webnovel

Online It Is

(UNDER REVISION) "Sino 'yan?" Nanginginig pero pasigaw na tanong ko sa may tapat ng pinto ngunit wala akong nakuha o narinig na sagot mula sa kabilang bahagi ng pinto. Muling namutawi ang kalabog sa aking dibdib. Shet, wala akong mahihingian ng tulong kung sakaling may mangholdap sa akin, ako lang mag-isa dito sa bahay at dis oras na rin ng gabi, tulog na ang neighborhood sa mga oras na 'to. Bago pa man ako makaisip ng mga karumal-dumal na bagay ay pinindot ko ang video recorder ng phone ko at inilagay ito sa flower vase na malapit sa kinakatayuan ko. Tinakpan ko ito ng mga bulaklak but I made sure na makukunan pa rin ang view sa may pinto, pinahinaan ko rin ang brightness nito para makasigurado. Syempre, if ever na may mangyari sa aking masama ay may maipapakitang ebidensya sa otoridad kapag nag-imbistiga sila. Iba na ang wais sa panahon ngayon duh.  Pagkatapos kong iset-up ang phone at agad rin akong bumalik sa tapat ng pinto at huminga muna ng malalim bago hawakan ang doorknob at dahan-dahan habang pigil hininga ko itong pinihit nang paunti-unti.  At nang tuluyan ko na itong mabuksan ay nakahinga ako ng maluwag dahil puro tunog lang ng mga kulisap ang naririnig ko at wala nama akong kakaibang nararamdaman sa paligi---- "SURPISE!"  "T*NG*N@ MOOOOOOO!" Agad kong tinakpan ang aking bibig nang mapagtanto kung sino ang biglang sumulpot sa harapan ko. Pakiramdam ko'y milyun-milyong bultahe ng ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko nang habang kaharap ang nilalang na nasa harapan ko sa pagkakataong ito. Tila ba'y natutop ang aking bibig at walang lumalabas na boses mula rito. Pati ang aking mga paa ay wari'y nakadikit sa sahig at hindi ko ito maigalaw. A boy full of sweat on his face is smiling in front of me while holding a camera with his right hand and a paper bag in his left hand. My online boyfriend Rigel Petterson is in front of me right now. 

kylnxxx · 若者
レビュー数が足りません
102 Chs

Chapter 33.5

Chapter 33.5:

Abby's POV: 

"Depression. Her showbiz boyfriend broke up with her, at 'yon rin ang panahon kung kailan ako nakipag-break sa kaniya kaya parang double kill ang nangyari. Hindi ko alam na nag-break sila kasi they were always been so good kahit walang namamagitan sa kanila, wala ring nabanggit sa akin si Anie na nag-break sila. Their relationship was pure showbiz para do'n sa lalaki, but for her, totoo ang nararamdaman niya para doon sa showbiz boyfriend niya. Masakit mang isipin dati pero alam kong mas mahal niya ang showbiz boyfriend niya kaysa sa akin during that time. Kaya hindi ko rin ineexpect na magbubunga ang isang gabi."

I was speechless.

Hindi ko alam na gan'to pala kalalim ang nakaraan ni Rigel at ng ex niya. 

Hindi ko naman pwedeng ijudge si Anie dahil sa nalaman ko tungkol sa kaniya. Yung mga narinig ko mula kay Nich, maliit na parte lamang 'yon ng buhay niya. Hindi ko alam ang buong istorya kaya hindi ko siya dapat husgahan, kahit gustong gusto kong ibunton sa kaniya ang lahat ng sisi dahil sa nangyayari.

So bale dalawa ang jowa ni Anie that time, yung showbiz boyfriend niya at si Nich. Yung showbiz boyfriend niya ay pure showbiz ang tingin kay Anie, pero si Anie ay totoo ang nararamdaman nito doon sa lalaki. Then there was Nich na non-showbiz boyfriend niya na mahal na mahal siya pero hindi nito naaappreciate si Nich dahil nasa showbiz boyfriend ang atensyon niya. Tapos noong nakipag-break yung showbiz boyfriend niya sa kaniya ay saktong nakipag-break din sa kaniya si Nich so nadepress siya to the point na hindi na niya pinaalam ito kay Nich dahil sa guilt na nafifeel nito sa nagawa niya. Ngayon lang ulit siya nagpakita for some apparent reason. Am I correct self?

"Ahh I see. I get your point. But what is her reason kung bakit ngayon lang siya nagpakita sa'yo ulit?"

"Gusto niyang makipag-balikan sa akin--"

"What?" Gulat na tanong ko.

"But babe mayroon akong ikaw kaya hindi ako pumayag na makipag-balikan sa kaniya. Susuportahan ko ang anak namin pero sa'yo pa rin naman ako babe. Mahal na mahal kita babe kaya pumayag akong sumama sa kaniya dito." Nagsusumamong sabi niya, tinangka niyang hawakan ulit ang kamay ko pero ako na ang kusang naglayo nito para hindi niya mahawakan.

"At ano nanaman itong sinasabi mong kaya ka sumama dito sa kaniya? Alam mo Nich hindi na kita naiintindihan, paiba-iba ang direksyon ng kuwento mo. At habang nagkukwento ka ay mas lumalawak ang sakop ng kwento. Yung totoo Nich, pinagloloko mo ba ako?" Nagsisimula na ulit mamuo ang luha sa aking mga mata.

"Ano pa ang hindi ko nalalaman Nich? Pwede bang sabihin mo na ang lahat? Kasi hindi ko na naiintindihan ang flow ng kwento mo, naguguluhan na ako ng sobra. L-Lahat ba ng naging usapan natin simula nang umuwi ako ng Pinas ay totoo? Totoo bang nasa trabaho ka? Totoo bang inextend ang project mo? Totoo bang nasa Texas ka? Sabihin mo na Nich ang totoo para isang bagsakan na lang yung sakit, huwag mo ng unti-untiin. Tutal nasaktan na ako, edi go lang! Nasaktan mo na ako Nich, huwag mo ng ireserve para sa next time ang tinatago mo sa akin. Ano pa ang hindi ko alam? Please Nich, ang sakit sakit na ng pakiramdam ko, ang sakit na ng puso ko." Kung para sa iba ay may pipiliin nila ang paunti-unting sakit, para sa akin naman ay mas gusto ko ang isang bagsakang sakit.

Isang bagsakan para isang sakitan na lang din. 

"Pinagbantaan niya akong ipagkakalat niyang inagaw mo ako sa kaniya kahit na alam mong may anak kami kaya ko siya iniwan--""

"That's b*llsh*t Nich! T*ng*na naman Nich, ang laki mong tao, ang laki din siguro ng bayag mo pero natakot ka sa pagbabanta lang ng isang babae? Eh ano naman kung ipagkalat niya? Hindi ako bata para matakot sa pananakot ng kalaro. Hindi rin ako isang brat na magtatago sa palda ng nanay ko dahil inaapi ng kalaro. Hindi ako gano'n Nich, my gosh! Kung ipagkakalat niya edi ipagkalat lang niya yung kasinungalingan niya. Kaya ko siyang harapin Nich, kaya ko siyang labanan kung 'yon ang gusto niya. Kaya kong ipaglaban ang sarili ko Nich. Wala ka bang tiwala sa akin?" Oo boyfriend ko siya, pero hindi naman ibig sabihin no'n na dedepende na lang ako sa kaniya parati. Hindi ako isang damsel in distress para sagipin ng isang knight in shining armor, kaya ko ang sarili ko. Lalo na't wala namang katotohanan ang sinasabi ni Anie.

Halatang nagulat si Nich sa sinabi ko. His eyes are so wide open na parang may sinabi akong nakakagulat.

Wait--

Nang napagtanto ko ang sinabi ko ay palihim kong kinurot ang sarili ko.

T*ng*n@ Abby?! Saan mo nakuha ang bayag? What the hell self?!

"Hindi ako natakot sa banta niya babe, natakot ako sa mga kaibigan niyang sindikato na nakabantay sa lahat ng kilos mo. Isang maling salita at kilos ko lang ay handa silang kalabitin ang gantilyo ng baril sa kahit anumang oras na nanaisin ni Anie. Hindi ko hahayaang mangyari 'yon babe--" Hindi na niya naituloy ang sinasabi niya dahil bigla siyang pumiyok at bigla na lang umiyak sa kaniyang mga palad. 

Is he breaking down in front of me?

"Nich..." Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko sa mga oras na 'to. Parang nakapako ako sa aking pwesto.

Ilang segundo lang siya sa gano'ng posisyon pero wala man lang akong ginawa. Ito ang unang beses na umiyak sa harapan ko si Nich. Siya yung tipo na kayang ngumiti pa rin kahit nasasaktan na, lalo na noong panahong nanliligaw siya. Kahit lagi ko siyang finifriendzone ay ngingiti lang siya at sasabihing ayos lang dahil hindi siya susuko.

Hanggang sa tinanggal na niya ang kaniyang mga palad sa kaniyang mukha saka ako hinarap pero hindi niya pinupunasan kaniyang mga luha, patuloy lang ito sa pagtulo.

"I-I love you so much babe, kaya kong gawin ang lahat para sa'yo huwag ka lang mapahamak. Kahit na nagkabalikan na kayo ni Rigel."

*Pak!*

"Babe--" Nagulat siya sa ginawa ko. Maski ako ay nasaktan dahil sa pagdapo ng palad ko sa makinis niyang mukha. Wala eh, bigla akong nanggigil. Ayaw ko siyang saktan pero hindi ko na talaga napigilan.

"What the f*ck Nich?!" Kanino naman niya nasagap ang balitang 'yan?

"May pinakita sa aking mga larawan si Anie, ikaw ang nasa larawan at kasama mo si Rigel sa mga iyon."

Aray.

"Naniwala ka naman?" Nagsisimula nanamang tumulo ang mga luha ko. Ano ba 'yan, wala na bang katapusan 'tong pag-iyak ko? 

"S-So hindi pa kayo nagbabalikan--"

*Pak!* 

Ayon, sinampal ko ulit. 

"Ang sakit dito babe, ang sakit-sakit." Madiin kong itinuro ang dibdib ko. "Girlfriend mo ako Nich, pero bakit parang wala kang tiwala sa akin? I'm sorry dahil hindi ko sinabi sa'yong nakakadaupang palad ko si Rigel. Hindi ko sinabi sa'yo dahil trabaho lang naman 'yon, hindi ko sinabi sa'yo dahil wala ka naman ng kailangang ipag-alala kasi boyfriend kita." Kahit pumiyok ako ay ipinagpatuloy ko pa rin ang sinasabi. 

"Sana man lang ay nagtanong ka sa akin bago ka nag-jump into conclusion."

"Hindi ako naniwala noong una babe--" Again, I cut him off.

"Pero naniwala ka pa rin sa huli." Mapait kong sabi bago ako tumayo.

Base sa mga sinabi ni Nich ay may mata si Anie na nakabantay sa lahat ng kilos ko. Kaya sigurado akong ginamit niya ang pagkakataong magkasama kami ni Rigel para ipakita kay Nich. At sigurado din akong 'yon ang dahilan kung bakit sila nandito. Gustong palabasin ni Anie kay Nich na nagkabalikan kami ni Rigel kaya sinundan nila kami dito.  At naniwala naman agad itong si Nich nang mapatunayang magkasana nga kami dito sa Maui ni Rigel. Hindi ako tanga para hindi marealize ang bagay na 'yon. 

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Nich nang magsimula akong maglakad. "Hindi ka naman nakikipag-break sa akin babe 'diba?" Medyo paos na may halong pagmamakaawang tanong niya.

Sandali akong huminto, "Mag-reready na ako, mamayang alas sais ang flight ko pauwi ng Pinas." Bumuntong hininga ako, "Hindi ko alam Nich, hindi ko alam. Bigyan mo ako ng panahon para makapag-isip, ikaw rin, kailangan mong mag-isip. We both need space for now." Matabang na sabi ko bago tuluyang lisanin ang beach.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts