webnovel

Pagkagat Ng Dilim I (Peculiar Love)

Isang tipikal na babae. Iyan si Liane. Maraming problema sa buhay. Sa sarili, sa pag-ibig, sa trabaho, at ang pinakamatindi ay ang problema sa pamilya na nakaapekto na sa kanya ng husto. Hanggang sa isang araw ay nakabuo siya ng isang desisyong tuluyang makapagpapabago sa takbo ng kaniyang buhay. Makakaya kaya niyang harapin ang lahat ng mga hindi maipaliwanag na pangyayari na kaniyang nasasaksihan? At magagawa ba niyang papasukin sa kaniyang puso ang katok ng pag-ibig? Gayong iba ito sa kaniyang nakasanayan. Paano kung matuklasan niya ang tunay na pagkatao ng mga ito? Kasabay ng nagbabadyang panganib sa kanyang buhay. Mananatili ba siya at buong pusong tatanggapin ang lahat? O lalayo at pipiliting talikuran at takasan ang lahat?

MissA_begail16 · ファンタジー
レビュー数が足りません
46 Chs

LIANE

"Pasensiya ka na, Liane kung medyo matagal nai-serve ang pagkain." Narinig kong sabi ni Jake kaya napalingon sa gawing kaliwa ko kung saan ito nakaupo. Doon ko lang napansin na pare-parehong walang imik ang mga ito. Ni hindi ko nga naririnig ang pagbabangayan nina Jake at Chris.

"Ha? Wala `yon. Hindi naman ako nagmamadali," sagot ko habang tinitingnan ang mga pagkaing inilalapag ng mga waiter.

Nakita ko ang mga pagkaing madalas kong mapanood sa t.v. na pangsosyal at hindi ko alam kung ano ang mga pangalan. Hindi ko alam kung mae-excite ako dahil sa wakas ay matitikman ko na ang mga iyon. O mapapangiwi, oo nga't pangsosyal ang mga pagkain pero tingnan ko pa lang parang nag-aalangan na ako.

"Kumain ka na, Liane. Huwag kang mag-alala masasarap lahat ang mga iyan."

"Salamat. Hindi lang kasi ako sanay sa mga ganitong pagkain."

"Oh? Pasensiya ka na, hindi ko naisip na baka may iba kang gusto. Gusto mo bang i-order kita ng iba? Ano bang gusto mo magpapaluto ako," natatarantang sabi ni na akmang tatawagin ang waiter na agad ko namang pinigilan.

"Huwag na. Ayos na ang mga ito, masasayang lang ang mga iyan kapag hindi ko kinain."

"Sigurado ka?"

"Oo. Kain na tayo?"

"Okay, let's eat!" Anunsiyo ni Chris bago sumubo ng pagkain nito. Hindi ko na inalam kung ano ang mga pagkain nila at itinuon ko na lang ang atensiyon sa aking plato. Na may lamang pasta na mukhang carbonara na hindi. Kumuha ako ng kaunti upang tikman, dahil nakakahiya naman kung iluluwa ko na lang basta kapag hindi ko nagustuhan ang lasa.

Nang masiguro kong okay naman iyon ay tinuloy-tuloy ko na ang pagsubo. Habang nakikiramdam sa paligid, dahil wala pa ring imikan ang magkakapatid. At dahil likas akong mapang-usisa ay hindi ko na napigilan ang aking bibig.

"So? Ano'ng meron? Bakit ang tahimik ninyo?" Napansin kong nagtinginan muna ang mga ito at halos sabay-sabay na napabuntonghininga.

"Nalaman na namin kung ano ang kahinaan ng harang," sagot ni Alexander.

"Ano?"

"Ikaw." Napahinto ako sa pagsubo ng marinig ang sinabi ni Alexander.

"A-ako? Paanong naging ako?"

"Hindi na namin naitanong kung paanong naging ikaw dahil biglang naputol ang tawag."

"Sinong nagsabi? Anong sabi?" Tuluyan ng napatigil sa pagkain ang magkakapatid at itinuon sa akin ang kanilang atensyon.

"Nagawa na naming makontak sina mommy. Mukhang ang harang ang dahilan kung bakit nahihirapan makatawag sa labas. Sinabi nila na sa oras na may makapasok na taga-labas ay hihina ang harang. At hindi nila ipinaalam sa amin ang tungkol sa bagay na iyon dahil ayaw nilang mag-alala kami at matakot."

"At dahil sa paghina ng harang kaya nagawang makapasok nang lalaking iyon?"

"Oo."

"Ibig sabihin maaaring mayroon pang ibang makakapasok?" `Di ko maiwasang hindi makaramdam ng guilt dahil sa nalaman. Ako pala ang dahilan kaya namatay ang babaeng iyon. At ako rin ang magiging dahilan kung sakaling magkaroon ng gulo sa lugar na ito. "Sorry…"

"Bakit ka humihingi ng sorry?" Usisa ni Jake na nakakunot ang noo.

"Dahil ako ang dahilan kung bakit may namatay. At ngayon ako rin ang magiging dahilan kung sakaling magkagulo rito. Hindi ko sinasadyang sirain ang harang…" Garalgal ang tinig na sagot ko. Nanlalabo na rin ang aking mga mata dahil sa pagbalong ng mga luha ko. Na hindi ko na napigilan sa paglandas sa aking magkabilang pisngi.

"Wala kang kasalanan. Nakatakdang mangyari ang lahat dahil nakatakdang makilala ka namin," alo sa akin ni Alexander at hinila ang inuupuan ko upang mapalapit ako kinauupuan nito. Pagkatapos ay kinabig ako upang yakapin ng mahigpit. "Sinabi naman na namin sa `yo na ikaw ang babaeng itinakda para sa amin, hindi ba?"

"Oo."

"At maaaring nakatakdang mangyari na mapunta ka rito sa lugar namin. Nagkataon lang na alam ng kalaban ang tungkol sa magiging paghina ng harang sa oras na dumating ka. Kaya itinaon nilang simulan ang panggugulo dahil makakaya na nilang makapasok."

"Kahit na. Pakiramdam ko kasalanan ko ang nangyari doon sa babae."

"Ssshhh…" Naramdaman ko na lang ang pagdampi ng mga labi nito sa tuktok ng ulo ko kasabay ng paghimas ng kamay sa likuran ko.

"Ang mabuti pa sa bahay na natin ituloy ang pag-uusap. Para mas maging kumportable tayo," suhestiyon ni Sam na sinang-ayunan naming lahat. Mabilis ko namang pinahid ang mga luha ko bago tumayo. Paalis na sana kami ng may tumawag sa pangalan ni Chris na isang lalaking nakasuot ng pormal na damit at may dalang brief case.

"O? Mister Reyes?"

"Pasensiya ka na kung naistorbo ko ang pag-alis n'yo. Tatawag sana ako para makipagkita sa `yo. Hindi ko naman inaasahan na makikita kita rito ngayon."

"Wala ho iyon. May kailangan ho ba kayo?"

"Ah, oo. May naisip na akong disenyo para sa ipatatayo kong bahay. Itatanong ko lang sana kung libre ka ba bukas? Para mapag-usapan na natin."

"Sige ho. Okay lang ba sa umaga? Doon na lang po tayo sa site mag-usap dahil kailangan ko ring bantayan iyong itinatayong bagong building."

"Ayos lang naman sa akin."

"Sige ho. Sasabihin ko na lang sa assistant ko na ibigay sa `yo ang location."

"Sige, sige. Salamat."

"Sige ho."

Nang makaalis na ang lalaki ay saka lang kami tuluyang lumabas ng restaurant at nagtuloy sa sasakyan.

"Kailangan pa lang bantayan, ha?" Narinig kong sabi ni Jake mula sa likuran ko.