webnovel

Chapter 3.1

"ARE YOU COMING?"

Matagal na nakasubsob sa kama ni Chyiarah nang mag-ring ang cellphone niya. Chace wals phoning her. Nagtatanong kung bakit wala siya sa bar. Sa huli ay niyaya siyang magkita sila. At dahil nagrerebelde ang kanyang loob ay mabilis pa sa alas kwatro ang naging sagot ng dalaga.

"Of course. So? Name the place." Mariing sagot ng dalaga sa nagsisikip na dibdib.

Sinabi nito ang lugar.

"Hihintayin kita sa lobby, okay?" dagdag pa ni Chace.

"Sure."

Mabilis na kumilos si Chyiarah. Maaga pa naman. Alas-nueve palang. Hindi pa uuwi ang kanyang mga magulang. And besides, nai-enjoy ng mga itong makipagsosyalan kasama ng mga ka-circle. Up to the point na walang kaalam-alam ang mga ito sa mga pinaggagagawa niya.

May parte siya na masama ang loob sa mga ito dahil kulang siya sa atensyon. Wala ang mga ito noong mas higit na kailangan niya ang mga magulang na gagabay at dadamay sa kanya. Dahil abala ang mga ito sa pagpapadami ng kayamanan.

PADARAG na inabot ni Thrace ang overcoat na nakaalampay sa sofa doon sa rooftop matapos maibutones ang kanyang polo. Malamang na hinahanap na siya ng mga magulang sa party.

Matagal ring natigagal ang binata roon matapos iwan ni Chyiarah.

Nah! For the first time, after five months long that passed ay ngayon nalang niya ulit nakaharap ang dalaga. And surprised that he knew her was evident to her beautiful face.

Paano nga naman, wala naman itong kaalam-alam na minsan nang nag-krus ang mga landas nila.

She was wasted that night. Kung hindi dahil sa kanya ay baka napagpiyestahan na ito ng mga tarantado sa loob ng bar.

Nagagalit siya sa babae. Sobrang nagagalit siya dahil kung umasta ito ay parang mumurahing babae pero nakikita naman niya kung gaano ito ka-classy, sa paraan ng pagkilos nito.

She looks so delicate, elegant and so sexy.

Gusto na nga niyang makumbinsi na mali ang mga nalaman niya patungkol dito kung hindi rin lang ito biglang bumigay sa mga pang-aakit niya.

'I'm here now, ready to get laid.'

He couldn't fight the urge to touch her when she was the one who made the first move. Napakatagal niyang hinintay ang pagkakataon na mahawakan ito ng ganoon.

Thrace knew she was a bitch… a cock tease… a flirt.

Ang mga lalaking nasa circle niya ay pinagpipiyestahan sa 'private chat groups' ang larawan nito, weeks ago, in a wanton way pleasuring a man as he pleasured her, too. Hindi malinaw ang mukha ni Chyiarah but up close, at matapos niyang maipa-check ang photo, alam niyang si Chyiarah iyon. Plus the caption na nagbibigay sa mga GC members ng connotation na ang SFC heiress ang tinutukoy, though walang confirmation from the page's admin where the photo came from.

Sabik na sabik ang mga lalaking iyon na makilala at makaharap ang sultry heiress. Mayroong nagsasabing nakaharap na at nang-iinggit na nagkukwento ng karanasan though walang ebidensiya.

At hindi iilang beses na napaaway siya para lang makuha ang larawang iyon, at ang lahat ng uri ng kopya. He spend millions to pay the other sites and personalities who was about to post the copy. Ginawa din niya ang lahat para ma-trace ang pinanggalingan noon at ipinakulong. At hanggang ngayon ay ginagawa niya ang lahat para hindi kumalat ang mahalay na larawan ng dalaga kung mayroon pa siyang makikitang kopya.

Sometimes, he wanted to just wring her neck so to stop her from doing all of it. But her neck was too sexy, might as well he tongued it down.

And of course his family didn't know anything about what he did for her. Close friend ang mga Speckhart at Bachelor. At dahil hindi naman iisang beses niyang nakita sa mga pictures ng family gatherings nila ang dalaga ay hindi mahirap na makilala iyon. Kahit kasi nasa Europe siya at hindi nakaka-attend ng mga family gatherings ay updated pa rin siya.

At dahil din magkaibigan ang mga pamilya nila ni Chyiarah, hindi siya papayag na nababastos ng palihim ang dalaga.

Napabuntong-hininga si Thrace habang pilit ikinakalma ang sarili. Ano na ba ang nangyari kay Chyiarah?

She looked subtle yet insanely beautiful way back when he graduated in senior high school. Habang ito naman ay freshmen. Birthday ng bunso nilang si Loridee noon. At kinabukasan rin ay aalis siya ng bansa dahil ipinapatapon siya ng mga magulang sa Europe para doon mag-aral at magpakadalubhasa. Pero nang gabing iyon rin niya unang nakita ang magandang dalagita. Nang mag-abot ito ng regalo sa kapatid niya.

'Where are you going? Sama ako. Ipakilala mo ako sa mga pinsan mo.'

Lalapitan sana niya ang dalagita pero hindi na niya nagawa dahil hindi siya pakawalan ni Suszane, ang kanyang latest girlfriend ng mga panahon na iyon. Ganoon man, buong okasyon ay nakatutok sa dalagita ang kanyang atensyon.

And he can' fight that warm feeling wormed inside him every time he looks at her smiling. She was really a beauty. Young yet, sophisticated in every way. She was so serene like the wind blowing from the countryside.

At kahit nasa malayong lugar na si Thrace ay hindi pa din niya nakalimutan ang dalagitang iyon. May internet naman at active ito sa social media kaya palihim niyang nasusundan si Chyiarah. He stayed in Isle de Bachelor in The London Borough of Amoureux and many times dreamed of bringing her there.

Chyiarah grew up more and more beautiful. Her sweet smile grew to an alluring one.

May pumiga sa puso niya nang maramdaman na nagmamahal na ito, base sa mga posted status nito. Hindi niya magawang magtanong kay Loridee na alam niyang bestfriend ng dalaga. Hindi niya kayang ipaalam na mula sa malayo ay nagmamahal siya ng ganoon nalang. Besides, he knew his father might ruin it. Katulad ng ginagawa nito sa kapatid na si Axyl.

'Just because I don't give what you wanted, I'm a boring kind already?! That no one will ever love me?' Minsan ay nabasa niya ang status nito.

Gustong-gusto na niyang mag-comment. Gustong-gusto niyang sabihing: 'Ako, I love you and will do forever.'

Pero pinigilan niya ang sarili. Kung sasabihin niya iyon ay gusto niyang sa mismong harapan nito.

At bigla rin ay parang may nagbago kay Chyiarah. Nararamdaman niya iyon sa mga post nito. Kaya nga napauwi siyang bigla. Isinabay niya iyon sa pagdalaw sa mga magulang pati na din sa pagce-celebrate ng birthday ng bunso nila.

Sabik siyang dumating ang araw ng birthday ni Loridee. Pakiramdam ni Thrace ay bumalik siya sa napakaraming taon na nagdaan. Sabik siyang makaharap ulit ang dalaga.

Pero hindi ito nakarating. Instead, she phoned his sister to say sorry and where she was. Hindi nagdalawang isip ang binata na magprisintang siya ang susundo sa dalaga. Na lasing na lasing at pinagbabalakan na ng masama ng dalawang lalaki.

Naagaw at naiuwi niya noon ng maayos si Chyiarah pero kinabukasan ay kinailangan niyang lumipad papuntang Europe dahil nagkaaberya ang isa sa mga branch ng Bachelor Banks na nasa pangangalaga niya.

Mula rin sa social network na paraan para masundan niya ang dalaga ay napag-alaman niya kung anu-anong kalokohan ang pinagagagawa nito sa buhay.

'I'm a bitch, so what?'

Nagagalit siya rito pero at the same time ay may malaking bahagi ng puso niya ang hindi kayang hindi pa rin ito magustuhan. O baka dahil nasanay nalang siya sa pakiramdam na gusto at ina-admire niya si Chyiarah. Na kahit ano pang hindi katanggap-tanggap na impormasyon patungkol dito ang nalalaman niya ay hindi nababawasan ang damdamin niya para sa dalaga.

Mailap talaga ang pagkakataon para magkaharap sila ng maayos ni Chyiarah. Sobrang busy ng schedule niya na halos hindi na makapagliwaliw. Ayaw na niyang umasang magkakaharap pa sila. Hindi madaling umasa at madismaya sa bandang huli.

But what happened now was beyond expectations. Gusto lang niyang huminga muna sa rooftop bago dumeretso sa party pero hindi pala siya mag-iisa roon.

He had never felt such a forceful feeling of touching anyone, before. None of those women he got laid with when he felt horny. Hindi kayang pigilan ni Thrace ang nag-uumapaw na damdamin at pagnanasa para sa dalagang napaka-attractive at passionate ng dating. Tama nga ang naririnig niyang kahit na sinong makaharap nito ay hinding-hindi pwedeng hindi maakit at magnasa. Malalaman nalang na kumikilos na pala siya ng mahalay sa harap nito.

Who could blame those men who went crazy fantasizing her?

At nagagalit siya! Nagagalit siyang laman ito ng mga pagnanasa at pantasya ng mga iyon. Parating gusto niyang mang-away. At kaninang makita niyang bumigay ito sa mga pang-aakit niya ay sinelyuhan lang nito ang mga hindi magagandang bagay na nalaman niya patungkol dito.

"Goddamn it!"

Pagalit na isinuot ni Thrace ang overcoat at inihanda ang sarili sa mga makikita sa loob ng party ng mga magulang. Tiyak na may kapulupot nang lalaki ngayon si Chyiarah sa loob ng party.

"Hell! Mali yatang umuwi pa ako."

Tumigas ang mukha ni Thrace nang maalala ang parang nainsulto at nasaktang anyo ni Chyiarah kanina. Hindi na siya dapat naaapektuhan ng alaalang iyon dahil napatunayan na niya ang dapat patunayan. Nagagalit siya rito dahil sa mga pinaggagagawa nito sa sarili at hindi dapat na magbago pa ang pakiramdam na iyon.

Ano ba ang pwedeng dahilan ni Chyiarah sa mga pinaggagagawa? Pera? Imposible. Buhay-prinsesa na ito at lahat ng kailangan at gustohin ay pag-aari na ng dalaga. Kahit hindi ito magtrabaho ay mabubuhay ito ng marangya na hindi nababawasan ang kayamanan nito. Imposibleng maging dahilan ang pera sa mga pinaggagagawa ng babae.

Siguro ay sadyang uhaw lang sa aliw.

But a part of him wanted to threw away his entire conclusion. Hindi iyon ang nakita niya sa mga mata ni Chyiarah. Hindi iyon ang nagpatigalgal sa kanya kanina.

"Whatever it is wala na akong dapat na pakialam sa kanya."

He was already composed when he enters the ballroom. Nakangiting nakikipagbatian sa mga bisitang nasa alta-sosyedad. Pero ang mga mata ay naghahanap.

Wala si Chyiarah roon. Nasaan ito?

'Nasa mainit na kama kasama ng ibang lalaki.'

Gustong murahin ni Thrace ang bahaging iyon ng kanyang isip. Hindi niya matanggap na maaaring ganoon nga.