webnovel

Pag-aari ako ni Master

編集者: LiberReverieGroup

Simula ng nag-umpisang mag-train si Ye Wan Wan para manumbalik ang kanyang mga abilidad, patuloy na humuhusay ang ang kanyang kakayahan sa bawat araw at sa mabilis na proseso ay hindi ito nababanggit.

Gayunpaman, mabuway ang kanyang paggamit ng kakayahan...

Sa takot sa maliit na bata, sinama ni Zhang Wei ang kanyang mga utusan at humingin ng tawad sa kanya at nangako na hindi na gagawa pa ng gulo. Matapos ay nilinis nila ang buong lugar at nangakong babayaran nila ang mga nasirang kagamitan.

"Ye… Boss Ye… pwede ka nang lumubay… babayaran ko ang lahat… bukas… bukas, magpapadala ako ng tao… kung gusto mo man gamitin ang mga ari-arian ko… pwede… pwede mo sila gamitin ng libre…" mautal na sinabi ni Zhang Wei habang nagsiksikan ang mga utusan niya sa kanyang likod.

Ngumiti si Ye Wan Wan, "Salamat pala."

"Walang problema! Basta masaya si boss… masaya… pwede… pwede na ba kaming umalis?" mamisik na sinabi ni Zhan Wei.

"Oo naman."

Nakahinga ng maluwag si Zhang Wei na para bang nakaligtas siya sa isang trahedya. Maingat siyang sumulyap sa maliit na bata. "Pwede ko bang mahingi ang pangalan mo at kung anong martial arts ang iyon ine-ensayo?"

Base sa kanyang kakayahan, pwedeng siya ay mula sa top dojo o mula sa pamilya ng martial arts.

Pero marahas ang kanyang istilo sa pakikipaglaban kaya maaring siya din ay pambansang lebel na sundalo...

Para ipadala ang ganitong klaseng tao para ayusin ang problema, hindi sapat ang pagkakaroon lang ng pera.

Patuloy na naka-agabay si Jiaojiao kay Ye Wan Wan, "Hindi ako nanggaling sa anumang daloy ng martial arts. Pagmamay-ari ako ni Master."

"Huh…" tila bang napahiya si Zhang Wei at hindi na nagsiyasat pa.

Sa isang tagong sulok, ay isang assistant na pinadala ni Cai Yongsheng ang nakasaksi sa buong pangyayari, at ngayon na paalis na si Zhang Wei at ang kanyang mga utusan. Mabilis din umalis ang assistant gamit ang kanilang kotse.

Dahil sa natapos na ang kaguluhan, nag-umpisa na din umalis ang mga empleyado sa lugar.

Hinila ni Ye Mu Fan si Ye Wan Wan sa gilid.

"Wan Wan, sino ang batang 'yon?" masyadong madaming tao kanina kay hindi niya matanong, pero ngayon, hindi niya na pinigilan ang sarili.

"Oh, siya 'yung kinuha ng boyfriend ko para tulungan ako. Sabi niya na magaling siya sa pakikipaglaban!" nagpagpasyahan ni Ye Wan Wan na ipasa ang sisi sa iba.

Hindi makaimik si Ye Mu Fan at sumimangot. Sinabi ni Ye Wan Wan noon na nagtatrabaho ang kanyang kasintahan sa Si Corporation, kaya maari ba na may koneksyon siya sa mga Si at kinuha ang bata mula sa tulong nila?

Tsaka, anong mayroon sa mga kakayahan ni Wan Wan sa pakikipaglaban...

Malinaw niyang nakita kung paano pinigilan ni Wan Wan ang atake ng bata.

"Paano ka gumaling sa pakikipaglaban?" kumplikado ang mga tingin ni Ye Mu Fan.

Hindi naramdaman ni Ye Wan Wan na may mali sa sitwasyon at sumagot, "Lagi naman ako magaling sa pakikipaglaba. Nakalimutan mo naba noong bata tayo kumuha ng guro si papa para sa atin? Mabilis akong natuto at pinuri ako ng guro sa aking potensyal. Naging tamad lang ako at hindi gustong mag-ehersisyo kaya hindi ako humusay. Pero sa kalahating taon na lumipas, naramdaman ko na kaya kong makipaglaban kahit papaano, kaya ag-eensayo ako!"

Natahimik si Ye Wan Wan at may kumututitap na sakit sa kanyang dibdib. Ginulo niya ang buhok nito. "Sobrang walang kwenta ni ge ge…"

Kung malakas lang siya para protektahan ang nakababatang niyang kapatid, hindi nito kailangan magdusa o magsikap...

Sinuway na ni Ye Mu Fan ang langit sa pagpalit mula sa kanyang mayaman na babaero papunta sa pansamantalang sitwasyon niya.

Madaming oras ang ginugol ni Ye Wan Wan sa mga Si at kailangan alalahanin ang pagsusulit sa eskwelahan at takdang aralin. Simula nang nagtayo siya ng kumpanya, ang responsibilidad sa management at ang mga samu't-saring gawain ay napunta kay Ye Mu Fan at patuloy ang paggawa niya nito ng maayos.