webnovel

Pinky Promise (chingniii)

What if kailangan mong magpanggap bilang kakambal mo. Ang malala pa pati sa boyfriend nito. Matatagalan mo ba? Makakaya mo bang hindi mafall? Ehh, paano kung yung boyfriend ng kakambal mo ay ang childhood sweetheart mong matagal mo nang hinihintay dahil sa "Pinky Promise" nyo? Tunghanayan ang istorya ni Laine.

chingniii · 若者
レビュー数が足りません
11 Chs

Chapter 5

Chapter 5

"Laine, eto na pala yung notebook. Lahat ng close ni Liane nandyan, kasama na ang info na kailangan mo: full name, age, b-day, hobbies, at background. Kaya wag na wag mo yang kakalimutan. Nasa pinaka una si Rence at ang kanyang bestfriend." salubong ni Ate Akie sa akin pagpasok nya ng kwarto. May inabot sya notebook sa akin na agad ko namang tinanggap.

"Ahh, salamat." pagkasabi ko noon ay umalis na sya.

Napatulala nalang ulit ako sa kisame, inaalala ang nangyari kahapon.

**

"Bakit hindi ka nagpaparamdam sa akin?" nagulat ako nangbigla akong tabihan at akbayan ni Rence DAW.

Napatingin ako kay Ate Akie na parang nanghihingi ng tulong.

"Ahm, Rence. Busy kaming dalawa ni Liane, alam mo na? Shopping." pagsabat ni Ate Akie na ipinagpasalamat ko. Tumingin sakin si Rence DAW. Halos mapaatras na ko dahil doon.

"Pero babe hindi kita machat o matawagan. Nag-aalala ako sayo." nakasimangot na sabi nito. Napatitig ako sa kanya.

He reminds me of someone.

"Hey. Babe naman. Baka matunaw ako." natauhan ako sa sinabi nya na dahilan ng muntikan kong pagkalaglag.

"H-Huh? Kapal." pabulong ang pagkasabi ko sa huli.

"Ano na? Bakit hindi ka nagpaparamdam sa akin? I Miss You." nagulat ako ng bigla nya akong yakapin. Napatingin ako kay Ate Akie.

"Ehem. Nandito ako." sabi nya. Nakahinga ako ng maluwag ng alisin ang kanyang yakap.

"N-Nagpalit ako ng sim at na hack ang facebook ko." pagdadahilan ko. Nag okay sign naman sya sa akin.

"Bakit hindi mo agad ako tinext?" nakasimangot nyang tanong.

"A-Ahh? Nakalimutan ko number mo ihh." pagsisinungaling ko.

"Sus! Ikaw pa! Makakalimutan ang number ko? Joke yun? Kung oo hindi yun nakakatuwa." nagpoker face sya pag katapos sabihin yun. Napakagat labi ako dun.

"Totoo naman ihh." sabi ko nalang para matigil sya.

"Hay, oo na. Akin na phone mo." nilahad nya ang kamay nya sa harap ko. Kaya sinulyapan ko si Ate Akie.

"Dali na." pag uulit nya kaya kinuha ko ang phone ko at ibinigay sa kanya.

"My phone?! Hindi naman to ang phone mo ihh!" sabi nya na halatang nabigla sa phone ko.

Nanlamig ako sa sinabi nya. Parang gusto kong bawiin ang phone ko sa kanya.

"Y-Yan yun."

"iphone kasi phone mo. Hindi my phone. Bakit? Naghihirap ka na ba? At my phone na ang gamit mo ngayon?" lalo akong nanliit sa sinabi nya. Hindi ako nakapagsalita.

"Hindi. Joke lang. Ang babe ko naman masyadong seryoso." inakbayan nya ko na parang sinusuyo.

"Ahm, wait lang. Order lang ako ng pagkain. Kain ka muna dyan ahh?" paalam nya at hinalikan ako sa noo.

Naistatwa ako sa ginawa nyang iyon.

"Hala. Patay tayo dyan. Baka mahirapan ka dahil kay Rence." nabalik ako sa reyaidad nang magsalita si Ate Akie.

"Rence ba talaga pangalan nya?" wala sa sariling tanong ko. Tumangon naman sya.

"What's wrong? Is there any problem with his name?" tanong nya na agad kong inilingan dahil pabalik na si Rence sa aming table.

May dala syang tatlong malalaking fries at ang kanyang meal.

"Here." inigay nya sa tapat ko yung dalawang fries sa harap ko. "Dalawa kasi mahal kita. Isa kay Akiesha. Loner kasi ihh." sabi nya.

"T-Teka? Anong gagawin ko dito?" taka kong tanong.

"Favorite mo yan diba?" sagot ni Rence, kinunutan ko sya ng noo.

"A-Ahh? Oo nga pala." nasabi ko nalang. Hindi naman sa ayaw ko ng fries, ayaw ko kasi ng lasa. At isa pa may nabasa ako na kaya hindi nabubulok ang fries dahil may lahok itong formalin.

Oo nga pala ako si Liane. Walang lugar sa mundong to ang gusto at ayaw ko, lahat kay Liane.

Kumain kami. Nangmatapos ay..

"Hatid ko na kayo." prisinta ni Rence. Pero agad na umiling si Ate Akie.

"No need Rence. May dala kaming kotse." sabi ni Ate Akie. Tumango naman si Rence. Sumabay nalang sya samin hanggang parking lot.

"Text mo ko pag uwi nyo ahh?? Iloveyou." kiniss nya ako sa noo bago ako pumasok sa loob ng kotse.

**

Napabuntong hininga ako sa naalala. Parang kung anong pakiramdam ako sa Rence na iyon na tila matagl ko ng kilala o baka dahil kapangalan lang siya ng aking kababata. Napailing ako sa iniisip. Napatingin ako sa mga paper bag na pinapilihan namin kahapon. Nilapitan ko ito at hinalwat.

Wait?! Binilhan nya ko ng sneakers?! Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Bukod sa napili ko kahapon ay may isa pa.

"Waaaaaahhhh!!! Shems!!!" sigaw ko sa sobrang tuwa habang nagtatatalon.

Agad akong lumabas at pinuntahan si Ate Akie.

"Kyaaaahhh!! Thank you!!" niyakap ko sya sa sobrang tuwa.

"Oh? Bakit?" tanong nya na nagtataka.

Ipinakita ko sa kanya yung yung sapatos. Nang makita niya iyon ay ngumiti sya.

"Ahh! Welcome!" tumango tango sya at ngumiti sa akin.

Bumalik na agad ako sa kwarto at inayos yung mga laman ng paper bag. Pinagtatago ko iyong mga paper bag, yung mga damit at sapatos ay inilagay ko sa mga lalagyan. Nilinis ko din ang kwarto ni Liane. Nang patapos at nakita ko ang notebook na ibinigay ni Ate Akie. Binuklat ko iyon.

Bumungad agad sa akin ang picture ni Rence with information.

Rence Steven Ramos

17 yrs. old

Dec. 18,****

Boyfriend ni Liane

Hobbies: Dancing, watching Movie, ect.

Rence and Liane were classmate since high school. Rence courted Liane when there grade9. Blah blah blah.

Nakalagay lang pala kung kailan sila nagkakilala, nothing important. Akala ko about kay Rence. Hays.

Tinignan ko pa ang ibang nakalagay sa notebook. Nang biglang may kumatok.

"Laine! Bilis!" agad kong binuksan yung pinto. Nakita ko si Ate Akie na natataranta.

"Oh? Bakit?" takang tanong ko.

"Si Rence nasa baba." sagot nya na ikinabigla ko.

"What?! O.o!? Anong ginagawa nya dito!?" gulat na tanong ko.

"Hindi ka daw kasi nagtext kagabi hanggang ngayon kaya pumunta dito." sagot nya na natataranta pero nakangiti.

Napahampas ako sa noo ko. Nakalimutan ko syang itext kasi ayoko din talaga.

"Laine, magbihis ka na dali. Hindi ka nya pwedeng makitang ganyan." tinulak nya ako papasok. Napabuntong hininga ako.

"Akala ko pa naman si Laine ako ngayon. Hindi pa din pala. Hays." bulong ko bago pumasok ng banyo.

Naligo ako at nagpalit ng damit. Nagsuot ako ng isang dress na kulay pitch na hanggang tuhod. Nag-ayus ako ng konti bago bumaba.

Pagbaba ko ng hagdan ay si Rence agad ang nakita ko. Ngumiti sya sakin bago tumayo sa upuan at nilapitan ako.

"You're so beautiful." bulong nya sa akin pag kalapit nya. Namula ako doon.

Wala pang nagsasabi sakin maganda ako, except sa kababata kong si Rence.

"Let's go, My Angel." hinawakan nya ang kamay ko at iginaya palabas.

'My Angel.' Hindi ako nakaimik noong tinawag nya akong angel.

Tumingin ako kay Ate Akie. Nagsign lang sya na wala syang alam.

"W-Wait. Rence." pigil ko na ikinahinto nya.

"Bakit?" takang tanong nya.

"Pwede bang dito nalang tayo? Wag na tayong umalis?" mahinang sabi ko na parang nahihiya.

Baka kasi pag umalis kami hindi ko alam ang gawin ko. Hindi ko sya kilala. Oo boyfriend sya ni Liane, hindi sakin. Kaya tama lang sigurong hindi ako sumama diba?

"Ahm, sige. For My Angel." nakangiting sagot nya.

Napatigil naman ulit ako dahil sa sinabi nya ulit.

Bumalik sa alala ala ko ang aking childhood sweetheart ko.

**

"Wear it. You're My Angel and I'll be your Devil."