webnovel

Tripping

"psstt! pre! hindi mo ba yayayain si Karina?"

"para saan?"

Tumayo si Arjay, mukhang nagulantang sa sinabi ko. Ano bang mali sa sinabi ko?

"Ikaw ba yan Lester?! Nasapian ka ba? Bakit hindi mo hinahabol si Karina?" bigla ko lang naalala, patay na patay nga pala ako kay Karina nung high school.

"Ahh…AH! O-OO! Syempre no! mayamaya nalanag pag mag-isa na sya" kahit hindi ko alam kung anong sinasabi nya, um-oo nalang ako,

Siniko kaagad ako ni Arjay na mukhang mas kinikilig pa sakin.

Honestly?! hindi ko alam kung saan magsisimula? Kung ano bang dapat kong magawa? Natatakot akong magpadalos-dalos since kahit alam kong hindi ako mamamatay, ramdam ko parin yung sakit kung magkataon.

"Hi Lester?"

Si Jasmine, sya lang yung naaalala kong babae na nagconfess saking may gusto, at after graduation mismo nya sinabi?

Pano naman magiging kami kung ganon?

Pero hindi ko rin naman sya gusto in the first place?

Aba teka?!

"Arjay! Pst! Nagpapasama si Jasmine sa canteen, nagpapabili ng cheese burger!"

kitang kita yung pag twinkle ng mata nya, I know…may long time crush itong bestfriend ko dito, and ayoko man maging spoiler, pero gusto kong sabihin sa kanya na si Jasmine yung future wife nya.

Nakita kong nagulat si Jas kay Arjay, pero hinila nalang ng awkward kong bestfriend ang braso nya.

Pero kapag sinabi ko yung future, posible kayang magabago 'yon??

Umalingawngaw ang matinis na tilian ng mga babae sa hallway, bigla namang nagsitakbuhan ang mga kakalase kong chismosa, pinagsisiksikang isingit yung mukha nila sa bintana.

As far as I remember, si Dexter lang ang tinitilian ng mga babae dito?

"Ang iingay nyo nanaman!!"

tsempong pumasok naman si Sheryl sa room, nakakatakot yung mukha nya dati, kaya siguro medyo stressed yung mukha nya in the future?

Binagsak nya yung mga dala nyang notebook sa teacher's desk, bumalik naman sa upuan yung maiingay kanina.

"Acquiantance party po next week! and as seniors, we're assigned to give tokens for the first years in the science oriented class. Wag kayong tatakas! Malalaman ko! *ehemm* Also, kailangan ng intermission no.! Albert and Dex, iwan ko na yan sainyo! And lastly, hindi naman sapilitan, pero please lang, wag naman puro date yung gawin nyo sa party ha?!!! Be careful! Okay? Paki kuha nalang ng notebook nyo dito, thanks!"

Sa reaction ng iba, mukhang hindi sila natuwa sa sinabi ni pres.

Lalo na sa bawal mag date.

Syempre mga teenager pa 'tong mga to eh? What to do you expect?

How can you cope up with your raging hormones? Malaman dami nanamang issue ang lalabas after the party.

Oo pala!! Yung party!!

That's it!!

I should ask her out, kung hindi ko nagawa dati, syempre kaya ko nang gawin ngayon!

I may look like a 16-year-old-boy, pero twenty-five years old na yung utak ko.

Nakakahiya sa sarili kung hanggang ngayon wala parin akong self-confidence?!

Lumapit ako sa birthday corner ng bulletin board sa likod, and there, kinuha ko ang phone number nya.

Then I texted her na magkita kami sa may likuran ng classroom. Syempre hindi ako nagpakilala, pag malaman nya, malamang hindi 'yon sisipot.

It's already 6:00 in the afternoon, but still no sign of her.

Nillalamok na ko ditto, pero pinili ko paring maghintay, hindi naman ako magkaka dengue.

It's past six when she arrived.

Naka smile pa sya when she's about to turn by the corner, pero nung nakita na nya pagmumukha ko, lumipat agad sa hindi maipinta ang mukha nya.

She just scoffed at me then is about to walk back, pero napigilan koi yon by pulling her arm.

Kumalas sya kaagad dito

Noon ko pa iniisp, bakit ba galit na galit sakin si Karina?

Hindi lang naman ako yung lalaking may gusto sa kanya at nangungulit sa kanya.

Pero kapag ako yung kaharap nya, parang diring diri sya sa mukha ko??

Even the future her…..

Pero hindi ko dapat iniisip 'to ngayon, I should just focus on what's important!!

"K-Karina?!! Ahhh…. Makinig ka muna sakin bago ka umalis, para hindi naman masayang pagpunta mo dito." Humarap sya sakin, pero hindi sya makatingin.

Napakamot ako sa batok. Mukhang madali, pero hindi ko alam kung paanong approach sa isang teenager??

Wahh!! Pano ba?!! Pano ba hindi magiging corny yung gagawin ko?!!

...

...

"C-can you g-go with me?... as-s my date*~~"

...

...

AH! Nag crack yung boses ko sa dulo!!! AHH!! Pesteng puberty 'to!!!

.

Sa sobrang hiya ko, tinignan ko nalang yung pader sa tabi namin. Bakit ganon? Bakit ganon? I'm a grown up man!! Bakit ganon? Bakit ganito parin ako?!! Ahhh!! Nakakahiya!!!

Just when I hear her laugh.

"ahahahaha!!! Corny mo Lester ah!!! Hahahaha!!"

Tumawa nalang din ako.

I'm a failure!

I can't imagine what might happen kung nangyari 'to nung highschool. Malamang mas sobrang nakakahiya ang nagawa ko.

"pero sorry, hindi ako pwede."

"b-bakit? May ka date ka na?"

sino!!! Sino yang ka-date nya!!! Pwede ko naman sigurong takutin kung magkataon?

"nope! Wala! Ayoko lang ka-date ka! Hahaha! Bye!"

And it struck like a bullet.

Para kong naging bato na nakatayo doon.

Nakakahiya ka Lester!

*KYAAAA!!!! My gosh! Papayag kaya sya??*

Natigil ako sa self-contemplating nang narinig nanaman yung mga tilian sa di kalayuan.

I saw Karina run towards the edge of the building. Sinisilip nya kung anong nangyayari.

"Si Dexter 'yon diba?"

"ACK! Dun ka nga!!" tinulak nya ko palayo. Grabe sya, tumabi lang naman ako.

Pero teka?!! May babaeng kausap si Dex, at mukhang nagtatanong about sa acquaintance party.

"pumayag sya?"

"sana hinde…."

Hmmm…teka…

"crush mo si Dexter no?!!!" OA yung pagkagulat nya, so I confirm na may crush nga sya.

I don't know what to do, pero sa tingin ko, this is the right decision to be done.

"gusto mo tulungan kita para maging ka-date mo si Dexter?"

"HAH!?? Bakit mo naman gagawin yon? T-Tsaka h-hindi ko naman gustong maka date si Dexter! Baliw ka ba?!!! Bahala ka dyan!!!!"

Mga teenagers nga naman. Masyadong Defensive gusto naman….

So it's decided.

I'll make her get the date that she wants.

Though parang double kill 'to para sakin. But for her, I will do it!

Kung natatandaan ko? close friends kami ni Dexter nung high school, hindi sya masyado nakikipag-usap sa mga babae, pero he's still just ordinary for us guys.

May mga naiinggit sa kanyang mga lalaki, pero in our class, para syang bunsong kapatid. Mukha kasi syang clueless na bata sa maramin bagay, kahit yung tingin sa kanya ng mga babae jan eh si Mr.Perfect.

"Lester! Pasa dito!!" I lost in thought, buti nalang sumigaw 'tong si Arjay.

We're playing basketball. At na-shock sila dahil gumaling daw ako maglaro after kong masuspend. Sinabi ko nalang na nagpapractice ako nung 2 weeks na wala ako sa school.

Nakakita ako ng chance makipag usap sa kanya nang magpa substitute kami after 3rd quarter.

"bro! kamusta?" I toss him a bottled water.

"okay naman bro, ikaw?"

"haha, eto… bored? Haha, nga pala? Narinig ko Erika asked you yesterday about 'don sa acquaintance??" he just smiled, masyado yata akong pushy?

Pero close friend ko sya dati eh!!

"yeah! But I rejected."

"nge? DIba sya yung nanalo dati sa pageant ba 'yon last year?"

"*sigh** I have a problem, and I don't think I can attend? And in the first place, wala akong panahon umattend ngayon.."

…..

"bakit?"

"apparently, hindi sya makakaattend kasi may upcoming exam sya, at kung hindi nya mapasa 'yon, magagalit yung papa nya, at kapag nagalit ang papa nya, grounded sya!"

"annoying ka no?! ano bang pake ko?"

In denial talaga 'tong babaeng 'to!! Pero don't worry, cute ka parin Karina!!

Hmm.. maybe because she's with her friends? Kasi naman? Halos maghapon ko na syang sinusundan ni hindi man lang sya humiwalay sa mga kaibigan nya?!

I just left, knowing Karina, baka mas lalo syang mainis sakin pag pinilit ko pa.

Pero wala pang isang oras, sya na mismong lumapit sakin after class. Akala ko kung sinong inaabangan nya sa harap ng school gate, ako pala.

Haha, gusto ko syang asarin, kaso baka mag walk out.

"anong sabi mo kanina?"

Hinila nya ko sa may tindahan, may upuan sa harap 'non at nakatalikod kami sa daanan. Kaya hindi sya makikitang kausap ako.

I bet! Yan yung iniisip nya!! Nako Karina!

"Yung kay Dexter?"

"Oo! Sabi mo hindi sya makakaatend kasi may exam sya?"

"Oo! Eh alam mo naman 'yon diba? Hindi 'yon magaling sa academics, gwapo lang 'yon! Bakit ka ba may gusto 'don!" bigla nya kong binatukan.

Masakit 'yon ah!!

"hoy! Hindi ah! Oo hindi sya matalino, pero maganda boses nya! Magaling mag gitara! Sporty! Syempre gwapo!" mukha syang proud sa sinasabi nya, um-oo nalang ako.

"so anong pwede kong gawin?"

Kita mo 'to? Kahapon grabe maka deny sa tulong ko tapos ngayon sa kanya na mismo galing! Hahaha!

"*ehemm* Since hindi sya magaling sa acads, at may upcoming exam sya for his home tutor, bakit di mo sya tulunga? Eh diba matalino ka? Magiging close pa kayo nyan! Malay mo! Sya mismo magyaya sayo!"

Yung mukha nya! Hahaha! Mukhang sasabog na bomba!!

Hahaha!! Pero ang ganda parin talaga ng Karina ko!!

"pero pano ko sya tutulungan? Mukhang rude naman kung sasabihin ko yung about sa problema nya!!"

"nako!! Don't worry! Ako pa ba?! Syempre naisuggest na kita sa kanya no! Baka bukas kausapin ka non!"

Nabigla ako, hinampas nya kasi ng malakas.

"Talaga?!! Waaah!! Sabi mo ah!!" Yup! Kinikilig sya.

After that we walked to the station together, minsan lang 'yon mangyari kaya I grabbed the opportunity to look at her face clearly.

I can still remember her face glowing from the sunset. Hindi nagbago yung mukha nya even in the future.

Nararamdan ko kung gano ko mas lalong nahuhulog sa kanya everytime she smiles back at me.

That's why I'll do anything for that smile, so it won't disappear.

"guess what?!!"

"what?"

"teka….*ehemm*….he asked me to be his date on Saturday!!!"

Tuwang tuwa si Karina, ang tinis ng sigaw nya, masakit sa tenga, pero mas gusto kong pakinggan yon.

Isang linggo nang nakalipas nung nag-usap kami sa tindahan na 'to. At ngayon nga, nalaman kong mission accomplished yung plano.

May sinasabi sya sakin, pero wala akong marinig sa mga sinasabi nya, I just looked at her, smiling and being frisky.

Grabe sya kiligin, hinahampas nya ko, pero hindi naman masakit.

"Hoy! Lester! Nakatulala ka na jan!"

"ha? Ah… hahaha! Ganda mo kasi eh!"

"Hay nako!! Let's be clear Lester ah! Hindi kita gusto, though I'm thankful!" tumayo sya and placed her hands on my shoulders.

"But…. We can be friends!" then she smiled at me.

Gusto ko syang yakapin, pero pinigilan kong sarili ko. Masaya kong nakikita syang masaya, and that's enough.

- Acquaintance party –

It feels nolstalgic.

Yung mga ilaw sa bubong, yung mga kurtina na naka design sa taas na parang may debut. Naalala ko non nakaupo lang ako sa bleachers sa gilid.

Hindi naman nakakahiya, since madami kaming mag-isa lang at nanonood ng mga couples sa baba.

Tumugtog na ang music sa malalaking speakers na nakapalibot sa buong covered court.

Isa-isang nagsidatingan ang mga studyante sa loob, maya maya pa't dumating na ang emcee sa podium at nagsimula nang magsalita.

"Pre! Pogi ng ayos ah! Sa'n mo nakuha yan?"

Nakita ko si Arjay, nakapolo sya na polka dots. Kasama nya si Jasmine, she's beautiful in her red silk dress, pero mukha syang nahihiya habang pa ngali-ngali sa paligid.

"hiniram ko lang sa pinsan ko! hahaha! Ayos ah! Polka dots?! Ui! Jasmine! Okay ka lang?" namula sya, pero iniwas nya ang tingin sakin.

Inasar naman ako ni Arjay dahil rejected daw ako kay Karina, and also boasted how I suck at asking girls.

Well, edi sya na, pinuntahan lang ako 'non para mang-asar.

Umalis na sila, at pinagpatuloy ko naman ang pagmamasid kina Karina. Kanina ko pa sya tinitignan, at mukhang masaya naman sya kasama si Dexter.

"Hay nako! Abangan nga natin yang Karina na 'yan mamaya! Kala mo kung sino?!"

"Hindi kaya mapagalitan tayo?"

"whatever! Edi wag kang sumama, wala namang tao ngayon sa hallway since nandito lahat sa court"

Uso na pala 'tong mga babaeng 'to dati?

Tatanungin ko sana sila kaso paglingon ko, wala na sila sa likod ko. Hinanap ko si Karina, pero nakita kong hindi na sya kasama ni Dexter sa baba.

Kumaripas ako ng takbo. I did'nt mean to, pero marami akong nabangga pababa.

"Bro! Dexter!" dumiretso na ko sa harap nya at ang bingi nya!

"L-Lester?"

"Nasaan si Karina?!!"

"b-bakit---"

"basta! Nasaan si Karina?!!!" tumaas ang boses ko, kaya nataranta si Dexter na sagutin ako

"p-pumunta syang C.R. k-kanina, m-may problema ba? Lester?!!"

I did not answer him, I just ran as fast as I could. Never, hindi ko hahayang masaktan si Karina ng mga clichéd antagonist na 'yon.

But just when I'm about to exit from the venue.

A familiar face suddenly got my attention.

Nagkabangga kami,

"s-sorry kuya, di ko po sinasadya…"

My heart started racing.

I can feel my mouth open, pero wala akong marinig mula dito.

She walked away.

No! Don't go!!

Gusto ko syang sigawan, pero bakit hindi ako makapagsalita!!

Sumasakit lalo ang puso ko.

Don't go!

It's when everything flashbacked into my mind. At masakit ang naaramdaman ko.

Gusto ko syang yakapin.

Gusto ko syang tignan.

Gusto ko'ng mag sorry.

That's when I feel my legs started running.