webnovel

Chapter 6

***

Maaga palang umalis nako sa mansyon. Ayuko kasing makita si ash sa bahay kaya naisip kong mag libot muna sa mall.

Dahil tandang tanda ko pa ang pangyayare, pagkatapos niya kong halikan.

"May natira pa kasing kanin, kaya kinain kona sayang naman."

"Pero kuy--!"

"Stop, diba ito naman ang gusto mo? ikaw ang nagsimula ng lahat ng ito kaya ako naman ang magpapatuloy hanggang katapusan. Wala na akong magagawa dahil umabot kana sa limitation mo. Pilit kung pinigilan pero ikaw na mismo ang nag-udyok sakin na gawin ito.

Napapalunok nalang ako habang tinitignan siyang nagsasalita, parang nagbara ang lalamunan ko at hindi ako makagalaw.

Buti nalang hawak niya ang katawan ko dahil muntikan nakong tumumba ng subukan niya kong bitawan.

Naghihina ako dahil sa ginawa niya sakin at pinagsasabi.

Anong ibig niyang sabihin?

---

Nabalik lang ako sa katinuan ng may nagsalita sa harapan ko.

"Wazzup! Pogi, bibilin mona ba ko?" Maharot na sabi niya sakin.

"Ay hindi pala yung damit sir?" Agarang bawi niya ng makitang seryoso ko lang siyang tinignan.

Kunot noo lang ako habang nakatingin sakanya habang may pasayaw sayaw pa siyang nalalaman.

"Baliw ata to e!" Bulalas ko habang nakaturo sakanya.

Peling naman nitong si ate! Di bagay sakanya maging sales lady.

Bagay sakanya sa bar, tapos dun siya sumayaw sayaw.

"Ay wow kuya, ang rude mo naman sakin. Sa ganda kong to sasabihan moko ng ganyan?" Sabay lugay ng buhok pagkatapos inirapan ako.

"Sales lady right?" Pagtatanong ko.

"Hala! Muka bakong sales lady kuya? Amp balakajan kuya." Irap nanaman niya sakin.

Akala ko aalis na pero inirapan lang pala ko.

"Akala ko aalis kana?" Pagtataboy ko dito.

"Akala ko aalis kana? Panggagaya niya. "Bakit sayo pa itong mall, kuya."

Naiinis man sa ugali niyang pinapakita sakin ay hinayaan ko nalang, diko na sana to papatulan kaso pinipikon pako.

"Ano ba! ginagago mo ba ko babae." Mariing turan ko dito.

Nakakapikon siya ah! Kahit nakakuha na kami ng mga pansin dito ay wala nakong pake.

"Uy, joke lang kuya, pinapasaya lang kita e." Nakangiting sambit niya sakin habang pinagpapawisan.

"Umayos ka kasi, para kang hindi babae."

"Oo na po kuya manong."

"Kita mo? Ayan ka nanaman."

"Sige na bibilin kona yan ng matahimik kana."

"Salamat kuyang manong na pogi." Pakaway kaway pa niyang sabi sakin.

Pailing iling nalang ako habang papalayo sakanya. Abnormal ata ang babae nayun, dapat kona bang siyang idala sa mental?

"Eight hundrend pesos, sir." Nakangiting sambit niya sakin.

Nagbigay nalang ako ng isang libo para maka alis na agad.

"Thank you sir." Tumango nalang ako sakanya sabay labas.

"San kaya ako kakain? Nakakagutom na." Pagkausap ko sa sarili.

Habang naghahanap ay parang may pamilyar na tao akong nakita, hindi malayo sa pwesto ko.

"Tita?" Naka ngiting tawag ko dito.

"Peter anak ikaw naba yan? Ang gwapo't ang laki mo na." Sabay beso nito sakin.

Naku, hindi naman po tita." Nahihiyang turan ko dito.

"Parehas na parehas kayo ng anak ko, dibale magkikita din naman kayo bukas pagnandun na tayo sa resort."

"Resort po tita?" Nagtatakang tanong ko dito.

Kunot noo naman ako nitong tinignan bago nagsalita. "Oo anak may bakasyon tayong lahat. Remember taon taon naman yun, dahil malapit na ang pasukan kaya pinaaga nalang namin para mag-enjoy naman kayo." Mahabang litanya niya sakin.

"Naku ganun poba tita, hindi po kasi nabanggit sakin ni tita." Kamot ulong turan ko sakanya.

Tinawanan lang ako nito.

"San ka nga pala pupunta tita?" Pagtatanong ko dito.

"Naghahanap ako ng pwede kainin." Sagot niya.

"Ako man po tita, naghahanap din po ako kung san ako kakain."

"Tamang tama dahil namiss ko ang pagkaing pinoy dun nalang tayo kumain."

"Sige po tita."

Habang naglalakad ay kwento lang ng kwento sakin si tita tungkol sa anak niya. Matanda lang daw sakin ng isang taon yun. Dun kasi nag aral ang panganay ni tita. Tuwang tuwa nga daw siya ng nalaman niyang dito na titira kasama sila. Dito na din daw mag-aaral 4th year college na daw anak niya.

Ewan lang ah pero pansin ko parang nirereto ako ni tita sa anak niya?

Kulang nalang sabihin niya sakin na 'anak arrange marriage na kayo ng panganay ko'.

Nahiya pa ata si tita sakin kaya di muna sinabi.

Ganun paman ay nakisabayan nalang ako sa kwento niya sakin, kung ano ano din ang pinagkukuwento ko kay tita, hanggang sa nahanap na nga namin ang pinoy restaurant na aming kakainan.

"Sige anak pakabusog ka ah, don't worry my treat." Matamis pa na ngiti niya saakin.

Tumango tango nalang ako at nagpasalamat kay tita. "Naku salamat tita."

"Hay nako anak, I'm sure talaga na magkakasundo kayo ng anak ko na yun."

"Naku ganun poba tita, malay po natin magkasundo po kami." Pag alaska ko sakanya.

"Oo naman anak mabait naman yun kuya mo nayun, kaya talagang magkakasundo kayo."

"HA HA HA.. excited nadin tuloy ako tita." Naiilang na tawa ko nalang dahil sa pangungulit sakin ni tita.

"Sige kain muna tayo anak."

Ngumiti nalang ako kay tita sabay tango sakanya.

Nang natapos na kami ay busog na busog ako, ang sarap talaga ng pagkaing pinoy. Hinding hindi ako magsasawa dito.

"Anak may pupuntahan ka paba pagkatapos natin dito?" Pagtatanong niya pa.

"Naku, wala napo tita baka umuwi napo ako. Nag libot lang naman po ako kaya napunta ako dito.

"Ganun ba anak, osige ingat sa pag-uwi sabihan mo nalang sila liza na nakauwi nako. Naku sure ako na mas lalong gumanda yun bruha nayun." Tumatawang pahayag niya sakin.

"Sige tita, ikaw din ingat po sa biyahe sabihin ko kay tita na nakauwi napo kayo."

"So pano bukas nalang."

"Opo tita, ingat."

Nauna nakong tumayo kay tita dahil nagbayad pa siya ng kinain namin. Habang palabas ay napaisip ako sa mga sinabi ni tita sakin. Dalawang linggo pa bago mag start ang klase? Pero mas mainam nadin para maenjoy nga namin ang huling sandali.

Nang makalabas ay pumara nako ng taxi at sinabi ang address namin. Ala una na pala ng hapon? Hayst kahit ayaw ko man ay magkikita at magkikita kami ni ashton.

Nang nasa gate nako ng mansyon ay nagbayad at bumaba nako.

Papasok palang ako sa pintuan ay tanay ko na sila tito sa swimming pool habang naliligo silang mag-anak. Ang saya saya nilang tignan. Kung buhay pa siguro sila mama, ganyan din siguro kami kasaya.

"Kuya peter." Kaway na tawag sakin ni lovely.

Kumaway nalang din ako habang papalapit sakanila.

"Kuya ligo tayo." Anyaya sakin ni kobe habang umaahon.

"Naku, sige kayo nalang."

"Halika na kuya." Hila na sakin ni kobe.

"Pero kas--!"

"Wag mo pilitin ang ayaw." Bitter na turan ni ash samin.

Kaya napalingon kami sakanya na naka kunot noo nanaman. Habang nakatingin ay naalala ko nanaman ang ginawa namin kagabi, kung pano niya ko hinalikan. Pero sa nakikita ko sakanya parang... wala lang sakanya?

Namumula akong napayuko dahil hindi ko kaya ang matatalim niyang tingin.

"But kuya, maliligo lang naman kami."

"Anong nangyayare dito? Ikaw ashton ano nanaman yang ginagawa mo sa mga kapatid mo?" Pagtatanong ng kararating lang na si tita.

Umirap nalang si ash pagkatapos ay umalis na.

"Hey kuya, ligo na tayo?" Pangungulit paren sakin ni kobe.

Sasagot na sana ako ng sumingit si tita sa usapan. "Kobe, wag mo ng kulitin yang kuya mo. Maliwanag? Ikaw naman anak ihanda mo na ang gamit mo at magbabakasyon tayo sa tagaytay bukas."

Tumango nalang ako sabay ngiti dito.

"So pano akyat nako, kobe." Pang aasar ko dito dahil hindi niya ko napapayag na maligo.

Nasa hagdan palang ay natatanaw ko nanaman si ashton sa gilid ng pintuan ko.

Bumabalik sakin ang mga alala sa mga gaganapang ganito.

Hindi pwede maulit ulit yun!.

Lakas loob akong nagtuloy tuloy na umakyat sa hagdan.

Nang malapit na ako sa gawi niya ay napatingin na ito sa akin.

"Aalis ako at sasama ka sakin." Tatalikod na sana siya ng hindi ako pumayag.

"Ayuko." Sambit ko dito.

"Anong ayuko? Ang sabi ko aalis ako at sasama ka." Sagot niya sakin.

"Ang sabi ko din, ayuko."

Kunot noo niya kung tinitigan, na nagtataka sa mga sinasabi ko.

"Wala kang magagawa, sasama ka sakin sa ayaw at sa gusto mo." Tiim bagang na turan niya sakin.

"Ano ba kuya, ayuko ika e!" Hiyaw ko rito ng hablutin niya ang braso ko at madiin na hinawakan.

"May mali ba sa sinabi ko? Sasama ka lang sakin pero bat ang arte mo?"

Kitang kita ko kung paano magdilim ang paningin niya sa akin. Pero dahil nadala na din ako ng galit ko ay hindi ako nagpatalo.

"Ayuko nga diba, ayuko! Ayuko! Kung gusto mo umalis ka mag-isa." Tumaas na ang boses ko.

"Putangina." Galit na hiyaw niya sabay suntok sa pader malapit sa pintuan ko.

Nanginginig na ako habang nakatayo malapit sakanya.

Galit siya ramdam ko yun. Galit ba siya dahil hindi ko siya sinunod? O galit siya dahil ayaw ko na siyang sundin?

Hindi pa siya makaintindi? Pagod ako, pagod ako kakaiwas sakanya tapos sakanya naman pala wala lang ito.

"Pag sinabi kong sasama ka, sasama ka sakin."

"Ano ba ang hindi mo na-iintindihan? Ang linaw ng sinabi ko diba? Ayuko pagod ako nakikita mo? Pagod ako na kakaiwas sayo tapos ikaw naman parang...wala lang sayo ang nangyare, hindi kita maintindihan? Mali ang ginawa natin." Naiiyak na turan ko dito.

"Sa tingin moba ikaw lang ang nalilito sa pangyayari? Tingin moba ikaw lang ang nakakaramdam niyan ngayon? Mas malala ang nararamdaman ko dahil hindi ko na alam kung anong gagawin ko." Hiyaw niyang turan sakin.

"P-pero...kuya." umiiyak na sambit ko.

Anong gagawin ko alam kung mali to pero... mali nga bang mahalin siya?