webnovel

Chapter 3

Hiya, nakakain ba yun?

___

Nagising ako kinabukasan na sobrang sakit ng katawan ko. Paano ba naman kasi nakatulog ang lola mo sa sahig. Siguro dahil sa pagod ko sa pag-iyak at pagtakbo kagabi papasok sa kwarto ay hindi ko na namalayan nakatulog na pala ako.

But that's not what I'm concerned about. 

Gruuu~

"Urgh!" I groaned. Kanina pa ako sa kama ko gumugulong paroon parito hoping to distract myself from hunger. Wow! Anong pauso yan, Che? 

Kinuha ko ang aking unan at binaon ang mukha ko rito at saka nagsisigaw. 

"Ano ba kasing naisip-isip mo at nag-iiyak ka sa harap lalaking 'yon? Nakakahiya!" Para akong ewan na pinapagalitan yung sarili over something na ako rin yung gumawa. 

Napaupo ako at mabilis na tumayo.

"Gutom na ako." it's pass 10 am at hindi pa ako nag-aalmusal. Hindi rin ako nakakain kagabi bukod dun sa lollipop na--

Akmang pipihitin ko na yung doorknob ay napahinto ako. 

"L-lollipop... no... wait, baka nasa sala na sila. Haha! Sure ako nasa sala na sila" Napaatras na naman ako. Sa sala kasi madalas kinaconduct ni Mr. Eun yung klase nila ni Zed. Wala namang distraction dahil wala naman halos maingay sa bahay tsaka wala rin kaming alagang aso or pusa. Occasionally, nababantayan namin si Zed at nakikita sila. It's also a way for Zed to be at ease since ilang araw palang naman silang nagkakasama ng teacher niya. He's still a stranger. 

Naalala ko na naman bigla yung kagabi dahil sa lollipop. Bakit ba kasi napaka-sentimental ng tao? Yung tipong nadadala ng emosyon sa mga bagay na nagpapaalala sa kanila ng mga nakaraan nila. Pakitaan lang ng konting care ng ibang tao bumibigay na sa emosyon. 

Yung feeling na nadala ka sa lollipop kaya ka nag-open up.  

Biglang nahagip ng mata ko yung salamin at doon nakita ko na naman yung dahilan kung bakit ayokong lumabas. 

"Urgh!" Napatakip nalang ako ng mukha dahil sa frustration ko. Bangag! Bangag ang lola niyo.

Alam mo yung para kang hinalikan ng magjowang ipis sa magkabilang mata? 

Yung hindi ka naman chinita pero hindi mo mabuka nang maayos yung mata mo. Kaso hindi mo bagay kasi para kang kaluluwal na sanggol. Yung hindi pa cute tignan. Basta ang sagwa ng itsura ko ngayon!

Iniisip ko siguradong pagtatawan lang ako ng lalaking yun at malamang sa malamang, Zed will ask me what happened to my face. And alam niyo yung mga bata kapag nagtanong, alam mong hindi naman intentional yung inosente pero may kasama talagang panlalait kapag nagtatanong sila kasi sasabihin talaga nila kung ano itsura mo now.

Gruu~

Oo na! Alam ko gutom ka na. Ramdam kita tiyan, okay?

Huminga ako nang malalim bago lakas loob na binuksan ang pintuan. Bakit nga ba ako mahihiya samantalang bahay ko naman 'to. Fridge naman namin 'yon at most especially binili ni daddy ang mga pagkain na laman no'n para kainin namin.

Kaya bakit ako mahihiya? Mas uunahin ko pa ba ang hiya kaysa sa gutom ko?

Pinihit ko ang hawakan ng pinto at akmang lalabas na ng aking silid nang bumungad sa'kin si Mr. Eun na nakaangat ang kamao. Siguro ay kakatok sana sa may pinto.

Napakurapkurap ako nang makita ang kanyang itsura. Sana all fresh!

Napapikit nalang ako dahil sa naiisip ko nang mapansin ko ang bulilit na sumilip mula sa kanyang likuran.

"Good morning, ate!" bati nito suot ang matamis nitong ngiti.

Umupo ako upang batiin siya at halikan sa pisngi.

"Good morning, baby!" tugon ko.

Magkalevel ang aming mukha at nawala sa isip ko ang pinoproblema ko kanina.

"Ate, why do you look like a pufferfish?" inosenteng tanong nito.

Narinig ko naman ang bahagyang pagtawa ng lalaking dahilan kung bakit nagmukha akong sea creature sa isip ng kapatid ko.

Umayos ako nang tayo at pinandilatan ito bago bumaling kay Zed.

"Baby, it's not polite to give harsh comments on someone." patiuna ko.

"...and I look like this because I stayed up late last night. Kaya ikaw 'wag kang magpupuyat. Do you want to look like a pufferfish?"

Nag-init ang mukha ko nang banggatin ko mismo ang isdang hinambing niya sa'kin. Napalingon ako kay Mr. Eun na nagpipigil nang tawa. Gusto ko tuloy siyang bigwasan. Kung wala lang bata!

Mabilis na umiling si Zed at umalmang ayaw nitong maging kamukha ng isda.

"Bakit kayo nasa labas ng kwarto ko, Mr. Eun?" bumaling ako sa kanya para magtanong.

Doon ko napansin ang hawak niyang tray na may laman ng isang basong gatas at dalawang piraso ng toast na may pakete ng syrup sa tabi.

Namilog ang mga mata ko nang makita ang pagkain. Pakiramdam ko ay nagdiwang ang aking tiyan kaya naman ay nagsisigaw ito.

Para akong lalagnatin sa hiya pero wala na akong magagawa. Nangyari na! Kaya walang pakundangan kong kinuha ang tray at mahinang nagsabi ng pasasalamat.

"Hindi ka pa raw kumakain simula kagabi sabi ng kasambahay kaya nag-alala si Zed." paliwanag nito.

Sa isip ko pwede naman niyang utusan nalang sina manang para dalhan ako ng pagkain, bakit kailangang siya pa ang magdala?

Minabuti kong tumahimik nalang at tumango sa kanya. Nauna na akong maglakad patungo sa kusina para doon kumain.

There's no point on crying over spilled milk, Che! Pag-aalo ko sa sarili ko.

Hindi ko namalayang sumunod pala ang mga ito sa'kin at umupo pa nga sa harapan ko.

Kumuha ito ng tubig at inabot sa'kin. Nakuconscious ako dahil sa bawat kagat ay susulyap ito habang sinusubuan si Zed ng cereal.

Kung alam ko lang na balak pala nila akong sabayan ay doon nalang ako kumain sa kwarto.

"Hayaan mo si Zed na kumaing mag-isa. Just eat, Mr. Eun."

Medyo bothered ako dahil parang bini-baby niya ang kapatid ko. Zed should grow up doing things on his own.

Ayokong maging dependent ang bata isa mga taong hindi naman magtatagal sa buhay niya.

Napatangin ako kay Mr. Eun. Aalis din siya sa bahay na 'to.

"I already ate my portion earlier. Si Zed lang ang hindi pa kumakain dahil hinihintay ka." saad nito.

I look at the little bun who's eating like a chipmunk. Napangiti ako dahil sa pagiging thoughtful nito.

"And you should stop calling me Mr. Eun, it makes me look old. Call me Chase. You're not the one I'm teaching."

I look at him and saw that he's staring at me coldly. Yeah, this man is far from looking like an ajusshi! I forgot how strict some guys are when it comes to seniority.

But that doesn't mean we should address each other with familiarity!

Che, nasa pinas ka! What's the fuss?

I mentally smacked my head. Ito na nga ba ang napapala ko sa panonood ng k-drama.

Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy lang sa paglantak ng toast that I drizzled with strawberry syrup.

I took another bite and tasted heaven. Napangiti nalang ako na parang ewan sa sarap. This is what you call love!