[13] KUYA, PASAKAY
"Look, oh." sabi ni Kara at kinikilig na tinuro ang isang lalaki sa labas na para bang may hinahantay. "Ang gwapo mga bes!" impit na tili nito.
"Oo nga. Omg mga bes. Pero mukhang may girlfriend, eh?" sabi naman ni Shane.
"Eh? Paano mo naman nasabi?" sabat ni Thea.
"Oo nga, Shane?" dagdag ni Kara.
"Look oh. Parang may hinihintay s'ya?" sagot ni Shane.
"Oo nga 'noh?" pag agree ni Thea.
"Ano ba guys. Baka naman kapatid n'ya sinusundo n'ya." irap ni Kara.
Patuloy silang nagbabangayan hanggang sa makalapit kami sa lalaki. Biglang bumulong sa'kin si Kara, "Psst, Shamine. Kausapin mo nga. hihi. Pasakay kamo sa sasakyan n'ya."
Nanlaki ang mata ko at kumurap kurap na itunuro ang sarili ko. "Ako?" takhang tanong ko.
"Oo na sige go." cheer n'ya sa'kin. Sila Thea at Shane naman ay nagpuppy eyes.
Napabuntong hininga na lamang ako. Hindi ko talaga matitiis bestfriends ko.
Dahan dahan akong lumapit sa gilid ng lalaking naka shades. "Psst. Kuya." tumingin ito sa'kin at tinanggal ang shades. Kumunot ang noo nito, nagtataka sa inaakto ko. "Kuya, pasakay." napakurap ito at lumapit sa'kin. Tinaas n'ya ang isang kilay n'ya.
"Ano?"
"I mean. Pasakay po sa sasakyan mo." nakagat ko ang pang ibabang labi ko. Ramdam kong bumilis ang tibok ng puso ko.
Nanlaki ang mata ko ng binuksan n'ya ang sasakyan, "Sakay." sabi nito. Napalunok ako at napakurap. Naramdaman ko ang pag init ng magkabilang pisngi ko.
Napatingin ako sa tatlo kong kaibigan na ngayon ay nakanganga at nakatulala.
"Ano pang hinihintay mo?" tila naiinip na sabi ng lalaki.
Napaatras ko pero lumapit s'ya sa'kin. "Joke lang po, kuya. Susunduin ako ng boyfriend ko. Sige bye po!"
Tatakbo na sana ako papalayo sa kan'ya pero agad n'yang nahila ang bag ko kaya napabusangot ako.
Tumingin ako sa tatlo gamit ang matang nanghihingi ng tulong.
"H-hoy uhm. That's kidnapping po!" kinakabahang sabi ni Kara. Kita ko ang pagkunot ng noo ng lalaki.
"Oo nga po!" sabi naman ni Thea.
"Ipapakulong ka po namin!" dagdag pa ni Shane. Mas lalong napakunot ang noo ng lalaki.
Napailing na lamang ako at napahawak sa noo ko.
Tumingin ito sa'kin at napabuntong hininga na lamang. "You haven't introduce me to them?" kumurap lang ako. Napabuntong hininga ulit s'ya, "I'll introduce myself, then." humarap ito sa tatlo. "I'm Kailo Vertel, Shamine Jamine Jensen's boyfriend." tumingin ito sa'kin, "Tinotopak ka na naman. Kakasagot mo lang sa'kin kahapon 'diba?" napanganga ang tatlo at hindi makapaniwalang nagpalipat lipat ng tingin sa'min ni Kailo. Nag peace sign lang ako sa kanila.
Tumingin ako kay Kailo at ngumiti, "Hehe." sabi ko na lamang.
"Kanina pa kita hinihintay. Ihahatid na kita sa inyo. Sumakay kana." nilapit nito ang labi n'ya sa'king tainga, "Baka mamaya sa iba ka pa sumakay." bulong nito.
Napalunok ako at nag-iwas ng tingin.
———
Akane Daltsuki