webnovel

PERSONA: THE FIRST CHAPTER

Persona Series: The First Chapter Persona: You, yourself. Tag: Romance, Fantasy, Teen Fiction JeannPulido's Story line ©Copyright 01-02-18 @All rights Reserved Everything in this story is fictional. NAMES, PLACES and ETC are all part of the author's imagination. From JeannPulido: Dear loud and silent readers, thank you for your support and love! Please continue to show your hospitality. Teehee. PS, PLAGIARISM IS A CRIME! ^.^

_OTACOOL_ · 都市
レビュー数が足りません
14 Chs

PERSONA 6

Please do vote and comment. Negative or positive feedback, it's badly needed for progress and improvement :)

Anyways, enjoy the chapter guys!

*

Chapter 6

Eve's POV

Humarap naman 'yung lalaki sa akin saka ako tinitigan. Tinitigan ko rin siya. He's.. so handsome. I've never seen someone this good-looking before.

Or is it just because he also wears glasses like me?

Kumunot ang noo ko sa naisip ko dahilan kung bakit nagtaka 'yung lalaki.

"What?" tanong niya

"Ba't ka ba naningit?" tanong ko pabalik

"Ha?" tanong niya rin kaya naman naglakad ako papalapit sakanya

"Hindi mo ba alam na kaya ko 'yung mga 'yun?" tanong ko dahilan kung bakit ang noo niya na ang nangunot

"Whoah. Sa halip na 'thank you' or 'sorry' ang sasabihin mo sa pagtulong ko sayo, bakit parang ako pa ang mali dito?" tanong niya kaya naman nag-crossed arms ako

"Bakit naman ako magthe-thank you sayo kung ikaw ang naningit ng biglaan?" tanong ko dahilan kung bakit siya napa-"Hah"

"Hindi pa ako nakabawi sakanila. Ba't mo ba sila tinakot ha?" tanong ko kaya naman siya na ang nag-crossed arms

"Tinakot? Ano bang nakakatakot sa ginawa ko ha?" tanong niya pabalik

"Wala. Walang nakakatakot sayo. Nakakapagtaka nga eh. Mas malaki 'yung lalaking 'yun sayo eh. Bakit nga ba siya natakot sayo?" tanong ko dahilan kung bakit niya ako pinaningkitan ng mga mata

"Ah. 'Yung mukha mo siguro ano?" tanong ko dahilan kung bakit siya nabigla

Pfft. His reaction is priceless.

"Whatthe? Did I hear it wrong or talagang ininsulto mo ang napakagwapo kong mukha?" tanong niya kaya naman ako nanaman ang nabigla

"G-gwapo?" tanong ko

Nag-akto ako na parang may hinahanap atsaka siya tinignan at bumugtong hininga dahilan kung bakit siya nainis.

"Hays. Magkakaroon ng misunderstanding sa pagitan ng dalawang related parties kung nakikialam ang third party bigla. Anyways, next time, you should mind your own business, kid" sabi ko saka ko siya pinat sa balikat saka ako tumalikod at naglakad na paalis

"Annoying woman!" sigaw niya kaya naman natawa ako at nagpatuloy nalang sa paglalakad

I won't say it aloud but yes, he really is handsome. BUT! But. Uhmm. W-well, I'm allergic to handsome guys like him.

Patuloy lang ako sa paglalakad ng madaanan ko ang isang napakalaking building. Uhh. What was it again? Thread Building? Ugh. Nakalimutan ko nanaman. Pero alam kong sa likuran nito ay ang dormitories na.

Thank the deity.

Naglakad na ako sa may hallway at lumusot sa gate for the dormitories. Napanganga ako ng makita ko ang dormitories. Fck. What is this?! Hindi naman ganito dati ah? Just how many dormitories are there? It's like it's a town of dormitories. Does it mean that each team has a mansion on their own?

Damn these elite people.

Nilabas ko na ang susi ko saka hinanap ang kailangang hanapin. Uhh. Dorm no. What? 0? Weird.

Naglakad na ako at pumunta sa isang dorm. Nang makita kong 105 ang number ay napanganga ako.

T-then? 0 ang number ng dorm ko eh. S-so where's my dorm? Inikot ko ang paningin ko.. whatthe.. hahanapin ko sa lahat ng 'to ang dorm ko?

Uhg--- th-this is crazy.

*

Anna's POV

"Tim, what's wrong with you? If you're angry, don't take it out to the game. Gadgets have feelings too, you know" sabi ni Peter, the gadget freak, dahilan kung bakit ako natawa

"Oo nga. Ano bang problema mo, Tim? Okay naman ang mood mo kanina ah? Anyare sayo?" dagdag pa ni Peter kaya naman binaba na ni Tim 'yung game controller at humiga nalang sa sofa

"Tsk. Don't remind me. It pisses me off" sagot niya saka siya pumikit

Hindi ko nalang siya pinansin.

Lage namang wala sa mood ang mokong eh.

"Hmm. Ang tagal nung new student ah? Nawala kaya siya? Ang layo naman kasi ng dorm natin eh! Sunduin mo nga dun Peter!" sigaw ko dahilan kung bakit niya ako sinamaan ng tingin

"Inaabuso mo ang persona ko ah? Kaya niya na 'yan. At 'wag ka ngang magmadali. Baka nagiikot pa siya sa school kasama ng tour guide niya or something" sagot niya pabalik kaya naman hindi na ako sumagot

Sabagay.

Tinuloy ko nalang ang pag-aayos ng pagkain saka tumungo sa sala at nanood kay Stan na naglalaro ng video game version ng chess pero nang marinig ko nanaman ang pag-"tsk" ni Tim ay pinulot ko na ang unan na nasa tabihan ko at tinapon na sakanya na agad din naman niyang naisalo.

"Huwag ka ngang gumanyan. Nakakahawa 'yang mood mo eh. Baka masuntok pa kita dyan eh" sabi ko kaya naman bumangon na siya saka umayos ng upo

"Tsk" sabi niya ulit kaya naman sinamaan ko na siya ng tingin

"Isa pa," sabi ko

"It's just.. ugh. May tinulungan akong babae kanina nung nagkahiwalay tayo pero para bang naging storbo lang ako sakanya't inaway niya ako. Hindi daw ako gwapo. At ang malala pa sa lahat, hindi niya ako kilala dahil kung makapagsalita siya para bang mas matanda siya sa akin. Tsk. Annoying woman," sabi niya kaya naman natawa ako

"Whoah. What's wrong with telling the truth?" tanong ko dahilan kung bakit niya tinapon pabalik sa akin 'yung unan na itinapon ko kanina kaya naman natatawa akong sinalo 'yun

"Is she pretty?" tanong ni Stan kaya naman tumayo na ako saka umupo sa tabi ng nakahigang Peter

Nasa sofa na kami ngayon na kaharap ni Tim na nakakunot pa rin ang noo.

"Well.. she's.. not" mahina niyang sabi kaya naman natawa ako

"Then she is pretty" sagot naman ni Stan dahilan kung bakit nainis lalo si Tim

Napahalakhak na ako.

"No, she's not! She's not even the littlest bit cute or anything. She was just pure annoying!" sagot niya kaya naman tumango tango nalang kaming tatlo

He's never been this agitated before.

"Anyways, I feel insulted but it was also satisfying since I vented on her and told her she was annoying,"

"She hurt your pride so you won't admit that she's pretty. It's fine. You don't have to get so defensive about it" sagot pabalik ni Stan

"Tsk" 'yun nalang ang nai-react ni Tim

Hmm. She's got guts. Siya ata ang pinakaunang babaeng kinalaban si Tim ah?

"Anyways, kilala mo ba siya, Tim? Gusto ko siyang makilala. Magkasundo sila ni Anna eh" tanong ni Peter kaya naman para bang natauhan si Tim

"Good question. I've never seen her before. Could she be a senior? But her face doesn't seem like it. She looked like our age" sagot niya kaya naman napaisip ako

"Kung kaya ka niyang kalabanin at kung hindi ka niya kilala, edi galing siya sa Cursed Room or 'di kaya'y sa Black Listed Students. Wala silang pake sa mga regular students eh" sagot ni Peter kaya naman napatango ako

"Anyways, she seemed like she really hated me. It was my first time receiving a look like that,"

"But wait, she could also be a new student" sagot ni Stan kaya naman natigilan kaming lahat

Siya ata ang pinakaunang babaeng kinalaban si Tim ah?

I've never seen her before

Anyways, she seemed like she really hated me. It was my first time receiving a look like that

She could also be a new student.

She could also be a new student.

She could also be a new student.

Anyways, I feel insulted but it was also satisfying since I vented on her and told her she was annoying.

Nanlaki ang mga mata ko after ng ilang minutong katahimikan. Nagkatinginan kaming apat. Nang bumugtong hininga sila Peter at Stan ay agad na akong tumayo at dinuro si Tim.

"If she's the new member in our team, you better be ready" sabi ko sakanya dahilan kung bakit niya tinaas ang dalawang kamay niya na sinasabi niyang nags-surrender na siya

"I hope she's not. Magiging awkward sa aming dalawa kung siya nga 'yun" sagot niya kaya naman tumango nalang ako at tumungo na sa may pinto

"If she is, then this should be quite interesting" sagot naman ni Stan kaya naman I glared at Tim