webnovel

PERSONA: THE FIRST CHAPTER

Persona Series: The First Chapter Persona: You, yourself. Tag: Romance, Fantasy, Teen Fiction JeannPulido's Story line ©Copyright 01-02-18 @All rights Reserved Everything in this story is fictional. NAMES, PLACES and ETC are all part of the author's imagination. From JeannPulido: Dear loud and silent readers, thank you for your support and love! Please continue to show your hospitality. Teehee. PS, PLAGIARISM IS A CRIME! ^.^

_OTACOOL_ · 都市
レビュー数が足りません
14 Chs

PERSONA 5

Please do vote and comment. Negative or positive feedback, it's badly needed for progress and improvement :)

Anyways, enjoy the chapter guys!

*

Chapter 5

Eve's POV

"Nakatanggap na ako ng text na handa na raw ang keys mo. Let's go," sabi ni Neyo kaya naman tumango nalang ako at agad nang sumunod sakanya

Nakakailang lakad na rin kami bago pa man makarating sa Registrar's Office.

Napakalawak talaga ng school na 'to. Lima lang na buildings ang kailangan kong tandaan based on what Neyo told me. The Main building - where classes are held, where we learn about five subjects; History, Combat, Observation, Control, and Training. The East Building - the training building where the students can practice on enhancing and perfecting their personas.

Next is the West Building - the arena where the duels, team fights and examinations are being held. The students have rankings and by winning the duels, they may receive special awards together with a higher rank based on their performance.

The school have a grading system based on how well they use their abilities and one way of attaining this is the team fights where you are grouped with random people to fight with another group. This is where the judges and the headmaster give grades. Lastly is the examinations, it can be by duels or team fights or both depending on the professor/instructor.

And lastly, the South Building, for ages 10 to 16's dormitories while the North Building are for ages 17 and up students' dormitories.

At syempre kung may Major Buildings, meron ring minor buildings. First is the Clinic - where healing personas are training their healing abilities to their maximum prowess.

Next is the Shopping District - which are a number of malls are connected to each other to form a district of their own, then the libraries, the new and the old, there are also the Offices of the professors and staff and last but not the least is the Cafeteria, two in the dormitories and two in the opposite directions of the campus.

Napakalawak ng school at dahil binibigyan nila ng importance ang nature, bawal ang vehicles na nagko-cause ng pollution. Instead they use human-powered vehicles like bicycles and carts that are pulled by animals.

"Hello, professor. I'm here to claim Ms. Eve Fluore's keys" sabi ni Neyo dun sa medyo may edad na babae.

Registrar siguro.

"Here. Locker 105. She'll be staying at the solo room besides Anna's room" sabi nung babae saka ako tinignan kaya naman ngumiti nalang ako

After kunin ni Neyo 'yung susi ay binigay niya na kaagad sa akin.

Anna daw. Kasama ko siguro sa grupo.

"Ihahatid pa ba kita?" tanong niya kaya naman natawa ako

"Who are you? My boyfriend?" tanong ko pabalik kaya naman napaubo siya dahilan kung bakit ako natawa

"Don't take it too seriously. Mahilig talaga akong mag-joke eh. Thanks. Maayos naman 'yung pagexplain mo kanina, kaya ko nang pumunta don na ako lang mag isa" sagot ko kaya naman tumango na siya

"I see. Ingat nga pala. Sa pananalita mo palang at pag galaw halatang marami kang mahahanapang away"

"Thanks for the compliment," sagot ko saka ko siya kinindatan at nagsimula nang maglakad

"It wasn't a compliment though" rinig kong bulong niya kaya naman napangiti nalang ako saka lumabas sa office

Nang makatapak na ako sa napakalaking hallway na connected sa napakaraming buildings ay huminga na ako ng malalim.

Exhale.

Inhale.

Exhale.

"I'm tired," bulong ko

*

Timothy's POV

"Anna, what are you doing?" tanong ni Stan kay Anna na mukhang gumagawa ng magic potion sa kusina

"Nandito na daw sa school 'yung bago nating member so gagawaan ko siya ng pagkain para pang-welcome sakanya. Let's give her a welcome party" sagot ni Anna dahilan kung bakit ako tinignan ni Peter

"Sa tingin ko.. hindi magandang ideya 'yon" sabi ni Peter at sinamaan siya ng tingin ni Anna

"At bakit naman?" mataray na tanong ni Anna

Nang tignan ako ni Peter para humingi ng tulong ay bumugtong hininga nalang ako.

"We still don't know what she's like. Maybe she's allergic to certain kinds of foods or maybe she ate already. Just buy some snacks or deserts" sagot ko kaya naman napaisip si Anna

Come one. Lalasunin mo lang 'yung bagong student sa mga lulutuin mo, Anna.

"Hmm. Okay" sagot niya saka niya pinatay 'yung apoy sa paglutuan at nagsimula nang mag-ayos sa kusina

Hindi ko nalang pinansin si Peter nang tumawa siya bigla.

"Tim's a gentleman, alright" sabi ni Stan saka niya ako pinat sa balikat kaya naman bumugtong hininga nalang ako ulit

"So tara!" nagtaka kami sa sinabi ni Anna

"What?" tanong ni Stan

"Tara't bumili ng makakain. Sasamahan niyo ako. Bagong member ng team ang iwe-welcome natin so kailangan lahat tayo bibili. Let's go!" sigaw niya saka siya tumakbo palabas ng dorm

Nagkatinginan nalang kami nila Stan at Peter.

"Tsk. Si Tim kasi eh" sabi ni Peter siya lumabas kaya naman natawa si Stan at sumunod na sakanila

Sumimangot nalang ako at sumunod na.

So it's my fault now?

*

Eve's POV

"Oh, new student. New student eto no?"

"New student, you say? Seems weak"

"Oo nga. Baka naman walang binatbat"

"Gusto niyo bang subukan?"

Nagulat ako nang tamaan ako ng bola sa ulo. Aba'y.. sinadya 'yun ah. Nilingon ko 'yung taong tumapon nang bola. Nang makita ko 'yung grupong kanina pa ako pinag-uusapan ng harap harapan ay tinaasan ko sila ng kilay.

"Ah. Sorry, I didn't notice you walking there. Could you pick up the ball for me?" tanong nung lalaeng napaka-malisyoso kung makangiti

Pinilit ko nalang 'ding ngumiti saka pinulot 'yung bola. Nag-aim ako na itapon pabalik sakanya ng mahina pero nang itinapon ko na ay talagang nilaksan ko to the point na natumba siya nang masalo niya ang bola.

Joke. Hindi naman masakit 'yung pagkakatama eh. Kung gugustuhin ko'y kaya kong iwasan 'yon. Pero since nasa mood sila para pagtripan ako, pwes bibigyan ko sila ng response.

"Ouch!" sigaw nung lalake dahilan kung bakit nagsitayuan 'yung mga kasama niya

'Yung iba ay tinulungan siya habang ang iba nama'y lumapit sa akin.

"Sinadya mo 'yun ano? Ano bang problema mo ha?!" tanong nung isa

"Ah. Sorry. Could you pick up your ball for yourself now? My precious head hurts. Alam mo ba na bola 'to ng larong basketball? Hindi mo ata alam eh since hindi mo alam kung saan ang basket. Hindi basket ang ulo ko, fyi" sagot ko

"Crazy wench,"

Susuntukin na sana ako nung isang lalaki pero may sumalo sa kamao niya.

"Hitting a girl is the worst thing you could do as a man, dude" sabi nung lalaking etsuserong nakisingit sa laro ko

"T-tim," nauutal na sabi nung lalaki kaya naman binitawan na siya nung Tim

"I saw everything. Stop provoking her," dagdag pa nung Tim

"Yes, we're sorry" sagot naman nung isang babae saka sila nag-bow at tumakbo palayo sa amin

Humarap naman 'yung lalaki sa akin saka ako tinitigan. Tinitigan ko rin siya. He's.. so handsome... I've never seen someone this good-looking before.