webnovel

Online It Is

(UNDER REVISION) "Sino 'yan?" Nanginginig pero pasigaw na tanong ko sa may tapat ng pinto ngunit wala akong nakuha o narinig na sagot mula sa kabilang bahagi ng pinto. Muling namutawi ang kalabog sa aking dibdib. Shet, wala akong mahihingian ng tulong kung sakaling may mangholdap sa akin, ako lang mag-isa dito sa bahay at dis oras na rin ng gabi, tulog na ang neighborhood sa mga oras na 'to. Bago pa man ako makaisip ng mga karumal-dumal na bagay ay pinindot ko ang video recorder ng phone ko at inilagay ito sa flower vase na malapit sa kinakatayuan ko. Tinakpan ko ito ng mga bulaklak but I made sure na makukunan pa rin ang view sa may pinto, pinahinaan ko rin ang brightness nito para makasigurado. Syempre, if ever na may mangyari sa aking masama ay may maipapakitang ebidensya sa otoridad kapag nag-imbistiga sila. Iba na ang wais sa panahon ngayon duh.  Pagkatapos kong iset-up ang phone at agad rin akong bumalik sa tapat ng pinto at huminga muna ng malalim bago hawakan ang doorknob at dahan-dahan habang pigil hininga ko itong pinihit nang paunti-unti.  At nang tuluyan ko na itong mabuksan ay nakahinga ako ng maluwag dahil puro tunog lang ng mga kulisap ang naririnig ko at wala nama akong kakaibang nararamdaman sa paligi---- "SURPISE!"  "T*NG*N@ MOOOOOOO!" Agad kong tinakpan ang aking bibig nang mapagtanto kung sino ang biglang sumulpot sa harapan ko. Pakiramdam ko'y milyun-milyong bultahe ng ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko nang habang kaharap ang nilalang na nasa harapan ko sa pagkakataong ito. Tila ba'y natutop ang aking bibig at walang lumalabas na boses mula rito. Pati ang aking mga paa ay wari'y nakadikit sa sahig at hindi ko ito maigalaw. A boy full of sweat on his face is smiling in front of me while holding a camera with his right hand and a paper bag in his left hand. My online boyfriend Rigel Petterson is in front of me right now. 

kylnxxx · 若者
レビュー数が足りません
102 Chs

Chapter 8

Chapter 8:

Abby's POV:

"It was sooo tiring. My whole body hurts so much but it's okay kasi worth it naman ang ginawa natin." Inaantok na sabi ni ni Rigel habang nag-iinat ng katawan. Kakatapos lang namin tahiin ang 500 pirasong facemask na ipamamahagi namin sa buong Barangay Asuete. Mabuti na lang ang nagkasya ang mga telang ginamit namin sa paggawa. Buong linggo ay ito ang pinagkaka-abalahan namin kada pagkatapos gumawa ng mga gawain sa rest house at sa resort. Nung una ay nahirapan si Rigel sa pananahi dahil baguhan lamang siya but with proper guide at pagmomotivate ay nakayanan naming makarami.

"Yes, it is. Akalain mo 'yon, may nagawa tayong makabuluhang bagay sa unang linggo natin sito sa Asuete." Parehas kaming humilata sa carpet sa sala ng rest house at sabay kaming nagtawanan na parang mga baliw. "May numero ako ni kapitana, sabihin ko na lang sa kaniya na magbibigay tayo ng facemask para sa barangay." 

"By the way, what's our plan about the incoming event? Sa makalawa na 'yon Abby."

Ang sinasabi niya ay ang kauna-unahang couple event ng Peak-A wherein each pair ay gagawa ng video content about sa kung paano mo gagawing makabuluhan ang buhay or mga maaari mong gawin  para maging mas makabuluhan ang buhay mo during the enhanced community quarantine.

"Wala pa akong idea eh. Pero ikaw, may naiisip ka na bang pwede nating maging strategy? Malaki-laki rin ang cash prize doon." Hindi biro ang makukuha ng mananalo sa event. Maliban sa cash prize ay tataas rin ang rank mo sa leaderboard both individual and couple category. 

"I'm still thinking 'bout it." 

Habang nag-iiscroll ako sa aking newsfeed sa facebook ay iyon na lang ang pagkagulat ko nang magkakasunod ang pag-beep ng phone ko at sunod-sunod ang pag-pop ng notification bar! Hindi ako madalas gumamit ng facebook dahil laging naka-log out ang aking account dito since sa messenger ako mas active. Kapag binubuksan ko ang facebook ko ay may mangilan-ngilang notification pero iba ngayon dahil as in sunod-sunod ang pag-beep, parang walang katapusan! Isinilent ko ang phone ko para hindi nakakahiya kay Rigel.

"What is it?" Tanong niya at saka lumipat ng pwesto, tumabi ito sa akin at tinignan rin ang tinitignan ko sa phone ko.

Andrea Dizon tagged you and 19 others in a post.

Rose Tianan tagged you and 5 others in a post.

Joyce Mejia and 5.6k others commented on the post that you are tagged in.

Jonathan Dizon and 95k others reacted on the post that you are tagged in.

Sa dami ng notifications ay ito lamang ang nakapukaw ng atensyon ko. Nagkatinginan kami ni Rigel at nagkibit-balikat lamang siya.

"Nakita mo na ba 'to?" Tanong ko kay Rigel.

"To be honest, this is also my first time seeing those posts. Like you, I'm not an active user of Facebook."

Pinindot ko ang nasa unahang notification at ito ay naglalaman ng mga larawan naming magkakamag-anak. Mayroong habang naghahanda para sa event at mayroon ding during the event. May nakita akong candid shot wherein nakuhanan kaming dalawa ni Rigel na nagtake ng selfie sa kaniyang camera habang nakawacky. Pawis na pawis ang hitsura dito ni Rigel dahil kakatapos lang niyang magbuhat ng kung anu-ano para sa preparation ng debut at ako naman ay may hawak na bottled water. Kinlick ko ito at nagbasa ng mga comments.

"Owemgiii! They look so good together!"

"I shipppppppp #RigBy"

"Bakit umattend ng debut ng pinsan ni Abby si Rigel? Hmm I smell something fishy."

"Kailan pa sa Pinas si Rigel? Kaya pala hindi siya nagpopost ng kung anu-ano recently dahil nasa Pinas siya."

"Nakakakiliiiiig kaya siguro hindi sila nagpopost ng picture nila dahil gusto nilang magkaroon ng quality time together!"

"The sweetness behind the camera <3."

Nakita kong nakangiti si Rigel habang nag-iiscroll ako ng comments. "Hoy, masyado ka naman atang masaya." Ani ko.

"Of course, who wouldn't be happy if the comments are just so damn amazing? Look, they said that we look good together."

"Sa sinasabi mo parang kinikilig ka ah. Yiee, ikaw ha may HD kas siguro sa'kin noh?"

"Huh? What's HD? High definition?"

"Shunga! Haha Hidden Desire 'yon. Ngayon mo lang nalaman noh?" Sabi ko habang nakangiti ng nakakaloko at mabilis na itinataas baba ang kaliwang kilay.

"Hidden Desire it is then." Ani niya naman habang tumatango.

"Ha?"

"Hatdog. Ouch!" Binatukan ko siya ng wala wala sa oras.

"Ayan, hatdog pa nga. Ikaw Rigel 'wag mo akong mahatdog-hatdog kung ayaw mong putulin ko ang hatdog mo." 

"Heto naman, I'm just kidding okay?" Saka siya humahikgik. Isa ka talagang malaking hatdog Rigel, nakakagigil.

~

Kakatapos lang naming kumain ng tanghalian nang napagdesisyunan naming pag-usapan ang gagawin naming video for the Peak-A couple event.

"So my idea is this. Since I'm kinda good at animation, then we'll be doing an animated short video clip." Inilapag niya ang isang papel na may illustration sa lamesang nasa harapan namin. 

"Okay? Paki-explain kung paano ang gagawin natin."

"We'll be doing a quarantine jingle. Madali lang ang gagawin mo, you just have to compose a jingle about the topic and I'll be doing the animation. And of course, we're gonna insert ourselves in the video. Bale magiging dalawa siya, I'll be uploading the first video na sumasayaw tayong dalawa, so we're not going to use the usual but we we will be doing the duet personally. After that, ikaw ang mag-uupoad ng video ng animated version natin. All in all, ako na ang bahala except sa lyrics ng jingle na gagawin mo so it must be unique okay?" Mahabang paliwanag niya. Actually, hindi ko masyadong naintindihan ang sinasabi niya dahil siguro ay inaantok ako, damn I need to take a nap dahil napahaba ng oras ng pagsusurf ko sa internet kagabi kaya hindi ko namalayan na madaling araw na pala. But one thing is for sure, siya na ang gagawa sa lahat at ako lang sa lyrics ng jingle. Hindi naman pala mahirap eh hihi.

"Hey, are you listening?" Napitlag ako nang yugyugin niya ako. Dang, nakaidlip pa ata ako habang nagsasalita siya.

"Ahh oo naman. Nakikinig ako ng mabuti." 

"Then say back."

"Say back what?" 

"Ano'ng huling salita na sinabi ko?"

"Ko!" Confident na sabi ko with matching taas pa ng kanang kamay na wari'y nasa isang recitation. Napa-tsk at iling naman siya. "Oh bakit, tama naman ah. Iyon ang last word na sinabi mo." 

"I think you should really have to take a nap. Bangag na bangag ka na, tignan mo hitsura oh mukha ka nanamang adik."

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts