webnovel

Online It Is

(UNDER REVISION) "Sino 'yan?" Nanginginig pero pasigaw na tanong ko sa may tapat ng pinto ngunit wala akong nakuha o narinig na sagot mula sa kabilang bahagi ng pinto. Muling namutawi ang kalabog sa aking dibdib. Shet, wala akong mahihingian ng tulong kung sakaling may mangholdap sa akin, ako lang mag-isa dito sa bahay at dis oras na rin ng gabi, tulog na ang neighborhood sa mga oras na 'to. Bago pa man ako makaisip ng mga karumal-dumal na bagay ay pinindot ko ang video recorder ng phone ko at inilagay ito sa flower vase na malapit sa kinakatayuan ko. Tinakpan ko ito ng mga bulaklak but I made sure na makukunan pa rin ang view sa may pinto, pinahinaan ko rin ang brightness nito para makasigurado. Syempre, if ever na may mangyari sa aking masama ay may maipapakitang ebidensya sa otoridad kapag nag-imbistiga sila. Iba na ang wais sa panahon ngayon duh.  Pagkatapos kong iset-up ang phone at agad rin akong bumalik sa tapat ng pinto at huminga muna ng malalim bago hawakan ang doorknob at dahan-dahan habang pigil hininga ko itong pinihit nang paunti-unti.  At nang tuluyan ko na itong mabuksan ay nakahinga ako ng maluwag dahil puro tunog lang ng mga kulisap ang naririnig ko at wala nama akong kakaibang nararamdaman sa paligi---- "SURPISE!"  "T*NG*N@ MOOOOOOO!" Agad kong tinakpan ang aking bibig nang mapagtanto kung sino ang biglang sumulpot sa harapan ko. Pakiramdam ko'y milyun-milyong bultahe ng ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko nang habang kaharap ang nilalang na nasa harapan ko sa pagkakataong ito. Tila ba'y natutop ang aking bibig at walang lumalabas na boses mula rito. Pati ang aking mga paa ay wari'y nakadikit sa sahig at hindi ko ito maigalaw. A boy full of sweat on his face is smiling in front of me while holding a camera with his right hand and a paper bag in his left hand. My online boyfriend Rigel Petterson is in front of me right now. 

kylnxxx · 若者
レビュー数が足りません
102 Chs

Chapter 45.5

Chapter 45.5:

Abby's POV:

"Come on Abby, sabihin mo na."

"Alalahanin mo nga kasi Rigel." Pang-aasar ko pa sa kaniya lalo. Pero siyempre, dapat serious look lang para hindi halatang pinagtitripan ko lang siya.

"My god Abby, ginugulo mo yung utak ko." Stressed na sabi niya.

"Is that a bad thing?"

Nakita kong napamulagat siya sa akin dahil sa sinabi ko. I gotcha!

"O-Of course not! Guluhin mo lang utak ko kahit kailan mo gusto. Besides sanay naman na ako." Kinunutan ko siya ng noo, at pinakitaan ng 'what do you mean bruh?' look.

"Lagi mo kasing ginugulo ang utak ko since five years ago kaya nasanay na ako. Walang araw na hindi ka pumapasok sa utak ko Abby kaya immune na ako." Saka ito kumindat.

"Ha. Ha. Ha. Funny Rigel." I sarcastically said before throwing a tissue on his face.

"Hey, don't litter! Tsk, silly girl." Ani nito bago pulutin ang tissue na nahulog sa lupa.

Nilibre pala ako ni Rigel ng paborito kong Mcdo kanina dahil nabanggit kong nagugutom na ako. Saktong may nakita kaming Mcdo on wheels malapit dito sa pwesto namin kaya sobrang saya ko lang dahil libre akong makakakain nito ngayong gabi.

Maraming binili si Rigel na pagkain, at sa totoo lang ay halos hindi ko na maubos ang inorder niya para sa akin. Yun bang nasa point na ako ng buhay ko wherein, busog na ako pero gusto ko pang kumain dahil masarap yung pagkain. Syempre, hindi mawawala ang McFloat na siyang mas nagpasarap sa pagkain.

"Oh ano, kaya pa ba Abby?" Natatawang tanong ni Rigel at saka may kinuha siya sa buhok ko. "Yung buhok mo, kumakain na rin ng kanin pfft!"

"Mahangin kasi duh. Anyways thanks." Hindi ko rin kasi napansin na nalagyan ng kanin ang buhok ko dahil ang liwanag na nagmumula sa christmas lights sa malapit at ang flashlight ng phone ni Rigel lang nagsisilbing liwanag namin sa ngayon habang kumakain dito sa hood ng kotse niya.

Tama, para nga kaming nagpipicnic.

"Hey, ano'ng ginagawa mo?" Nagtatakang tanong ko nang pumunta siya sa likuran ko at hinawi ang buhok ko.

"Mahangin dito sa pwesto natin so I'm fixing your hair para hindi ka mahirapang kumain." He seriously said. "Do you have something like rubber bands or something that we can use to tie your hair?" Dagdag nito.

"Wala akong dala kaya huwag mo ng ayusin kasi ayos lang naman, I can manage duh. At saka hindi ka naman marunong mag-ayos ng buhok kaya tigilan mo na 'yan."

Muli kong kinagatan ang fried chicken na hawak ko.

"Yes, I don't know how to fix a girl's hair, but I also don't want to see you struggling while eating. So I have no other choice but to fix it for you." Sandali niyang binitawan ang buhok ko. Nakita kong inaalis niya ang neck tie niya.

Wow naman, resourceful ang lolo mo.

"Hindi naman ba 'yan makakalas?" I asked. Soft kasi yung buhok ko, maka dumulas lang yung neck tie lalo na't mahangin pa naman ngayon.

"Trust me, kahit 180 kph pa ang hangin ay hindi maaalis itong neck tie sa buhok mo. I'm good with ties just so you know."

"Edi ikaw na. Pero 'pag iyan nahulog at nawala, hindi ko na kasalanan." Siya ang may gustong ipantali ang necktie eh. "Also, gusto ko lang ipaalala sa'yo na kahit ginagawan mo ako ng pabor ay hindi pa rin tayo okay." I reminded him.

But he just chuckled and said, "Of course, I won't forget about that."

Mabuti naman at nagkakaintindihan kami.

Nang matapos niyang itali ang buhok ko ay sinubukan kong igalaw-galaw ng kaunti ang ulo ko, at tama nga siya, the neck tie won't fall off easily!

Wow, sana all strong.

"I told you, strong 'yan kaya hindi agad-agad mahuhulog." Pagmamalaki niya bago siya umupo pabalik sa hood ng kotse.

"Edi ikaw na. Anyways, ano'ng oras na?" Tanong ko.

"It's almost 11 pm, why? Gusto mo na bang umuwi?"

"Hmm, sakto lang. Kung ihahatid mo na ako edi ayos lang, kung hindi pa naman ay okay lang rin dahil linggo naman bukas at wala akong pasok sa trabaho."

"Ayos lang pala, then if that's the case ay sa bahay ko na lang kaya kita iuwi?"

Agad ko siyang binatukan dahil nanaman sa kalokohang sinabi niya. Lakas niya makasabi ng ibabahay ako eh hindi ko nga alam kung may bahay ba siya o wala. Well, hardworking din naman 'tong si Rigel kahit papaano at maraming sideline dahil nga isa siyang talented na nilalang kaya hindi na dapat ako magtaka if ever na may bahay siya dito sa Pinas.

But I wonder how his house looks like.

"Hey! I'm just joking okay? Of course, pakakasalan muna kita bago kita ibahay--OUCH!" Ayon, binatukan ko ulit. 

"At sino'ng may sabing papayag akong magpakasal sa'yo aber? Paano ka nakasisigurong magpapakasal ako sa isang maeksenang amerikanong katulad mo ha?" Nakapamaywang na sabi ko. 

"Well, I'm pretty sure that you'll marry me because I am fluent in Filipino language. Hindi na natin poproblemahin ang language barrier if ever na magsama tayo." He confidently said. Samantalang ako naman ay hindi makapaniwalang nakatingin lang sa kaniya dahil sa ibinigay niyang rason sa akin.

"Wow Rigel ha, lakas ng amats mo para sabihing may language barrier between us. Hindi ka naman koreano, intsik, o hapon para magkaroon tayo ng language barrier. At saka isa pa, parang sinasabi mong hindi ako nakakaintindi at nakakapagsalita ng english ha."

"I'm just kidding. Look, ang taas nanaman ng kilay mo. Ibaba mo naman, baka mamaya ay maging ganiyan na 'yan habambuhay sige ka." With his thumb, he touched both of my eyebrows and gently massaged it horizontally hanggang sa naramdaman ko na lang na hindi nakakunot ang noo ko at hindi na rin nakataas ang kaliwang kilay ko. "Ayan, much better. Maganda ka naman kahit lagi kang masungit, pero mas maganda ka kapag nakangiti."

"Che! Paanong hindi kukunot ang noo at hindi tataas ang kilay ko kung lagi kitang nakikita? Makita pa lang kita at marinig ko lang ang mga kalokohang lumalabas diyan sa makasalanan mong bibig ay automatic na nandidilim paningin ko." Yung pakiramdam na lagi akong naiinis sa kaniya pero kapag hindi ko naman siya nakikita ay hinahanap-hanap ko ang presensya niya.

Sana ayos ka lang Abby.

Nang matapos kaming kumain ay napagdesisyunan na naming umuwi. At dahil makasalanan ang bibig ni Rigel ay ito lang naman ang kaniyang sinabi, "Iuuwi na kita sa bahay mo bago pa magbago ang isip ko at ibahay na kita ngayon para hindi ka na makawala pa."

Oh 'diba, ang ganda niya lang batukan. Eksena talaga siya kahit kailan.

Habang nasa daan ay naka-receive ako ng isang text mula kay papa.

"K. Take care nak, I love you!" Na nireplyan ko ng isang matamis na "Good night pa! I love you too!" Na may kasamang maraming heart emoji. Tinext ko kasi sila kanina nang makarating kami dito sa Manila Bay na huwag na ako susunduin dahil may maghahatid na sa akin pauwi. Hindi na rin sila nagtanong kung sino ang maghahatid sa akin at yun nga, kakareceive ko lang ngayon ng reply mula sa kanila.

"Thanks." Saad ko nang pagbuksan ako ni Rigel ng pinto ng kotse nang makarating kami sa tapat ng bahay ko. "So ayon, thanks ulit sa pagtreat mo sa akin ngayong gabi ng Mcdo, nag-enjoy ako at nakapag-relax. Kaya bayad ka na sa pag-eksena sa ball kanina." I slightly laughed. I really enjoyed his company for this evening. Alam niyo yon, Stargazing sa Manila Bay habang kumakain ng paborito mong pagkain ay napaka-relaxing lang sa pakiramdam.

"But before you go inside your house, pwede na bang malaman kung ano ang atraso ko sa'yo? 'Cause it's damn confusing me Abby." Pagmamakaawa nito.

Aww, ang cute naman niyang magmakaawa, mukha siyang aso.

"Uh ah! Hindi ko pa rin sasabihin kaya ikaw bahalang umisip. Ciao!" Bago pa siya makasagot ay agad ko na siyang tinalikuran at dumiretso na agad sa loob ng bahay.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts