***
Lumipas ang bawat araw ay pilit ko siyang iniwasan.
Kung ano-ano pinaggagawa ko sa bawat araw na nagdaan.
Sa tuwing umiiwas ako ay parang pinapatay ang kaluoban ko.
Hindi ko kaya. Habang lumilipas ang bawat araw mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko sakanya.
Hindi ko na kayang pigilan. Hindi kona kayang itago. Hindi ko na kayang magkunware. Hindi kona kayang...siya ay iwasan.
Dahil sa bawat pag iwas ko ay parang dinudurog ang puso ko.
Lalo na tuwing kumakain kami sa hapag-kainan.
Tuwing nagtatama ang mga mata namin, iba't iba ang nararamdaman ko. Gusto ko siyang puntahan at yakapin ng mahigpit. Gusto kong bawiin na hindi kona siya iiwasan.
Gustong gusto ko siyang lapitan lalo na tuwing nakikita ko sa mata niya na..ang lungkot niya, parang ang tamlay niya.
Kahit anong gawin ko. Kahit anong isipin ko. Kahit san ako pumunta...siya't siya ang naiisip at nakikita ko.
Pati sa pagtulog ko gusto ko. Kahit sandali sisilip ako sa kwarto niya na mahimbing na natutulog. Hahalikan siya sa noo habang takot na hawakan siya dahil baka magising siya.
Araw araw na nagdaan ay paulit ulit lang ang nararamdaman ko.
Mas lalo ko lang pinapahirapan ang nararamdaman ko.
Hindi kona kaya...hindi kona talaga kaya
Kahit mali itong nararamdaman ko. Kung ito naman ang ikaliligaya ko, ipagkakait koba sa sarili ko?
Kung alam kong sa peling niya ay liligaya ako. Na sa tabi niya ay sasaya ako. Na sa sakanya ko lang naramdaman, ipagkakait koba?
Pero..
Kaya kobang sumugal? Kaya ko ba siyang protektahan? Kaya ko ba siyang ipaglaban? Kaya ko ba na kontrahin ang kapalaran? Na...nasa kami nalang na wala ng hahadlang.
Pero anong gagawin ko? San ako mag uumpisa? Pano? Ang daming tanong na hindi ko sigurado ang kasagutan.
Pero sa pagkakataon na ito sisiguraduhin kong kahit na sandali. Sana pagbigyan naman kami ng tadhana na sana panigan niya kami.
Takot siguro ako? Takot akong sumugal. Takot akong mabigo. At takot akong magmahal ng kapwa ko.
Dahil...alam ko sa sarili ko na mali ito.
Pero mali nga ba talagang magmahal?
Kung mali, bakit namin nararamdaman. Bakit nangyayare. Hindi kona alam.
"K-kuya." Tawag niya sakin ng minsan magkasalubong kami.
'Miss na miss nakita peter' bulong ko sa hangin.
Kung puwede lang.
Tumingin lang ako sa mga mata niya. Mga mata niya na panay lungkot lang ang nakatira. Mga mata niya na alam kong ako lang ang magpapasaya.
Walang ano ano ay niyakap ko siya. Niyakap ko siya ng sobrang higpit.
Hindi ko na kaya.
Nakita kona ang mali, at isang malaking kaduwagan kung pipikit at tatalikod pa ako.
Kahit na alam kong hindi sang-ayon ang lahat sa kakahantungan nito.
This time, gusto ko naman lumigaya. Gusto kong maramdaman na malaya kami. Malayang magmahal, na walang kokontra..walang hahadlang.
Kahit alam ko na wala itong kasiguraduhan ipagpapatuloy ko.
"Shhhh, tama na." Pagpapatahan ko sakanya.
Andito kami ngayon sa garden namin. Pagkatapos ko siyang yakapin ay hinila ko siya dito.
Gusto ko na siyang kausapin, sabihin at iparamdam kong gaano ko siya namiss. Kung gaano ako kasabik sa kanya. Kung gaano ko siya kamahal.
"B-bat ang daya mo kuya, ang daya daya mo. Makasarili ka, hindi mo man lang ako tinanong, sinabihan. Wala, wala kang ginawa. Patuloy mo lang akong iniiwasan..kahit na sobrang sakit na..kuya alam kong mali ito pero ang sakit e!"
Wala, wala akong nasabi sa sinabi niya. Nakatulala lang ako sa harap niya habang umiiyak siya. Nakatulala ako dahil nabigla ako..kahit na alam ko na may nararamdaman siya sakin. Kahit hindi niya sabihin, alam kong mahal din niya ko.
Masaya man sa narinig ko ay nakukunsensya nanaman ako. Bat nga ba ganun..bakit nangyayare samin to! Bat nararamdaman namin ito.
Niyakap ko lang siya habang umiiyak siya, habang sinasabi ang hinanakit niya sakin.
Kasalanan ko naman kasi, oo napaka selfish ko. Hindi ko kinonsider ang nararamdaman niya.
Pero anong gagawin ko? E, hindi ko nga alam ang gagawin ko?
Nang tumigil na siya kakaiyak ay nabigla ako ng nakatulog na pala siya sa dibdib ko.
Habang tinitignan ko ang maamo niya muka. Sana ganito nalang lahat. Ganito nalang sana kami. Masakit man aminin, pero nalulungkot ako sa nararamdaman niya.
Sobra-sobra na pala ang ginawa ko. Hindi ko alam nakakasakit nako.
Ang alam kolang ay umiwas. Kahit na alam kong masasaktan siya sa disesyon ko.
Tinitignan ko lang siya habang hinihimas ko ang buhok niya. Sana ganito lagi. Walang ibang nararamdaman kundi saya lang.
Ilang minuto pa ang lumipas patuloy ko lang siyang tinitignan, hindi ako magsasawa sakanya.
"Hindi nako papayag..hindi na kita iiwasan. Kahit anong mangyare tandaan mo yan." Sabay halik ko sa noo niya.
Dumaan ang mga araw, naging maayos na kami ni peter. Kung tutuusin hindi mona kami mapaghihiwalay na dalawa. Kung san ako pumunta andun din siya. Kung asan naman siya andun din ako.
Hindi mo agad kami mapapahiwalay na dalawa.
Sa bawat araw na dumadaan ay mas lalo lamang lumalalim ang nararamdaman ko sakanya.
"Mga anak, kakain na." Tawag samin ni mama habang nasa garden kami.
Sabay kami sumagot ng 'Opo' ni peter, kaya nagkatinginan na lang kaming dalawa kapagkuwan ay nagtawanan nalang bigla.
Kung sakali siguro na mahihiwalay sakin si peter..hindi ko kakayanin.
Habang papasok sa bahay ay nakayakap sakin si peter na wala naman malisya kila mama. Sanay na sanay na samin ang mga tao dito sa bahay.
"I love you kuya" Nakangiti siya sakin ng sinabi yun.
Nabigla ako sa sinabi niya sakin. Tumingin tingin muna ako sa gilid ng bahay ng masigurong walang tao ay tinayo ko siya ng maayos at niyakap din sabay bulong ng 'Ilove you too'.
Para sa amin ang ganyang eksena ay hinding hindi nakakasawa.
Kahit alam kung hanggang dito nalang kami.
Tanda ko pa nga ang mga pangako namin sa isa't isa. Na pagdating ng araw kung sakaling pagbigyan kami ng tadhana na maging kami. Sobrang saya ko siguro, yung tipo nga lang na kasama siyang buong araw daig ko pang nanalo ng loto, mapa saakin pa kaya siya habang buhay.
Ang dami naming pangarap sa buhay, na pinangako namin na tutuparin namin na magkasama.
Isa na jan ang lumabas na magkasama habang magkahawak ang kamay, magkayakap na walang humpay, at higit sa lahat ipagsigawang kami'y nagmamahalan.
Kelan nga ba namin matutupad ang mga pangarap namin? Siguro pag wala ng dis-crimination sa mundo. Wala ng huhusga sa mga tulad namin. Wala ng mandidiri sa makakakita samin. Wala ng limitation ang pagmamahalan ng bawat isa. At higit sa lahat maisisigaw kona sa buong mundo na kailan man hindi naging mali ang umibig ng katulad mo dahil pag nagmahal ka kahit ano pa siya o sino ay mamahalin mo ng buong buo.
Oo, mahal ko siya.
Dahil naniniwala ako, na hindi naman lahat ng tao parepareho nararanasan pagdating sa pagibig.
Kaya sana wag agad huhusgahan ang taong nagmahal lang.
Dahil tulad nila nagmahal lang din tayo.
Ang kaibahan lang sila nagmahal ng naayun sa mundo..at kami nagmahal ng kasalungat sa mundo.
Para sakin, hindi lahat kailangan pareho, walang basehan ang lahat ng bagay tungkol dito...pwedeng yung nangyari sa amin ay kasalanan para sa inyo pero para sa amin tama to.
Habang nasa hapag kainan ay kwento lang ng kwento si peter sa akin, ganun din naman ang ginagawa ko sakanya.
Nakatingin lang samin ang lahat na parang wala kaming kasawaan sa isa't isa. Malamang mahal namin isa't isa e!.
"Nga pala impake na kayo ng gamit ninyo bukas na ang bakasyon natin kasama ang mga pinsan ninyo." Saad ni mama sa amin na dalawa ni peter. Tumango tango nalang ako at ganun din naman ang ginawa ni peter.
Nang natapos kumain ay sabay kaming nagpaalam na aakyat na.
Ng makarating kami sa kwarto namin ay agad kaming nag-impake.
Natatawa nalang ako sa sarili namin. Hindi talaga kami mapaghiwalay kahit nga sa kwarto ay magkasama kami. Sa pagtulog, pagkain, at higit sa lahat ay sabay din kaming maligo.
Sabay kaming gigising sa umaga...kung may mahuli samin ay may parusang kelangan niyang sundin. Madali lang naman kelangan lang niyang sundin ang iuutos ng mauuna. Ganun lang kasimple.
Hindi naman namin pinahihirapan ang bawat isa. Anjan na iuutos ko na halik lang niya ko. Siya naman ay paliliguan ko siya. Ganun lang kasimple.
"Kuya." Tawag niya sakin.
"Bakit?" Pagtatanong ko dito.
"Dapat kasi wala ng ganito e! Ayuko pa naman na may kaagay sayo." Pagmamaktol niya.
Natatawa man ay pinalapit ko nalang siya sa akin dahil ang kyut niya pala mag selos
"Halika nga dito at i-kiss nalang kita."
"Ash naman e!" Pangungulit pa niya.
Nagseselos kasi siya sa mga pinsan ko at sa mga kamag anak ng mga pinsan ko, hindi lang naman kami magkaka mag anak meron din sabit kaya ayun dahil dun meron may nagkagusto sakin.
Ganun din naman siya madami din nagkakagusto sa kanya kahit mga pinsan ko may gusto sa kanya. Na siyang kinaiinis ko.
"Oo na wag kana magselos hindi bagay." Tawa ko pa sakanya.
"Sino may sabing nagseselos ako?" Irap niya sakin sabay talikod
Hinila ko nalang siya at pinaharap. Niyakap ko siya at hinalikan ang noo sabay sabing.
"Hindi naman ako papayag na makuha nila, dahil sayo palang sapat na."
-----