webnovel

ONE SHOTS [tagalog]

daltsuki · 若者
レビュー数が足りません
21 Chs

[17] ACCEPT ME?

[17] ACCEPT ME?

"Hello." napatigil ako sa pagkain ng biglang may sumulpot na isang lalaki sa harapan ko, "U-Uhm. Xandria, right?" bakas sa boses nito na nahihiya s'ya.

Napakurap akong nakatingin sa kaniya. Napahawak s'ya sa batok n'ya at saka s'ya yumuko, "Ano kasi.. Pansin ko lang na palagi kang nag-iisa. P-P'wede ba akong maki table? At saka wala na ding bakante." inangat niya ang tingin sa'kin.

Tahimik lang akong nakatingin sa kaniya, inoobserbahan ang kilos n'ya. Ilang sandali kong ginagawa 'yon. He felt uneasy, I know, "Okay l-lang naman kung--"

"Okay." tanging sagot ko at pinagpatuloy ang pagkain.

"Talaga?" I can already imagine his eyes being round. Hindi ako umimik at patuloy parin sa pagkain. Umupo s'ya sa harap ko at nilipag ang tray n'ya na naglalaman ng pagkain n'ya.

Walang umimik sa aming dalawa, wala akong balak na magsalita. Wala din naman akong sasabihin sa kaniya dahil hindi ko naman s'ya kakilala.

"Bakit palagi kang nag-iisa?" hindi ako sumagot. "Uhm. Alam mo ba? Dati palagi din akong nagiisa but I tried to be friendly, wala naman palang masama kung magiging palakaibigan ka. Try mo. Baka magkaroon ka din ng kaibigan. Napapansin ko kasi na wala kang kaibigan, eh."

Akala ko magiging mapayapa at tahimik ang lunch ko pero patuloy s'ya sa pagsasalita at pagke kwento.

"Alam mo ba? Classmate kita since high school?" napaangat ang tingin ko sa kan'ya at napakunot ang noo, nagtataka. "Hindi mo alam?" hindi makapaniwalang tanong nito sa'kin.

Umiling ako at saka tumayo. "T-Teka.." inayos nito ang pinagkainan n'ya, "Tapos kana? Sandali!" hinabol n'ya ako, nakisabay sa mga yapak ko. "Sabay na tayo. Classmates naman tayo, eh." ngumiti ito sa'kin. "Sa tagal nating magkaklase hindi talaga ako makapaniwala na hindi mo alam?" hinayaan ko nalang s'yang mag kwento kwento habang nakikisabay sa'kin, "Ano bang nangyari? May kaibigan ka naman dati. Alam mo? Hmm. Mga tatlong beses pa lang yata kita nakitang may kasama. 'Yung una si Anthony, oh! 'Diba naalala ko pa. Iyon 'yung sikat na basketball player dati 'diba? Isang beses mo lang s'ya nakasama. Baka hindi sanay na may kaibigang tahimik. Sobrang ingay kaya ng tropa non. Pero namatay na daw 'yun? Grabi. Ang bata pa n'ya." napatigil ako sa paglalakad kaya napatigil din s'ya, takha s'yang nakatingin sa'kin. "Bakit? Ah. Siguro nakalimutan mo na kung sino 'yun. Baka pati 'yung dalawang lalaki din na isang beses mo ding nakasama? Ang rinig ko manliligaw daw sa'yo 'yung mga 'yon." nagpatuloy ako sa paglalakad. "Pero patay na din daw. Ewan ko kung ano kinamatay. Ayaw ipagsabi ng pamilya, eh." nakagat ko ang pangibabang labi ko para pigilan ang pagkurba ng ngisi sa labi ko. "Naiisip ko nga na baka may sumpa ka, eh." sabi n'ya at sinundan ng tawa. "Syempre biro lang."

Nasa room na kami. Pinauna n'ya akong pumasok bago s'ya sumunod. Totoo palang kaklase ko s'ya. Hinatid n'ya ako hanggang sa upuan ko habang ang iba naming classmates ay nagtatakha.

Umupo ako sa upuan ko, "Pero, Xandria. May aaminin ako sa'yo." dumukdok ako. "Matagal na kitang gusto." bulong nito sa'kin napaangat ako ng tingin sa kaniya, "Maganda ka naman, mukhang harmless kaya hindi ko maintindihan kung bakit wala kang kaibigan." itinagilid ko ang ulo ko habang nakatingin sa kaniya. S'ya na kaya ang taong tatanggap sa buo kong pagkatao? Napakurap ako nung ngumiti s'ya, "So please.. Let me court you." umayos ito ng tayo at nilagay ang kamay sa bulsa n'ya, "I know, biglaan itong confession ko. Pero.. I'm serious, okay?" hindi parin ako umiimik at inoobserbahan parin ang kilos n'ya, "I'll get your answer later. Mukhang gulat ka pa at hindi makakapag bigay ng sagot." tumalikod ito at nagsimulang humakbang upang maglakad papalayo pero nagsalita agad ako.

"Okay."

Humarap ito sa'kin at nanlalaki ang mata n'ya, "H-Ha? Pumapayag ka?" gulat na tanong nito sa'kin. Kumunot ang noo ko at tumango. Napasinghap ito. Dumukdok ulit ako. "Salamat, Xandria! I promise, I'll show you that I'm really serious about you. Thank you for giving me a chance."

————

"Xandria!" hinabol ako nung lalaking hanggang ngayon ay hindi ko parin alam ang pangalan. S'ya 'yung lalaking nakisabay sa'kin na kumain kaninang lunch at 'yung kwento ng kwento.

Tumigil ako sa paglalakad nung makalabas na kami ng gate. "Hatid na kita pauwi."

"Alam mo ba kung saan ako nakatira?" tanong ko sa kan'ya. Napakurap at napaawang ang labi n'ya bago yumuko at hinawakan ang batok n'ya.

"Hindi. Hehe." nahihiyang sabi nito sa'kin.

"Alam mo bang pwede na kitang sagutin ngayon mismo?" naiangat n'ya ang paningin sa'kin, nanlalaki ang mata n'ya. "Pero sa isang kondisyon."

"H-Ha? Eh. Hindi mo naman ako kailangan na sagutin ngayon. Kaya kong maghintay."

"Doon din naman ang punta non. At saka. Hindi naman agad tayo magpapakasal. Magiging mag on lang tayo."

Sandali s'yang napaisip, "Baka naman tinatry mo lang kung papayag ako? Nako h'wag na, Xandria."

Umiling ako, "Bahala ka." tumalikod ako at nagsimulang maglakad papalayo sa kan'ya.

"T-Teka. Xandria, nagtatampo kaba? Sige na nga ano ba 'yang kondisyon mo? Kahit ano pa 'yan pero hindi mo kailangan na sagutin agad ako."

Napatingin ako sa kaniya nung hawakan n'ya ang balikat ko. Binitawan naman n'ya 'to. Napahinto ako sa paglalakad dahil sa ginawa n'yang pagtigil sa'kin.

Ngumiti ako at napatulala s'ya sa ginawa ko dahil siguro ngayon lang n'ya ako nakitang ngumiti?

"A-Ano 'yung kondisyon?"

I shrugged tapos tinanggal ang ngiting nakaukit sa akin labi, "You just need to accept me. For who I am and what I am."

Napahinga s'ya ng maluwag, "Iyon lang pala, eh! Of course, Xandria." he smiled.

'Tsk liar.' nasabi ko nalang sa isip ko, 'pero sana nga totoong kaya n'ya akong tanggapin.'

"Hatid mo ako pauwi and.." tumalikod ako sa kaniya, "Be ready to meet my parents."

"What? ha? Meet the parents agad. Wait wait." bakas sa boses n'ya ang pagkagulat. Kunot ang noong lumingon ako sa kaniya. Malalim s'yang humihinga at ibinubuga ito. Inayos din n'ya ang uniform n'ya. "Tara na." ngumiti ito at nauna na maglakad.

Kunot noo parin aking nakatingin sa kan'ya habang dire diretso siyang naglalakad at tumawid pa. Lumingon s'ya sa'kin at napahinto nung makitang nakatingin lang ako sa kan'ya at hindi sumusunod.

"B-Bakit?" sigaw niya dahil malayo layo na s'ya sa'kin, "Tara na bilis!"

Napabuntong  hininga na lamang ako at napailing. Naglakad ako at lumiko. Tumakbo naman agad s'ya papalapit sa'kin. "Hindi mo sinabi na dito pala daan." nakangusong pagmamaktol n'ya. Hindi ako umimik at patuloy na naglalakad. "Hindi mo man lang ba ako susuyuin? Hoy nagtatampo ako."

"Suyuin mo na kasi ako.."

"Hindi kita pansinin!"

"Bahala ka sa buhay mo hmp."

Siya lahat 'yan. Hindi ako umiimik.

Napabuntong hininga ito, "Sige. Pinapatawad na nga kita! Pasalamat ka mahal kita."

"Nga pala, Xandria. Lahat ba nang naging manliligaw mo ganito din ginawa mo? I mean meet the parents agad?" tumango lang ako sa tanong niyang iyon. "Woah. Talaga? Edi madami ka na naging jowa? Ex?" umiling ako pumunta s'ya sa harapan ko at nagjogging paatras, "Eh? Bakit naman? Hala baka natakot sa parents mo?" nanlaki ang mata n'ya. Nagkibit balikat lang ako.

Nagpatuloy s'ya sa pagtatanong sa'kin habang ako ay panay lang ang pag tango at iling. Hanggang sa makarating kami sa bahay ko. Pinapasok ko s'ya at agad niyang nilibot ang kaniyang paningin sa paligid habang umiikot. Parang bata.

Pumasok ako sa kwarto ko at sumunod naman s'ya. Hinayaan ko lang s'ya. Pero agad s'yang napaatras papalabas nung makitang kwarto ko iyong pinasukan n'ya at isinara n'ya ang pintuan. Hinubad ko ang school uniform ko at nagbihis ng komportableng damit.

Lumapit ako sa study table ko at kinuha ang isang USB na nakapatong doon at saka ako lumabas ng kwarto ko. Nakita ko s'yang nakaupo sa sofa pero agad s'yang napatayo nung makita ako at saka awkward na ngumiti. "Ang tahimik dito, ah? Where's your parents?" takhang tanong nito.

"Nandyang lang 'yun sa tabi tabi. Gabi na. Kumain muna tayo." aya ko sa kan'ya at dumiretso sa dinning area.

Sumunod naman s'ya sa'kin at umupo s'ya sa isang upuan. Naghanda ako ng pagkain na niluto ko kanina bago ako pumasok sa school.

"'Yung parents mo? Hindi mo ba aayaing kumain?"

"Kakain 'yun kung nagugutom sila. Hayaan mo na."

"Eh. Nasaan ba sila? Ako na tatawag sa kanila upang makasabay sa pagkain. Points na din."

Pabagsak kong ibinaba ang kubyertos na hawak ko at masama s'yang tinignan, natahimik naman s'ya, "Tulog ang mga 'yon. Ayaw mo naman siguro silang magising, 'diba?" makahulugang sabi ko sa kan'ya at muling hinawakan ang kubyertos upang magsimula na kumain.

Tumango s'ya at tahimik na nagsimula na ding kumain.

————

Natapos kaming kumain at nandito kami ngayon sa sala. Nakaupo s'ya sa sofa sa harap ng TV. Ngumiti ako sa kan'ya, "Ngayon. Dito ko malalaman kung tanggap mo nga ba talaga ako. Kung kaya mong magstay sa'kin." isinaksak ko ang USB na kinuha ko kanina sa lamesa sa kwarto ko, "I'll ask you again, can you accept me?" tumango ito kaya ngumiti ako kahit sa isip isip ko ay alam kong hindi n'ya makakayang tanggapin ako, "What's your name?"

Umupo ako sa tabi n'ya at kinuha ang remote control, "Liam." tanging sagot n'ya, tila kinakabahan s'ya sa inaakto at sinasabi ko, nagtataka.

Itinapat ko ang remote sa TV at saka iyo pinindot upang bumukas ito. May kinuha ako sa ilalim ng unan na nasa sofa habang nakatitig s'ya sa TV.

Gulat s'yang napatingin sa'kin ng isinuot ko sa pulso n'ya ang kabilang parte ng handcuffs habang ang kabila ay nakasuot sa'kin. Napakurap s'ya pero ngumiti lang ako. "Manood ka."

Gamit ang kabilang kamay ay may pinindot ako sa remote control upang magplay ang mga video na laman ng USB na isinaksak ko sa TV.

Tawa ako ng tawa sa laman nito. Sa video na nakaplay ngayon sa TV. Pero nakagat ko ang labi ko at nagsalubong ang kilay nung makita si Liam na nanlalaki ang mata, nakatulala at namumutla.

Ito na nga ba ang sinasabi ko, palagi nalang ganito ang nangyayari tuwing may bumabalak na manligaw sa'kin.

Nakaramdam ako ng galit. Galit na galit ako. Dahan dahan at pasimple kong tinanggal ang pagkaka kabit sa'kin ng handcuffs at isunuot ito sa hawakan ng upuan bago ako tumayo at nanginginig sa galit na nakatingin kay Liam. "You're. A. Liar." kinuha ko ang camera ko at isinuot sa leeg ko.

Napalunok ito bago tumayo at sinubukang tumakbo pero gulat nalang s'ya nung makitang nakakabit ang kabilang dulo ng handcuffs sa upuan.

"X-Xandria. Hindi na ako n-natutuwa. T-Tumigil ka. Have you gone mad?" umiling iling pa ito pero tumawa lang ako.

"See? Hindi mo ako tanggap! Hindi mo ako kayang tanggapin! HINDI N'YO AKO KAYANG TANGGAPIN!"

Sigaw ko at inilabas ang kutsilyong nakatago sa likod ko. "Tumigil ka! Sisigaw ako. Sisigaw ako."

Lumapit ako sa kan'ya, "Wanna meet my parents?" nababaliw kong tanong sa kan'ya at saka tumawa.

"NABABALIW KANA! BALIW KA NA! BALIW BALIW BALIW! YOU'RE DAMN INSANE! LET ME DAMN GO!"

Naginit ang ulo ko sa isinigaw n'ya, "HINDI AKO BALIW!"

"YOU'RE CRAZY! BALIW KA BALIW!"

Nagdilim ang paningin ko. I just saw myself stabbing Liam repeatedly, he's helpless. "I'm not insane." sinaksak ko s'ya sa tiyan n'ya, "I'm not mentally unstable." I stabbed him in his legs "I'm not crazy." nanginginig ako sa sobrang galit habang sinasaksak ang dibdib n'ya.

Tinanggal ko ang pagkakabit sa kan'ya ng handcuffs at saka kinaladkad ang walang buhay na si Liam papunta sa basement.

Binuhat ko ang katawan n'ya at saka s'ya ibinalibag sa lamesang gawa sa semento. Kumuha ako ng itak at tinaga ang leeg n'ya. Sumirit ang dugo mula dito. Paulit ulit ko iyong ginawa hanggang sa humiwalay ang ulo n'ya mula sa katawan n'ya. Sumunod ay maingat kong sinaksak ang kaliwang dibdib n'ya pabilog. Noong makita ko ang puso n'ya ay maingat ko itong kinuha at pinisil. Kinuha ko din ang ulo na gumulong sa sahig. Inilapag ko ang ulo n'ya kasama ang ulo pa ng ibang tao at ang puso n'ya ay inilagay ko sa isang babasaging garapon. Kumuha ako ng dalawang papel at isinulat parehas ang pangalang 'Liam' gamit ang sarili n'yang dugo at saka ito idinikit sa garapon at sa noo n'ya.

Jar of hearts, eh? But, literally a heart.

Dumikit at tumigas na ang dugo n'ya saking damit at katawan. Umatras ako at pinagmasdan ang mga koleksyon ko na para bang nasa isa akong museum. Hindi ko mapigilang humalakhak sa hindi ko malamang dahilan pero agad din akong napatigil nung makaramdam nanaman ako ng galit. Napatulala ako.

All I want is to be accepted.

———

Akane Daltsuki