webnovel

Dahil hindi na rin naman ako sumunod sa patakaran

編集者: LiberReverieGroup

Malaking kahihiyan ang nararamdaman ni Sun Li Zhong habang nasa baba siya ng entablado.

May isang tao na pumunta sa harap ng Sun family upang hamunin sila sa labanan, ngunit natalo sila nito at sa huli, niligtas pa sila ng isang babae.

Umubo si Sun Li Zhong. "Kailangan pala talagang kamanghaan ang mga nakakabatang henerasyon…"

Walang masabi si Mu Sui Feng nang tinitigan niya ang babae na nasa entablado. Matagal siyang naguluhan sa kanyang emosyon.

Kasalukuyan na nananatili sa mukha ni Sun Xue Zhen ang marka ng mapangutya at hindi makapaniwalang emosyon, at namumutla naman si Qin Ruo Xi. Hindi nila inasahan ang kakalabasan ng laban at mas lalo na si Qin Ruo Xi.

Personal na nakita ni Qin Ruo Xi ang kakayahan ni Ye Wan Wan at malinaw sa kanya na mas mahina si Ye Wan Wan kung ikukumpara sa kanyang sarili. Paano siya naging mahusay sa labanan sa loob ng kakaunting panahon lamang?

O hindi kaya, matagal na niyang tinatago ang tunay niyang kalakasan?

Lahat ng plano niya ay nasira ng ganoon na lamang.

Bumaba na ng entablado si Ye Wan Wan nung umalis si Yamamoto Tsubasa.

Mabilia siyang pinalibutan ng limang guwardiya ng Si family at sinundan siya ng mga ito.

Pilit din na lumapit sa kanya si Mu Sui Feng at tinanong siya nito, "Miss Ye, maari ko bang matanong kung saan mo nakuha ang kakayanan mo sa pakikipaglaban?"

Prinangka siya ni Ye Wan Wan, "Hindi ako nag-aral sa kahit anong eskwelahan. Ako lang mismo ang nagturo sa sarili ko kung paano makipaglaban."

"Hindi mo inaral ang kakayanan mong makipaglaban sa eskwelahan?" Nagtaka sa kanya si Mu Sui Fenh. "Sino pala ang master mo?"

Ye Wan Wan: "Wala akong master…"

Gusto pa sanang magtanong ni Mu Sui Feng pero nakita niya na maraming tao nang nakapalibot sa kanya, kaya hindi na muna siya nagtanong at sinabi niya na lang, "Natuto lamang sa sarili niya si Miss Ye… talentado ka pala talaga sa martial arts."

Nahipahiya si Sun Li Zhong. Sumakay na lamang siya sa sinabi ni Mu Sui Feng at sinabi, "Tunay nga na bukod tangi si Miss Ye…"

Sa puntong iyon, biglang sumugod sa dumog ng mga tao si Sun Xue Zhen at kanyang sinabi, "Miss Ye, bakit ka sumuko sa laban kung marunong ka naman pala sa martial arts? Masyado bang mababa ang tingin mo sa Sun family?"

Tumaas ang kilay ni Ye Wan Wan. "May patakaran ba sa kumperesyang ito na bawal akong tumalikod sa isang laban at ang ibig sabihin ba ng pagsuko ay pagmamaliit sa akin kalaban?"

"Ikaw…" walang masabi si Sun Xue Zhen na pinipilit ang patakaran ng laban na manguna sa mga desisyon. Pilit niyang tinago ang galit sa kanyang damdamin nang sinabi niya, "Sige! Kalimutan na natin ang nangyari kanina! Pero, gusto kong kalabanin mo ako!"

Hindi siya matatakot sa Barbie doll na ito hanggat papayag siyang makipagpalitan ng pagluhod sa babaeng ito bilang senyales na gusto niyang kalabanin ang Barbie Doll.

Mabilis na lumapit si Qin Ruo Xi upang subukan na ibahin ang isipan ni Xue Zhen. "Huwag kang magpadalos-dalos, Xue Zhen…"

Matigas ang ulo ni Sun Xue Zhen. "Huwag mong subukang baguhin ang isip ko, Ruo Xi. Sigurado ako na makakalaban ko ngayong araw ang babaeng ito!"

Tiningnan ni Xue Zhen si Ye Wan Wan pagkatapos niyang sabihin iyon at tinanong niya ito, "Ano? Ayaw mong subukan? Totoo kaya na hindi pangkaraniwan ang mga kaalaman mo sa martial arts at nagkataon lang talaga na nanalo ka ngayon?"

Napakunot si Sun Li Zhong. Gusto niya sanang sabihan ang anak niya na bumalik na lamang pero hindi niya ito tinuloy. Kusang napatingin si Qin Ruo Xi kay Ye Wan Wan at naghahangad din tulad ni Sun Li Zhong.

Mahirap paniwalaan ang pinakitang kakayahan ni Ye Wan Wan...

Sinilip ni Ye Wan Wan si Sun Xue Zhen. Dumalo siya doon upang makasama sa martial arts conference at dahil tapos na ang conference, wala na siyang obligasyon pang makipaglaban kay Sun Xue Zhen.

Gayunpaman, kailangan lang siyang asarkn ng paulit-ulit ni Sun Xue Zhen.

"Maglaban tayo? Sige," nakangiting sumang ayon si Ye Wan Wan.

Basta't labanan ang pinag-uusapan at hindi ko naman na sinusunod ang patakaran, wala namang pinagkaiba kung hindi pa rin ako susunod ng isa o dalawang beses pa...