webnovel

Dying

"Will You Marry Me?"

"uhmm…...NO?! why should I marry you?"

Wow! Hindi parin pala talaga sya nagbabago. He's still blunt in talking to people. Lalo na yung wala syang care.

Kahit hindi ako seryoso sa ginagawa ko, masakit parin ah! Crush ko parin sya, and may lingering feelings parin ako hanggang ngayon sa mga crush ko. Kaya nasasaktan parin ako whenever they say no.

Tumayo na ko saka sinabi ang scripted punch line ko, para hindi naman mapahiya masyado. Nag catch up kami at nalaman kong single parin sya, pero focused daw muna sya sa pagpapayaman. Saka na daw sya magiisip mag asawa kapag mayaman na sya.

Oo! Para perahan ka ng mga babaeng lalapit sayo. TCh!

"ano sabi ni Nico?"

"rejected! Gusto nya munang maging sugar daddy"

Tatlo nalang. Sana naman kahit isa sa kanila may magsabi kahit, 'I'll think about it'.

"may tumatawag sayo Karina, kanina pa yan!"

"ignore it." Isa ka pang masakit sa ulo. Bakit ka ba tawag ng tawag? Hindi ba nya maintindihan yung salitang 'ayoko na?' or 'tama na'? tanggap ko naman na eh, bakit kailangan pang ipag pilitan?

"sino sunod?"

"uhm..si Albert Erguiza, teka, siguro disqualified na sya?" inagaw ko sa kanya yung phone

"ano bang pinagsasabi--- bakit black yung DP nya?"

may pinakitang GC messages sakin si Lester, and also an Inquirer article. Nabalitaan kong naaksidente si Albert last week sa may commonwealth. Ni raid daw ng mga police yung apartment kung saan sya nakatira, and nasama sya sa encounter with drug pushers. Na tokhang, kung baga.

Hindi ko nalaman kaagad since hindi ako nakapag bukas ng GC eversince nang nagkita kami ni Lester. Kinuha nya kasi yung responsibility na hanapin yung mga crush ko.

"libing nya bukas"

Kinabukasan, pumunta kami sa libing ni Albert. May mga nakalagay nga sa labas na 'Justice for Albert', at may mga nagkalat na media sa paligid. Pagpasok namin sa funeral home, nakita namin ang umiiyak na mama ni Albert. Parang sa mga teleserye yung scene dito sa loob, hindi nya matanggap yung pagkamatay ng anak nya.

Well, mabait si Albert. Nag stop sya ng three years' para makapag tapos ng highschool kapatid nya. Nakita ko pa sya noon sa workplace ko dati, nag AB Psychology sya ngayon and pa graduate na sana. Nakipag kwentuhan kami sa mama nya. At saka ko naramdaman kung gaano ang grievance nito sa pagkamatay ng anak. Hindi nya matanggap lalo na at hindi deserve ni Albert.

Magkasama kami noon sa choir together with Dexter. Maganda boses nya at sya lagi ang pangbato namin sa singing contest. I've really admire him. Lalo na yung hindi sya nahihiyang ipakita kun gano nya kamahal mama nya.

Ako kaya? Kapag namatay ako?

May iiyak kaya sakin?

Pupunta kaya yung mga taong tinuring kong kaibigan?

"hui Karina! Tulala ka na dyan!"

"w-wala…. may naisip lang!"

Nagsidatingan ang mga classmates namin from HS and also classmates nya from college. Parang nagkaroon nanaman ng semi reunion. At doon din nangyari yung mga confession nila na dapat sinabi nila kay Albert habang buhay pa ito.

Regrets.

Ganon talaga ang buhay.

Saka mo lang maaapreciate kung wala na.

Bakit kasi hindi natin masabi yung mga gusto nating sabihin sa tao?

Natatakot?

Nahihiya?

Iba't iba siguro ang rason natin. Pero once na mawala na yon, saka tayo magsisisi na sana pala, nasabi natin ang mga yon.

Baka masyado lang tayong nakampante, kasi akala natin, may siguradong bukas pa na darating.

Oh mas nagiging kampante tayo kasi alam natin na hindi naman makakapag salita o makakapag react ang patay kung anong sasabihin mo.

O siguro yung iba, nakiki sympathize lang. Kunwari naging close din sila nung tao, since sya ang main topic ng lahat, para may masabi lang.

Bakit ginagawa natin yung mga bagay na alam naman nating lahat na may pagsisisihan tayo sa huli?

Doon ko lang din nalaman sa burol nang dumatin ang papa ni Albert, na matagal na silang iniwan.

Nakipag usap yon sa mama nya at in the end, nagsisi ito sa mga nagawang kasalanan.

Pero wala namang magagawa yon ngayon diba?

Hindi naman nakita ni Albert.

"Okay ka lang?"

"oo, okay lang. mauna na ko sayo..."

"t-teka! G-gusto mo kumain sa bahay? N-agluto kasi ako.."

Dahil wala naman akong planong gawin. Why not just amuse myself? Kaya sumama nalang ako.

We went to his condo at ngayon ko lang narealize, na asensadong bata na pala ngayon si Lester.

"teka, ano bang trabaho mo?"

"ahhh….haha, wala"

"anong wala? Ginag*g* mo nanaman ako eh no?!"

"v-vlogger…hehe" ano yun? Bakit hiyang hiya sya sabihin?

"vlogger? Ng ano?"

"travel blogs, mostly..."

"parang *Traveles base*? Ganon?" [A:gawa gawa ko lang yan na channel.ehehe]

"actually, channel ko yon"

"WHAT?!" biglang sumabit yung kinakain kong pasta. "yung may 30M subscribers?" tumango sya.

"peymus ka pala nong! Kaya pala rich kid ka na!!"

"ahaha.di naman"

good for him. Akala ko sya parin yung lame ass geek na kilala ko. Yung laging weird ang mga sinasabi kaya minsan nabubully sa klase.

"buti ka pa nalilibot mo yung mundo..."

"gusto mo sumama? Pupunta kong California next month, para makumpleto ko yung trip ko for happiest cities on Earth!" hindi ko alam pero napatawa nalang ako sa sinabi nya.

"Hardworker ka ah! Ano namang purpose ng ginagawa mo? Magpainggit lang sa mga viewers like 'oohh out of the country ako, wala pala kayo eh' ganon!? Sus…alam ko na yan!"

"bakit ba ganyan ka mag-isip?"

"totoo naman, alam mo, ang mga tao, hindi yan magpapagod kung walang ulterior motif!" nainsulto yata sya, he looks annoyed.

Why? I'm just telling the truth? Para saan naman yung paggastos nya ng malaking pera kung wala syang hidden agenda? Duh! Hypocrite lang?

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala, but I started doing this after I've overcomed a major challenge in my life..." and now he's talking seriously. Akala ko pa naman palalayasin nya na ko kanina.

"It was 2 years ago….

When I encountered a tall wall in front of me. After kong grumaduate naghanap kaagad ako ng trabaho, kasi ang iniisip ko noon, kailangan kong magkapera, since bread winner ako sa pamilya namin, sakin lahat naiwan ang trabaho ni papa after nyang mamatay.

I worked myself day and night para lang mapag aral yung apat kong kapatid. Until one day, I got fed up.

Umalis ako sa bahay nang hindi nagpapaalam. Iniisip ko non na bakit ang unfair? Bakit ako lang nagpapakahirap? Ang dami ko nang na give-up para sa pamilya ko? pero bakit parang walang nakaka appreciate sakin? Bakit ako lang ang napapagod? Bawal bang magbigay naman ng time para sa sarili ko? Yun at yun lang ang umiikot sa utak ko hanggang makaratin ako sa manila.

Siguro kasi, nakikita ko yung mga kapatid kong nageenjoy, habang ako, at their age dati, hindi nakapag enjoy dahil sa pressure na pinadala sakin.

Maybe I got jelous?

Then after that, nakahanap ako ng magandang trabaho, I thought na basta magbigay ako ng pera, okay na. Iniiwasan kong makipag communicate sa kanila, until one day, nabalitaan kong bumagsak yung bahay namin from landslide. And they we're all sleeping inside.

That night wala akong ginawa kundi sisihin sarili ko, kung gano ko ka selfish. Pinilit kong isipin na ako yung biktima, but in the end, it's all my fault.

Ready na kong mamatay non eh, nag resign na ko sa trabaho, naka time deposit na yung pera ko sa bangko, at nasa harap na ko ng railings ng bridge. Nang may babaeng pumigil sakin, and sinabi na 'may ibang tao na gustong mabuhay, wag mong sayangin', hindi ko sya nakilala, 'cause she's wearing a mask at madilim din noon dahil gabi.

But she saved my life.

Narealize ko na, hindi mababawi yung buhay ng pamilya ko kung magpapakamatay ako. At wala ding magbabago. Sigurado ding masasampal ako ni mama kapag nagkita kami. Kaya hindi ko nalang tinuloy.

After that, nag advise sakin yung pshycologist na i-redirect ang depression ko sa ibang bagay, and that's where I started my VLOGging. Nung una, pangtagal depression lang pero nagkalaon, ginawa ko na syang instrument to inspire people. Sinimulan kong I-share yung story ko, way ko din yon para mapaisip yung mga taong gusto naring magpakamatay katulad ko dati. Until now, masaya kong may natutulungan.

"sana lang mahanap ko yung babae na yon, para makapag thank you naman ako sa kanya."

Masama bang isipin na nahabaan ako sa sinabi nya? Sumulat nalang sana sya sa MMK.

"well, good for you. Hindi ka pala mababaw." Nakatingin lang sya sakin.

"ano? Anong akala mo? iiyak ako tapos malulungkot sa nangyari?"

"no, narelaize ko lang na ikaw parin pala yung Karina na kilala ko..." nabigla ako nang lumapit yung kamay nya sa mukha ko, pero bago pa ko makaatras, ni-rub nya yung cheeks ko.

And that's when I saw tears from his fingers.

Nope! Hindi ako umiyak. Pawis lang yan.

"haha.. okay. Uhm. Uwi na ako ah, late na rin masyado eh!!" pero hinila nya yung braso ko.

"Ano bang problema?" hindi ko talaga sya maintindihan. Bakit ba ang hilig nyang mangialam?! Ano bang gusto nyang sabihin?!

Tinulak ko sya sa sobrang inis. "wala akong problema!!"

"no! I know! The way you speak and think? I know there's some reason kung bakit!"

Ah! Kainis! Gusto nya bang palabasin na kailangan ko sya? Magpasalamat ako kasi naiintindihan nya ko?

"ano ba?! Wala nga akong problema?! Bakit ba pinipilit mo na may problema ako?! Wala nga, wala!! Kung iniisp mo na magugustuhan kita sa pagiging 'caring' mo. Wag ka nang umasa!"

Mabilis akong lumabas ng condo nya.

Nakakainis sya! Nakakainis. Ano bang gusto nyang iparating?! Mukha ba kong problemado? Desperada?

To hell with him!! Buwiset sya!! Buwiseeettt..

Napaupo ako sa gilid ng kalsada. Pero hindi sa inis, kundi dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Buwiset! Buwiset! Mamatay ka na! Mawala ka na!

Ayoko na!

Kung ganito lang din ang mararamdaman ko, mas mabuti nang itigil ko nang kalokohan na 'to.

Napaiyak nalang ako sa sobrang sakit habang hinahampas ang puso ko.

Sobrang sakit....

[Someone rings the doorbel]

"bakit kuya?"

"sir, yung kasama nyo po kanina, hinimatay sa baba!"

"what?"