What if, I took that path?

Will I regret it?

Or

Will I enjoy it?

Am I bored?

Oo, siguro. Bored ako sa buhay ko ngayon. Walang bago. Lalo siguro akong nabored when I realized na it takes a lot of effort and tears to reach the top. Lalo na nung naranasan ko kung gaano ka unfair ang mundo, at wala kang magagawa kung hindi mag adjust. Kasi hindi naman mag aadjust ang mundo para sayo.

Honestly.

I'm a bit regretting that 'timid' me in the past. Yung nabubuhay sa pressure. Kaya hindi nakapag enjoy.

Kaya ko napagdesisyunan gawin yon

Kumuha ako ng notebook at ballpen, saka nag scroll down sa friends ko sa Fb. I immediately write their names. Simula elementary hanggang college. Mahirap mag reminisce ng past, lalo na kung wala ka masyadong maalala. After that, inistalk ko sila, then completed their emails, phone numbers, and address sa notebook ko.

A total of seven. Seven crushes since elementary to college.

And that was the start of my journey in finding the answers to my what if's.

Now, back sa present.

I've been travelling to other parts of the Philippines and been attending reunions here and there. So far, na meet ko palang si Kennedy Garcia. My ultimate crush in elementary. Basketball player sya and his voice is like an angel from the Sky. Nalaman kong bumuo sya ng band noong highschool, nawalan kami ng contact since he transferred to Baguio. Lumipat sya sa hometown ng mama nya after his parents got annulled. Nalaman ko din na yung fiancé nya na nilait lait ko is the bass guitarist of the band. Tagal na pala nila, six years? Wow! Mukha naman syang masaya and contented sa buhay.

At dahil may conscience naman ako, simpleng nangamusta na lang ako sa kanya then goodbye.

Balak ko sanang agawan si Ms.Pretty-girl, kaso baka magpaka matay yon. Grabe sya, sobrang hinhin and galang. Nakakatakot pa naman sila kapag nasaktan.

And for the second one, si Daniel Ong. Nakilala ko sya nung highschool, transferee sya nung 2nd year. Taga Bulacan pa ko noon eh. Well, naging crush ko sya kasi drummer sya sa church kung saan naging active ako dahil sa kanya. Hindi nga ko nagsisismba palagi, pero nung nakita ko sya one time, habang slowmo na humahampas ang bangs, with sparkling CG sa background. Sumali kaagad ako sa choir. Para araw araw kaming magkita.

Naging close kami and para na kaming magkapatid. Oo, pero acting lang yon. Crush na crush ko sya talaga, sobra! Ang pogi nya and chinito. Grabe kaya kilig ko kapag napagkakamalang kami dati. Pigil lang ang ate mo that time.

Then I met him sa BGC. Call center agent na sya and, this really shocked me the most. Nag meet kami sa café with his…...his…...Boyfriend!! OO! Nabawasan nanaman ang endangered species na kalalakihan. Sabi na eh! Konti nalang ang poging lalake!

Ang sweet nila!!! Mas sweet pa sila sa nauna. Nagmumukha akong chaperon sa date nila kaya nagpaka ninja nalang akong tumakas. Ilang weeks din akong hindi maka get over sa naganap.

ISANG MALAKING SAYANG!

SAYANG sa genes!

pero that's his choice, so I need to respect that...

And yon, the most recent.

Si Dexter Lozada. 3rd year yon, ako naman ang transfer. From Bulacan to Quezon province, naging crush ko sya kasi ang gwapo nya. Yun lang.

Una kaming nagkausap nung nagtabi kami sa seating arrangement. Then nagkaroon ng quiz, tapos exchange paper, nagkamali sya ng check sa papel ko kaya tinanong ko sya, tapos, tapos na. Hindi talaga sya masalitang tao. Medyo may pagka mysterious. Pero magaling sya mag gitara and naaattract talaga ko sa mga musically talented na tao.

Okay na sana eh. Kuntento na ko sa patingin tingin lang kasi alam kong walang magtatangkang umagaw sa kanya, since hindi nga sya approachable. Pero one day, nabalitaan ko nalang sa classroom na may nag confess sa kanyang first year and a week after, sila na! I mean, What the actual F*CK?! Nainis ako doon sa babae kasi di naman sya maganda pero gandang ganda sa kanya yung mga tao.

What the heck?! Bulag ba sila?

Nadadaanan ko pa sila sa hallway na magkasama, then one time, hapon na yon, past 6:00 p.m., nahuli ako since tinapos ko pa yung mga assignements ko sa classroom. Yep! Ganon ako ka dedicated!! Nakita ko sila, magkatabi, hindi naman sila PDA. Pero hindi ko talaga makalimutan, sinabi ko na 'hui! Uwi na! gabi na!' while walking quickly passing in front of them. Hehe, well. Hindi naman yon nakakahiya, pero hindi kasi kami close kaya nkakahiya talaga 'yon.

Then that brings us to today.

Nasa reunion party ako here in Fairview. Nasa isang restobar kami. Kumalat agad sa GC and Fb yung shocking news na nag propose ako kay Dexter, and unfortunately, got rejected ambiguously. Crush sya ng bayan nung highschool. Kaya dami ko ngayong supporters and of course!! bashers.

To hell with them! I live my life freely now!

"grabe, kelan ka pa naging ganyan Karina?"

Sheryl, our class rep. during HS

"since I was born. Nakatago lang. hahahaha" totoo naman. I know I want to do these things.

I'm just bounded by pressure.

.

Nagsilapitan sila sakin. Kahit yung mga hindi ko naman ka close, they're now talking to me like we are.

"don't give up babe, maganda ka naman and you're at the right age"

"pakipot pa kasi yan si Dex. You know him, a man with few words, baka na overwhelm lang?"

"or baka naman natakot sayo, masyado ka kasing fierce"

Tumawa nalang ako. Ayoko naman silang sagutin since baka kung ano pang masabi ko. Well, little did they know. It was just a part of my plan.

I know he'll reject me. I know from the start.

"Hi Karina! Ikaw ba yan? Wow! Ganda mo na ah!"

Gosh! Si Lester ba 'yon? Hindi na sya nognog ah.

Sumingit sya sa naguumpukang tao sa harap ko. then he offered me a handshake.

"Jan Lester Orbina, alala mo?" tinuturo nya pa sarili nya.

"ayiee… andyan na yung committed suitor ni Karina"

Yes. Though NBSB ako. I do have my suitors, and the most annoying of them is this person. Nakilala ko sya when I transferred in Quezon province. We're in the same section, inaasar kaming dalawa since kinalat nya na he likes me.

But I.DON'T.LIKE.HIM!

Hindi ko sya gusto. Hindi sya gwapo, maitim sya, and a geek. Well, hindi naman dahil doon mostly, pero ayoko talaga sa kanya. Naiinis nga ko pag nakikita sya dati. Dikit sya ng dikit sakin kaya mas lalo kaming inaasar. One time, iniwan nila kami sa classroom, and he officially told me na gusto nya ko at kung pwede mang ligaw. Of course, I said NO.

But despite that, umaligid parin sya sakin. Hindi ko naman pinpahalata na naiinis ako since ayokong masabihan ng iba na mataray o maarte. Kaya tiniis ko nalang.

"kamusta na?" umalis na yung mga tao sa harap ko, until kaming dalawa nalang ang natira sa table.

"eto, ineenjoy ang life"

"buti ka pa, ako hindi ko maenjoy"

"bakit naman?"

"kasi wala ka eh, ang hirap mo kayang hanapin!"

-…..- Pls. wag mo nang ulitin.

Tumawa nalang ako. Wala akong masabe!

"can we meet after this?"

"what do you mean?" pinakita nya sakin phone nya. AHH…so binigay ko nalang number ko. Wala namang kaso. Pwede ko namang hindi sagutin tawag or text nya.

The reunion ended and medyo madami ang nainom ko. babyahe pa ko papuntang apartment. Ngayon lang ako nalasing ng ganito. Pero ginusto ko naman talagang malasing ng ganito.

Teka….pumunta ko sa gilid ng building at doon sumuka. Medyo nawala yung hilo ko, pero nung muntik na kong matumba dahil sa heels na suot ko, may sumalo sakin sa harapan. I can't see his face, 'his' kasi pang lalaki yung amoy nya. Tinulungan nya kong makatayo at sinakay ako sa taxi.

After that nakatulog nalang ako sa sobrang hilo.

-Morning-

.

"Sh*t what happened!!!" I'm naked! F*CK! WHY AM I NAKED?!!!

Nakahiga ako sa kama, nakakumot at walang saplot. F*CK! ANONG NANGYARI?!! Nagpangali ngali ako. Pinipilit na hindi matulala. Pinakiramdaman ko ang sarili. Pero parang wala namang nangyari sakin.

BUT F*CK! BAKIT PARIN AKO NAKAHUBAD?

Hinigpitan ko lalo ang hawak ko sa kumot nang makarinig ng boses. When that guy appeared. Binato ko kaagad sya ng unan.

"WHAT THE ACTUAL HELL DID YOU DO TO ME?!!!!!"

Nag panick sya, pero hind sya makalapit sakin.

"G*G* KA! KALA MO AH!" tumayo ako, OO! Kahit wala akong saplot! Naghanap ng kahit anong matulis na bagay, pero wala akong nakita, hinampas ko nalang yung vase sa may cabinet saka tinapat sa kanya yung malaking bubog.

"SIGE! LUMAPIT KANG H***P KA!"

"K-Karina! Teka! W-wala namang n-nangyari sayo eh, PRAMIS! Hindi kita ginalaw!"

"EH BAKIT AKO NAKAHUBAD! HA! ANO KALA MO, TANGA KO?" anong logic yon? Bakit nya ko huhubaran?!!!!

"O-OO nga, p-pero..."

"UWAAAHH!!!!"

Tumakbo ko papalapit habang hawak ang bubog on my stomach. Muntik ko na sana syang masaksak pero mabilis nyang naagaw sakin yung bubog at saka tinapon. Mahigpit nya kong hinawakan sa braso.

"BITAWAN MO NGA KO! PAPATAYIN TALAGA KITA!" ang weird nya! Bakit sya nakapikit?

"mamaya mo na ko patayin, m- mag-magsuot ka muna ng damit."

-LATER-

...

"so anong explanation?"

"nagsuka ka kasi, ang baho mo, kaya tinanggal ko damit mo. Nasa dryer pa nga hanggang ngayon, balak ko sana na bihisan ka after matuyo yon kaso nagising ka kaagad. Baka kasi mahiya ka kapag nalaman mo na wasted ka kagabi"

Bakit ganon? Bakit mas lalo akong nainis?!

"ah! Ganon?! Hindi mo ba naisip na mas magkaka problema nung iniwan mo kong nakahubad sa kama?! HA?!!!" umiling lang sya. Ang Creepy nya talaga! I can't take IT!

"aalis na ko. Thank you nalang sa paglaba ng damit ko!"

"t-teka! Teka Karina!"

Hinarangan nya talaga yung pintuan.

"Wala akong panahon sayo Lester, kaya f*ck off!…okay?" hinila nya yung wrist ko. "Ano bang nangyayari sayo? Hindi ka na yung Karina na kilala ko!" hinawi ko kaagad ang kamay nya.

"ano bang akala mo sakin?"

"una, nag propose ka kay Dex, totoo ba 'yon? tapos, naglasing ka na parang wala kang pake sa mangyayari sayo, then eto! Ayan! Your attitude, hindi ka naman ganyan dati ah?"

Sa sobrang inis ko, naitulak ko sya sa pinto.

"Ano bang alam mo sakin? Kilala mo ba 'ko? Classmate lang naman kita nung highschool ah! Naging boyfriend ba kita? Kapatid ba kita? The hell?!! Ano bang pake mo?" kala mo kung sino. Sino ba sya? He doesn't even know a tiny bit of what I'm feeling right now.

"kilala kita Karina, alam mo naman kung gano kita ka gusto kahit noon pa diba? I've known you too well, kahit siguro nakalimutan mo na 'ko, you've always been in my mind. Kahit after we graduated...until now"

I just sat down the floor. Ayoko neto. Sayang ang oras kung makikipag away pa ko sa kanya.

"eh pano yan? Hindi kita gusto, eversince highschool..."

nakatitig ako habang sinsabi yon sa mukha nyang nangingilid na ang luha. Sinasaktan ko sya ngayon, alam ko. Pero kesa naman magsinungaling ako at paasahin yung tao?

He let a deep breath saka pinunasan ng bahagya yung muntik nang malaglag na luha sa cheeks nya.

"alam ko..

..

pero despite that, I'm still worried about you. May mali sayo Karina, and I can feel that"

Magaling nga naman sya as someone who likes me. Magaling observation skills nya, but it doesn't mean na sasabihin ko na yung totoo.

"hinahanap ko lang kasi si Mr.Right, gusto ko na kasing mag settle down, masyado na kong pagod maglakad mag-isa" he smiled at umupo rin katabi ko sa sahig.

"I'll help you."

"Eh? Hindi ba self-inflicted pain ang labas mo nyan?"

"no. basta lang malaman ko na deserving nga talaga yung hinahanap mo"

And so, my uninvited companion akong napulot sa journey to finding answers to my what if's.