webnovel

Chapter 4

***

Habang naghihintay ng oras sa alis namin ni ash. Andito ako sa aking kwarto sa taas habang nanonood ng thailand series.

Mahilig talaga akong manood lalo na pag wala akong ginagawa. Pero mas hilig ko ang magbasa sa katunayan nabasa ko na nga halos lahat ng mga story ng mga sikat na author.

Ang gusto ko sa isang libro, yung tragic. Dama ko kasi yung kwento pag hindi sila nagkatuluyan. Ang sama koba? Ganun talaga.

Hilig ko din ang fantasy na genre. Pero wala naman pasok sa taste ko. Ewan ba ang taas na kasi ng standard ko pag nagba basa ako. Yung tipong pag boring ang isang story hindi kona babasahin. Lalo na pag hindi ko type. Pero kadalasan kasi cliclè na ang bawat story na nakikita ko.

Pero hindi ko naman sila masisi dahil mahirap talagang magsulat. Lalo na kung hindi mo naman talaga gusto ang pagsusulat. Pero ang mas masakit sa lahat nagsusulat ka palang binabash kana.

Ganun ata talaga ang mga tao? O talagang dito lang sa bansang kinalakihan ko ganito? Sobra kasi ang isip ng mga tao lumagpas na sila sa totoong limitation nila.

Hindi ba pwedeng pag ayaw nila wag nalang nilang basahin. Kung sabagay tinagurian nga na queen sa pagsusulat na-bash e.

Iba na talaga ang kabataan ngayon hindi na masyadong nag iisip. Kung anong alam nilang tama yun lang ang paniniwalaan nila. Hindi nila bubuksan ang isipan nila sa mga salitang hindi pa nila alam. Na siyang magpapa intindi sa kanila kung tama nga ba ang mga desisyon nila sa buhay.

Hindi din naman natin sila masisi dahil sabi nila tao lang tayo.

Tao na pag nagkamali ang dahilan agad ay tao lang kami, hindi kami perpekto.

Tama naman sila tao lang tayo na nagkakamali. Pero bakit nagkamali? Siguro kaya nagkamali dahil hindi pinag isipan? O dahil sinasadya nalang? Kelangan paba magkamali para malaman ang tama? Siguro nga kelangan dahil wala tayong direction. Nasa mali tayong daan.

Masyadong kasing big-deal sa lahat ang isang pagkakamali.

Hindi siguro nila alam ang salitang 'One is enough' parang sa relasyon lang hindi sila makuntento sa isa. Dito pa kaya?

Nahinto lang ako sa pag iisip ng may kumatok sa pintuan.

"Sir Peter, kain na daw po. Hinihintay na kayo nila mam." Sambit niya sakin ng hindi ko pinansin ang katok niya. Baka kasi si ash lang.

"Ahh, sige po manang salamat." Sambit ko nalang dito.

Nag ayos muna ako ng sarili bago bumaba.

Pababa palang rinig kona dito ang kwentuhan nila sa hapag kainan.

"Alam ba ninyo itong daddy ninyo pinagtripan pa naman ang isang americano." Tumatawang kwento ni tita. Yan ganyan naman kayo. Jan kayo mahilig.

"Ano bang ginawa ni dad?" Natatawang tanong ni lovely kay tita.

"Ano pa nga ba edi nag ilocano sa isang americano." Sabay action pa ni tita kung ano ang itsura ng kanilang pinag uusapan.

Natatawa man sa kwento ay minatili kong tahimik at sumabay sa kanilang pagkain. Nginitian nalang nila ko dahil hindi paren tapos si tita sa kaniyang kwento.

Pansin kong maya't maya ang tingin sakin ni ash. Marahil gusto niyang ipaalala ang lakad mamaya.

"Peter, anak. Totoo bang may pupuntahan kayo mamaya?" Kuwelang turan sakin ni tita.

Naiilang man sa ngiti at tingin nila sakin ay minabuti kong sumagot ng maayos.

"Ahh, opo tita may birthday party po kaming pupuntahan ni kuya." Nakangiting sambit ko sa kanila sabay baling kay ash na nagpapahiwatig na tulungan ako.

Pero inungusan lang ako ng gago.

"Ganun ba. Ikaw ash bantayan mo yang kapatid mo." Paalala ni tito kay ash na huminto nalang bigla sa pagkain ng marinig ang sinabi ni tito.

"Hindi ko siya kapatid, pa."

Nasaktan man sa narinig ay nag patay malisya nalang ako.

"Ashton." Seryosong tawag ni tito.

"Yes dad?" Patay malisyang turan nito.

Hinawakan nalang ni tita ang kamay ni tito para hindi na humaba ang usapan. Alam naman nilang hindi mag papatalo si ash sa ganyang usapan.

"Peter, anak hindi ka sasama dito sa kuya mo. Maliwanag?"

Nabigla man sa pag iiba ng ugali ni tito ay tumango nalang ako.

Nang bigla nalang hinampas ni ash ang lamesa. Nagulat ang lahat sa biglaang paghampas ni ash.

"Malaki na siya dad, alam na niya ang tama at mali." Pagkatapos sabihin ay tumayo na ito. "Sasama ka sakin kahit anong mangyare." Seryosong sambit niya pa na sakin nakatingin nang bigla nalang itong umalis.

Magsasalita na sana si tito pero pinigilan nanaman siya ng kanyang asawa. "Hon hayaan mona tama naman siya." Malambing na sambit niya dito.

"Ikaw anak gusto mobang sumama? Baka napipilitan kalang?" Malambing na turan sakin ni tito ng mahimasmasan na siya. Ganyan talaga si tito malalambing sa mga anak niya. Minsan nga nahihiya nako kasi pinapakita din niya yun sakin.

Nahihiya man sa pinapakita niya sakin ay sumagot paren ako.

"Wala naman pong problema tito, gusto ko din pong lumabas." Naiilang na turan ko sa kanilang apat. Dahil nakatingin sila sakin na akala mong may sinabi akong mali.

Tumango tango nalang si tito habang bumalik naman sa pagkain ang dalawa magkapatid habang malapad ang ngiti saakin. Si tita naman ay nagsimula nanaman ng bago niyang kwento na kinatawa nilang apat.

Nang natapos na kaming kumain ay dumiretso nako sa taas sa mismong kwarto ko para makaligo na.

Nang makataas ay natanaw ko si ash na nakasandal sa pintuan ng kwarto ko. Naiilang man sa tingin niya sakin na matatalim ay nagpatuloy paren ako na maglakad.

"Ahh, kuya." Tanging nasambit ko sakanya.

Tinitigan niya ko na para akong makasalanan habang nakakuyom ang kamao.

"Ang saya mo siguro noh?" Prangkang tanong niya sakin habang tiim bagang na nakatingin.

"Wala akong alam sa sinasabi mo kuya."

"Tangina naman, ano yun? Bat nila nalaman? Nagsumbong ka?"

Galit na sambit niya pa habang diretsong nakatayo malapit sakin.

"Wala akong alam kuya."

Diko talaga alam ang mga sinasabi niya sakin. Wala akong sinabi kila tita tungkol sa mga gagawin niya.

"Umayos ka, Habang nasa pamamahay ka namin. Laruan lang kita at walang magbabago dun, tandaan moyan." Galit na turan niya sakin habang tinatapik ang pisnge ko.

Akala ko aalis na si kuya pero hindi pala. "Nawalan nako ng gana umalis mamaya." Sambit niya sabay talikod sakin.

"Kuya." Malungkot na turan ko dito.

"Ano? Magpapaawa ka?"

Pahiyaw na sagot niya habang nakatalikod paren.

"Ano..papasok na po kasi ako." Nahihiyang turan ko dito.

Nakaharang paren kasi siya sa pintuan.

Hindi pa kasi siya umaalis. Nakatalikod lang siya sakin pero hindi paren siya gumagalaw na hindi ko alam kung bakit?

Nahihiya man dahil sa sinabi ko ay taas noo akong tumingin sakanya.

Para siyang tuod na nakatayo paren habang nakatalikod. Hindi ko mawari pero natatawa ako sakanya.

Habang tumatawa ay bigla nalang siyang humarap.

Seryoso na siya ngayon habang nakatingin sakin. Pero hindi nakaligtas sakin ang pamumula ng tenga niya. Pati nadin ang leeg niya.

Tisoy kasi si kuya kaya siguro madaling mamula. Pero diko naman alam bat namumula siya?

"Kuya may sakit poba kayo?"

Nahihiyang tanong ko sakanya dahil nakatingin paren siya sakin ng seryoso.

Ewan ko ah, pero ang kyut niyang mamula firstime ko siyang makita na ganyan. Ang sarap niya yakapin tapos kagatin sa tenga. Ang kyut kasi, akala mong baboy na niluto tapos mamula mula pa habang pinagpapawisan siya.

"P-pake mo ba!"

Namumula paren niyang sambit sakin. Bat nga ba siya namumula? Malamig naman dahil hindi naman ganun kainit dahil pahapon na. Malakas din naman ang aircon dito sa mansyon nila.

Nagtataka man sa nangyayare sakanya ay nagkibit balikat nalang ako.

"Galit kapaba sakin kuya." Palambing na turan ko pa dito.

Mas lalo lang siyang namula dahil nag pout pako sakanya.

Shit..ang sarap niyang halikan.

Nang hindi ako nakapag pingil ay umabante ako sa gawi niya.

Para naman siyang nataranta kaya natawa ko sa sarili ko.

Nang nasa harap na mismo ko niya ay tinitigan ko siya sa mata pababa sa ilong niya at sa mamula mulang niyang labi.

Ewan ko ah, Pero inaakit talaga ako ng labi niya.

Isama mo pa ang pawisan niya na katawan. Habang nakaboxer na itim na pansin mo ang bukol. Nasa harapan kolang siya kaya kitang kita ko ang kabuuan niya na nagdadala sakin ng init.

kaya lakas loob na dahan dahan akong tumingkad sa kanyang muka habang sa labi niya nakatingin.

Habang papalapit ang muka ko sakanya ay naghuling sulyap pako sakanya bago pumikit.

Kahit na natatakot sa magiging reaction niya sa gagawin ko ay ginawa ko paren.

Dama ko ang labi niya ng mahalikan ko na siya. Ramdam koyun dahil para kong nilulunod ng halik namin. Iba ibang emosyon ang nararamdaman ko saya at pagkasabik sakanya.

Hihiwalay na sana ako sakanya ng bigla nalang niyang hinawakan ang batok ko.

Nabigla man ay natuwa paren ako sa ginawa niya. Ibig sabihin gusto din niya?

Mas lalo akong naghina ng maramdaman kong pilit niyang pinapasok ang dila niya sakin.

Nagpaubaya ako sakanya dahil nadadala ako ng init ng katawan ko. Mas lalo niyang pinalalim ang halikan namin dahil mas diniinan niya ang hawak sa batok ko.

Habol hininga kaming dalawa ng naghiwalay na ang mga labi namin. Ayaw pa nga niya pero tinulak ko na ang dibdib niya dahil nauubusan nako ng hininga.

Namumula akong tumingin sakanya na ganun din naman siya.

Nang hindi kona alam ang gagawin ay mabilis akong pumasok sa kwarto ko sabay lock dito.

Habang nakasandal sa pintuan ay napahawak ako sa aking labi. Ramdam ko paren ang init ng mga labi niya sakin.

Para akong baliw ngayon, sa mga nararamdaman ko.

"B-bakit? Kinikilig ako?." Nakangiting sambit ko sa sarili.