webnovel

Our Kind of Cinderella

I'm an extraordinary girl who will protect what's right. And I know I can't win this fight without everyone's help. "So will you take my hand and help me win this fight?" "Trust me. I'll never give up."

HiddenAstraea · 若者
レビュー数が足りません
32 Chs

Chapter 15

ELLA

*PAK!*

"SINABI KO NA SA IYO DIBA?! UMUWI KA NG MAAGA!"

Kanina pa maga ang pisngi ko. Paulit ulit na akong sinampal ni Mama pero ni hapdi at kirot ay wala talaga akong maramdaman.

Hinila ni Ate Shiela ang buhok ko kaya naman nawalan ako ng balanse at napaluhod.

"Ella! Look at my sister! Nabugbog siya dahil jan sa katangahan mo!" Sigaw at gigil na sabi ni Ate Shiela.

Nakaluhod pa din ako at hawak pa din ang buhok ko nang bigla akong iniharap kay ate Stella na ngayon ay madaming pasa at gasgas. Kitang kita din ang putok na labi at namumutlang kulay ni ate Stella.

*PAK!*

Nalasahan ko ang dugo ng labi ko na ngayon ay tumutulo na pababa sa damit ko.

"Walang hiya ka talagang babae ka! Lumayas kana sa pamamahay na ito! Wag na wag kanang babalik!" Sigaw ni Mama sa akin at itinulak ako paupo.

*PAK!*

"Para yan sa kapatid ko!"

*PAK!*

"AT PARA SA KAPABAYAAN MO!"

"Enough!" Sigaw ng isang tining ng lalaki sa pintuan.

'Si papa.'

Nabuhayan naman ako ng loob dahil alam kong kakampi siya sa akin. Kahit kailan ay hindi ako pinabayaan ni papa.

"D-dad? Kailan ka pa nakauwi?" Gulat na tanong ni ate Stella kay papa.

Galit na tumingin naman ito sa amin.

"Kanina lang. Pagkatawag na pagkatawag sa akin ng mama mo kagabi agad akong bumiyahe pauwi."

Lumapit siya sa akin at lumuhod ang isang tuhod niya.

"P-pa." Tawag ko pa sa kanya.

Inayos niya ang buhok na nakakalat sa mukha ko. Hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan ako patayo.

Hindi naman umiimik si mama at si ate Stella.

"Ella." Tawag sakin ni papa.

Ngumiti naman ako kay papa.

"Bakit po?"

"Umalis kana."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya.

'Umalis kana.'

Nawala ang ngiti ko sa labi at tumulo na ang luha na kanina ko pa pinipigilan.

Agad ko iyong pinunasan at ngumiti ng mapait sa kanila.

"Ganon ba? Sige. Aalis na ako. Maraming salamat sa inyo dahil pinakain at pinalaki ninyo ako. Maraming salamat din sa mga sugat na binigay niyo." Malamig na sabi ko.

Mabilis na umalis ako sa kwarto ng kambal at pumunta sa kwarto ko para mag impake.

Agad naman akong lumabas ng bahay nang mapansin ko si mama at ate Shiela na nakatingin sa bintana.

Nakangiti sila sa akin at kumaway pa si ate Shiela sa akin.

Tinignan ko lang sila ng walang ekspresyon at nagpatuloy na sa paglalakad dala dala ang maleta at bag ko na malaki.

MIRA

"Ma! Naitabi ko na po yung stall natin. Ako na bahala dito sa mga kalat."

Lumapit si mama sa akin at tinapik ako sa balikat.

"Sige anak. Ako na bahala sa mga hugasin sa loob. Bilisan mo jan ha. Baka malamigan ka."

Tumango nalang ako at nagpatuloy sa pag lilinis.

"Mira."

"May kailangan ka bes? Gabi na ah." Tanong ko kay Ella ng hindi siya tinitignan.

"Mira."

Napatigil ako sa pagliligpit at dahan dahang tumingin kay Ella.

Magulong buhok, namumulang mga pisngi, pati ang mata ay namumula na din, may dugo sa gilid ng labi at ang damit ay gusot gusot. Hawak niya ang isang maletang malaki at may bag na malaki din sa likod niya.

Agad na umakyat ang dugo ko sa ulo nang dahil sa inis at mabilis na lumapit sa kanya.

'Siraulo ang mga yon!'

"What the hell happened?!"

Tinitigan niya lang ako at ngumiti ng marahan.

"Nothing."

Automatic na napataas ang kilay ko at sinamaan siya ng tingin.

"NOTHING?! SA LAGAY NA YAN ELLA?!"

Mahina siyang umiling at tinapik ako sa balikat.

"This is nothing. I came here para sabihin na 1 week akong mawawala. Don't contact me and don't find me."

Nakanganga kong iniprocess sa utak ang mga sinabi niya. Pero dahil siya nga si Ella, I know it's important and she can do it.

Napabuntong hininga nalang ako at tumango.

"Alright. I won't ask you questions. But please take care of yourself. And also, just one week hm?"

Hinawakan ko siya sa buhok at inayos ang mga nakagulong buhok sa mukha niya.

Tumango siya sa akin at niyakap ako.

"One week. I'll be back."

~~~~~~~~~~~~~

Friday na ngayon at hindi pa din nagpapakita si Ella sa amin.

And I'm starting to worry about her. Alam kong kaya niya ang sarili niya. Pero sa pinagdadaanan niya ngayon, malabong malakas pa din ang kalooban niya.

Napasabunot ako sa ulo ko dahil sa sobrang stress ko.

"Ikaw babaita ka masisipa talaga kita pag nagkita tayo." Bulong ko sa sarili at iniuntog ang ulo sa mesa ko.

May kumakalabit sa likod ko pero hindi ko ito pinansin dahil nakakadagdag stress lang.

"Mira. Uy."

Hindi ko naman siya pinansin at nagpatuloy pa din sa pagdukdok sa mesa ko.

"Mira."

"Uy."

"Mira."

Nainis na ako sa pagtawag niya kaya naman agad akong humarap sa kanya na sana ay hindi ko nalang ginawa!

Isang dangkal na lamang ang pagitan ng mukha namin. Kita kong nagulat siya sa ginawa ko.

'Tss. Maski ako nagulat sa kinalabasan nito.'

Tinitigan ko siya ng masama nang hindi pa din siya lumalayo sa distansya naming dalawa.

Halos maduling na ako sa kakatitig sa kanya. Pero parang relaxed pa din siya sa distansya namin.

"Mira."

Agad kong tinulak ang mukha niya palayo sa akin at tumingin sa tumawag sa akin.

Myra.

Nakangisi siyang nagpapabalik balik ang tingin sa aming dalawa ni Jeremy.

Napalihis ako ng tingin at tinago ang mukha ko gamit ang buhok kong nakalugay. Pakiramdam ko ay pulang pula na ako dahil sa nakakahiyang nakita niya.

Pinilit kong pakalmahin ang sarili at tumingin kay Myra ng maayos.

"Bakit Myra?"

Nawala na ang ngisi niya at tumingin sakin ng seryoso.

"Park."

Agad akong nabato sa kinatatayuan ko.

Tumingin ako sa pintuan at napansing umalis na pala si Myra.

Agad akong tumayo at inayos ang mga gamit ko. Lalabas na sana ako sa pinto ng classroom nang may biglang humila sa kamay ko at isinandal ako sa pader.

"Aray! Bakit ba Jeremy?!"

"Hindi pa tayo tapos mag usap." Seryosong sabi niya sa akin habang nakatitig sa mata ko.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Dahil sa sitwasyon ko ngayon, para akong naalisan ng lakas.

"B-bakit ba? Ano bang sasabihin mo?" Pinigilan kong hindi mautal pero tila talagang nawalan na ako ng lakas dahil pati ang labi ko ay nanginginig.

"Si Ella."

Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng yelo dahil sa sinabi niya.

Napangiti ako sa naisip ko.

'Si Ella.'

"Hinahanap pa din namin siya. So if you'll excuse me..." Tinanggal ko ang isang braso niyang nasa kanan ko at umalis sa harap niya.

"I have to go."

Mabilis akong naglakad paalis ng room at dumiretso sa meeting place naming magkakaibigan.

3rd Person's P.O.V.

Walang nagsasalita sa kanilang tatlo. Tila nagpapakiramdaman ang lahat kung sino ang sisira sa katahimikan.

"She's back."

Napayuko ang dalawa dahil sa sinabi ni Myra. Tila iniisip kung ano ang dapat gawin.

"I'm back."

ELLA

"I'm back."

Agad na nag siayos ng tayo ang tatlo at tumingin sa akin.

I smiled at them and spread my arms wide. Pero parang wala silang balak na lumapit at yakapin man lang ako.

Napanguso ako dahil sa tingin nilang tatlo. Nakakunot ang noo at masama ang tingin sakin.

"No hugs?" Tanong ko sa kanila.

Napabuntong hininga naman ako at ngumiti.

"Don't worry. We're fine."

Agad na lumapit si Mira at binatukan ako.

"Tss. I don't care about that." Agad niya akong niyakap at napansin ko nalang na yumuyugyog ang balikat niya.

Umiiyak na pala etong babaeng to sa akin.

"Masyado mo naman akong namiss." Pabiro kong sabi kay Mira.

"Tss. Malay ko ba kasi kung ano ng nangyari sayo. May utang ka pang kwento babaita."