webnovel

PHOENIX SERIES

***PHOENIX INTERNATIONAL AGENCY SERIES***

jadeatienza · 現実
レビュー数が足りません
366 Chs

Landi

Chapter 12. Landi

            

               

NICOLEA and Jave instantly became Campus Sweethearts. Lalo na nang ma-feature sa headline ng School newspaper Valentine Edition at ma-feature din sa magazine ang ilang mga stolen shots nila. May consent naman nila na i-publish ang mga iyon. Hindi lang talaga sila pumayag sa interview kahit kinulit-kulit sila ng mga ka-eskwela.

Naging tampulan din sila ng tukso ng mga kaklase niya na walang sawa yata kung tudyuhin sila ng mga ito. Syempre, pasimple siyang kinikilig. Pero kadalasa'y nakikita niya ang pag-irap ng mga dating kaibigan. But she didn't care anymore. Kulang na nga lang ay pagtaasan niya ng kilay ang mga ito. Kung hindi pa niya alam...

"May susuotin ka na ba?" Jave caught her attention.

"Oo. January pa lang yata, hinanda na ni Mama ang wardrobe ko. Kaya todo diet ang ginawa ko. Paano'y puro fitted ang napili."

"What color are you going to wear?"

"Hmm... Ice blue?"

"Ano pa?"

"Iyon lang."

"Isa lang ang susuotin mo?"

"Oo naman," natatawang aniya. Akala yata nito ay gaya siya ng ibang kaklase nilang babae na dalawang beses na magpapalit ng damit sa Graduation.

"Ano'ng kulay ba ang dapat kong suotin?"

"Why are you asking me that again? Just wear clothes that you'll be comfortable wearing at."

"I just thought you would want me to partner the color of your clothes."

Ngumisi siya. Alam talaga nito ang takbi ng utak niya.

"Well... you should wear the same shade of my dress. Just like before." When she wore a red mermaid gown and he wore a red coat and tie.

Jave was her escort during their Valentine's Night, and now, he would be her escort on their Graduation Ball, too.

Ang Graduation Rites ay ginanap ng alas sinco ng hapon, at pagkatapos ay nagkaroon ng salu-salo bago tinuloy sa Graduation Ball ceremony. Ang daming pakulo ng eskwelahan nila.

Pero hindi naman sila nagrereklamo lalo pa't para sa kanilang mag estudyante naman ang lahat ng iyon. It was for them to keep those beautiful high school memories with them forever.

"You are so gorgeous, baby," anas ni Jave nang makasayaw niya ito.

"Syempre, para hindi ka naman mapahiya na ako ang girlfriend mo."

"But other guys kept on looking at you. Why did you have to be this beautiful?"

She bit her lips to suppress her smile. Hindi niya mawari kung nagseselos ba ito o sadyang inuulan siya ng papuri.

"Aren't you feeling cold? Wear my coat."

Ah, iyon pala ang dahilan kung bakit nagtanggal ito ng coat. But she declined.

"It's cold."

That's true. Centralized ang air-conditioning ng Function Hall.

"Wear it." Akmang ilaladlad nito ang coat nang pigilan niya ito.

"Masisira ang outfit ko. Panigurado, magpi-picture pa niyan ang mga kaklase nating hayok sa pagkuha ng pictures."

"Bakit ba kasi tinanggal mo ang nakabalabal sa iyo?" reklamo nito.

"Well, para kanina lang talaga iyon. Nang hindi naman magmukhang iisa lang ang sinuot kong damit ngayon."

"You should've brought two shawls, then."

"Ayaw ko. Hindi ko mafe-flex ang ganda ng cocktail dress at makinis kong balikat, 'no!" Internet slang ang salitang flex na malapit ang ibig sabihin sa ipagmamalaki.

Just as planned, she was wearing an ice blue cocktail dress and her hair was styled in perfect bun. Kanina'y nakalugay iyon at malalaki ang kulot sa dulo. Her mom just fixed it before the Ball started. Umuwi rin ang mga ito pagkatapos ng Graduation Rites.

She also requested for her heavy makeup to be done, iyong babagay sa suot niya at sa papusong hulma ng kanyang mukha.

While Jave was wearing a midnight blue three piece suit. His black leather shoes looked really expensive.

They rested for a while and he removed his coat, revealing his white undershirt rolled up to his sleeves. May kapayatan pa rin ito pero hindi na tulad dati na napaka-soft ng features nito. At medyo nagkalaman na kaysa rati. He looked manlier now especially that he had an ear piercing on his left ear. Ang akala niya rati ay pangit ang lalaking may hikaw. Nagbago ang pananaw niya nang makitang naka-hikaw si Jave.

"Por que graduation na natin may pahikaw-hikaw ka na, ah," tudyo niya. Kailan lang ito nagpabutas ng tainga at nagpaalam pa talaga ito sa kanya matapos magpaalam sa mga magulang. Sinamahan pa nga niya ito sa doktor.

"I just thought it would look nice."

"Well, it is." Ngumisi siya. "Napakagwapo mo ngayon..."

"Do you want me to kiss you?"

"Oo naman. Pero huwag dito!"

Maya-maya pa ay nagpaalam siyang magba-banyo saglit. Ito nama'y tinawag ng ibang mga ka-batchmate nila, para na rin magkwentuhan.

She checked her phone while she's on the Powder Room and saw it had a lot of missed calls from a friend.

"N-Nic..." garalgal ang tinig ng nasa kabilang linya.

"Ano'ng nangyari?" nag-aalalang tanong niya.

"Ang sabi niya'y hindi totoo ang lahat. Na pinsan niya si Perla at nakisuyo lang ang mga kaibigan nitong samahan niya..."

Tumiim ang bagang niya sa narinig. Nagpaalam siya sa kaibigan at mabilis na inayos ang sarili.

Nang matapos ay hinahanap niya si Jave at nakitang nakikipagkwentuhan pa ito. Pagkuwa'y hinanap niya ang grupo. Sinadya niyang lumakad sa tapat ng mga ito at bahagyang tumiim ang bagang nang harangin siya ni Marie.

"Kumusta?" Ngumisi ito.

"Ayos lang." She was as cold as the color of her dress.

Sa totoo lang ay napagod na siya sa pakikipagkwentuhan sa mga ka-eskwela. Iilan lang naman ang main topic nila, kung saan mag-aaral, o kung ano ang kukuhaning kurso. Pero walang-wala ang pagod na nadama't kaya pa niyang makipag-plastik-an sa mga dating kaibigan.

"Baka mag-asawa ka na niyan, ah?" Halata namang binubuska siya ni Marie.

"So what if I get married? It's not like I can't study anymore even if Jave and I will tie the knot soon."

Bahagya siyang nag-angat ng tingin para hanapin kung nasaan si Jave. Nang makita nakatitig lang ito sa kanya habang nakikipagkwentuhan ay ngumisi siya. Mataman naman itong nakatitig sa kanya.

"Medyo malandi ka pala, 'no?" sabad ni Merriam. Bumaling siya rito at mas lumapad ang pagkakangisi.

"Oo," aniya.

"See? I told you. Nicolea is wilder than you." Bumaling si Perla kay Joanna.

"Shut up!"

"Kayo rin naman, ah? Malalandi?" Ngumisi siya ng nakakaloko at pagkatapos ay puno nang pandidiring siniwalat ang dahilan kung bakit sinadya niyang lumapit sa mga ito, "Iisang lalaki ang pinagpapasa-pasahan."

"What do you mean?" mabigat na tanong ni Perla.

"Ako, isang tao lang ang nilalandi ko. At boyfriend ko iyon. Samantalang iyang mga kaibigan mo, Perla, iisang tao lang din ang nilalandi. At ang boyfriend mo iyon."

There. She finally dropped the bomb.