webnovel

Perfectly Unordinary (Tag-Lish)

Nothing could be wrong in Rain Azarcon's life. Nasa kanya na lahat, the looks, money, brain and status. But one unimaginable thing ang nagpabago ng buhay nya. No one talks to him anymore nor listen to him, not even look him in the eyes and let him touch them.. No one but.. Faith Fajarah.. Nothing's ever perfect in her life, well, not anymore. She don't talk to anyone unless it's necessary, she don't listen to them, she avoids them and she won't look just anywhere because it's the reason why her life turned upside down. But what will happen when she explodes because someone's so stubborn around her.. in one single touch, nagsimula ng gumuho ang mundong ginawa niya..

IzannahFrame · ホラー
レビュー数が足りません
29 Chs

Chapter 15: CHILD

Huminto si Faith sa harap ng isang gate na kulay gray. Binuksan niya at pumasok. Akmang susunod na si Rain pero hindi siya lumagpas sa gate, nagtaka siya, hinawakan niya ang pader pero matigas na din ito. Kinapa-kapa na niya pero hindi na siya lumalagpas.

"Hey! Bakit hindi ako makalagpas?" Frustrated na tanong ni Rain, naiinis na.

Sa loob ay nakatayo pa si Faith sa may gate. Napangisi siya. "Talagang hindi ka makakalagpas kung malapit lang ako." Sambit niya sa sarili at tumakbo na papunta sa room niya sa itaas. Para hindi siya agad masundan ni Rain. Pero tingin niya malalaman din nito iyun kung sa kwarto lang niya ito hindi makapasok. Saka lang ito makakapasok kung wala siya. Pero atleast, sa ngayon, hindi pa nito lubusang alam na may kakayahan siya. Pagkapasok sa kwarto ay agad niyang nilock ang pinto at nagbihis, maghahanda na rin siya papuntang club kahit mamaya pa yun. Alas-dos pa naman ng hapon, maaga pa.

Pagkatapos magbihis ay nahiga na siya. May narinig siyang kumalabog sa pinto niya pero di na ito pinansin. Napaisip nalang, naging kaluluwa si Rain at iba ang nasa mortal na katawan nito. Naisip niyang baka si Raimer yun. But how did it happened? Mas lumalim ang pag-iisip niya. The accident, don nagsimula ang lahat. Rain seems not worried who's inside his body, maybe it's really Raimer. And Rain already accepted his fate of being a soul from then. But she's so damn curious. She wanted to make sure of her thoughts. Nakapagdesisyon siyang alamin yun sa susunod na pagtatagpo nila ng mortal na Rain. Sa ngayon, matutulog muna siya at mamaya na poproblemahin ang totoong Rain na nasa labas lang ng kwarto niya. Kumakatok ito at tinatawag siya. "Bahala ka diyan." Sambit niya, siya lang naman ang nakarinig, bago nakatulog ng tuloyan.

Nakapasok na rin si Rain matapos ang ilang sandali. Pero hindi na niya nakita si Faith don. Ito ba bahay niya? Or boarding house lang? Ang pangit naman. Impresyon niya sa nakikita sa loob. Maraming mga naka junk na bagay sa tabi-tabi, yung bubong ay parang lilipad na kung may malakas na hangin. Hindi man lang plainly coated ang sementong pader, nagka-crack pa yun. Gawa lang din sa kahoy ang bahay. Yung mga pader lang ang semento. Amoy ihi pa ng daga ang paligid. Nasusuka na siya pero gusto niyang hanapin si Faith. Nahuli ng atensyon niya ang batang nakaupo sa hagdan. Napakaputla nito at walang ibang reaksyon sa mukha. Matalas lang din na nakatingin sa kanya. May hawak itong bola at nakajersey pa. Alam niyang kaluluwa na din ito kaya nilapitan niya.

"Bata, may nakita ka bang babae? Yung mahaba ang buhok at nakaschool uniform pa?" Tanong niya dito.

"Meron." Maikling sagot ng bata.

"Dumaan ba siya dito?" Ang tinutukoy niya ay nagtungo ba ito sa taas.

Tumango ito.

"Alam mo ba saan ang kwarto niya?"

"Bakit ko sasabihin?" Balik tanong nito.

Nagulat siya sa inasta ng bata. Tinitigan niya ito ng masama. "Dahil nagtatanong ako." Matigas niyang sabi.

"Hanapin mo nalang."

Naiinis na siya sa bubwit na'to. "Aba, mas matanda ako sayo kaya sagutin mo ko ng maayos." Tinakot niya ito ng tingin.

"Di mo ko matatakot diyan." Sambit lang nito at hindi na siya tinignan.

Nanggagalaiti na siya sa inis dito. Bumuntong-hininga siya para pakalmahin ang sarili. "Kung di ka pa patay tagalang malalagot ka sakin bubwit ka." Usal na lang niya dito at humakbang na paakyat, dumaan sa tabi nito.

Nang makarating sa taas ay di niya alam kung saan pupunta, may dalawang pasilyo kasi, kaliwa't kanan. Maraming kwarto kaya di niya alam kung ano kwarto ni Faith. At tahimik din ang buong bahay. Mukhang may lakad lahat ng nakaupa. Then, Rain started his journey through the walls. Pag nakita niyang wala si Faith ay umaalis na siya agad papunta sa isa. Pagkatapos ng ilang minuto ay napasok na niya ang lahat, maliban sa isang pintuan na nasa pinakahulihan sa kaliwa. Napangisi siya, ito na yun for sure. Mabilis ang hakbang niya palapit dito na may ngiti sa mukha.

Akala niya lalampas siya nang biglang nauntog ang ulo niya sa pinto. "Fuck! That hurts!" He hissed. Sapo niya ang noo. Nabukulan pa ata siya. Malakas ang pagkakauntog niya dahil akala niya lalampas siya kaya binilisan niya yung lakad. "Fuck! Ang sakit.. Bwesit." He rubbed his forehead with his palm. Sumakit ulo niya dahil don. "Why haven't i learned from earlier?! Di dapat ako nagpadalos-dalos." Sermon niya sa sarili.

Makalipas ang ilang sandali ay binalik na niya ang atensyon sa pinto. Inilapat niya ang palad dito at nahahawakan nga yun. He tapped it a few times, hindi nga siya lumapagpas. Walang doorknob ang pinto, door handle lang at manual lock. He started knocking. "Faith?" Tawag niya, baka sakaling naririnig siya nito. Nilakasan niya pa ang pagkatok. Pero wala siyang naririnig na sagot galing sa loob. Maybe she really can't hear me. Tumigil na sya and turned his back, napasandal nalang. Nalungkot siya don, pero nagtataka rin. Iniisip uli niya ang nangyari kanina, nabangga siya sa pintuan kanina sa cafeteria, si Faith ang lumabas don, tapos di rin siya makalagpas sa pader sa baba at ngayon naman ay di siya makapasok sa loob ng kwarto nito. Lumakas tibok ng puso niya sa posibleng natuklasan. Hindi kaya parang nagiging mortal ako pag malapit kay Faith? Pero hindi niya ako napapansin.

More like hindi ka niya pinapansin. Sabi ng kontrabidang utak niya.

Tse! Ganti niya dito.

Aalamin nalang niya mamaya paglumabas na ito. Alam niyang lalabas ito para magtrabaho. Tiningnan niya wristwatch niya, nagulat siya dahil gumagana na yun. Mag-aalas tres na. Something popped in his mind, gusto niya lang subukan. Humakabang siya ng dahan-dahan palayo sa pinto habang nakatingin pa rin sa relos niya. Matapos ang dalawang hakbang ay timigil uli yun. "Whoa." Napaawang ang labi niya, naeexcite siya sa hinala niya. Humakbang siya paatras, umandar uli ito. Kinuha naman niya ang phone para tignan, pag-on niya, pati din yun gumagana. Pero ayaw niyang gamitin, baka mas lalo lang magkakagulo ang lahat. Sa ngayon, sapat na muna ang natuklasan niya. Binalik na uli yun sa bulsa at umalis na rin don. Mamaya na muna niya kokomprontahin si Faith, susubukan niya itong hawakan.

Bumaba uli si Rain at nakita na naman ang batang nakaupo sa hagdan. Nainis siya agad nang makita ito. "Tabi!" Usal niya kahit nakatabi naman ito.

Nakadaan na siya sa palapag na inuupuan nito nang muntikan na siyang sumubsob sa sahig, mabuti at napahawak siya sa pader. Nasa ikalawang palapag lang naman ng hagdan nakapwesto ito.

"'Tang ina kang bata ka!" Galit niyang sigaw dito na nakakuyom ang mga kamao. Pinipigilan ang sariling saktan ito.

Hindi naman natakot ang bata sa kanya, wala lang itong ibang ekspresyon sa mukha. Mas lalo lang siyang naiinis dito. "Bakit mo ginawa yun?!" Sinadya kasi nitong iharang ang binti nang pababa na siya sa sahig.

"Wala. Trip ko lang." Hindi ito nakatingin sa kanya, kundi don sa gate lang.

Natawa siya sa sinagot nito. "Aba, ang lakas ng loob mong pagtripan ako, parang ang laki mong tao, eh bubwit ka lang."

"Wag mo kong patulan, kay laki mong tao, papatulan mo pa ang kasing liit ko."

"Huy! Ikaw ang wag pumatol sakin dahil malaki ako at mas matanda sayo."

"Hindi ka pa naawa sa liit kong to."

"At bakit naman ako maaawa? Eh pinapatulan mo ko."

"Kasi ang pangit mo."

Nanlaki ang mata niya at natawa uli, naaaliw na siya dito. "It's okay to admit that you idolized me, kid." Tinapik niya pa ito sa ulo.

Winakli ng bata ang kamay niya. "Hindi ako kasing pangit mo."

"Talagang hindi! Kasi mas pangit ka pa sakin, kung pangit nga ako, which is, i'm. Fucking. Not." Pagdidiin niya dito. "Diyan ka na nga." Iniwan niya ito at umalis na don. Balik na lang siya maya pag-aalis na si Faith para makapasok na siya sa kwarto nito.