webnovel

Online It Is

(UNDER REVISION) "Sino 'yan?" Nanginginig pero pasigaw na tanong ko sa may tapat ng pinto ngunit wala akong nakuha o narinig na sagot mula sa kabilang bahagi ng pinto. Muling namutawi ang kalabog sa aking dibdib. Shet, wala akong mahihingian ng tulong kung sakaling may mangholdap sa akin, ako lang mag-isa dito sa bahay at dis oras na rin ng gabi, tulog na ang neighborhood sa mga oras na 'to. Bago pa man ako makaisip ng mga karumal-dumal na bagay ay pinindot ko ang video recorder ng phone ko at inilagay ito sa flower vase na malapit sa kinakatayuan ko. Tinakpan ko ito ng mga bulaklak but I made sure na makukunan pa rin ang view sa may pinto, pinahinaan ko rin ang brightness nito para makasigurado. Syempre, if ever na may mangyari sa aking masama ay may maipapakitang ebidensya sa otoridad kapag nag-imbistiga sila. Iba na ang wais sa panahon ngayon duh.  Pagkatapos kong iset-up ang phone at agad rin akong bumalik sa tapat ng pinto at huminga muna ng malalim bago hawakan ang doorknob at dahan-dahan habang pigil hininga ko itong pinihit nang paunti-unti.  At nang tuluyan ko na itong mabuksan ay nakahinga ako ng maluwag dahil puro tunog lang ng mga kulisap ang naririnig ko at wala nama akong kakaibang nararamdaman sa paligi---- "SURPISE!"  "T*NG*N@ MOOOOOOO!" Agad kong tinakpan ang aking bibig nang mapagtanto kung sino ang biglang sumulpot sa harapan ko. Pakiramdam ko'y milyun-milyong bultahe ng ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko nang habang kaharap ang nilalang na nasa harapan ko sa pagkakataong ito. Tila ba'y natutop ang aking bibig at walang lumalabas na boses mula rito. Pati ang aking mga paa ay wari'y nakadikit sa sahig at hindi ko ito maigalaw. A boy full of sweat on his face is smiling in front of me while holding a camera with his right hand and a paper bag in his left hand. My online boyfriend Rigel Petterson is in front of me right now. 

kylnxxx · 若者
レビュー数が足りません
102 Chs

Chapter 44.5

Chapter 44.5:

Abby' POV:

"Is it too early to go home? Sayang naman ang outfit mo kung maglalakad ka pauwi, tsk, tsk, tsk."

Agad napataas ang kilay ko nang marinig ang boses ng maeksena sa aking likuran.

"Eh paki mo ba? Tsaka hindi naman ako maglalakad kasi may pera naman akong dala pang-taxi--" Oh my gosh!  Where did I put my purse?

"Hmm, as far as I remember, you don't have anything in your hands when you entered the venue. Unless you put the money inside your underwear." Nakangising sabi nito.

"Hoy! Ang manyak mooo!" 

"Who? Me? Ikaw kaya 'tong umalispusta sa labi ko kani-kanina lang. So tell me, sino sa atin ang mas manyak? And besides, masyado naman atang rude na matapos mo akong alipustahin ay bigla ka na lang aalis na parang walang nangyari? Ano yun, kiss and run?"

W-what?!

"Wow! Ang kapal naman ng libag mo sa katawan Rigel! Inalipusta talaga? Grabe naman ang description mong inalipusta, eh ikaw naman 'tong unang humalik!" Dinuro ko siya. Totoo naman eh, kung hindi niya ako hinalikan edi hindi ako mapoprovoke.

"But it was just a smack, unlike what you did na--"

"Shut up Rigel! Hindi ako 'yon duh. So don't say bad words."

"If that was not Miss Abby Dizon, then maybe that was uhh... Mrs. Petterson?"

Pakiramdam ko ay umakyat nanaman ang lahat ng dugo ko sa katawan dahil sa sinabi niya. Kaya tinalikuran ko ulit siya at naglakad palayo.

Pero bago pa ako maka limang hakbang ay naramdaman ko na lang na umangat ako sa ere at karga na pala ako ni Rigel na parang isang sakong bigas!

"Bitawan mo ako Rigel! Ano ba!" Pinagpapalo ko ang matigas niyang likod pero ni hindi man lang ata siya nasaktan ni katiting!

"Ano ba Rigel! Nahihilo na ako!" I tried to move my legs pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya kaya hindi ko maigalaw ang mga ito.

"Letse! Masisilipan ako Rigel kaya bitawan mo na ako!" Fudge, umiikot na yung mundo ko. Langhiya talaga 'tong si Rigel, wala atang balak ibaba ako. Saan niya ba ako balak dalhin at napakalayo naman ata.

"Edi ayos, tutal ako lang naman ang makakakita-- OUCH! Hey stop that!"

"Ayaw ko! Ayaw mo ako ibaba kaya hindi rin ako titigil sa pagkurot sa'yo." Hindi siya nasasaktan sa hampas kaya kukurutin ko na lang siya. Ginigigil niya ako eh.

"Argh! Okay fine, fine, ibaba na kita." Ani nito bago huminto sa paglalakad.

Akala ko ay sa semento niya ako ilalapag, pero naramdaman ko na lang ang pagdapo ng puwet ko sa isang malambot na bagay.

"Nice car huh." Pagsipat ko sa sasakyan niya. Ilang beses ko ng nakitang ginamit niya ito so I guess this is his.

"Thanks." Sagot naman nito at saka isinara ang pinto ng passenger's seat bago siya nagtungo sa driver's seat.

"Hoy, bakit pala ako nandito sa kotse mo? Saan mo ako balak dalhin huh?" Pabirong sabi ko. Alam ko namang hindi niya ako papayagang maglakad pauwi kaya siguradong ihahatid na niya ako pauwi at saka siya babalik ulit dito sa party para syempre ay mag-enjoy.

"Itatanan kita."

Oh sabi ko na---

"What?!"

"Yes, you heard it right. Masyado ka kasing maingay at mapanakit, that's why I think we could make use of those papuntang langit." He cooly said.

"What the hell Rigel?!" Pasigaw na sabi ko. Magsasalita pa sana ako nang bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin kung kaya'y agad kong tinakpan ang bibig ko ng aking mga kamay.

Pero agad din siyang lumayo nang magawa na niya ang pakay niya, ang ikabit ang seatbelt.

Oh sige Abby, kung anu-ano kasi ang iniisip mo.

"Chill ka lang Abby, I'm not gonna take you here. Bibigyan kita ng time para magre--" 

"Shut up Rigel! Nakuuu, konting-konti na lang at puputulan na kita ng dila. Ano ba kasing nakain mo at kung anu-anong kabastusan ang pinagsasabi mo ha?" Gigil na tanong ko.

"Ikaw. Ang sarap mo kasi eh--"

*PAK!*

"Ouch!"

"Masyado ka ng balasubas, dapat ka ng patahimikin. Isang kabastusan pa mula diyan sa bibig mo Rigel ay makakatikim ka ulit, sinasabi ko na sa'yo."

"I love your suggestion~" Anito habang nakahawak sa baba ang kaniyang kamay.

Until I realized what he meant.

"Ouch! Para saan naman 'yang batok mo Abby? Kanina sampal, tapos kurot, ngayon naman ay batok. Yung totoo Abby, are you trying to kill me?" He said while pouting. "But you don't need to do that 'cause I'm just kidding. Pakakasalan muna kita bago natin gawin 'yon. So you don't need to worry." Kumindat pa ito na siyang mas ikinataas ng kilay ko.

~

Habang binabagtas namin ang kahabaan ng EDSA ay narinig kong tumikhim si Rigel.

"What?" Bored na tanong ko.

"A-about what you have said awhile ago. Is that true?" Tanong nito habang nasa daan pa rin ang atensyon.

"Alin do'n?" Jusko Rigel, napakarami ko kayang sinabi kanina.

"The uhh..."

"Ano ba kasi 'yon? Marami akong sinabi kanina."

"You said that you love me--"

"It's a prank." Pagputol ko sa sinasabi niya. "AHHHHHH! OH MY GOSH! Ano ba Rigel, dahan-dahan naman sa pagpreno." Bigla ba namang pumreno, mabuti na lang ay nakaseatbelt ako dahil kung hindi ay wasak na ang ilong ko ngayon.

"It's a prank? But you kissed me back. You don't kiss someone you don't love." Hindi makapaniwalang sabi nito. Itinabi pala niya ang sasakyan.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Duh, sino'ng maysabing ang pwede mo lang halikan ay ang taong mahal mo? Yung iba nga hinahalikan nila yung tao kasi gusto nila, kahit hindi pa nila mahal."

"So you like me?"

"Hindi rin."

"The what?" Hmpft! Frustrated na ang loko.

"Trip ko lang."

Well, that's true. Trip ko lang siyang halikan kanina. As I have said, pinrovoke niya ako at gusto pa ata akong bitinin, kaya siyempre ay hindi ako makapapayag.

"What?!"

"Bakit ba what ka ng what? Kung magmaneho ka na edi nakarating na sana tayo sa bahay."

"And who says that I'm bringing you to your house?" Saka nito pinaandar ang sasakyan.

"What?!" He must be kidding!

"What ka ng what Abby." Aba't! Aaaargh! Walaaaaang hiya ka Rigeeeel! Eksena ka talaga kahit kailan!

Ibalik ba naman sa'kin ang sinabi ko?

"Eksena." Mahinang sabi ko saka siya inirapan kahit alam kong hindi niya makikita ang pag-irap ko.

Pero wala na akong natanggap na response mula sa kaniya maliban sa ngisi niyang nakakainis. Wala talagang kwentang kausap 'to kahit kailan.

*Yawn*

"Rigel, pakigising na lang ako 'pag nakarating na tayo sa bahay ha. Iidlip lang ako." Medyo nananakit kasi ang mga mata ko, napagod ata kakairap kay Rigel.

"Yeah sure."

"Thanks."

~

Pagmulat ng aking mga mata ay nasa sasakyan pa rin ako ni Rigel, pero wala siya dito. Saan kaya siya nagpunta?

Teka, nasaan ba kami? Ang sabi ko ay gisingin niya ako eh.

Lumingon ako sa bintana ng sasakyan at napagtanto kong nasa Manila Bay pala kami. So hindi niya ako idiniretso sa bahay.

Nang tumingin ako sa harapan ng sasakyan ay naroon pala ang hinahanap ko, si Rigel habang nakasandal sa hood ng sasakyan.

Tahimik akong tumabi sa kaniya at sumandal rin sa hood ng kotse. Gosh, ano'ng oras na ba at ang ginaw naman.

Sabagay, -ber months na pala at ilang buwan na lang ay magpapasko na. Ang bilis ng araw, parang kahapon lang ay naglalandian kayo, tapos ngayon hindi na kayo nagpapansinan dahil may iba na siyang kalandian.

Charot!

Pero maiba tayo, ano ba kasing trip nitong si Rigel at naisipang mag-sight seeing dis oras ng gabi. Sabagay, alas nuebe pa lang. Hindi pa masyadong late kung tutuusin.

"So... Bakit dito tayo dumiretso at hindi sa bahay ko?"

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts