webnovel

PHOEBE: The Forbidden Series 2 (COMPLETED)

A successful careerwoman. A kind loving daughter, a sister of three. Single and free. Wave of luck seems to be on Phoebe's side. But when a stubborn, skirt-chaser--not to mention, married--newly appointed company director was after her, everything seemed to crumble into pieces. Makakaya kaya niyang pigilan ang tukso kapalit ng kinabukasan ng kanyang pamilya?

AuraRued · 都市
レビュー数が足りません
26 Chs

Chapter 25

"Hey."

Ang nakangiting mukha ni Siovhan ang bumungad sa pagbuka ng mga mata ni Phoebe. Nakaupo sa isang silya na nasa gilid ng hospital bed kung saan siya nakahiga. Ang daliri nito ay humahagod sa kanyang noo.

"Siovhan, ang...baby ko?"

"Our baby's fine. May pinainom ang babae sa iyo pero hindi masyadong malaki ang dosage. May nireseta ang doctor na gamot, pampakapit para maiwasan ang miscarriage."

Nakahinga si Phoebe sa narinig.

"Muntik nang mawala sa akin ang baby natin, Siovhan. I was so scared...I was so helpless. Kahit kaunting galaw hindi ko magawa. Wala akong kilalang tao ni isa." Dahil sa naalala ay naiyak na naman si Phoebe.

"Shhh...It's alright now. Everything's alright. I found you and I will never let you slip in my hands again."

"Si Violet ang may kagagawan ng lahat ng ito. Ang asawa mo!"

Nakita ni Phoebe na ngumiwi ang lalaki pagkatapos ay napahawak sa ulo.

"She's not my wife, Phoebe. Our marriage was fake, for media purposes." Kumunot ang noo ni Phoebe sa narinig. "I'll explain to you everything and will answer all your questions the moment we get out of this hospital. Okay?" Hinagkan nito ang noo niya.

Si Siovhan, walang asawa? Peke lang ang lahat?

"A-ano'ng plano mo kay Violet?"

"The police are in Allures now to arrest her. Pati na ang kasama mong nagngangalang Mia."

"Si Mia?"

"Yes, kasabwat siya ni Violetta . Noong nalaman niya na maaaresto na siya, dinamay na niya ang lahat ng kanyang allies. Isinali ko na iyong matanda na nag-asikaso sa 'yo dito sa Catanduanes. May dalawa ring lalaki at iyong midwife na gumalaw sa 'yo."

"Si Mia ang nagkuwento ng lahat sa akin tungkol sa iyo."

"Yeah, exactly. Dahil utos iyon ni Violetta para i-brainwash ka. And as I have said, we will talk more of that when we get home. For now, just rest. I don't wanna risk my family's life again."

"No, Vhan. Paano 'yong si Marie? May ipinakita sa akin si Violet na babae. May mga pasa siya at broken rib. Siya raw iyong escort noon na kinahuhumalingan mo."

"Marie?

Family's life?

Umiwas ng tingin si Phoebe at ibinaling sa bintana na nasa kanan.

"Why? You're blushing," saad ng lalaki na yumuko at hinalikan siya sa mga labi. "I love you, Phoebe. I'm already devoted to you since two years. Since you needed those bandaids."

Ngumiti si Phoebe. "Hindi ko pa nababayaran sa 'yo ang bandaids na 'yon."

"No need. That serves as my promise to you, that I will look for you and make you mine. I told you, it costed alot. And the payment is yourself."

"Yeah, right, Siovhan," naiiling niyang sabi.

Pagkatapos ng dalawa pang araw na pamamalagi sa ospital ay bumiyahe na silang dalawa pauwing Manila. Maging ang pamilya ni Phoebe ay pinabalik na rin, makalipas ang ilang araw.

"Sweetheart, look."

Iniabot ni Siovhan ang isang may kakapalang papel sa kanya. Napukaw si Phoebe mula sa pagkakayuko sa tablet para maghanap ng mga gamit ng bata. Nasa villa sila nito dahil doon na siya namamalagi simula noong nagbalik sila sa Manila.

"What's this?"

"Check it!" nakangiti nitong sabi. Naintriga siya sa masayang ekspresyon sa mukha nito.

Isa-isang binasa ni Phoebe ang nakasaad sa papel pagkatapos ay napatingala sa nakatayong nobyo.

"A house and lot? Para kanino?"

"For your family. I want them to transfer somewhere near. Ang layo kasi ng bibiyahiin kapag gusto nating bumisita."

"Siovhan, kumikilos ka na naman nang hindi ako kinukonsulta," saad niya na ibinaba sa lamesang salamin ang papel.

"Sweetie, loving you is my happiness. Hayaan mo na akong gawin ang mga ganito. Afterall I will be your husband."

Napahawak si Phoebe sa maliit na umbok na tiyan. Parehong napalingon ang dalawa nang may kumatok sa pintuan ng kuwarto.

"Sino 'yan? May inaasahan kang bisita?" tanong ni Phoebe na bahagyang napakunot ang noo. Maging ang lalaki ay kakitaan din ng pagtataka.

"No," saad nito na tinungo ang pintuan ngunit bago pa man nahawakan iyon ay bumukas na.

"How's everybody!"

Natigilan si Phoebe nang iniluwa niyon ang dalawang may katandaang tao, napatuwid siya ng upo.

"How's my handsome son?" anang babaeng kararating. She was around fifties at puti na ang mga buhok na nakaipit nang maayos sa likod. Satin green ang bestida at naka-one inch heeled na sandals. Terno sa damit ng babae ang sandals dahil napapalibutan iyon ng green beads. Sa katawan ay agaw atensiyon ang set ng emerald jewelries.

Sa tabi ng babae ay isang may katangkarang lalaki naman. Maputi na mukhang Amerikano. Namumuti na rin ang mga buhok nito. Naka-Amerikana ng gray at matikas ang tindig. Kung hindi sa nakangiting mga mata ay mai-intimidate siya.

"Mom, Dad, when did you come home?" tanong ni Siovhan. Napapangiwi ang lalaki sa ginawang paghalik ng ina sa pisngi nito.

"Yesterday. You know what, Siovie, we have alot of fun in Europe! Itong daddy mo, ayaw pa ngang umuwi sana kaya lang nag-aalala ako sa 'yo. Lalo na noong nabalitaan ko ang ginawa ninyong kalokohan ni Violetta. Hmn, that girl. Such a headache."

Tahimik lang ang lalaking bagong dating--na nahuhulaan niyang ang chairman ng Allures--habang walang humpay sa pagsasalita ang babae. Ngayon, nakikinita na ni Phoebe kung saan nagmana ang nobyo.

"Mom, stop calling me that name! I have here my fiancé," Siovhan said in greeted teeth.

"Oh!" Buhat sa sinabi ng anak, saka pa lang nabaling sa kanya ang pansin ng ginang. "So you're the fiancé?" Dumako sa kanyang tiyan ang paningin nito at namilog ang mga mata. "And you're pregnant!"

Ang matipid na ngiti ni Phoebe ay nahulog sa ngiwi.

"Hello, Ma'am, Sir."

Humakbang ang ginang patungo sa kanya at dinama ang kanyang tiyan.

"Hon, we're having a baby!"

Ngumiti ang ginoo at tumango. "Yes."

Sa pagkakagitla ni Phoebe ay niyakap siya nang mahigpit ng ginang. "I'm so happy!"

Nagkamot naman ng ulo si Siovhan. "Phoebe, these are my parents. Mom, Dad, her name's Phoebe. The mother of your future angel."

"I will be listing baby names later at home!"

"Thank you po," saad ni Phoebe. Hindi alam kung ano ang itutugon.

"Hon, I'm sure Siovhan and Phoebe have plans for today."

"Yeah," tango ni Siovhan habang ipinagkrus ang mga braso sa dibdib.

"Alright, alright. Phoebe, we'll meet you very soon okay? I will hold a huge party for your engagement," anang babae na iminuwestra ang kamay para i-emphasize ang sinasabi.

"T-thank you po ulit."

"Oh sure! We're your inlaws."

"Hon," tawag ng chairman sa asawa.

"Alright." Pati ang pag-irap nito ay sosyal. "We'll be going Phoebe, Siovie!"

Hinawakan ng lalaki ang asawa nito at iginiya na palabas ng kuwarto. Si Phoebe naman ay hindi makapagsalita. Parang may buhawing biglang dumaan sa gawi nila.

Napangiti si Siovhan. "You met my parents."

"Yeah..."

Humakbang ang lalaki palapit kay Phoebe saka hinapit siya sa baywang. "Welcome to the family, sweetheart," he muttered and claimed her lips for a full kiss.

WAKAS

Extra ahead kasi may utang ulit ako😆