webnovel

Perfectly Unordinary (Tag-Lish)

Nothing could be wrong in Rain Azarcon's life. Nasa kanya na lahat, the looks, money, brain and status. But one unimaginable thing ang nagpabago ng buhay nya. No one talks to him anymore nor listen to him, not even look him in the eyes and let him touch them.. No one but.. Faith Fajarah.. Nothing's ever perfect in her life, well, not anymore. She don't talk to anyone unless it's necessary, she don't listen to them, she avoids them and she won't look just anywhere because it's the reason why her life turned upside down. But what will happen when she explodes because someone's so stubborn around her.. in one single touch, nagsimula ng gumuho ang mundong ginawa niya..

IzannahFrame · ホラー
レビュー数が足りません
29 Chs

Chapter 7: ACCIDENT

Natigil ang tawanan ng barkada at napatingin sa direksyon niya.

"Why, dude? You don't own her. Walang nagmamay-ari sa kanya. So anyone can claim her." Pagsagot ni Kent.

"How can you be so sure?" Paghahamon niya dito.

"And how can you say i'm not?" Ganti nito.

They're both staring at each other, nanghahamon.

"Hey, hey guys.." Jason stepped in between them. "This topic is getting serious when it shouldn't be."

Hinila ni Mike si Rain palayo kay Kent.

"Dude, we all have a feeling about this.." Mike started.

Si Mike, Jason and Kent ay parehong nakatayo sa harap ni Rain.

"We think that you like her." Pagsunod ni Jason.

"And it is seriously scary." Pagtapos ni Kent.

Isa-isang tiningnan ni Rain ang mga kaibigan niya. Kahit di niya mafucos ang mukha ng mga to dahil sa blurry na ang paningin, ay alam niyang seryuso na sila.

But no damn way he'll admit it to them. To anyone.

Agad syang napatawa ng malakas. Halatang lasing na ang tawa niya.

"Seriously guys? Lasing lang kayo. Kung anu-ano na ang iniisip nyo." Nasabi na lang nya. Fuck! He's not good in acting in front of his buddies.

"Pare, kahit lasing na tayo, hindi natin maloloko ang isa't-isa. We're childhood friends. Kilalang-kilala natin ang bawat isa kahit nakapikit pa." Ani Jason.

"Com'on dude, you think hindi namin nahahalata na palagi kang nakatitig sa kanya. Pati si Michelle, Rain. She asked me once about it but i said that i don't have any idea what you're doing and why." Pagkampi ni Kent kay Jason.

"Rain, seriously, i'm a fucker like you, we all are, and we want to have a taste of beautiful, hot and sexy girls. Faith's not an exception of them. Nagagandahan ang lahat sa kanya. Humahanga dahil matalino siya. At interesado kasi misteryosa at kakaiba. She's a challenge to all of us. And you know us, Rain. We fuckers love challenges. Now, do you really think we'll stop pursuing a girl because she's hard to get? You know we never give up just because of that. We leave her alone because we know that you seriously care for her in a very secretive way." Mahabang salaysay ni Mike.

"Tama si Mike. Kaya hindi na namin dinidiskartehan si Ms. Fajarah dahil sayo. Ayaw namin ng gulo sa pamamagitan nating magbabarkada. So we just leave her alone. And let you have a time with her. Kaya hindi ka namin iniisturbo pag nagkakaroon ka ng pagkakataon na makasama or makausap siya." Dagdag ni Jason.

Natahimik si Rain. Inubos na naman nya ang beer na hawak kahit natatamaan na. Malakas niyang nailatag ang bote sa mesa and look at his friends.

"You all damn know. So why are you still talking about her like that in front of me?"

"We just want you to finally say it to us. To admit." Ani Kent.

"To admit that the only and very girl i want, doesn't want me back?"

"Rain, we can help." Sabi ni Mike.

Natawa agad si Rain. Muntikan na siyang matumba sa kalasingan pero nakakapit siya agad sa mesa. Natigil ang pagtawa niya at seryusong tiningnan ulit ang mga kaibigan.

"Why would i ask for help from you? We're just the same, motherfuckers." Uminom na naman siya ng alak. "Besides, i'm the great Raindell Azarcon. I can get whatever i want.Whoever. I. Want." Pagdidiin niya.

Umupo na din ang mga barkada niyang lasing.

"Rain." Tinapik pa siya ni Jason sa balikat. "it's almost 3 years. Bakit hindi mo pa rin siya nakukuha?"

"Because i'm not trying to win her."

"That's bullshit, man." Reakyon ni Kent. "You like her but you don't want to have her? Why?"

"Guys, you said you know me, so why are you still asking?"

Alam ng mga kaibigan niya na ayaw niya ng commitment. Ayaw niya ng seryusong relasyon.

"Jesus, Rain. Who said that you have to commit? It doesn't have to be serious." Komento ni Jason.

Bumuntong-hininga si Mike. "Guys, takot si Rain sa commitment dahil siya mismo sa sarili niya ay ayaw niyang masaktan."

Umiling si Rain. Nahihilo na siya, pati barkada niya. "Alam niyo, mga lasing lang tayo. Kaya wag na natin yang pag-usapan. Let's all get over it. Mawawala rin to." His sentences are getting slurred.

Nagbukas na naman silang lahat ng panibagong bote at uminom.

"Nasa'n na ba si Raimer? Bakit ang tagal niya?" Pag-uumpisa ulit ng usapan ni Kent.

"Ou nga. Kanina pa yun nakaalis." Ani Jason.

"Baka naligaw na yun." Sabi naman ni Mike.

"Hindi naman, baka may nakausap lang na iba. Or baka nakatulog na yung kakambal ko sa kung saan, lasing na din yun eh." Dagdag ni Rain.

Nagtawanan silang lahat at nag cheers ulit.

"Si Raimer talaga.." Sambit ni Mike.

"What about me?" Sambat ni Raimer. Nakabihis na din ito pero magulo ang buhok at pawisan.

"You look like you've been fucked." Kent said drunkily.

"Nope. I'm the fucker." Sagot ni Raimer ng diretso.

Nabilaukan silang lahat na iinum na sana. They all look at him. Scrutinizing if he is lying.

"Bro, are you fucking serious?" Unang nagsalita si Rain.

"Yup." Nagbukas si Raimer ng bote at tumungga don. "I scored twice." Dagdag pa nito.

"Shit, dude. Congratulations!" Tumayo pa si Kent kahit natutumba na at niyakap si Raimer.

"You finally surrendered. Binata ka na." Sabi Jason at tinapik ito sa balikat.

"Guys.. It's not my first, okay?" Nagbukas na naman ng bote si Raimer.

"Really? When was it?" Gulat na tanong ni Mike.

"Freshmen year. And i just did it again now." Pag-amin ni Raimer.

"Great." Tumayo si Rain. "It's a celebration then, welcome to the fuckers club!" Masayang sabi niya at nag cheers silang lahat.

Matapos ang ilang oras ng kasiyahan, inuman, at sayawan ay biglang naramdaman ni Rain ang pag-vibrate ng cellphone niya sa kanyang bulsa. Kinuha niya yun, muntik pa niyang mabitawan dahil sa kalasingan. Nakita niya sa screen ang caller. Si Makoy na naman. Di niya alam kung bakit ito tumatawag sa ganoong oras. It's almost 5am. Sinagot na niya yun.

"Yes?" He answered with a prolonged 's'.

"Sir, pinapaalala ko lang po na darating ang parents nyo ngayong 6am. At saka---"

"---What the fuck!" Napamura siya. Ngayon nga lang niya naalala na uuwi parents nila. Kahit lasing na lasing na ay syempre alam na alam pa rin niya ang pwedeng mangyari.

"Sir? Okay lang po kayo? Lasing ka po ba? Susunduin ko po kayo ni Sir Raimer." Pag-aalala ng butler nila.

He's feeling light-headed kaya di na siya masyadong makapag-isip ng maayos. Tiningnan niya ang kakambal niya. Nakahiga na ito sa isang bench, natutulog.

"No need, Makoy. We can drive ourselves home." Sagot niya. His words are slurred.

"But sir, lasing po kay---"

Pinatay na ni Rain ang tawag at binalik ang phone sa bulsa.

Ang barkada niya ay gising pa, ang ibang bisita sa bahay ay nakahiga na sa kung saan.

Nilapitan niya ang kakambal. He's walking unsteadily pero hindi naman siya natutumba.

"Raimer.." Pag alog niya sa kakambal. "Hey, Raimer, wake up."

Dahan-dahang gumalaw si Raimer at iminulat ang mga mata.

"Bakit ba, Rain? I'm sleeping here, what's your problem?" Pagsusungit nito sa kanya. Ayaw naman kasi talaga ng kanyang kakambal na iniistorbo ang tulog nito. Medyo namumula pa ang mga mata dahil kulang sa tulog at hindi rin ito matino sa ngayon gaya niya.

"Get up, bro." Paghila niya dito. "We need to fucking go home right now. Our majesties are both home in an hour."

"Damn it!" Bumangon na rin si Raimer. Binitiwan na niya ito. "Lasing pa tayo bro. But let's go."

Nahihilo pa rin ang pakiramdam ni Raimer. At sumasakit ang ulo. Medyo gumigiwang pa ang paglalakad pero pinipilit na hindi mahalata.

"Guys, uwi na kami." Paalam ni Rain sa mga barkada niya. Nakaupo ang mga to sa ilalim ng umbrella table. Maraming bote ng alak sa mesa at sa ilalim na nakakalat, mga walang laman na.

"Rain, pahatid ko na kayo sa driver namin, lasing pa kayo para magdrive." Offer ni Kent. Ang pula na ng mukha nito dahil sa kalasingan. Mestizo kasi ang lahi.

"Wag na. Kaya na namin. Cge na, alis na kami." Pagtanggi niya.

"Call any of us when you're home." Sambit ni Mike. Kahit kailan, ito talaga ang pinakamaalalahanin sa grupo.

"Okay, fine." Si Raimer na ang sumagot.

Tumalikod na silang dalawa at iniwan ang barkada.

"Who's driving?" Tanong ni Rain nang nasa harap na sila ng kotse.

"I'm too drunk to drive, bro." Nakasandal na ito sa pintuan ng kotse.

Pinindot na ni Rain ang remote para mabuksan ang mga pintuan. "And you think i'm not?" Pareho na silang pumasok, pabagsak na umupo.

Hindi na nagseatbelt ang dalawa. In-adjust agad ni Raimer ang upuan pahiga. Nahihilo pa rin kasi talaga siya kaya ipinikit nalang ang mga mata.

Pinaandar na ni Rain ang sasakyan at nilabas sa parking area. Dahan-dahan lang ang pagdrive niya kasi alam niyang lasing siyang nagmamaneho at baka mapahamak niya ang buhay nilang dalawa.

Medyo madilim pa rin ang paligid at tahimik ang kalsada. Ilang minuto na sila sa pagbiyahe pauwi nang nagsalita si Raimer.

"Shit, nasusuka ako." Lumulunok lang ito para hindi lumabas ang nasa lalamunan at tinakip ang kamay sa bibig.

"Fuck, bro! Wag ka sumuka dito. Not inside my car." Natataranta si Raindell. "Bumangon ka nga! As in now!" Lumilingon siya sa paligid at tinigil ang kotse sa isang tabi. Pareho silang lumabas.

Si Raimer dumeritso sa gilid, nakayuko at nilabas lahat. Pinagpapawisan na rin siya. Si Rain ay nasa likod lang nito. Pinapalo ang likuran niya. Natutumba siya sa ginagawa nito. Tumingin siya sa kakambal. "Ano ba bro, natataktak ang baga ko sayo. Gusto mo pa ata akong isubsub sa suka ko eh."

Itinaas ni Rain ang kamay niya. "Sorry, just wanna help. At isusubsob talaga kita sa suka mo pag don ka sa kotse ko sumuka."

Umayos na siya ng tayo at tiningnan ng masama ito. "Com'on. Wala na akong gana, ayaw na lumabas ng iba." Pumasok na siya ng kotse.

Sumunod si Rain sa loob. He crinkled his nose. "You smelled like shit."

"Shut up. Accept it, i'm your brother." Inayos ni Raimer ang upuan, ayaw na niyang humiga.

"May tubig diyan sa tabi mo. Uminom ka." Utos ni Rain.

Sinunod naman ni Raimer at uminom ng tubig.

"Okay ka na?" Pasulyap-sulyap si Rain sa kakambal.

"Medyo." Sumandal nalang ito at pinikit ulit ang mga mata. "Ingat sa pagdrive, bro. Ayoko pang mamatay." Sambit nito.

"Ako rin naman." Sagot niya. "By the way, alam mo naman kung sino ang mas malalagot satin ngayon diba?" Habang nagd-drive ay lalong sumasakit ang ulo niya at nahihilo pero pinipilit niyang maging alisto sa daan.

"I goddamn know, you don't have to remind me."

Napatawa si Rain. "Ang matino nilang anak ay sasalubungin sila sa ganitong kalagayan."

"Shut up, bro. Puputulan nila tayo ng accounts kahit nauna pa tayo sa bahay. Fuck."

"Yeah, right. And you're starting to talk like me." Pansin niya, natutuwa siya dito.

"I'm just drunk kaya ganito ako magsalita." Depensa nito.

"Nope, that's the real you. Hangal din katulad ko."

Lumingon ito sa kanya. "Para san pa't magkakambal tayo." Pagsang-ayon na rin ni Raimer.

Pareho silang humagalpak ng tawa at hindi na natigil.

Hindi napansin ni Rain na may truck silang masasalubong. Natigil ang tawanan nila at agad niyang niliko ang kotse pa kanan. Naiwasan nila yun.

"Bro!" Pagsigaw ni Raimer dahil may isa pa palang truck na babangga sa kanila. Nasalubong nila ang truck na yun dahil sa pagliko.

Nasa side ni Raimer ang truck kaya siya ang unang nakakita. Huli na bago sila makailag kasi bumangga na ang truck at bumangga rin ang katawan ni Raimer kay Rain. Basag ang mga salamin ng kotse pati na ang sasakyan, lalo na sa side ni Raimer. Natulak din kasi ang kotse nila papunta sa gilid ng kalsada at bumangga sa malaking kahoy bago namatay ng tuluyan ang makina. Ang side pa ni Rain ang tumama sa puno. Pareho silang duguan at nawalan ng malay.