webnovel

COMIENZO: Kabanata 1

PAMAGAT I

COMIENZO

Kabanata 1. Venio

Warning:

May contain some form of sexual theme

Present Day

"Mister!" sigaw ng kung sinong animal mula sa likuran ko habang naglalakad ako palabas ng building after ng court meeting. Hinarap ko siya sabay napakakrus ng kamay at may supladong tingin.

"ATTY. YAEL PEREZ, Atty. Flores, please take note of that. If hindi mo pa rin matandaan, I can post a large billboard in front of your house para naman maalala mo ang pangalan ko. Ilan ba ang gusto mo? Kaya ko kahit isandaan pa. Mura lang naman ang pagpapagawa ng billboard."

"Yabang...." narinig kong bulong niya. He's Atty. Flores, my batchmate when we were in college. Matagal nang mainit ang dugo namin sa isa't-isa dahil palagi ko siyang nalalamangan.

"Anyways, Atty. Yael Perez, I am here para i-congratulate ka para sa kaso natin kanina. Hindi nga kataka-taka na ikaw ang naging Top 1 sa bar exam natin." I smirked.

"Tss, honestly, that bar exam is way easy than I thought. Aside from that, hindi ko na kinailangan pang mag-review before the exam. E ikaw? Anong nakuha mo? I have heard na nag-cheat ka. How can you do that?" sabi ko.

"Huh! Ang yabang mo talaga, e 'no?" ramdam ko ang pagsisimula ng ningas sa kanyang isipan. Nakakamiss naman ang sandaling ito. 

"Yabang? Hmmm.... 'Di na bago yun sa akin." I looked at my wrist watch and said, "By the way, kung wala ka nang masasabing mahalaga, iwanan na kita. I need to go, alam mo naman siguro na ayoko sa lahat ng nasasayang ang oras ko lalo na sa kasayang-sayang na tao."

Nginitian ko sya nang may halong pagkasarkastiko sabay alis sa harapan niya't nagsimulang humakbang papalabas ng building. Hindi ko na lamang pinansin ang pag-alingangaw ng kanyang sigaw sa labas ng korte. Kawawa naman, tss.

°°°°°°°

"Nice work, Attorney! " puri sa akin ng aking client. "Totoo ngang ikaw ang humawak sa kaso. Hindi ako nagkamali sa pagpili sayo."

Ako pa ba? Easy lang naman ang kasong yun. It's a rape case which is, ang pinagtanggol ko ang criminal. The son of a tycoon. Kay daling isahan ng opposition. Alam kong malaki ang chance na sumabit ako sa kaso kong yun pero I am Atty. Yael Perez. I have no cases na hindi ko pa naipapanalo that's my I have my own firm due to my success and walang puwang ang mga mahihinang nilalang sa firm ko. 

And here is my favorite part of this job...

"Dahil naging successful ang aking kaso... I have a reward for you," sabi niya at sumenyas sa kanyang mga bodyguard. Umalis ang bodyguard at pagbalik ay dala ang isang suit case. Pagbukas ay tumambad sa akin ang limpak-limpak na pera.

"Thank you, Sir!" sabi ko habang hindi pa rin makapaniwala sa mga natanggap na regalo. This is my favorite part ng pagiging abogado. May bonus na binibigay sa akin ang mga client. Ewan ko na lang sa iba.

May ginawa lang kami para mapawalang sala ang nasasakdal, I mean, my client. Kasama na sana dun ang pagbabayad namin sa biktima para mapawalang bisa ang kaso pero tumanggi kaya gumawa ako ng iba at yun ay ang pagbaliktad sa biktima.

°°°°°°°

Bar

"Haysss.... Napakagaling ko talaga," pagmamalaki ko sa dalawang babae na katabi at tinable ko ngayon sa bar.

"Kung naipanalo mo ang kaso, magkano ang binayad sayo ng client mo?" napatango naman ang nasa kanan kong babae nang itanong sa akin iyon ng nasa kaliwa.

Agad akong napalapit sa nagtanong sabay bulong ng, "Seven digits." 

Nanlaki naman ang kanyang mga mata at bakas ang pagkagulat nang dahil sa aking ibinulong. Kanya naman iyong ibinulong sa nasa kanang babae at ganun din ang kanyang naging reaction.

"TOTOO?" hindi nila makapaniwalang tanong. Hindi na lamang ako nagsalita bagkus ay kinindatan ko na lamang sila't kapwa napahalik sa akin. Well, ganun talaga.

"Naku, hindi ka lamang pala guwapo't matipuno, isa ka ring matalino at magaling na abogado," sabi ng nasa kanang babae habang hinihimas himas nang kanyang magaganda at mahahabang daliri sa katawan ko at napalip bite pa siya na siya namang ikinasaya ko dahil napaka hot niyang babae, grabe.

Hinila niya ang neck tie ko papalapit sa kanyang mukha, senyales na gusto niyang halikan ko siya. Ang mapupula niyang labi ay nagpapakita ng anyo ng pang-aakit kung kaya't ginamtimpalaan ko ito ng malulutong na halik na kanya namang malugod na tinanggap habang hinihimas ang hita ng isang babaeng nasa kaliwa ko na siya namang panay ang halik sa batok ko at panay ang pagpasok ng kamay sa loob ng polo shirt ko.

May ibinulong ako sa kanila na siyang ikinatuwa nilang dalawa at mabilis na pumayag. I asked them to go to my place; they immediately agreed. These girls are wild yet sexy and beautiful- a typical type of girl.

Habang pinapasok ko na sila sa aking silid na inupahan ko for one night ay biglang may istorbong tumawag. Habang patuloy nila akong niroromansa ay pinatigil ko muna sila.

"Saglit lang, may kakausapin lang ako." kapwa naman sila napatango at napatayo naman ako para sagutin ang tawag.

"Hello, Atty. Yael Perez speaking,"

[ Good. Buti na lang gising ka pa. Gusto ko lang sana na yayain kang uminom sa aking penthouse. Alam mo na, business talk.]

"I'm busy right now. Pwedeng sa ibang araw na lang?" tanong ko kay Atty. Feliciano Alvarez. Napansin ko namang bigla syang natawa na sinabayan ko na lang.

"It's not about business; it's about the case you have handled lately." napatigil ako saglit at napataas ng kilay. I can not reply for an unknown reason and felt anxious at this moment.

I laughed and replied, "Sorry, but it's case closed and officially solved. We can back our lives into reality with no career involved."

"Ganun ba? Hmmm...."

"Hello, Atty. Yael." nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses na yun na nakisingit sa usapan namin—ang boses ni Atty. Flores. Anong ginagawa niya at bakit magkasama sila?

"Hawak namin ang ebidensya na magpapatunay na inosente ang client ni Atty. Flores at CCTV footage kung saan binayaran mo ang isang lalaki at ang fake witness nyo. Alam mo naman siguro ang kakaharapin mo kapag nalaman nila ang ginawa mong ito, hindi ba?"

Nang mga sandaling iyon ay nanigas ang mga binti ko at hindi ako makapagsalita. Para bang may nakabara sa lalamunan ko na pako at sa bawat lunok ko ay ramdam ko ang pagtusok ng tip nito.

"Balita ko, napakarami mo raw isinakripisyo para makuha ang pangarap mo at maging isang lisensyado at kagagalang-galang na abogado."

Nang walang kaplano-plano't di iniisip ang mga susunod na hakbang ay agad kong sinuot ang suit ko sabay iniwan ang dalawang babae sa room at sakay ng kotse ay tinungo ang sinabing address.

Mabilis kong pinaandar ang kotse dahil kailangan ko nang maagaw mula sa kanila ang evidence na hawak nila. Sa aking mabilis na pagpaandar na napansin kong tila may sumusunod sa akin.

Makailang beses akong napapatingin sa rear view mirror ng kotse ko at tila hindi nawawala ang kotseng kanina pang sumusunod sa akin.

Binilisan ko pa lalo ang paandar hanggang sa marating nito ang pinakatudong bilis kasabay ng mabilis na pagliko upang malihis ng landas ang kanina pang sumusunod na sasakyan.

Laking kaluwagan sa aking paghinga nang mapansing nailigaw ko na ang sasakyan at hindi na ako muli pa nitong nasundan. Binagalan ko nang kaunti ang pagpapaandar ko dahil baka masira ang pagkamahal-mahal na kotseng ito.

Ibinalik ko ang aking atensyon sa pagmamaneho't sa goal ko na makuha ang evidences.

The client's life, status, business is depended upon the work of the lawyer. Any error by the lawyer may not affect the lawyer personally but it will redound to the client. A mistake of the lawyer could mean that the case is lost and if lawyer loses this case, the effects would be devastating.

Habang nagmamaneho ay nakarinig na lamang ako ng malakas na ingay na nagmumula sa likuran ng aking sasakyan.

Sinundan naman iyon ng pagkabasag ng windshield at gilid na bahagi ng kotse ko. Kinaladkad ng nakabangga sa akin na sasakyan ang kotse ko patungo sa gilid ng kalsada.

Mabuti na lamang at hindi ako nawalan ng malay pero nakaipit ang mga paa ko mula sa nasirang unahang bahagi ng kotse ko. Wala ring silbi ang airbag dahil saka lamang ito lumabas nang tuluyan nang huminto ang kotse mula sa pagkakakaladkad.

Ramdam ko ang matinding pagdurugo sa aking noo at tiyan buhat ng pagkabangga ng aking sasakyan mula sa isang SUV. Ang pagkahilo at pananakit ng mga sugat na aking natamo ang nangingibabaw sa mga sandaling ito.

Hirap na rin akong maibalik ang aking conciousness at hindi ko na rin maibuka ang aking bibig. Nakisawsaw pa sa nararamdaman ko ang pagkahilo. Lintik!

Masyadong madilim ang lugar na pinaghintuan ng kotse at ang liwanag ng SUV mula sa headlight nito ang tanging nakikita ko mula sa basag na salamin ng sasakyan ko.

Ninais kong sumigaw upang humingi ng tulong subalit kahit anong pilit ko'y tila nagbara na ang aking panga at tuluyan nang na-misaligned.

Isang hindi ko masilayang mukha ang dahan-dahang bumaba sa SUV at siguro akong lalaki siya. Lumapit sya sa patungo sa kinaroroonan ko't napaluha na lamang ako dahil sa wakas may tutulong na rin sa akin.

Ngunit.....

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang itinutok niya sa ulo ko ang kanyang baril sabay sabi ng,

"Salamat sa pagtulong sa kaso. Hindi naman ako nagsisi na ikaw ang kinuha kong abogado pero dahil tapos na, wala ka nang kwenta pa sa akin."

Gustuhin ko mang sumigaw ngunit mabilis namang inunahan ito ng pagtama ng baril sa aking noo dahilan upang dumilim ang paningin ko't.....

Nang marinig ko ang isang tila pagsabog na ingay ng baril ay tila may humila sa akin pailalim.

Nakita ko na lamang ang katawan ko na naiwan sa ibabaw sa loob ng kotse habang ako nama'y dahan-dahang lumulubog sa ilalim.

Hindi ko mawari kung ito ba'y tubig, lupa o kawalan. Tanging ang nasisilayan ko ay liwanag mula sa itaas habang ako'y pinipilit na abutin iyon ngunti patuloy lamang akong hinihila ng kung anong pwersa pailalim. Pailalim ng pailalim at padilim ng padilim.

Hanggang sa hindi ko na masilayan ang liwanag at tanging kawalan ang naghari sa buong paligid. Tila ba ako'y nahulog sa isang balon, sa napakalalim na balon, na kailanman ay hindi ko na kaya pang umahon.

Napabangon ako kaagad at mabilis na hinahabol ng aking paghinga na tila ba sabik na sabik at kay tagal nang hindi nakalanghap ng hangin.

Agad akong napakapa sa aking katawan lalo na sa bahaging noo kung saan ako pintukan ng baril. Nang makapa ko ang aking noo ay nakahinga naman ako nang maluwag nang walang ni kapirasong dugo at sugat na naitanim. Napahawak naman ako sa aking puso.

"Buti na lang panaginip lamang iyon." sabi ko sa aking sarili sabay hinga nang maluwag at medyo nasisikipan ako sa pwesto ko. Napahilot ako ng aking noo at parang kakaiba ang pang-amoy ko. Mas malakas kaysa kahapon or kagabi.

Nakarinig na lamang ako ng nahulog na baso at may isang lalaki na napaso. Tumambad sa akin ang ilang mga tao na nakaupo habang ang iba nama'y nagdarasal.

Lahat sila ay nakatingin sa akin at ako nama'y sa kanila. Bawat tingin nila ay may pagtataka at....

...takot?

"Tol, may sigarilyo ka dyan?" tanong ko sa isang lalaki na nakasuot ng camesa de chino na malapit lang sa akin. Amoy sigarilyo pero parang pipa.

Bigla naman siyang napaturo sa sarili niya at bakas sa mukha ang gitla. Napansin ko rin ang pangingig ng kanyang kamay habang tinuturo niya ang kanyang sarili. Weird.

"Oo ikaw. May sigarilyo ka? Pahingi nga." sabi ko pero napatigil ako sa pagsasalita nang makapansin ng hindi normal at tila may mali.

Napansin kong parang kakaiba ang lugar at damit ng mga tao. Ang mga suot ng mga lalaki ay pormadong-pormado habang may mga kababaihan naman ay nakasuot ng belo.

Nasa shooting ba ako ng isang historical fiction? Wala namang camera tsaka hindi naman set ito kaya't nabuo sa isip ko ang tanong na, "Nasaan ako? Nasa probinsya ba ako?" nanlaki na lamang ang aking mga mata nang mapagtantong parang nasa lamay ako at ang pinaglalamayan ay ako?

HOOOY!!!!

"Paano ako napunta dito? Bakit pinaglalamayan nyo ako? Anong nangyari sa akin?" tanong ko sa kanila at bilang natumba't nawalan ng malay ang isang babae at kumaripas ng takbo ang ilan. Habang ang iba naman ay napatulala na lamang at tila nanigas sa kani-kanilang kinatatayuan.

Napahawak naman ako sa aking ilong nang mapansing may bulak na nakalagay. May mga kandila ang nakalagay sa harapan ko at may sisiw pa! May krus na nasa pader na nasa gilid ng kabaong.

Napatingin naman ako sa damit ko at napansin na nakasuot ako ng baro't saya. Napakapa naman ako sa aking dibdib nang mapansing parang medyo malaki at may nakalaylay.

HALA! BAKIT PAMBABAE ANG SUOT KO?

Napakapa naman ako sa pinakamahalagang bahagi kung saan, iyon ang pinakapinagkaiba ng lalaki sa babae. Napatigil ako bigla at nakaramdam ng lamig nang wala akong makapa kundi....

Ano?

Paano?

BAKIT BABAE AKO?

————————

A/N: The author of this story is not a lawyer nor attorney. Any mistakes that you'll encounter may inform the author to correct/redirect in a formal and respectful manner. Don't try to ignite and begin a fire.

themrioscreators' thoughts